'So, this is it?' naitanong ko sa sarili.Nandito kami ng family ko sa isang 5-star hotel na pag-aari nila Maru. Hindi ko na kailangan alamin pa kung para saan ang dinner na ito. It was long planned. Ngunit hindi ko inasahan na ganito kabilis. Isang taon pa lang mula ng grumaduate kami ng college ni Maru. Pareho pa lang kaming nag aadjust sa negosyo ng pamilya. Though, I heard na malapit ng maging General Manager si Maru.Nang makatapos kami ng college ni Maru ay agad kaming nag simulang magtrabaho sa aming kompanya. Ngunit nagsimula kami mula sa mababang posisyon. Paano ko nalaman iyon? Simple lang, dahil bawat kibot ni Maru ay binabalita sa akin nila Daddy.Matapos ang limang minuto ay dumating na sila Maru. Ngumiti sa akin ang ina ni Maru at hinalikan ako sa pisngi, ganun din ang ginawa ng kanyang ama. Habang si Maru ay nanatili lang na nakatayo."Maru, aren't you gonna greet your future wife and her parents?" His father said with full authority.
Magbasa pa