"Bes pansinin mo naman ako, baka hindi mo napapansin kanina pa ako nagpapa pansin," nagmamakaawang sabi ng baklita, nakanguso pa siya na akala mo naman ikinaganda niya. Kung titingin lang siya sa salamin, baka magsisigaw pa siya dahil sa nakaririmarim na itsura niya."Sinabing huwag mo akong kinakausap at nanggigigil pa ako sa'yong bakla ka," nakairap na sabi ko. Hinawi ko ang buhok kong tumakip sa mata ko at binilisan ang paglalakad ko.Hapon na at pauwi na kami, katatapos lang ng huling subject namin. Kaninang umaga pa siya nagpapa pansin at malapit na akong mainis, konting konti na lang at tototohanin ko na ang banta kong sasabunutan ko siya hanggang malagas ang lahat ng buhok niya."E kasi naman besy, sorry na kasi, nakakatakot kasi ang itsura ni papa Klein kahapon, parang gusto niya akong patayin sa klase ng pagkakatingin niya." Pangangatwiran pa niya. Umagapay siya sa paglalakad saakin, pero hindi ko siy
Read more