Home / All / Unwed Mother / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Unwed Mother: Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Chapter 21

DAHIL sa takot na baka lumapit sa akin si Ryker ay nagmadali akong umikot sa driver's seat. Bubuksan ko na sana ang pinto niyon nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Awtomatiko akong napatingin kay Ryker at nakita ito na naroon pa rin sa di kalayuan. Nakatapat ang cellphone sa kanyang tenga. "Inari," bungad niya nang sagutin ko ang tawag. Hindi ako sumagot pero mayroon sa loob ko na gustong malaman kung ano mang sasabihin niya. "Nagsisisi ako sa nagawa ko. Sa lahat lahat, Inari.” Nabasag ang boses niya. "Alam kong mahirap paniwalaan pero totoong minahal ko si Bennett na parang tunay kong anak. At hindi ko intensyon ang saktan ka, kayo ni Bennett."  Napatungo ako nang maramdaman ang pagpatak ng luha ko at mahigpit na humawak sa pinto ng kotse habang patuloy siya pagsasalita. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya, at kusa iyong tinatanggap ng puso ko.  "Mahirap man pero sana mapatawad mo ako. Wala akong ibang hiling kung 'di ang kaligayah
last updateLast Updated : 2021-05-22
Read more

Chapter 22

NAKARATING kami sa isang fast food restaurant kung saan ko sinabing magkita kami ni Ryker. Maraming tao roon katulad ng bilin ni Atty. Huerto.    Nasa sasakyan pa lang ay nakita ko na si Ryker na nakaupo sa pang-apatang table malapit sa glass wall. Kumpara sa huli naming pagkikita ay maayos na ang itsura niya. Bagong gupit ang buhok at bagong ahit.    Nilingon ko si si Bennett na nasa tabi ko at nakitang nakatingala siya sa akin habang inosenteng nakatitig sa akin. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Sa isang kamay ay hawak pa rin ang laruang bigay ni Ryker.   "Narito na si Papa. Handa ka na bang makita siya ulit?" nakangiti kong tanong. Tanging tango lang ang isinagot niya roon.   
last updateLast Updated : 2021-05-23
Read more

Chapter 23

"CALM down, Inari, please!"   Hindi ako natinag sa nananaway na boses ni daddy. Patuloy akong nagpauli-uli sa harapan nila habang nginangatngat ang aking kuko. Nahinto lang ako nang lapitan ako ni mommy at pilit na pinaupo sa bench na naroon sa hallway ng ospital kung saan sila nakaupo ni daddy.    "They're just having a test for Bennett, anak. Calm down."   Napapikit ako at pilit na pinahinahon ang sarili. Kanina pa hindi matahimik ang puso ko at gustong gusto nang makita ang anak ko na nasa loob ng kwartong nasa harapan namin. Trenta minuto na yatang nasa loob si Bennett kasama ang doctor at dalawang nurse.    Hindi ko makalimutan ang nararamdaman kanina noong makita si Bennett na namumula habang nahihir
last updateLast Updated : 2021-06-02
Read more

Chapter 24

[ Six Years Ago ] SABAY-SABAY kaming napalingon nila Karen nang marinig ang tunog ng doorbell. Agad na tumayo si Vera at lumapit sa pinto. Ibinalik ko naman ang atensyon sa pagkain ko. "Are you expecting a visitor?" "Wala ako. Baka si Vera," sagot ni Karen na nakatingin pa rin sa may pinto.  Nagulat ako nang pabalang na tumayo si Karen. Nakita ko kung paanong napalitan ng galit ang seryoso niyang mukha. Nanlilisik ang mga mata; maging ang mga kamay ay nakakuyom. Naguguluhan kong nilingon ang pintuan. Nakatayo pa rin doon si Vera at nakatingin na kay Karen. Nahuli ko ang pagbuka ng bibig nito. Nang makita na nakatingin ako sa kanya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "May problema ba?" nag-aalala kong tanong kay Karen pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay naglakad siya papalapit sa pinto. Hinuli ko ang kamay niya at hinarap siya sa'kin. Seryoso na muli ito pero alam kong kabaligtaran niyon ang nararamdaman niya. "Ren, tinatano
last updateLast Updated : 2021-06-08
Read more

Chapter 25

WALANG nagsalita sa amin ni Kevin nang makaalis sila Karen. Walang emosyon akong nakatitig sa kanya habang siya ay nakatungo; mukhang umurong ang buntot at nawalan ng lakas ng loob na kausapin ako. Wala akong naging balita sa kanya pagkatapos ng pakikipaghiwalay niya sa akin ilang buwan na ang nakakaraan. At ngayon, narito siya sa harapan ko bitbit ang kaisa-isang bagay na hindi ko aakaling makikita ko sa kanya sa muli naming pagkikita.  Napakabigat ng nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Sa sobrang bigat ay hindi ko kinakaya ang kumilos o magsalita man lang. Kahit ang sumbatan o kwestiyonin siya sa ginagawa niya ngayon ay hindi ko na magawa. Pakiramdam ko muli na naman niya akong pinagtaksilan. Pakiramdam ko natalo na naman ako sa pangalawang pagkakataon. "Kumusta ka na?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay natuwa ako dahil nagawa niya akong kumustahin man lang. Pero mas lalo lang naging mapait ang
last updateLast Updated : 2021-06-11
Read more

Chapter 26

Present "GAGA KA! Kung hindi pa kami umuwi hindi namin malalaman na may mga nangyari na pala sa'yo!" malakas na asik sa akin ni Karen na nakapamaywang pa habang nakatayo sa harap namin ni Vera. "Ang bunganga mo! Baka marinig ka ni Bennett!" mahinang asik sa kanya ni Vera. Napalinga siya. Nang makitang wala si Bennett sa paligid ay muli niya akong tiningnan ng matalim. "Oh, tapos? Ano'ng sunod na nangyari? Sinampal mo? Kung hindi ay tara sa restaurant niya at ako ang sasampal." Halos tikom na ang bibig niya habang nagsasalita.  "Ako rin. Para sa ginawa niya sa inaanak ko. Ang kapal ng mukha niya, ha! 'Wag ko lang talagang makikita ang pagmumukha ng Ryker na 'yon!" mariing ani Vera. Mahigpit ang pagkakahawak sa kutsara habang nakatingin sa kawalan. "Tumigil nga kayo. Matagal na 'yon." Napailing ako at kumuha ng ice cream na pasalubong nila. "Sana pala ay hindi ko na sinabi sa inyo. Nasira pa tuloy ang pagrerelax n'yo," sabi ko. "Iyo
last updateLast Updated : 2021-06-12
Read more

Chapter 27

MATAMAN akong nakatingin kina mommy at daddy habang nag-aagahan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga ito ang plano ko na ilang linggo kong pinag-isipan. Humugot ako ng lakas ng loob para makapagsalita. "Mom, Dad." Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago sabihin ang balak, "Plano kong maglagay ng restaurant sa Manila."  Mabilis na nangunot ang noo ni daddy nang marinig iyon. Bakas sa mukha ang pagkaayaw sa plano ko. "Akala ko ba ay hindi mo na babalakin iyon, hija?" tanong ni mommy na gulat naman sa narinig sa akin. "Well, gusto ko pong mas makilala ang restaurant ko. At isa ito sa unang hakbang doon." "Kilala na ang business mo kahit hindi ka maglagay roon, Inari," baritono ang boses na ani daddy. Alam kong siya ang unang kokontra sa plano kong iyon. "Pero iba pa rin po kapag mayroon doon, Dad. Hindi naman pwedeng lagi na lamang dadayuhin ng mga taga roon ang restaurant ko r
last updateLast Updated : 2021-06-13
Read more

Chapter 28

"CHEERS!" Umiimom kami nila Karen at Vera para raw sa celebration sa paglipat namin dito sa Manila at sa bago kong restaurant.  Isang linggo na simula noong makapaglipat kami rito. Naging abala ako sa loob ng isang linggong iyon sa pag-aayos ng condo at sa pamamasyal namin ni Bennett. Sila naman ay ngayon lang nagkaroon ng time na makapagday-off.  "Hindi ba dapat ay nagpapahinga kayo sa halip na nag-iinom?" "Ngayon na lang ulit tayo makakapagbonding ng ganito, Inari. Huwag mo namang ipagkait sa amin 'yon," madramang ani Vera. Natatawa akong tumungga ng alak. "Matatagalan pa ang pagbubukas ng restaurant mo, right?" tanong ni Karen habang nakatutok sa kanyang cellphone.  "Hindi na aabutin iyon ng kalhating taon. Saglit lang iyon." "Ano'ng pagkakaabalahan mo habang hindi pa natatapos?" "Marami akong seminar na pupuntahan. Isa ako sa mga kinuha nilang speaker." Naiatras ko ang ulo at napataas ang kila
last updateLast Updated : 2021-06-14
Read more

Chapter 29

EKSAKTONG anim na buwan ay natapos nga ang pagre-renovate ng restaurant ko. Pinaghahandaan ko ngayon ang nalalapit na pagbubukas niyon maging ang kasal ni Liam sa isang buwan. Dahil naging abala ako ay si Ate Rose muna ang pinapasama ko kay Bennett kapag papasok ito sa school. Naging panatag ang nararamdaman ko dahil nakikita kong nag-eenjoy ang anak ko sa bago niyang school. Kahit abala ako ay hindi ko pa rin nakakaligtaan ang samahan siya sa pag-aaral at ang makinig sa mga kwento niya. "Mommy, where are you na po?" "Malapit na ako, anak. Narito na ako sa parking lot." Lakad-takbo ang ginawa ko no'ng makitang pasara na ang elevator sa parking. Nakahinga ako nang maluwag nang maabutan ko pa iyon. Nalaglag pa ang hawak kong susi ng kotse dahil sa pagpigil sa pinto ng elevator. Pupulutin ko na sana iyon pero naunahan ako ng taong naroon. "Salamat," sabi ko nang maiabot iyon sa akin ng lalaki. May sinabi pa ito pero hindi ko na naintindihan iyon
last updateLast Updated : 2021-06-15
Read more

Chapter 30

"HOW IS HE?" mahinang tanong ni Vera habang nakatitig sa natutulog kong anak. Marahan niyang hinaplos ang mukha ni Bennett. "Okay na siya kaya 'wag na kayong mag-alala." "Mabuti naman," ani Karen na nakatayo sa tabi ko. Malakas na buntong-hininga ang narinig ko sa kanya. Tumayo si Vera sa pagkakaupo sa kama at sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto. Dumiretso kami sa sala at doon umupo. Kagagaling lang ni Karen sa private resort nila Liam kung saan ginanap ang kasal nito. Si Vera naman ay may pinuntahan ding party kagabi. Dito na sila sa condo dumiretso nang malaman ang lagay ni Bennett. "Hindi ba alam ng Teacher niya na may allergy siya?" bakas ang inis sa boses ni Karen. "Bago raw 'yong Teacher nila Bennett na 'yon." "Bakit pinauwi na agad kayo ng doktor?" "Okay na naman siya, Ren. Kaunting pahinga lang at babalik din ang lakas niya." Hinilot ko ang sentido. Wala pa akong tulog kaya naman ngayon ay nakakaramdam ako ng p
last updateLast Updated : 2021-06-16
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status