Sa gitna ng kainitan biglang nagdilim ang kapaligiran, kung saan nagtagpo ang hindi karapat-dapat na pag-iibigan. Ano ba ang senyales nito? Madaming tao ang nahuhumaling dito ngunit bakit sa kagaya ko ay tinatawag naming sumpa ito. "Ang pag-iisa ng araw at buwan ay senyales ng kapahamakan"Ngunit paano kung sa pagpatak ng hating gabi, nagtagpo ang dalawang taong nag-iibigan, kung saan nagtapo din ang ang araw at buwan, isang sumpa din ba itong maituturing? O trahedya ang ibig sabihin?SIMULA:~Midnight Eclipse~Hestia. Iyan ang aking ngalan.Sa mundo’ng kinagagalawan ko ngayon ay hindi ko alam kung totoo ba lahat ng nangyayari na ito. Sabihin nalang natin na may iba akong kakayahan, at tila isa akong tao na walang alam… Walang maalala. Basta ba ay pakiramdam ko, may mali talaga. Lalo na sa kinikilos ko. “Nak…” Ang aking ina. Bakas ang pagod sa mukha nito, ngunit may ngiti parin na naka-ukit sa kaniya
Last Updated : 2021-02-12 Read more