Kabanata 1
"I TRUSTED you with all my heart pero anong ginawa mo? You clawed it with the kind of love that I didn't know will soon kill it." Astrid laughed as tears gushed down her cheeks. Pinunasan niya ito saka mahinang iniling ang kanyang ulo. "I'm sorry but I'm done playing the fool part. Deserve ko ang sumaya...kahit hindi ka kasama."
Damang-dama niya ang bawat salitang binitiwan. The pain, the tears, it's all real.
But nobody knows about it. Nobody knows where she's still coming from. And that painful past brought her to where she is now.
"Cut!" The director clapped along with the whole crew. "Good take, Astrid."
Agad lumapit ang PA ni Astrid at binigyan siya ng tissue. Ngumiti naman siya sa direktor. "Thank you po, Direk."
"Astrid." She felt Crude's hand on her elbow. Tinignan niya ito saka siya kumuha ng tissue para punasan din ang luha sa pisngi nito. "Ang galing mo talaga."
Lumawak ang kurba sa kanyang mga labi. May pinaghuhugutan lang.
"Ikaw din." Aniya habang pinupunasan ang pisngi nito. Ang mga kamay ni Crude, namirmi na naman sa kanyang baywang kaya nang may mga nanguha ng litrato na nanonood ng kanilang shoot, umismid siya.
"I made reservations for us tonight. Mag-celebrate tayo."
She nodded. "Sure."
Hindi na nagsalita pa si Crude. Nanatiling nakatitig sa kanya ang mga mata nitong natural ang pagiging mapungay. He grew his hair for the movie but Astrid kind of like it. Madalas kasing clean-cut ang buhok ni Crude Andrade, ang love team niya ng halos limang taon na.
"Crude, Astrid, pack up na. Guesting ng five PM." Paalala ng manager nila ni Crude na si Tita Pat.
Astrid sighed ang jerked her head up. Niyaya na siya ni Crude sa kanilang tent at doon hinintay na maisakay muna ang mga personal na gamit nila bago sila sumunod sa van.
Ang mga fans nila, nagwala nang pasakay na sila ng van. Some are carrying their ASTRUDE banners, shouting their names on top of their lungs and begging for a sign. Minsan ay napagbibigyan nila ang mga ito. Para kasi kay Astrid, utang na loob nila ang tinatamasang kasikatan sa kanilang mga tiga-suporta.
"GRABE ang line up ng pelikulang ito. Ano ang masasabi ninyo na nakasama niyo sa trabaho ang mga batikang artista gaya nina Dawn at Goma?" Tanong ni Tito Kris.
Nadama ni Astrid ang pagpiga ni Crude sa kanyang braso. It's their silent cue on who will answer first. Kung isa lang, ibig sabihin ay gusto ni Crude na siya ang sumagot.
She smiled. "Sobrang saya at the same time yung pressure namin ni Crude, grabe din. Minsan nga po nag-uusap kami. Hindi pa rin kami makapaniwala na eto na. Dawn and Goma na ang kasama namin sa pelikula which is dream come true kasi parehas namin silang paborito."
Tumikhim si Crude. "That's true, Tito Kris. Si Astrid minsan nagfa-fangirl pa rin kaya sinisita ko kasi baka makalimutang artista rin siya at siya ang bida."
Nagtawanan ang mga nanonood sa studio. Si Astrid ay tinakpan ang bibig ni Crude. "Ang daldal mo nangbubuking ka na naman!"
The laughter switched to a series of loud tease. Well, they didn't plan that anyway. Their chemistry is too strong and so effortless to show kaya sila sumikat nang todo. Maging sa mga simpleng tingin ay kinikilig ang mga tao. They no longer had to fake their actions when in public dahil sabi nga ng kanilang manager, napaka-effortless ng kanilang tambalan.
"Astrid, tell us. How will you relate Reeza's character to you? I saw the clips. Iba ang hugot ng character ni Reeza. Relate ka ba, bilang si Astrid?"
Astrid smiled sweetly. "Yung character po kasi ni Reeza, galing siya sa broken family. Yun nga, yung si Tita Dawn at Tito Richard kaya parang rebellious siya. I was like that before pero hindi naman naghiwalay ang parents ko. I just had a hard time accepting my dad's decisions. Nung bata pa po kaso ako parang hindi ko naiintindihan. Para sa akin, if you love someone, then you shouldn't move on. Kahit anong mangyari, you should remain faithful."
"Before, you said, right? Eh ngayon? Do you think you should still keep yourself from moving on?" The host asked.
Before Astrid even know it, she was already on another trip down memory lane. Naalala niya ang mga pangakong iniwan sa kanya ni Croft bago ito sumampa ng Lumiriana at naglayag.
She waited. She held on for so long. Yet she ended up being broken.
Napahigop siya ng hininga at iniling ang ulo. "Only when the person is worth the wait."
"I see. Well may point ka naman diyan. Eto na, ang balita ko Crude may bago kayong project with Direk Homer. Biggest project niyo raw ito ngayong taon."
Umayos ng upo si Crude at tumango. "Ah, opo Tito Kris. May upcoming movie kami pagkatapos nitong Loving Me Less. Si Direk Homer ang director and it will be under Dream Films."
"Sailing With Destiny ang title ng movie. It's about Tasha, a runaway bride na gustong ma-overcome ang fear niya sa karagatan." Dugtong ni Astrid.
"Yes, and Migo, siya yung crew na bread winner ng pamilya niya at ex boyfriend ni Tasha nung college. So sa Sailing With Destiny, Tasha and Migo will be torn between giving their love a second chance or just remain strangers with each other kahit alam nilang mahal pa rin nila ang isa't-isa."
"Naku mukhang panibagong obra na naman ang aabangan natin. Well, ano bang dapat asahan sa Astrude? You only deliver the best."
NAPAHIKAB si Astrid nang marating nila ang pantalan. Maaga ang call time nila para sa shoot ngunit dahil sinamahan pa ni Astrid ang kapatid ni Crude sa condo nito, medyo kulang siya sa tulog. Napainom din kasi siya dahil brokenhearted si Cath.
They're already close with each other at parang kapatid na rin ang turing niya. Cath is so devastated with what happened to her marriage at hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin sa nangyari sa anak nito.
Siya ang madalas tawagin ni Cath dahil takot itong sermunan lang ng kapatid. Kilala rin naman ni Astrid si Crude. Masyado itong protective pagdating sa kapatid kaya hindi rin niya ito masisi.
"We'll take yacht to the cruise ship. Bukas pa naman ang simula ng shoot natin at ang management ng cruiseline, gusto munang maenjoy natin ang barko." Excited na ani ni Tita Pat sa kanila.
Umakbay sa kanya si Crude at bahagyang yumuko. "Sakto. Makakatulog ka pa."
Muli siyang humikab habang naglalakad sila. "Oo nga eh." Umangkla rin ang kanyang braso sa baywang ni Crude. "Do you think they have meds on the ship?"
"Masakit ba ang ulo mo?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. "We can ask my PA to buy you meds habang hindi pa tayo nakakasakay."
"Huwag na, Crude. Kung wala sa barko itutulog ko na lang."
"Alright." He pulled her closer and pecked a kiss on her forehead. "Thanks for last night. I was really worried with Cath." He whispered.
Ngumiti si Astrid at nilapat ang kamay sa dibdib ng katambal. "Parang kapatid ko na rin si Cath. You don't have to say thank you."
Crude sighed. "What would I do without you?" Ngumisi ito at kinurot ang tungki ng kanyang ilong. "Ikaw talaga ang lucky charm ng buhay ko."
She giggled. Yumuko si Crude at hinalikan ang kanyang pisngi kaya ang mga fans na nasa hindi kalayuan, lalo lamang nagwala.
The thing is, Crude is a naturally sweet guy on and off cam. May pagkajolly rin ito kaya madaling nakakasundo ang sinomang makatrabaho pero sila talaga ang pinaka-tinangkilik ng masa. Their first movie was a bang! Pumalo agad sa takilya at mula no'n, hindi na muling napaghiwalay ang kanilang tambalan.
Pagdating nila sa barko, si Crude pa rin ang umalalay sa kanya bago umangkla agad ang braso sa kanyang balikat. Ang hilig talaga nitong umakbay sa kanya. Naging hobby na ito ni Crude tuwing magkasama sila. Ugali ring yumayakap mula sa likod.
Gaya ni Croft...
She immediately pushed the thought away. Sinaktan ng gagong iyon ang kanyang puso kaya dapat ay hindi na niya ito hinahayaang sumingit pa sa kanyang isip. Besides, Crude is a complete package. Hindi kaplastikan ang kakulitan at kabaitan nito sa harap ng camera kaya nga yata nag-boom ang career. Ulirang kapatid din ito kay Cath at napaka-maalagang partner.
There are times that Crude will cook for her and will bring it to the set. Alam niyang hindi para sa publicity iyon. Crude was really into her and he really pursued her on and off cam.
And she's happy she said yes. After being ghosted, if that's not a soft term for what Croft had done to her seven years ago, she finally opened her heart again to someone. Isang taon na rin mula nang maging official ang relationship nila ni Crude ngunit ni minsan ay hindi siya nito binigyan ng sakit ng ulo. Sa industriyang ginagalawan nila, a man like Crude Andrade is a diamond in the rocks, and she's lucky that diamond protects her heart at all cost.
"Crude, tumaba kaya ako?" She asked when they got to the ship.
Ngumisi si Crude at ginulo ang buhok niya. "Ikaw, tumaba? Saan naman banda?"
Mahina niya itong sinipat sa dibdib. "Hindi ka talaga marunong sumagot nang maayos. Ano nga? Hindi ako nakabili ng ibang swimsuit sa sobrang hectic ng schedule. I brought those I haven't used yet."
"Hindi." Huminto ito sa paglalakad at niyakap siya habang matamis ang ngiti. Those sparkle in Crude's eyes, sobrang swerte niyang hindi iyon kailanman naglaho. "You're still that sexy Astrid I met five years ago."
She smiled with his words. Nang yumuko ito, inangkla niya pa ang kanyang mga braso sa leeg nito upang humalik pabalik.
The other members of their crew teased them. Hindi pa raw nagsisimula ang shoot pero naglalampungan na sila, pero syempre, hindi naaawat ang isang Crude Andrade. Mas hinigpitan pa nito ang yakap habang lumalalim ang kanilang halik.
"Direk Homer, Ma'am Gina, this is the ship's captain." Nadinig nilang pinakilala ang kapitan ng barko kaya sinipat niya si Crude.
"Tara na—"
"Let them." Crude chuckled and continued kissing her.
Tumikhim ang kanilang manager. "Crude, A—Astrid, ang... Kapitan ng barko, si Captain Croft Guevarra."
Astrid's eyes widened. Napatingin siya sa lalakeng nakauniporme ng puti at ngayon ay nakatayo sa tabi ng kanilang direktor at manager.
Her heart started beating loudly inside her chest while staring at the captain's darkened eyes. His brows almost met while his prominent jaw is clenching in a dangerous way as if telling her drastically that he isn't liking what he's seeing at all.
Napalunok si Astrid. They've got to be kidding her. Her freaking ex can't possibly be the ship's captain!
Kabanata 2LALO lang yatang sumakit ang ulo ni Astrid dahil sa sobrang pagkawindang. Akalain ba naman kasi niyang pagkalipas ng pitong taong naglaho ang magaling niyang ex, kapitan na pala ito ng barko? At kung siniswerte siya, ng mismong barko pang gagamitin para sa Sailing With Destiny nilang pelikula!Napaypayan niya ang sarili habang pabalik-balik ang lakad. Naroon siya sa kanyang sariling silid kasama ang manager nila ni Crude. Sinamahan siya nito dahil mukhang alam nang magkakaganito siya ngayon dala ng pagkagulat."This is not happening." She breathed out loudly. "This is so not happening."Ang kanyang manager ay napailing saka nito nilapag ang tasa ng tsaa. Tita Pat is a bit strict when they're on the job but she is the closest to a mother Astrid had for years after losing her mom. Kabisado na siya nito kaya ito na mismo ang kumumbinsi kay Crude na sumama muna sa direktor at ibang staff nang
Kabanata 3KAHIT kailan, hindi naging mahirap para kay Astrid ang kabisaduhin ang mga linya niya. It is a skill directors admire the most about her, ngunit ngayon pakiramdam niya tinakasan siya ng kakayahan niyang iyon dahil pangatlong take na ngunit hindi pa rin niya nasasabi nang maayos ang linya.It's not like she forgets it. Gaano nga ba kasi kahirap sabihin ang mga salitang, "for the first time in my entire boring life, I finally decided to follow my heart"?Hindi mahirap. Walang mahirap sa linya. Ang mahirap ay ang magfocus. Dahil ang magaling niyang ex, naroon sa hindi kalayuan at nakatutok ang mga mata sa kanya!"Cut! Astrid, what's wrong? Pang apat na take na ito ano bang nangyayari sayo?" Sita ng direktor.Nakagat niya ang ibaba niyang labi at nahihiyang humingi ng pasensya sa mga kasama. Si Crude ay halatang nagtataka rin sa kanya kaya nang sabihing mag-break mun
Kabanata 4ENGAGED.Hindi bingi si Astrid at hindi siya bobo sa ingles para hindi maintindihan ang sinabi ni Croft. Engaged na ito. Malinaw pa sa tubig ang dagat ang pagkakarinig niya kaya gusto niyang tumawa. Wow. Should she walk towards them and congratulate him with a clap or a slap? Ayos ah? Kailan pa? Pagkatapos ba siyang indianin seven years ago?Gago ka, Guevarra.She sighed as she pressed her lips hardly together. Bakit ba affected siya? Wala na sila hindi ba at may boyfriend siya! May boyfriend siyang mahal na mahal siya at kahit kailan hindi gumawa ng katarantaduhan behind her back, hindi gaya ni Croft na umangat lang, nalimutan na siya.Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya nagawa pa rin siyang gaguhin?Kumirot na naman ang puso niya kahit hindi naman dapat kaya bago pa madugtungan ni Croft ang sinasabi nito, tumayo na siya nilapitan ang dir
Kabanata 5GUSTONG magpapadyak ni Astrid sa inis nang wala na siyang abutang tricycle sa labas ng school. Inabot na sila ng alas sais sa practice ng drama club at karamihan sa mga kasama niya, walking distance lang ang layo ng bahay habang ang iba naman ay may mga sundo."Oh, Astrid, wala ka bang sundo?" tanong ng isa sa mga kasamahan niyang palabas ng gate na si Allison.Umiling siya habang yakap ang mga props na sa bahay na niya itutuloy ang paggawa. "Wala si Papa kaya magta-tricycle ako.""Naku baka mamaya matagalan pa bago ka makasakay niyan. Sabay ka na kaya sa amin?"Sinilip niya ang kuya nitong naghihintay na sa motor. She's never comfortable riding a single motorbike. Kaya kahit nais niya nang umuwi ay umiling na lamang siya saka matipid na ngumiti sa kasamahan. "Hindi na baka mamaya rin meron na ring trike. Anyway, thank you!""Ikaw ang bahala. Ingat
Kabanata 6NADAMA ni Astrid ang marahang halik sa kanyang ulo habang hinahagod ni Crude ang kanyang buhok. Nasa silid sila nito at para siyang batang naglalambing sa nobyo. Her head is resting on his chest while her arm and leg are hugging him. Malinaw niyang nadarama ang bawat tibok ng puso ni Crude at ang panlalake nitong pabango ay malayang naglalaro sa kanyang ilong.But why is her head can't stop from going on a trip down memory lane? Kahit presensya na nito ang nadarama niya, patuloy pa rin ang paglipad ng isip niya.Nakatulala siya sa labas ng bintana habang malamlam ang mga mata. She just feels really low and she knows it worries Crude so much. He patted her shoulder but that move just made her remember another memory she wished she could just forget."You just gotta memorize the formulas. If it's hard for you to remember it all, think of a line from your favorite movies. Associate every line
Kabanata 7AKMANG bubuka ang mga labi ni Croft nang takpan ni Astrid ang bibig nito. Crude cannot find out what just happened or else they'll surely fight over it. Kaya naman kahit patuloy ito sa pagkatok ay hindi siya kumibo. Good thing someone approached Crude. Nadinig niya pa itong nagtanong sa kausap kung napansin bang lumabas na siya ng silid.Nakahinga lamang nang maluwag si Astrid nang makaalis na ito. Masama niyang tinignan si Croft saka niya ito itinulak. She marched away from him then crossed her arms."Get out." Nanatili siyang nakatalikod dito dahil sa takot na mahipnotismo na naman ng mga mata nito.She heard him sigh. "Why do you seem so afraid that he'll see me here? Ka-loveteam mo lang ang lalakeng 'yon."Umirap siya sa kawalan. "Just get the fuck out of here. You have no business with me anymore."Umismid ito at mayamaya'y humakbang palapit s
Kabanata 8ASTRID used the elevator to reach the top deck where they'll shoot act seventy four and ninety six. Habang sakay ng elevator ay panay ang paghugot niya ng malalim na hininga para lamang kumalma. She has to act normal once she sees Crude. Naihanda na rin niya ang kanyang alibi rito kung sakaling magtanong kung nasaan siya kanina.Nasa pangatlong deck mula itaas ang kanilang mga silid at nang huminto ang elevator isang palapag bago ang top deck, natigilan si Astrid nang makitang sumakay ang pamilyar na bata. May hawak itong laruang medieval ship at nakasuot ng oversized captain's hat na tingin ni Astrid ay kay Croft.The little boy with sparkly brown eyes and curly midnight black hair smiled at her sweetly. Napalunok si Astrid at iniwas ang tingin dito bago sumara ang pinto.She doesn't know what to do honestly. Ngayon lang siya na-conscious sa isang bata kaya nang madama niyang
Kabanata 9BUHAT si Alta ay tinungo ni Croft ang silid sa second deck kasunod ng kanya. Nakatulog na ito sa captain's room dahil marahil sa pagod sa pakikipaglaro sa ilang crew na aliw na aliw dito. Hindi na siya kumuha pa ng yaya ng bata mula nang mag-apat na taon dahil hindi mahirap pasunurin ang bata sa kanyang mga sinasabi.Nang ilapag niya ito sa kama ay bahagyang nagising ang bata. His sleepy eyes stared at him as if wondering. "Daddy, bakit ka nag-cry kanina?"Mapaklang ngumiti si Croft saka niya inayos ang comforter nito. He breathed in enough air and looked at Alta's eyes in a sad way. "Because sometimes Daddy cannot handle the heaviness here." Tinuro niya ang dibdib nito. "Daddy isn't always as strong as Superman, Alta."Humikab ito at tumagilid. "Maybe you need a Louis Lane? Sabi ni kuya Boyet lumalakas si Superman kasi meron siyang Louis Lane."Mahina siyang nat
EpilogueHINDI maalis ni Astrid ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang kanyang mag-anak sa dulo ng aisle. Ang magaling niyang asawa, ang sabi sa kanya ay ribbon cutting lamang para sa cruiseline na tinayo nito kasama ang mga kaibigan ang magaganap. Hindi naman siya natimbrehan na surprise wedding na pala ang magaganap sa rami ng involved! Pati ang kanilang anak na sina Alta at Astrea ay naging mga kasabwat ng magaling nilang ama para maitago sa kanya ang katotohanan.Nagpunas siya ng luha habang titig na titig na naiiyak niya nang asawa. Pangatlong kasal na nila ito. Una ay ang civil wedding, pangalawa ay ang kasal nila sa simbahan na labis na pinag-usapan sa buong bansa dahil sa pagkagarbo, at ngayon, sa unang cruise ship ng GAB Cruises, ang Dreamboat, bininyagan ng kanyang
Kabanata 31NAGING maingay na balita ang break up ng tambalang ASTRUDE, ngunit masaya si Astrid na karamihan sa kanilang fans ay sinuportahan ang kani-kanilang mga desisyon. Some even made a fans club for her and Croft, telling Croft that he should do some cameos in Astrid's films if ever she'll agree to Tito Boy's offer to handle her. In-offer-an kasi siya nito na tutulong makawala siya sa agency ni Tita Pat, at dahil nagbabalak itong maging talent manager, sila ni Crude ang unang niligawan. Kampante naman sila rito dahil bukod sa marami rin itong naging karanasan sa mapagsamantalang managers sa tagal na sa industriya, matagal na rin nilang kaibigan ni Crude.Astrid and Croft got married via civil wedding since they didn't want to prolong it anymore. Pinangako naman ni Croft na pakakasalan siya sa simbahan kapag naiayos na ang kanilang
Kabanata 30DALAWANG oras bago ang live interview nina Astrid kasama ang isang sikat na talk show host, nagpasya siyang personal na kausapin si Cath at Crude. She wants to settle everything now, at kahit ano pang pakiusap ang gawin ni Crude, maninindigan na siyang ayaw na niya.She enjoyed the liberty of being a top-grossing actress while her heart was broken. Ngayong buo na ito at ang sinisimulan pa lamang na buuing pamilya nila ni Croft ang nanganganib, handa niyang pakawalan ang lahat ng kasikatang tinatamasa kung sakali mang hindi siya tanggapin ng mga tao dahil sa katotohanang sasabihin niya mamaya sa harap ng telebisyon.Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang nag-door bell sa bahay ni Crude. Si Cath ang nagbukas
Kabanata 29THE PAST months became really difficult for Astrid and Croft. Gumagapang na ang laban sa Lumiriana sa tulong nina Sancho at Mr. Shault, ngunit hangga't hindi naisasaayos ang adoption papers ni Alta ay hindi matatahimik si Croft.He badly wanted to go see Frederick and give him a punch on the face, if only he isn't considering what it might cause in Alta's adoption. Pikon na pikon na siya rito sa totoo lang, at habang tumatagal na hindi siya kasal, mas lumalakas ang laban ni Frederick at ng asawa nito.Nahilamos niya ang kanyang palad sa mukha saka muli na lamang tinungga ang bote ng alak. He hasn't seen Astrid for two weeks already since Crude Andrade's brother-in-law got shot. Kinailangan si Astrid ng magkapatid na
Kabanata 28PAALIS na si Astrid ng kanyang condo nang sa pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang isang pamilyar na babae.Mylene Mercado, the woman Crude dragged into the mess, looked at her with bloodshot, almost begging eyes. Sopistikada ang pananamit nito ngunit bakas sa mga mata na hindi ito sanay sa ganoong pananamit.Lumunok ito at nahihiyang iniwas ang tingin. "Pwede... Pwede ba tayong mag-usap?"Astrid sucked in enough breath. Sumulyap siya sa kanyang relos bago muling tumingin sa babae. "I got less than twenty minutes.""Okay lang. Hindi ko rin balak magtagal." Suminghot ito saka pilit na ngumiti. "Fan mo ko."
Kabanata 27TODO ang pigil ni Astrid na sugurin si Mia Cruz nang makita niya ito sa kanilang press conference para sa pelikula nilang kalahok sa darating na Film Festival. She knew this would be one of the hardest interviews she's going to face. Hindi lang dahil sa gigil niya kay Mia kung hindi pati na rin sa issues na kakailanganin niyang harapin at ang mga problemang mayroon ang adoption ni Alta.Tinignan siya ni Mia at makahulugang nginisihan, tila nananadyang sirain ang gabi niya palibhasa ay alam nitong hindi siya papatol dahil nasa harap sila ng publiko. She knows how to choose her battles, and violence must not always be the answer.Ngunit kung hindi siya makakapagtimpi ay baka kainin niya ang sarili niyang prinsipyo. Some people just love to get into someone's nerve
Kabanata 26WALANG choice sina Astrid kung hindi umuwi nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Croft even had to ask his friends' help for them to get out of the island without being spotted again. Ngunit sa byahe pa lamang pabalik ng Manila, wala nang humpay ang pagtunog ng phone ni Astrid.People are messaging her, asking her if the photos circulating on the internet and hitting the trending list was really her and the man she's flirting with behind Crude's back. Pati mga kaibigan nila sa industriya ay nakikisawsaw na at ang pinakamalala, Mia, the slutty teen star even posted a blind item on her Twitter account!@TheRealMiaCruz: Si ate girl, todo titig kay Mr. Atlantis. Hindi na nahiya no'ng nagpasisid kahit alam niyang nasa kabilang room lang ako. Kakahiya ang ingay!
Kabanata 25MABIGAT ang mga balikat ni Astrid nang tuluyan siyang makapasok sa silid ni Croft. Nahirapan siyang makaalis kanina sa ospital dahil sa mga fans na nalamang naroroon sila ni Crude kaya naman inabot na siya ng umaga bago nakapuslit palabas.She immediately tried to find a way to go to Croft. Gusto niyang bumawi rito ngunit sa hectic ng kanyang schedule, baka sa isang linggo pa siya magkaroon ng sapat na oras para makasama ito at si Alta.Natutulog na ito nang pumasok siya ng silid gamit ang spare key. His exposed upper back looked like it's inviting her hands to explore every inch of it and that's exactly what she did. Nang makaupo sa tabi nito ay agad siyang yumuko upang isandal ang kanyang baba sa balikat nito saka niya pinagapang ang kanyang palad sa likod ni Croft.
Kabanata 24NAHILOT ni Croft ang kanyang sintido habang binabasa ang sulat na nagmula sa social worker na may hawak sa adoption case ni Alta. Frederick is really messing with the process. He even filed an adoption himself, at kung hindi niya mapapalakas ang panig niya, lalamang nang todo ang lintik na si Frederick."He's got the advantage. Oo nga at pareho kayong capable para i-provide ang financial needs ng bata, but he's going to win this case if ever dahil sa pending case mo against Lumiriana at dahil sa civil status mo." Mabel lifted her tea cup and gave him a cold stare. "He's married. You and Astrid aren't. Hindi tatanggapin ang alibi mong magpapakasal naman na kayo. Marami pang maaaring mangyari habang hinihintay mong matapos ang kontrata ni Astrid."Croft sighed heavily and pla