"Ano ba Chanel, tumalon ka na, makikita na tayo sa sobrang bagal mo e,"pagrereklamo ni Trexie.
Nauna siyang bumaba saakin, nandito kami sa likod ng eskwelahan namin, uwian na namin pero hindi kami sa harap dumaan dahil nga may usapan kaming lalabas ngayon. Hindi kami pwedeng dumaan sa harap dahil makikita kami ng mga bodyguards ko.
"Teka lang naman kasi at medyo nalulula ako, hindi ba ako mababalian ng buto kapag tumalon ako diyan?" Nag aalalang sabi ko. Nakatungtong ako sa ladder board na hiniram namin sa janitor na nakita naming naglilinis kanina. Idinahilan na lang namin na gusto naming kumuha ng bunga ng mangga, eksakto namang may mga hinog na itong bunga. Mabilis naman niya kaming pinahiram at pina alalahanan na mag ingat kami at baka mahulog kami. Hinintay muna namin itong maka alis bago namin isinagawa ang plano namin.
"Hindi ka mababalian ng buto riyan, hindi naman sobrang taas a, tignan mo nga ako at wala namang nangyari sa akin," pagpapaliwanag niya.
Kapag ako nabalian lagot ka sa aking bakla ka. Nagdadalawang isip parin ako kong tatalon na ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ay nakita ko ang mga bodyguards kong tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko.
"Senyorita Chanel!" Malakas at sabay sabay na sigaw ng mga bodyguards ko kaya napalingon ako sa direksiyon nila. Gusto kong matawa sa hitsura nilang nag uunahan sa pagtakbo, malayo pa lang sila e kitang kita ko na ang pagkataranta nila.
"Bwisit ka Chanel, tumalon ka na, andiyan na ang mga bodyguards mo!" Natatarantang utos saakin ni Trexie. "Lagot tayo kapag naabutan tayo, bilis na at sasaluhin kita."
Napatingin ako kay Trexie na umaktong sasaluhin ako. Baka dalawa pa kaming mabalian ng buto kapag sinalo niya ako. Lampa pa naman 'tong baklang 'to.
"What the fuck are you doing there Chanel?!"
Bigla akong napalingon dahil sa napakalakas na sigaw na narinig ko, dinaig niya pa ang mga bodyguards ko sa lakas ng sigaw niya.
Nakita ko si Klein na tumatakbo at hindi na maipinta ang mukha. Napangisi ako dahil sa hitsura niya, mababakas ang pagkairita sa mukha niya pero nangingibabaw ang pag alalala.
What the hell!
Dinadaya lang ako ng paningin ko, bakit naman siya mag aalala saakin?
"Don't you dare jump Chanel Amery Martini!" Malakas at madiin niyang saad. Naunahan niya pa ang mga bodyguards ko sa pagtakbo. Pero bago pa nila ako maabutan mabilis na akong tumalon. Narinig ko pa ang malutong na mura ni Klein bago ako sumalampak sa semento, una ang paa ko. Iminulat ko ang mata ko at napasigaw sa tuwa dahil success ang pagtalon ko, hindi ako nabalian ng buto at wala akong ni anumang galos.
"Trexie!" Impit na sigaw ko." Did you see that? I made it! Yes! I made it." Itinaas ko pa ang mga kamay ko at tumalon talon. Ang saya saya ko, ito ang unang beses na tumalon ako sa bakod at ang sarap pala sa pakiramdam.
"Oo, kitang kita ng dalawa kong mata, pero bago ka magsaya diyan tara na at siguradong andiyan na ang mga humahabol saatin," ani niya.
Sa isiping iyon, mabilis kong dinampot ang Chanel sling bag ko na nakasalampak sa semento, hindi ko na pinagpagan 'yon at hinayaan nalang na madumi. Kung nasa iba lang kaming sitwasiyon baka nagkandangawa na ako dahil narumihan ang pinakamamahal kong bag, pero wala ng oras para diyan, kailangan na naming umalis bago pa nila kami maabutan. Narinig pa namin ang malakas na sigaw ng mga bodyguards ko at ang nafufrustate na boses ni Klein bago kami dali daling tumakbo. Sakto namang may dumaan na jeep kaya dali dali itong pinara ni Trexie. Nakahinga kami ng maluwag ng maka upo kami ng maayos pero 'yon nga lang sobrang init naman. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong puro pala kami estudyante pero sa ibang school nag aaral 'yong iba dahil sa iba iba nilang uniporme.
"Chan," siniko ako ni Trexie kaya napalingon tuloy ako sa kanya.
"Bakit?" ani ko. Nakita kong nakalahad ang kamay niya kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"Pamasahe natin," saad nito at tinaasan din ako ng kilay. Aba't, ililibre ko na nga tapos ako pa magbabayad ng pamasahe namin? Makapal din ang mukha ng baklang ito. Pero kinuha ko na rin ang wallet ko at naglabas ng isang libo.
" Wala ka bang barya diyan? Baka pagalitan tayo ni manong, masiyadong malaki itong pera mo." Nanlalaki ang matang sabi niya.
"Barya? Wala akong barya, puro papel ang pera ko. Nasaan ba ang sukli kanina?" Tanong ko. Naalala kong wala pala siyang ibinigay na sukli kaninang bumili kami sa canteen.
"Ano ba 'yan, nakalimutan ko," nakangiwing saad niya. Napatampal pa siya sa noo niya. Inuna pa kasi ang paglalandi, napairap nanaman tuloy ako.
"Ibigay mo nalang 'yan, baka may panukli na madami naman tayong pasahero niya." saad ko. Wala siyang nagawa kong hindi iabot nga 'yong pera sa babaeng katabi namin at inabot naman ni ate 'yong pera sa lalaking nasa likod ng driver.
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis na pawis kong mukha. Ang init dito, naggigitgitan na kami sa dami namin. Kung alam ko lang na ganito ang magiging sitwasiyon namin sa bulok na jeep na ito sana pala nag taxi nalang kami.
Naamoy ko ang pinaghalo halong pawis at pabango kaya tinakpan ko na ang ilong ko.
"Ilan 'to?" Nakasimangot na tanong ng driver.
"Dalawa po, sa pinakamalapit na mall po," mabilis na sagot ni Trexie. Nakita ko sa salamin na kumunot ang noo ng driver at maya maya pa ay mas lalong sumimangot.
"Wala ba kayong barya? Ang laki nitong pera niyo, wala akong panukli," masungit na tanong niya.
"Wala po kuyang driver, kong meron kaming barya, hindi 'yan ang ibibigay namin," sarkastiko kong saad.
Wala pa siyang barya sa lagay na 'yan e andami dami na nga naming pasahero niya. Kulang na lang ay magkapalit palit kami ng mukha sa dami namin. Ni hindi na nga ako maka hinga ng maayos dahil sa init.
Kinurot ako ni Trexie kaya napaangil ako, "Ano ba? Bakit ka nangungurot diyan?"
Pinandilatan naman niya ako ng mata, "Sabi ko naman kasi sayo na masiyadong malaki itong pera natin, 18 pesos lang kailangang ibayad."
"What? 18 pesos? Bakit ang mura?" Malakas kong sigaw. Akala ko aabot sa limang daan 'yong pamasahe namin.
Nakita kong palihim na tumatawa 'yong mga kasama naming estudyante, may naka irap, may nakakunot noo at meron namang nakasimangot.
"Anong mura? Mahal na 'yan para sa mga ordinaryong estudyante, pero kong para sa'yo na isang senyorita, talagang mura lang." Aniya kaya kumunot ang noo ko, mahal na ba 'yang 9 pesos? Medyo naawa naman ako sa driver, ang mura lang pala ng pamasahe namin to think na madaling araw palang ay namamasada na sila. Hindi man ako nakaka labas pero alam kong madaling araw palang e nagtatrabaho na sila, hindi naman ako gano'n ka ignorante.
"Kuyang driver, keep the change nalang po," nakangiti ko nang saad. Medyo nakonsensiya naman ako sa pagsusungit ko kanina. Ngayon ko lang napagmasdan ang itsura ng driver, medyo may katandaan na rin at mababakas ang pagkapagod sa mukha niya pero ito siya at nagtatrabaho parin. Nauunawaan ko na kong bakit nagsungit siya kanina, talaga lang sigurong wala siyang panukli.
Nakita kong tumingin siya sa salamin sa harap niya at tumingin saakin. Nanlaki naman ang mata ng mga kasabayan naming estudyante dahil siguro sa sinabi ko.
"Naku, maraming salamat po maam, malaking tulong din ito para sa pamilya ko," nakangiting saad niya. Naging maaliwalas na ang mukha niya, hindi tulad kanina na nakabusangot. Nakangiting tumango nalang ako at nag thumbs up
*****
"Hayss, buti naman at nakalanghap din tayo ng malamig na hangin, mamamatay na ako sa sobrang init sa jeep kanina," pagrereklamo ko.
"Ganun talaga kapag sa jeep ka sumakay, siksikan talaga lalo na kapag uwian na," pagpapaliwanag naman nito.
Marahan kaming naglalakad ni Trexie, dinadama pa namin ang lamig ng aircon, medyo parang kinapos din kasi talaga ako ng hangin kanina. Sa susunod hinding hindi na talaga ako sasakay sa jeep.
"Bwisit ka kasi, kung bakit sa jeep pa tayo sumakay e pwede namang sa taxi nalang."
"Ano ka ba naman Chanel, kung hindi tayo nag jeep kanina baka naabutan na nila tayo e hindi pa tayo nakakasakay ng taxi. Atsaka bihira lang ang dumadaang taxi sa banda roon, karamihan kasi sa mga estudyante doon ay sa jeep sumasakay." pagpapaliwanag niya habang lumilinga linga sa paligid."Atsaka, mabuti nga at doon tayo sumakay, malaking tulong din 'yong naibigay mo kay kuyang driver," dagdag pa niya. Hindi na lang ako umimik, tama rin naman siya.
But I will keep in mind na tulungan 'yong driver, hindi na dapat siya nagtatrabaho lalo na sa ganoong edad.
Hinila ako ni Trexie ng makakita ng botique, mabilis kaming pumasok doon. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong sobrang mahal ang mga damit dito. May taste din itong baklang ito, pero nunca siguro na dito niya ako hihilain kong siya ang magbabayad. Hinayaan ko nalang na pumili siya ng gusto niyang damit, umupo nalang ako sa sofa na nakita ko at umupo doon.
Inilabas ko ang cellphone ko at sobrang dami ko na palang missed calls, pero nag iisang unregistered number lang naman ang tumawag kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko narinig kasi plinano ko talagang i silent ang cellphone ko, kahit vibrate nga hindi ko ni on.
Hindi na siguro mapakali sa sobrang pag aalala ang mga bodyguards ko ngayon. Siguradong nasabi na nila ito kay daddy at paniguradong lagot ako nito. Pero iwinaksi ko muna ang isiping iyon, mag eenjoy muna ako, bahala ng mapagalitan mamaya.
Napaigtad ako sa gulat ng magregister sa screen ko ang isang unregistered number na tumatawag, iyon din 'yong naka isang daang missed calls kanina.
Wala akong balak sagutin ito dahil hindi naman talaga ako pala sagot kapag hindi ko kilala kaya hinayaan ko lang na mag ring, maya maya'y tinapos niya din ang tawag pero wala pang dalawang minuto e tumatawag na naman kaya kumunot na ang noo ko. Paniguradong hindi ito ang isa sa mga bodyguards ko dahil hindi naman nila alam ang number ko.
Pinindot ko ang answer button dahil nainis ako, tawag kasi ng tawag e hindi ko na nga sinasagot. Hindi ba makahalatang ayaw kong sagutin ang tawag niya?
"Where the fuck are you in this fucking mall Chanel?" Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa narinig kong sigaw.
Shit! It's Klein!
How did he know my number? I immediately ended the call before he can speak again and went towards Trexie who is still busy searching for dress.
"Trexie, let's go, I think they are here," aligaga kong saad. Hinila ko na ang kamay niya para sumunod siya saakin.
"What? Teka lang naman, paano itong mga napili ko?" Tukoy niya sa mga damit na nasa kamay niya.
"Babayaran ko." Hinila ko siya papunta sa cashiers area habang kinukuha ko naman 'yong credit card ko. Mabilis kong inilapag ang card sa lamesa at ako na rin ang naglapag ng mga damit sa harap ng cashier. Palinga linga ako sa paligid dahil baka nakita na nila kami.
Dali dali naming kinuha ang mga damit na naka paper bag at credit card ko at agad agad na lumabas sa botique, lumingon pa ako sa likod namin dahil baka nandoon sila.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi ko siya makita. Hinawakan ko ang braso ni Trexie at akmang tatakbo na kami ng mabangga ako sa isang matigas na bagay, hinawakan ko ang noo kong napuruhan at napapikit dahil sa sakit ng pagkaka untog ko.
Bwisit, bakit biglang nagkaroon ng pader dito? Wala naman ito kanina a? Bumitaw ako mula sa pagkakahawak kay Trexie at hinimas ang noo kong nasaktan. P*****a, magkakabukol pa 'ata ako.
Nainis ako kay Trexie dahil wala man lang ginawa para maibsan ang sakit ng noo ko, impossible namang hindi niya nakita ang nangyari saakin.
Akmang sisigawan ko na siya ng makita ko ang reaksiyon ng mukha niya. Hindi maipinta ang mukha niya, nakangiwi siya na parang natatae, nag uunahan pa sa pagtulo ang pawis niya. Ang lamig naman dito sa loob ng mall bakit naman siya pagpapawisan?
Tinignan ko kung ano 'yong tinitignan niya at napalunok ako ng makita ko kung sino 'yong nasa harapan ko. Natulos ako sa kinatatayuan at ni hindi ko maihakbang palayo ang mga paa ko para sana tumakbo sa kabilang daan.
Shit! He's here.
*******************
Hi! I have one story that I updated everyday..can you also add it to your library and have time to read it? The title is "The King's Luna"
Kamsahamnida
"And where do you think you are going Chanel? Tatakasan mo na naman ba ako?" He dangerously said. He's famous smirk is plastered all over his face.Nawala ang takot ko dahil nabwisit ako sa inasta niya."Ofcourse not! Umalis ka diyan at may pupuntahan pa kami." Hinawi ko siya para sana makadaan kami pero ni hindi man lang siya natinag mula sa kinatatayuan niya."Ano ba? Padaanin mo kami!" Naiinis kong bulyaw pero ang siste, wala talagang kagalaw galaw mula sa pag kakatayo."Let's go home." Walang emosiyong saad niya, kababakasan ng kaseryosohan ang mukha niya. Nawala na ang pagkakangisi niya, the way he looked at me makes my knees turn into jellies. Medyo kinabahan ako kasi kapag ganyan ang boses niya nagtitimpi na lang siya na bigwasan ako, pero hindi ako nagpatinag. Sino ba siya sa akala niya?"Oo, uuwi na kami pero hindi ako makikisabay sa'yo. We can go home without you." masungit kong saad. "Right Trexie?" Tanong ko sa katabi ko. Kinuha ko ang atensiyon niya k
Nag iwas ako ng tingin ng bumusina ang bodyguard ko, narito na pala kami sa harap ng gate namin. Bumukas ang gate at marahang pumasok ang sasakyan ni Klein kasunod ang isa pang sasakyan sa likod. Nang huminto ang sasakyan sa may garahe namin, ako na ang kusang nagbukas ng pintuan at dali daling lumabas. Hindi ko na hinintay na ipagbukas ako ng pintuan ng bodyguard ko na siyang palagi nilang ginagawa. Hindi ko na rin tinignan kong nakasunod ba si Klein sa likod ko. Nahihiya akong humarap sa kanya. Ngayon pa lang nagsisink sa utak ko ang ginawa namin kanina, wala na 'ata akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Ano kayang iniisip niya tungkol saakin? Baka nadisappoint siya dahil hindi ako marunong h*****k, pero gusto niya daw akong halikan. Kikiligin na ba ako? Papasok na ako sa bahay ng makita ko si daddy na nakaupo sa sofa, talagang hinihintay niya nga ako. Napakunot ang noo niya ng makita niya akong naglalakad patung
"Bes pansinin mo naman ako, baka hindi mo napapansin kanina pa ako nagpapa pansin," nagmamakaawang sabi ng baklita, nakanguso pa siya na akala mo naman ikinaganda niya. Kung titingin lang siya sa salamin, baka magsisigaw pa siya dahil sa nakaririmarim na itsura niya."Sinabing huwag mo akong kinakausap at nanggigigil pa ako sa'yong bakla ka," nakairap na sabi ko. Hinawi ko ang buhok kong tumakip sa mata ko at binilisan ang paglalakad ko.Hapon na at pauwi na kami, katatapos lang ng huling subject namin. Kaninang umaga pa siya nagpapa pansin at malapit na akong mainis, konting konti na lang at tototohanin ko na ang banta kong sasabunutan ko siya hanggang malagas ang lahat ng buhok niya."E kasi naman besy, sorry na kasi, nakakatakot kasi ang itsura ni papa Klein kahapon, parang gusto niya akong patayin sa klase ng pagkakatingin niya." Pangangatwiran pa niya.Umagapay siya sa paglalakad saakin, pero hindi ko siy
Mabilis akong pumasok sa sasakyan, sumunod naman ang mga bodyguards ko. Hindi ako nag abalang lumingon kahit hanggang noong makauwi kami sa bahay. Hindi ko na rin hinintay na ipagbukas nila ako ng sasakyan dahil tuloy tuloy na akong pumasok sa kwarto ko. Basta ko na lang din itinapon ang bag ko sa kong saan bago humiga sa kama ng nakadipa ang mga kamay sa magkabilang gilid ng kama ko. Malakas akong napabuntunghinga habang nagrereplay sa balintataw ko ang nakita kanina. Kaya pala hindi niya ako nasundo dahil mas inuna nanaman pala niya ang babaeng iyon. Pero ano pa ba ang bago, palagi naman niya itong inuuna kaya dapat sa una pa lang hindi na dapat ako umasa. Matagal pa akog nagmuni muni bago ko naisipang magpalit ng damit pambahay. iIsang cotton short shorts at black and white fitted sleeveless split top ang napili ko. Pagkatapos makapagbihis, chineck ko ang cellphone kong ini off ko kanina. Napakunot ang noo ko ng makitang naka isandaang missed calls si Klei
"Sa sahig ka matulog." Utos ko sa kanya pagkalabas na pagkalabas niya sa banyo. Iniwas ko ang tingin ko ng humarap siya saakin. Katatapos niya lang maligo at naka boxers briefs at sando lang siya. Hindi na rin naman bago saakin ang makakita ng naka boxers na lalaki dahil marami din ang ganito sa mga napapanood ko, pero iba parin pala ang epekto kapag harap harapan mo ng nakikita. Nanuot sa ilong ko ang pinaghalong amoy ng sabon at aftershave nito ng maglakad ito papalapit saakin. Kanina ko lang nalaman na under renovation din pala lahat ng mga kwarto nila. Sa una, hindi ako naniwala. At dahil sigurista ako, inisa isa ko talaga ang lahat ng kwarto, at totoo ngang nagsasabi ito ng totoo. Ang galing naman ng timing. Kung sana sinabi niya ito ng mas maaga, baka napakiusapan ko pa si daddy na sa hotel na lang ako matulog. "No way! This is my bed. I will sleep here." Mariing giit nito. "Hep hep." Pigil ko sa kanya ng akmang mahihiga ito.
Nakakainip.Kanina pa ako inip na inip.Nagsawa na ako kaka fb at instagram. Nabwisit na ako kakalaro ng worm zone pero hanggang ngayon, hindi pa pumapasok si Klein dito sa kwarto niya. Hindi man lang niya ako magawang silipin kong buhay pa ba ako at humihinga.Nang tignan ko ang orasan sa white Givenchy na relo ko, mag-aalas siyete na pala ng gabi. Malapit na naman ang dinner, pero ni hindi pa nagpapakita saakin ang kumag.At nasaan ba sila ni Trinity? Kanina pa silang alas diyes ng umaga na magkasama, hindi pa ba sila nauumay sa mukha ng isa't isa?Dahil bwisit na ako, minabuti kong lumabas na muna ng kwarto. Pupunta ako sa labas para magpahangin. Naalala ko iyong itsura ng garden nila na nadaanan namin kagabi. Napakarami nilang tanim na bulaklak. And I think, I even saw my favorite flower.Hindi halata sa itsura ko pero mahilig talaga ako sa mga bulaklak. Iyon nga lang, nakaka inis kasi, kapag ako iyong nagtatanim; wala pang isang araw, n
"E-excuse m-me." Halos hindi lumabas ang mga salita na sambit ko.Tinakpan ko ang bibig ko at tumayo. Hindi ko na sila hinintay na magtanong. Mabilis akong umalis sa dining area at patakbong umakyat sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Klein. Dumiretso agad ako sa sink. Namilipit sa sakit ang tiyan ko ng walang mailabas ang sikmura ko.Humigpit ang hawak ko sa magkabilang gilid ng sink ng maramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko. Ang sakit na ng tiyan ko at feeling ko nadehydrate na ang mga lamang loob ko. Tubig na lang 'yong lumalabas sa bibig ko ngayon dahil isang subo lang naman iyong kinain ko kanina.Mangiyak ngiyak ako habang walang tigil ang paglabas ng mga mapapait na tubig sa bibig ko. First year high school pa lang ako noong huli akong magsuka ng ganito katindi.Sa nanginginig na mga kamay, pinunasan ko ang mga butil ng pawis na namuo sa nuo ko. Ng sa tingin ko wala ng mailabas ang sikmura ko, nag toothbrush ako dahil sobrang p
Hindi ko na talaga kaya. Ayaw akong dalawin ng antok dahil dinidistract ako ng pagtunog ng tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako kaya napilitan na akong bumangon. Balak kong uminom ng gatas para makatulog ako at titingin na rin ako ng pwedeng makain.Tulog na siguro silang lahat dahil alas dose na ng madaling araw.Dahan dahan akong bumaba para hindi magising itong kasama ko. Ginawa nito ang sinabi ko kanina. Hindi nga lang unan ang inilagay sa gitna namin kundi iyong mga maliliit na cusion na para sa sofa.Nang sulyapan ko si Trinity, nakita kong nasa pinaka gilid na siya ng kama at isang galaw na lang, mahuhulog na siya. Nakauklo siya at parang nilalamig. Naka tudo kasi ang aircon kaya malamig talaga dito sa loob ng kwarto.Iisa lang ang aming kumot at kinuha kopa kanina dahil ipinulupot ko sa katawan ko sa sobrang inis ko sa kanya.Mahina kong kinastigo ang aking sarili ng makaramdam ako ng konsensiya sa ayos niya. Kahit labag sa loob ko,
"Will you quit staring at me?" Nakairap na sabi ng lalakeng nasa harapan ko.Agad naman akong nag-iwas ng tingin."I'm sorry. Are you the gardener? Babalik na lang ako dito mamaya. Baka nakaka-istorbo ako sa paglilinis mo.""What? Gardener?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Oo. Hindi ba ikaw iyong taga-linis dito?" Nagtataka naman na tanong ko.He chuckled and shook his head."Oo. Ako ang taga-linis dito at nakaka-istorbo ka kaya pwede bang lumabas ka na?" Bumalik nanaman ang masungit na tono ng boses niya."Okay." Pumihit ako paalis pero pagharap ko ay siyang pagbukas ng pintuan ng green house at mula doon ay pumasok ang isang lalaking naka kupasing gray t-shirt at short na medyo madumi."Senyorito, hinahanap po kayo ni Donya Imelda." Ang sabi nito na nakapagpalaki ng mga mata ko.Senyorito? Tinawag niya itong senyorito? Ibig sabihin baka apo siya ni Donya Imelda?Lagot ako nito. Papaanong ang isang gwapong senyoritong katulad niya ay napagkamalan kong isang hardinero?'Napakatanga
"Let's go."Nabigla ako ng hawakan ni Klein ang kamay ko at inakay ako patungo sa loob ng mansiyon nila. Kanina pa nasa loob ang lola ni Klein at kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa labas kasama ang mga hindi mabilang na mga gwardiya na nagkalat sa paligid. Napaka-init at napaka-lambot ng mga palad niya. Siguradong napansin niya ang nanlalamig kong mga kamay.Walang imik na nagpaakay ako sa kanya. Naramdaman niya sigurong natatakot ako at kahit galit pa siya saakin ay wala siyang pagpipilian kong hindi ang samahan ako. Na dapat lang kasi siya naman ang nagdala saakin dito.Deretso ang tingin ko dahil natatakot na akong igala ang mga mata sa paligid. Ikaw ba naman ang pagbantaan ng lola ni Klein habang nanlalaki pa ang mga mata niya, hindi ka pa ba matatakot?Nasa teritoryo pa naman niya ako ngayon kaya kailangan kong mag-ingat."It's okay. Loosen up. You don't need to be afraid. I am just here."Sinulyapan ko si Kl
Impit akong napatili, pero sa isip ko lang dahil baka marinig ng impaktang lola ni Klein. Ang hudas na lalake nanaman kasi ang nasunod kaya ngayon nga ay ipinag empake ako ni Nay Letty at Delia nang pang dalawang linggo dahil ganoon katagal daw kami mamamalagi doon. Asar na asar ako lalo na sa lola niya na kanina pa parinig ng parinig kapag nagkakasalubong kami. Hindi na niya ako kinompronta tungkol sa mga halaman niya, pero halata naman sa itsura niya na galit saakin. "Delia, huwag na huwag mong hahayaan na may kung sino sino na humahawak sa mga gamit dito at baka masira na naman." Lihim akong napa-irap sa narinig. Kung hindi lang talaga ako nauuhaw ay hindi talaga ako bababa dahil alam kong nasa sala ang lola ni Klein. Parang wala akong nakikita na nilagpasan ko siya at pumanhik sa itaas. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay lalong nadagdagan ang inis ko nang makita ko si Klein na halatang kakatapos lang maligo at magbihis. Nakasuot siya ng puting tshirt at jogger pants. Nagderets
"Señorita, gumising na po kayo." "Sabado ngayon Delia, wala akong pasok." Ungol ko. "Alam ko po, pero kasi kailangan kayo sa baba." Hinila ni Delia ang balikat ko pero hindi ako tuminag. "Señorita, pakiusap bumangon na po kayo bago pa siya ang pumunta dito sa kwarto mo." Biglang nabuhay ang dugo ko kaya napamulat ako ng mga mata. "Sino ang pupunta dito sa kwarto ko?" Tanong ko habang painot-inot akong bumabangon. "Dumating na ba si Klein?" Tanong ko ulit sa pagitan ng paghikab. Siya lang naman kasi ang alam kong may lakas ng loob na magbanta. "E k-kasi po------." Napakat labi si Delia ng hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin. Napansin kong parang natataranta siya. Ano nanaman kaya ang nangyari? May nagawa na naman ba akong kasalanan? "Malalaman niyo pag bumaba kayo Señorita." Napairap ako sa kanya. Oo at hindi lang naman ang isasagot. Napaka simple. Isususpense pa niya ako. Nang umalis siya ay tumayo na ako at nagderetso sa banyo para gawin ang aking morning ritual. P
"Tinawagan kami ni Sir Klein señorita para bantayan ka dahil mawawala daw siya ng isang linggo." Sagot ni Skyler.Medyo nabwisit ako sa sinabi niya. Mabuti pa sila tinawagan pala ni Klein, pero ako na nandito sa mismong bahay niya ay hindi pa ako makamusta. Nakakagigil lang talaga.Lumihis ang tingin ko sa dalawang nasa likod niya, pero nakaiwas ang mga mata nila saakin.Bumalik ang tingin ko kay Skyler. Isinalpak ko sa dibdib niya ang bitbit kong tray na mabilis naman niyang nasalo."Ihatid mo iyan sa kusina." Walang gana kong utos sa kanya. Agad naman siyang sumunod. Naiwan si Thunder at Viper na mabilis na pumwesto sa magkabilang gilid ng aking pinto. Inismiran ko sila bago ulit ako bumalik sa kwarto ko.Ano naman ngayon ang gagawin ko? Ngayong nandito na ang tatlong asungot sa buhay ko ay siguradong araw-araw na naman akong bwisit neto.Wala akong maisip na gagawin dito sa loob ng kwarto kaya naman lumabas ulit ako. Alertong napatingin saakin ang tatlo ng makitang lumabas ako.Su
"Kalma, hindi pa ako mamamatay." Nakataas ang kilay na sambit ko dahilan para mapaiwas ito ng tingin. Tumikhim ito at dahan dahang naglakad papalapit saakin. Napangiwi ako ng humapdi ang kamay ko dahil sa diin ng pagkamot ko. I need the ointment. Ang tagal naman kasi ni manang. "Let me see your hand." Hindi pa ako naka oo e hawak hawak na niya ang kamay ko. Tumaas ang lahat ng balahibo ko ng haplusin nito ang mga pantal pantal ko. "Ito ang napapala ng mga taong matigas ang ulo." Medyo pagalit na sabi nito. Mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya dahil biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang magalit? Hindi ko naman alam na mangyayari ang ganito saakin. E kong alam ko lang sana na magkakapantal ako, nagmokmok na lang sana ako sa kwarto. Nabwisit na naman ako kaya tumayo ako at akmang aalis na nang siya namang pagdating ni manang. "Pasensiyana na señorita at hinanap ko pa itong gamot. Ako na ang maglalagay." Presint
"Señorita, ang ganda naman po ng phone niyo. Parang hindi naman iyan iyong nakita ko noon na ginagamit niyo." I took a picture of my favorite amaryllis flower first before I faced Dandelia with a smile on my lips. Sa mga pagkakataon na ganito na naiistorbo ako sa aking ginagawa dapat ay nagagalit nanaman ako pero iba ngayon. Maganda ang mood ko kasi may bago na akong phone. Nanghihinayang parin ako sa nasirang phone ko dahil wala pang isang taon iyon pero di hamak naman na mas gusto ko itong Iphone 13 ngayon. Dito agad ako sa garden dumiretso pagkatapos ibigay ni Klein ang phone ko. "Hindi talaga kasi bago lang ito." Nakangiti kong sagot. "At nakapagtatakang hindi po kayo nagsusungit ngayon?" Tinaasan ko siya ng kilay at pinameywangan. "So mas gusto mo akong nagsusungit Dandelia?" Alanganin itong ngumiti at nag iwas ng tingin. "Hindi naman po sa ganoon senyorita, mas okay nga po kapag nakangiti kayo, mas lalo po kayong gumaganda." Inismiran ko siya. "Tigilan mo nga ako. Binobo
"Phone mo ba iyang basta mo na lang inihagis? Ikaw ba ang bumili? Ha?Sumagot ka!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ko ulit. Wala akong pakialam kong naririnig nila sa labas ang boses ko. Subukan nilang makialam at isusungalngal ko ang nabasag kong phone sa mga bunganga nila. "Ano? Sinabi nang sumagot ka e." Sigaw ko ulit ng umiling lang ito sabay tawa ng mahina. Napakuyom ang mga kamao ko. Ginigigil talaga ako ng bwisit na lalaking ito e. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Tinignan ko siya ng matalim ng dahan nitong pinulot ang cellphone ko sa sahig at itinapon sa basurahan na katabi ng bedside table. Napakuyom ang mga kamao ko. My dad really should know how he broke my phone, pero ang problema ay kong paano ko makokontak si daddy. Hindi ko pa naman kabisado ang number nito. "I am already here. You don't need your goddam phone. Kung may kailangan ka sabihan mo sina manang o kaya naman ay gamitin mo ang telepono dito sa kwarto."
"Hoy babae, gising!" Mahina akong napaungol. Tinakluban ko ng kumot ang mukha ko at tumagilid ng higa. Sino ba itong boses bakla na nambubulahaw saakin. Kainis! Aga aga e. Itutuloy ko na sana ang pagtulog ng may biglang humila ng malakas sa kumot ko. "Ano ba!" Paos ang boses na angil ko. Inis akong nagmulat ng mga mata at ang nakabusangot na mukha ni Trexie ang agad na bumungad saakin. Nakapameywang siya habang nakadungaw saakin. "Oh ano, edi nagising ka ring bruha ka. Kanina pa ako nagugutom. Katagal mo namang gumising." Nandidilat ang mga matang sumbat niya saakin. Pumipikit pikit pa ang mga mata ko pero nagawa kong ikutan siya ng mga mata. Sino ba kasi ang nagsabing pumunta siya dito ng hindi pa kumakain? "Edi sana nauna ka ng kumain. Dala dala ko ba ang kaldero at kailangan mo pa akong gisingin para lang sabihan na nagugutom ka