Kabanata 3 KAHIT kailan, hindi naging mahirap para kay Astrid ang kabisaduhin ang mga linya niya. It is a skill directors admire the most about her, ngunit ngayon pakiramdam niya tinakasan siya ng kakayahan niyang iyon dahil pangatlong take na ngunit hindi pa rin niya nasasabi nang maayos ang linya. It's not like she forgets it. Gaano nga ba kasi kahirap sabihin ang mga salitang, "for the first time in my entire boring life, I finally decided to follow my heart"? Hindi mahirap. Walang mahirap sa linya. Ang mahirap ay ang magfocus. Dahil ang magaling niyang ex, naroon sa hindi kalayuan at nakatutok ang mga mata sa kanya! "Cut! Astrid, what's wrong? Pang apat na take na ito ano bang nangyayari sayo?" Sita ng direktor. Nakagat niya ang ibaba niyang labi at nahihiyang humingi ng pasensya sa mga kasama. Si Crude ay halatang nagtataka rin sa kanya kaya nang sabihing mag-break mun
Last Updated : 2021-03-23 Read more