NAKARATING kami sa isang fast food restaurant kung saan ko sinabing magkita kami ni Ryker. Maraming tao roon katulad ng bilin ni Atty. Huerto.
Nasa sasakyan pa lang ay nakita ko na si Ryker na nakaupo sa pang-apatang table malapit sa glass wall.
Kumpara sa huli naming pagkikita ay maayos na ang itsura niya. Bagong gupit ang buhok at bagong ahit.
Nilingon ko si si Bennett na nasa tabi ko at nakitang nakatingala siya sa akin habang inosenteng nakatitig sa akin. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Sa isang kamay ay hawak pa rin ang laruang bigay ni Ryker.
"Narito na si Papa. Handa ka na bang makita siya ulit?" nakangiti kong tanong. Tanging tango lang ang isinagot niya roon.
<"CALM down, Inari, please!" Hindi ako natinag sa nananaway na boses ni daddy. Patuloy akong nagpauli-uli sa harapan nila habang nginangatngat ang aking kuko. Nahinto lang ako nang lapitan ako ni mommy at pilit na pinaupo sa bench na naroon sa hallway ng ospital kung saan sila nakaupo ni daddy. "They're just having a test for Bennett, anak. Calm down." Napapikit ako at pilit na pinahinahon ang sarili. Kanina pa hindi matahimik ang puso ko at gustong gusto nang makita ang anak ko na nasa loob ng kwartong nasa harapan namin. Trenta minuto na yatang nasa loob si Bennett kasama ang doctor at dalawang nurse. Hindi ko makalimutan ang nararamdaman kanina noong makita si Bennett na namumula habang nahihir
[ Six Years Ago ] SABAY-SABAY kaming napalingon nila Karen nang marinig ang tunog ng doorbell. Agad na tumayo si Vera at lumapit sa pinto. Ibinalik ko naman ang atensyon sa pagkain ko. "Are you expecting a visitor?" "Wala ako. Baka si Vera," sagot ni Karen na nakatingin pa rin sa may pinto. Nagulat ako nang pabalang na tumayo si Karen. Nakita ko kung paanong napalitan ng galit ang seryoso niyang mukha. Nanlilisik ang mga mata; maging ang mga kamay ay nakakuyom. Naguguluhan kong nilingon ang pintuan. Nakatayo pa rin doon si Vera at nakatingin na kay Karen. Nahuli ko ang pagbuka ng bibig nito. Nang makita na nakatingin ako sa kanya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "May problema ba?" nag-aalala kong tanong kay Karen pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay naglakad siya papalapit sa pinto. Hinuli ko ang kamay niya at hinarap siya sa'kin. Seryoso na muli ito pero alam kong kabaligtaran niyon ang nararamdaman niya. "Ren, tinatano
WALANG nagsalita sa amin ni Kevin nang makaalis sila Karen. Walang emosyon akong nakatitig sa kanya habang siya ay nakatungo; mukhang umurong ang buntot at nawalan ng lakas ng loob na kausapin ako. Wala akong naging balita sa kanya pagkatapos ng pakikipaghiwalay niya sa akin ilang buwan na ang nakakaraan. At ngayon, narito siya sa harapan ko bitbit ang kaisa-isang bagay na hindi ko aakaling makikita ko sa kanya sa muli naming pagkikita. Napakabigat ng nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Sa sobrang bigat ay hindi ko kinakaya ang kumilos o magsalita man lang. Kahit ang sumbatan o kwestiyonin siya sa ginagawa niya ngayon ay hindi ko na magawa. Pakiramdam ko muli na naman niya akong pinagtaksilan. Pakiramdam ko natalo na naman ako sa pangalawang pagkakataon. "Kumusta ka na?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay natuwa ako dahil nagawa niya akong kumustahin man lang. Pero mas lalo lang naging mapait ang
Present "GAGA KA! Kung hindi pa kami umuwi hindi namin malalaman na may mga nangyari na pala sa'yo!" malakas na asik sa akin ni Karen na nakapamaywang pa habang nakatayo sa harap namin ni Vera. "Ang bunganga mo! Baka marinig ka ni Bennett!" mahinang asik sa kanya ni Vera. Napalinga siya. Nang makitang wala si Bennett sa paligid ay muli niya akong tiningnan ng matalim. "Oh, tapos? Ano'ng sunod na nangyari? Sinampal mo? Kung hindi ay tara sa restaurant niya at ako ang sasampal." Halos tikom na ang bibig niya habang nagsasalita. "Ako rin. Para sa ginawa niya sa inaanak ko. Ang kapal ng mukha niya, ha! 'Wag ko lang talagang makikita ang pagmumukha ng Ryker na 'yon!" mariing ani Vera. Mahigpit ang pagkakahawak sa kutsara habang nakatingin sa kawalan. "Tumigil nga kayo. Matagal na 'yon." Napailing ako at kumuha ng ice cream na pasalubong nila. "Sana pala ay hindi ko na sinabi sa inyo. Nasira pa tuloy ang pagrerelax n'yo," sabi ko. "Iyo
MATAMAN akong nakatingin kina mommy at daddy habang nag-aagahan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga ito ang plano ko na ilang linggo kong pinag-isipan. Humugot ako ng lakas ng loob para makapagsalita. "Mom, Dad." Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago sabihin ang balak, "Plano kong maglagay ng restaurant sa Manila." Mabilis na nangunot ang noo ni daddy nang marinig iyon. Bakas sa mukha ang pagkaayaw sa plano ko. "Akala ko ba ay hindi mo na babalakin iyon, hija?" tanong ni mommy na gulat naman sa narinig sa akin. "Well, gusto ko pong mas makilala ang restaurant ko. At isa ito sa unang hakbang doon." "Kilala na ang business mo kahit hindi ka maglagay roon, Inari," baritono ang boses na ani daddy. Alam kong siya ang unang kokontra sa plano kong iyon. "Pero iba pa rin po kapag mayroon doon, Dad. Hindi naman pwedeng lagi na lamang dadayuhin ng mga taga roon ang restaurant ko r
"CHEERS!" Umiimom kami nila Karen at Vera para raw sa celebration sa paglipat namin dito sa Manila at sa bago kong restaurant. Isang linggo na simula noong makapaglipat kami rito. Naging abala ako sa loob ng isang linggong iyon sa pag-aayos ng condo at sa pamamasyal namin ni Bennett. Sila naman ay ngayon lang nagkaroon ng time na makapagday-off. "Hindi ba dapat ay nagpapahinga kayo sa halip na nag-iinom?" "Ngayon na lang ulit tayo makakapagbonding ng ganito, Inari. Huwag mo namang ipagkait sa amin 'yon," madramang ani Vera. Natatawa akong tumungga ng alak. "Matatagalan pa ang pagbubukas ng restaurant mo, right?" tanong ni Karen habang nakatutok sa kanyang cellphone. "Hindi na aabutin iyon ng kalhating taon. Saglit lang iyon." "Ano'ng pagkakaabalahan mo habang hindi pa natatapos?" "Marami akong seminar na pupuntahan. Isa ako sa mga kinuha nilang speaker." Naiatras ko ang ulo at napataas ang kila
EKSAKTONG anim na buwan ay natapos nga ang pagre-renovate ng restaurant ko. Pinaghahandaan ko ngayon ang nalalapit na pagbubukas niyon maging ang kasal ni Liam sa isang buwan. Dahil naging abala ako ay si Ate Rose muna ang pinapasama ko kay Bennett kapag papasok ito sa school. Naging panatag ang nararamdaman ko dahil nakikita kong nag-eenjoy ang anak ko sa bago niyang school. Kahit abala ako ay hindi ko pa rin nakakaligtaan ang samahan siya sa pag-aaral at ang makinig sa mga kwento niya. "Mommy, where are you na po?" "Malapit na ako, anak. Narito na ako sa parking lot." Lakad-takbo ang ginawa ko no'ng makitang pasara na ang elevator sa parking. Nakahinga ako nang maluwag nang maabutan ko pa iyon. Nalaglag pa ang hawak kong susi ng kotse dahil sa pagpigil sa pinto ng elevator. Pupulutin ko na sana iyon pero naunahan ako ng taong naroon. "Salamat," sabi ko nang maiabot iyon sa akin ng lalaki. May sinabi pa ito pero hindi ko na naintindihan iyon
"HOW IS HE?" mahinang tanong ni Vera habang nakatitig sa natutulog kong anak. Marahan niyang hinaplos ang mukha ni Bennett. "Okay na siya kaya 'wag na kayong mag-alala." "Mabuti naman," ani Karen na nakatayo sa tabi ko. Malakas na buntong-hininga ang narinig ko sa kanya. Tumayo si Vera sa pagkakaupo sa kama at sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto. Dumiretso kami sa sala at doon umupo. Kagagaling lang ni Karen sa private resort nila Liam kung saan ginanap ang kasal nito. Si Vera naman ay may pinuntahan ding party kagabi. Dito na sila sa condo dumiretso nang malaman ang lagay ni Bennett. "Hindi ba alam ng Teacher niya na may allergy siya?" bakas ang inis sa boses ni Karen. "Bago raw 'yong Teacher nila Bennett na 'yon." "Bakit pinauwi na agad kayo ng doktor?" "Okay na naman siya, Ren. Kaunting pahinga lang at babalik din ang lakas niya." Hinilot ko ang sentido. Wala pa akong tulog kaya naman ngayon ay nakakaramdam ako ng p
"NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '
PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya. Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil."Is there a problem?" malumanay ko pang tanong. Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi
"MAKIKIDALA nitong bag ko sa office, Ate Rose."Ibinigay ko kay Ate Rose ang aking hobo bag, at ang tote bag na naglalaman ng extra clothes ni Bennett."Hindi mo ba siya lalapitan? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo."Huminga ako ng malalim. "Lalapit lang ako sa kanya kung may complaint siya o kailangan niyang makausap ang owner.""Kinakabahan ako sa babaeng iyan, Inari. Parang ano mang oras ay maghahamok," ani Ate Rose habang nakatingin sa akin pero kita sa malikot niyang mga mata ang pagkataranta."Hindi niya pwedeng gawin 'yon, ate. Pwede ko siyang ipadampot sa pulis. At sigurado akong hindi niya iyon magagawa, ate."Tumango-tango si Ate Rose saka malalim na bumuntong-hininfa. Sinundan ko pa ito ng tingin nang umakyat siya sa second floor kung nasaan ang opisina ko.Dumiretso naman ako sa counter. Chi-ne-ck ko iyon at ang kitchen na madalas kong gawin sa tuwing nasa restaurant ako. Nakailang paroon at parito na ako sa kitchen at counter to check my staffs ay naroon pa rin si Lexi. Wa
HINDI ko maiwasang isipin na parang naging teleserye ang buhay naming magkakaibigan pagkatapos ng date na iyon almost ten years ago sa Tagaytay. Nagkakilala si Owen at Vera. Nagkasundo at nagkaroon ng nararamdaman sa isa't isa pero may pumipigil. Ganoon din kay Karen at Niko na may pumapagitna. At ako naman...Malalim akong napabuga ng hangin. Punong puno ang isip ko ng mga alalahanin, una kay Bennett at Keegan, pangalawa ay kay Lexi at isama pa ang kay Kaiden na kahit ano'ng sabihin ko sa sarili na huwag nang problemahin pa iyon ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nasasaktan ako sa nalamang may asawa na si Kaiden. Hindi lang basta simpleng betrayal ang nararamdaman ko. It's deeper than that. It's as if nagkaroon kami ng mas malalim na relasyon at nag cheat siya. O baka dahil din hindi ko matanggap na ganoon siyang tao. Hindi ko inaasahan at hindi ko nakita na katulad siya ng ibang naka-relasyon ko. O baka mahina lang talaga akong kumilatis ng tao kaya hin
'BUT THAT GUY HAS A WIFE.''But that guy has a wife.''But that guy has a wife.'Hindi ko alam sa sarili ko pero nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko tungkol kay Kaiden. Pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong itinuring kong kaibigan. Mayroon ding pakiramdam na parang pinagtaksilan ako. Nadidismaya ako dahil pagkatapos ng pagpapakita at pagsasabi niya ng mga matatamis na salita ay malalaman kong may asawa siya. Bakit ba puro maloloko ang nakikilala ko? Kahit kailan yata ay wala na akong makikilalang matinong lalaki."Inari!"Para akong natauhan nang marinjg ang malakas na sigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Vera at Karen na nasa unahan ko. Narito kami sa mall para bumili ng regalo para sa baby shower nila Liam. Matapos mamili ng pangregalo ay napagkasunduan naming mag grocery na rin."Are you okay, Inari? Kanina ka pa namin tinatawag," ani Vera.Napabuga ako ng hangin pero hindi nagawang suma
DAHIL sa pagod ay nakatulog na si Bennett sa passenger seat habang nasa biyahe kami pauwi. Ako man ay nakakaramdam ng pagod kaya sigurado akong ganoon din si Kaiden. Nang makarating sa condo ay binuhat niya si Bennett hanggang sa kwarto nito.“Thank you for coming with us, Kaiden. I really appreciate it a lot. Sobrang nag-enjoy si Bennett,” nakangiting ani ko nang makalabas kami ng kwarto.“Wala iyon, Inari. Masaya akong makitang masaya at nag-e-enjoy si Bennett.”Tikom ang bibig niya habang tipid na nakangiti ngunit ang mga mata ay kumikislap. Parang lumundag ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko iyon naitago sa isang matamis na ngiti.Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Wala man lang mababakas na pagod doon. Nanatiling fresh ang itsura niya sa kabila ng ginawang paglalaro kanina. Kung ako ay baka mahalata na iyon. Na-concious tuloy ako kung ano na ang itsura ko sa mga oras na ito kaya naman pasim
FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.
PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi.‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’"I’m Lexi... Lexi Romero."Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden."Nice to meet you, Mr. Petterson.""Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan."Oh, okay, Kaiden."Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi
"Inari, what’s wrong?"Ginising ang diwa ko nang ilang ulit na tanong at marahang paghaplos ni Kaiden sa pisngi ko. Mabilis akong napalingon sa kanya. Mabilis din ang kilos niya nang muntik na akong mawalan ng balanse dulot ng panlalambot ng mga tuhod ko. Bakas na ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Is there something wrong? May masakit ba sa’yo?” mahinang tanong niya muli pero hindi ko nagawang sagutin 'yon.Habang nakatingin kay Kaiden ay nananalangin ako na sana ay mali ang nakita ko kanina. Na hindi iyon totoo at dinadaya lang ako ng sariling paningin. Ngunit bigo ako. Dahil nang muli kong itinuon ang paningin sa unahan ay naroon pa rin si Lexi. Bakas din ang gulat sa nanlalaking mga mata niya na nakatutok sa akin. Mukhang kahit pagkilos ay hindi niya magawa dahil ganoon pa rin ang pwesto niya.Lumala ang kabang nararamdaman ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtakbo ni Bennett palapit kina Lexi. Masaya