Malapit na kaming makababa ng mapalingon ang kasama niyang matanda saakin. Kamukha ito ni Klein. Siya na siguro ang daddy nito. Mababanaag sa mga mata niya ang paghanga habang nakatingin saakin.
"Oh! What a lovely lady we have here. She must be your daughter that you were talking about."
Napatayo pa siya habang sinasabi 'yon kaya napalingon tuloy si Daddy sa kinaroroonan ko.
"Yes kumpadre." Sagot agad ni daddy.
Iminwestra nito ang kamay na pumunta ako sa tabi niya kaya binilisan ko ang lakad ko. Nagbigay galang naman si Nay Rosie sa kanila bago umalis.
"This is my daughter Chanel Amery." Pagpapakilala ni Daddy saakin.
"Hello po. Good Evening Tito-- ahm."
"Call me Tito Zach hija. And this is my son, Klein." Nakangiti niyang sabi habang isang tapik sa balikat naman ang ibinigay niya sa anak niya. Alam na kaya nilang matagal na kaming magkakilala?
Isang tango lang ang ibinigay niya saakin bago ibinalik ulit ang tingin sa cellphone nito. Hindi man lang ngumiti, kahit pa kunwari lang. Ipinapahalata talagang napilitan lang sumama dito.
Nagyaya na si Daddy sa komedor. Sa lapag ng parihabang lamesa namin ay nakahanda ang iba't ibang klase ng pagkain. Parang may fiesta sa dami ng handa.
Umupo kami ni daddy sa kanan habang umupo naman ang mag ama sa kaliwa kaharap namin.
Patuloy lang na nagku kwentuhan si Daddy at si Tito Zach habang kami naman ni Klein ay walang imik.
Marami silang pinag uusapan na hindi ko maunawaan. Ngayon ko lang nalaman na may ari pala si daddy at tito Zach ng pinaka malaking kompanya ng langis sa Asia at gusto nilang mag expand. And they are aiming the European country.
Klein and I will only marry because of business. And I heard that after we get married, Klein will take over the company. He will be appointed as the new Ceo because daddy and tito Zach wants to retire already.
Tinignan ko si Klein na kaharap ko sa hapag. Seryoso lang siyang kumakain, sumasagot lang kapag tinatanong. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya, ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tignan. Wala sa sariling napangiti ako sa kanya ng tumingin siya saakin and he smiled back.
Shit! Did he just smiled at me? Yumuko ako at kumurap kurap baka kasi namamalikmata lang ako pero nang tignan ko ulit siya, balik na naman sa pagiging pormal ang mukha nito. Medyo nalungkot ako, siguro nga namalikmata lang ako. Asa naman kasing ngingitian niya ako.
Tumayo na sila senyales na tapos na silang kumain, ni hindi pa nga ako nangangalahati sa kinakain ko. Uminom na lang ako ng tubig tsaka nagpunas ng bibig.
Sumunod ako sa kanila, pumunta si Tito Zach at Daddy sa taas at may pag uusapan pa raw sila kaya naiwan kami ni Klein sa sala. Umupo siya sa mahabang sofa, tumabi ako sa sa kanya pero doon ako sa pinaka gilid umupo.
Ang akward kaya naman binuksan ko 'yong tv, inilagay ko sa channel na may larong soccer. Alam kong mahilig siya sa larong 'yan. Halos lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko na. Papasa na nga akong stalker dahil sa dami ng alam ko.
"'Diba paborito mo 'yan?" Saad ko ng nagtatanong ang mga matang tumingin siya saakin.
"How did you know?"
"W-well, I---I did a little research about you." Kinakabahang sagot ko.
Hindi ko sinabing halos lahat ay alam ko na tungkol sa kanya dahil baka macreepyhan siya saakin.
"Really, huh?" Nakangising sagot nito bago itinutok ang mga mata sa tv.
Hindi naman ako mahilig sa larong 'yan kaya bubusugin ko nalang ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.
"Will you stop staring at me?" Biglang sabi niya habang naka kunot ang noong nakatingin na pala saakin.
Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras. He just caught me in the act while dreamily staring at him. My god Chanel! This is so embarassing. Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya.
I cleared my throat.
"Ah, so kumusta kana?" Tanong ko para pagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman ko. Ngumiti ako at nakipagtitigan sa kanya pero umiwas siya ng tingin.
"Never been fine." Masungit niyang sagot.
"Why?" Tanong ko ulit.
"Are you seriously asking me that?" Asik nito habang nakatingin ng matalim saakin.
Ako naman 'yong umiwas ng tingin kasi hindi ko matagalan ang klase ng tingin nito. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masunggaban ko siya ng yakap. Mas gumu gwapo kasi siya kapag galit kaya palagi akong gumagawa ng ikinagagalit nito.
Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tinanggal niya yong necktie niya at binuksan ang tatlong butones ng long sleeves niya, hindi ko napigilang humarap ulit sa kanya at tumambad sa mata ko ang matigas niyang dibdib. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa nakita ko. Ano kaya ang feeling ng mayakap ng isang Calvin Klein Dometry?
Tumaas 'yong tingin ko papunta sa mga labi niya, bakit ganun? Ang nipis ng bibig niya at mamula mula pa. Ang sarap sigurong humalik ng mga labing 'yan. Tumaas pa yong tingin ko papunta sa mga mata niya at-----
"Are you done checking me out?" Nakataas ang kilay na tanong nito. "Ano? Tititigan mo nalang ba ako?"
Ang sungit talaga nito kahit kailan. Napairap nalang ako sa kanya kaya naman mas lalo nanamang sumama 'yong pagkakatingin niya.
"And you seriously dared rolled your eyes on me?" Nakita na nga niya tatanungin pa?
"And will you please talk? Naging pipi ka na ba?"
"Bakit ba ang sungit sungit mo saakin? May nagawa ba akong masama sayo? Parang tinititigan ka lang, masama na bang titigan ka?" Tuloy tuloy kong salita. Tinapatan ko din ang sama ng pagkakatingin niya.
'Sige labanan nalang tayo ng samaan ng tingin'.
"You do know that it's rude to stare right?"
"Ay! sorry naman, hindi ko kasi alam." Napatakip pa ako ng bibig, kunwari talaga ay hindi ko alam.
"Tss..Whatever!"
Bigla siyang tumayo at akmang aalis ng hawakan ko ang kamay niya. Pero bigla ko ring inalis kasi parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko.
"Wait! Where are you going?"
"As you can see, uuwi na. What am I even doing here? Para sabihin ko sayo napilitan lang akong pumunta dito, pinagbigyan ko lang si Dad."
Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata.
"Pero hindi pa tayo nakakapag usap."
Ngayon na nga lang ako binigyan ng pagkakataong mapalapit sa kanya tapos agad agad naman siyang aalis?
"Meron ba tayong dapat pag usapan?" Pabalang nitong tanong.
"Ofcourse madami, hindi mo ba gustong kilalanin ang babaeng mapapangasawa mo?" Lakas loob kong sagot.
Ay bwiset. Bakit iyon ang itinanong ko? Hindi ko pala gustong magpakasal sa kanya.
"And who the hell says that I am going to marry you?" Galit na sigaw nito habang masamang nakatingin saakin.
"Hindi mo ba narinig ang pinag uusapan ng mga magulang natin kanina habang kumakain tayo?"
Pagpapa alala ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang masama niyang tingin. Papanindigan ko na ang nasabi ko kanina. Hindi ko naman sinadyang sabihin iyon. Ayaw ko parin namang magpakasal sa kanya.
"No! And I am not even interested to hear whatever that you are talking about."
Mapanakit talaga 'tong lalaking ito.
"Sinasabi mo bang ayaw mo akong pakasalan? Itong ganda ko na ito tatanggihan mo? Didn't you know that I am Chanel Amery Martini and no one dared to resist me?" Nanggagalaiti kong sigaw.
"Really?" Nang uuyam niyang sagot.
Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya kaya napapikit ako. Hindi ko matagalan ang nagbabaga niyang tingin. Nangatog ang tuhod ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa sobrang lapit na ng mukha niya. Pati hangin ay mahihiyang dumaan sa ayos namin.
Akala ko tuloy hahalikan niya ako pero bumulong lang pala siya malapit sa may tainga ko.
"Then maybe, I am the first. If you think that you can get everything you want including me, then think again brat. Alam kong plinano mo ang lahat ng ito. Ganyan ka na pala kadesperadang makuha ako? Sorry to dissapoint you but I will never ever agree to this stupid plan of yours. You should have known better." Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya. Tinapatan ko ang talim ng pagkakatingin niya.
Hindi ko ipapakitang nasaktan ako sa sinabi niya. Gustong gusto ko nang umiyak pero tinatagan ko ang loob ko. Sabi ko na nga ba at iisipin niyang plinano ko lang ang lahat ng ito.
"I'm sorry to dissapoint you too, but wether you like it or not, you are going to stuck with me and you can't do anything about it." Nakangisi kong sagot.
Mas lalong sumama 'yong tingin niya, parang gusto na niya akong sakalin pero nagpipigil lang.
Sige lang magalit ka. Sa ginagawa mo mas lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para ituloy ang kasal.
"Let's see."
Nakangisi niyang saad bago tumalikod at naglakad papaalis. Wala akong nagawa kundi titigan na lang ang likod niya papalayo.
Naiinis akong umakyat at pumasok sa kwarto ko. Basta ko nalang iniwan ang nakabukas na tv. Bahala na ang mga katulong na patayin 'yon. Sa ngayon magpa plano pa ako ng mga susunod kong hakbang para mapasaakin ang isang Calvin Klein Dometry.
I will make his world upside down. Lahat nakukuha ko at hindi siya exempted doon. Ngayon pa lang maghanda ka na Dometry dahil magiging akin ka, sa ayaw at sa gusto mo.
Maaga akong gumising ngayon dahil gusto kong maabutan si daddy bago siya pumasok ng opisina. May ipapakiusap kasi ako sa kanya at sana pumayag siya.Mabilis akong pumunta sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Hindi na ako nag abalang magsuklay dahil nandito lang naman ako sa bahay. Bahala nang magmukhang mangkukulam, wala namang ibang makaka kita. Mga katulong at mga tauhan lang naman ni dad ang nandito, so wapakels ako sa itsura ko. Atleast naghilamos at nagtoothbrush ako, makuntento na sila doon. Kung may problema pa sila sa ayos ko pakamatay na sila wala akong paki alam.Ng binuksan ko ang pintuan ko, bumungad sa harapan ko ang tatlong bodyguards ko. Yumuko sila bilang paggalang sa diyosang katulad ko bago sila sabay sabay na bumati ng 'Magandang umaga, Senyorita'. Pero dahil ako si Chanel Amery Martini, ang bukod tanging pinagpala sa kagandahan at katalinuhan, hindi ko sila pinansin. Baka hindi pa man nagsisimula ang araw ko e masira na. At bakit ba kapag
Tapos na akong mag enroll at hindi ko alam kong saan kami ngayon papunta. Ayaw ko namang magtanong dahil naiinis parin ako sa kanya. Basta ang alam ko lang tumawag sa kanya si Trinity at magkita daw sila kaya heto pati ako isinama hindi man lang tinanong kung gusto kong sumama, napaka walang modo talaga.A few minutes later we stopped in front of an Italian Restaurant. The design is very elegant and the colors is very fresh from the eyes. The glass wall is not tinted. From here, I can see few couples happily eating. I frown because of the thought that I will eat here.Tss...Ano namang kakainin ko dito? Pasta? Really? Mabubusog ba ako niyan? And how about my dress? Naka jeans lang kaya ako, pwede bang pumasok diyan ng naka jeans lang? Puro naka formal ang mga nakita kong kumakain dito.Napairap ako ng wala sa oras at ng ibaling ko ang tingin sa kanya nakatitig pala siya saakin, napalunok tuloy ako ng wala sa oras.
It's been two months since the last time I saw Klein, nasa magkaibang department kasi kami kaya hindi kami nagpapang abot. He is taking his masterals degree here.After niya ako ihatid noon, ni anino niya hindi ko na nakita. And about Trinity, I always saw her here in our school but I am just ignoring her. She always have that warm smile whenever our gaze met but I will just rolled my eyes in return."Excuse me Miss Domingcil but why do we need to give meanings every poems that Robert Frost write? Do we need that when we apply in a bank?"I gaze at Trexie Santos, my gay friend when I heard what he said to our English Professor. Napatawa nalang ako ng mahina, like why the hell would he ask that? May pagka terror pa naman ang matandang prof. namin. But on the other side, may tama naman siya. Our course is Bachelor of Science in Accountancy so I don't get it why we need to study that thing.Napasulyap ang m
"Ano ba Chanel, tumalon ka na, makikita na tayo sa sobrang bagal mo e,"pagrereklamo ni Trexie. Nauna siyang bumaba saakin, nandito kami sa likod ng eskwelahan namin, uwian na namin pero hindi kami sa harap dumaan dahil nga may usapan kaming lalabas ngayon. Hindi kami pwedeng dumaan sa harap dahil makikita kami ng mga bodyguards ko. "Teka lang naman kasi at medyo nalulula ako, hindi ba ako mababalian ng buto kapag tumalon ako diyan?" Nag aalalang sabi ko. Nakatungtong ako sa ladder board na hiniram namin sa janitor na nakita naming naglilinis kanina. Idinahilan na lang namin na gusto naming kumuha ng bunga ng mangga, eksakto namang may mga hinog na itong bunga. Mabilis naman niya kaming pinahiram at pina alalahanan na mag ingat kami at baka mahulog kami. Hinintay muna namin itong maka alis bago namin isinagawa ang plano namin. "Hindi ka mababalian ng buto riyan, hindi naman sobrang taas a, tignan mo nga ako at wala
"And where do you think you are going Chanel? Tatakasan mo na naman ba ako?" He dangerously said. He's famous smirk is plastered all over his face.Nawala ang takot ko dahil nabwisit ako sa inasta niya."Ofcourse not! Umalis ka diyan at may pupuntahan pa kami." Hinawi ko siya para sana makadaan kami pero ni hindi man lang siya natinag mula sa kinatatayuan niya."Ano ba? Padaanin mo kami!" Naiinis kong bulyaw pero ang siste, wala talagang kagalaw galaw mula sa pag kakatayo."Let's go home." Walang emosiyong saad niya, kababakasan ng kaseryosohan ang mukha niya. Nawala na ang pagkakangisi niya, the way he looked at me makes my knees turn into jellies. Medyo kinabahan ako kasi kapag ganyan ang boses niya nagtitimpi na lang siya na bigwasan ako, pero hindi ako nagpatinag. Sino ba siya sa akala niya?"Oo, uuwi na kami pero hindi ako makikisabay sa'yo. We can go home without you." masungit kong saad. "Right Trexie?" Tanong ko sa katabi ko. Kinuha ko ang atensiyon niya k
Nag iwas ako ng tingin ng bumusina ang bodyguard ko, narito na pala kami sa harap ng gate namin. Bumukas ang gate at marahang pumasok ang sasakyan ni Klein kasunod ang isa pang sasakyan sa likod. Nang huminto ang sasakyan sa may garahe namin, ako na ang kusang nagbukas ng pintuan at dali daling lumabas. Hindi ko na hinintay na ipagbukas ako ng pintuan ng bodyguard ko na siyang palagi nilang ginagawa. Hindi ko na rin tinignan kong nakasunod ba si Klein sa likod ko. Nahihiya akong humarap sa kanya. Ngayon pa lang nagsisink sa utak ko ang ginawa namin kanina, wala na 'ata akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Ano kayang iniisip niya tungkol saakin? Baka nadisappoint siya dahil hindi ako marunong h*****k, pero gusto niya daw akong halikan. Kikiligin na ba ako? Papasok na ako sa bahay ng makita ko si daddy na nakaupo sa sofa, talagang hinihintay niya nga ako. Napakunot ang noo niya ng makita niya akong naglalakad patung
"Bes pansinin mo naman ako, baka hindi mo napapansin kanina pa ako nagpapa pansin," nagmamakaawang sabi ng baklita, nakanguso pa siya na akala mo naman ikinaganda niya. Kung titingin lang siya sa salamin, baka magsisigaw pa siya dahil sa nakaririmarim na itsura niya."Sinabing huwag mo akong kinakausap at nanggigigil pa ako sa'yong bakla ka," nakairap na sabi ko. Hinawi ko ang buhok kong tumakip sa mata ko at binilisan ang paglalakad ko.Hapon na at pauwi na kami, katatapos lang ng huling subject namin. Kaninang umaga pa siya nagpapa pansin at malapit na akong mainis, konting konti na lang at tototohanin ko na ang banta kong sasabunutan ko siya hanggang malagas ang lahat ng buhok niya."E kasi naman besy, sorry na kasi, nakakatakot kasi ang itsura ni papa Klein kahapon, parang gusto niya akong patayin sa klase ng pagkakatingin niya." Pangangatwiran pa niya.Umagapay siya sa paglalakad saakin, pero hindi ko siy
Mabilis akong pumasok sa sasakyan, sumunod naman ang mga bodyguards ko. Hindi ako nag abalang lumingon kahit hanggang noong makauwi kami sa bahay. Hindi ko na rin hinintay na ipagbukas nila ako ng sasakyan dahil tuloy tuloy na akong pumasok sa kwarto ko. Basta ko na lang din itinapon ang bag ko sa kong saan bago humiga sa kama ng nakadipa ang mga kamay sa magkabilang gilid ng kama ko. Malakas akong napabuntunghinga habang nagrereplay sa balintataw ko ang nakita kanina. Kaya pala hindi niya ako nasundo dahil mas inuna nanaman pala niya ang babaeng iyon. Pero ano pa ba ang bago, palagi naman niya itong inuuna kaya dapat sa una pa lang hindi na dapat ako umasa. Matagal pa akog nagmuni muni bago ko naisipang magpalit ng damit pambahay. iIsang cotton short shorts at black and white fitted sleeveless split top ang napili ko. Pagkatapos makapagbihis, chineck ko ang cellphone kong ini off ko kanina. Napakunot ang noo ko ng makitang naka isandaang missed calls si Klei
"Will you quit staring at me?" Nakairap na sabi ng lalakeng nasa harapan ko.Agad naman akong nag-iwas ng tingin."I'm sorry. Are you the gardener? Babalik na lang ako dito mamaya. Baka nakaka-istorbo ako sa paglilinis mo.""What? Gardener?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Oo. Hindi ba ikaw iyong taga-linis dito?" Nagtataka naman na tanong ko.He chuckled and shook his head."Oo. Ako ang taga-linis dito at nakaka-istorbo ka kaya pwede bang lumabas ka na?" Bumalik nanaman ang masungit na tono ng boses niya."Okay." Pumihit ako paalis pero pagharap ko ay siyang pagbukas ng pintuan ng green house at mula doon ay pumasok ang isang lalaking naka kupasing gray t-shirt at short na medyo madumi."Senyorito, hinahanap po kayo ni Donya Imelda." Ang sabi nito na nakapagpalaki ng mga mata ko.Senyorito? Tinawag niya itong senyorito? Ibig sabihin baka apo siya ni Donya Imelda?Lagot ako nito. Papaanong ang isang gwapong senyoritong katulad niya ay napagkamalan kong isang hardinero?'Napakatanga
"Let's go."Nabigla ako ng hawakan ni Klein ang kamay ko at inakay ako patungo sa loob ng mansiyon nila. Kanina pa nasa loob ang lola ni Klein at kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa labas kasama ang mga hindi mabilang na mga gwardiya na nagkalat sa paligid. Napaka-init at napaka-lambot ng mga palad niya. Siguradong napansin niya ang nanlalamig kong mga kamay.Walang imik na nagpaakay ako sa kanya. Naramdaman niya sigurong natatakot ako at kahit galit pa siya saakin ay wala siyang pagpipilian kong hindi ang samahan ako. Na dapat lang kasi siya naman ang nagdala saakin dito.Deretso ang tingin ko dahil natatakot na akong igala ang mga mata sa paligid. Ikaw ba naman ang pagbantaan ng lola ni Klein habang nanlalaki pa ang mga mata niya, hindi ka pa ba matatakot?Nasa teritoryo pa naman niya ako ngayon kaya kailangan kong mag-ingat."It's okay. Loosen up. You don't need to be afraid. I am just here."Sinulyapan ko si Kl
Impit akong napatili, pero sa isip ko lang dahil baka marinig ng impaktang lola ni Klein. Ang hudas na lalake nanaman kasi ang nasunod kaya ngayon nga ay ipinag empake ako ni Nay Letty at Delia nang pang dalawang linggo dahil ganoon katagal daw kami mamamalagi doon. Asar na asar ako lalo na sa lola niya na kanina pa parinig ng parinig kapag nagkakasalubong kami. Hindi na niya ako kinompronta tungkol sa mga halaman niya, pero halata naman sa itsura niya na galit saakin. "Delia, huwag na huwag mong hahayaan na may kung sino sino na humahawak sa mga gamit dito at baka masira na naman." Lihim akong napa-irap sa narinig. Kung hindi lang talaga ako nauuhaw ay hindi talaga ako bababa dahil alam kong nasa sala ang lola ni Klein. Parang wala akong nakikita na nilagpasan ko siya at pumanhik sa itaas. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay lalong nadagdagan ang inis ko nang makita ko si Klein na halatang kakatapos lang maligo at magbihis. Nakasuot siya ng puting tshirt at jogger pants. Nagderets
"Señorita, gumising na po kayo." "Sabado ngayon Delia, wala akong pasok." Ungol ko. "Alam ko po, pero kasi kailangan kayo sa baba." Hinila ni Delia ang balikat ko pero hindi ako tuminag. "Señorita, pakiusap bumangon na po kayo bago pa siya ang pumunta dito sa kwarto mo." Biglang nabuhay ang dugo ko kaya napamulat ako ng mga mata. "Sino ang pupunta dito sa kwarto ko?" Tanong ko habang painot-inot akong bumabangon. "Dumating na ba si Klein?" Tanong ko ulit sa pagitan ng paghikab. Siya lang naman kasi ang alam kong may lakas ng loob na magbanta. "E k-kasi po------." Napakat labi si Delia ng hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin. Napansin kong parang natataranta siya. Ano nanaman kaya ang nangyari? May nagawa na naman ba akong kasalanan? "Malalaman niyo pag bumaba kayo Señorita." Napairap ako sa kanya. Oo at hindi lang naman ang isasagot. Napaka simple. Isususpense pa niya ako. Nang umalis siya ay tumayo na ako at nagderetso sa banyo para gawin ang aking morning ritual. P
"Tinawagan kami ni Sir Klein señorita para bantayan ka dahil mawawala daw siya ng isang linggo." Sagot ni Skyler.Medyo nabwisit ako sa sinabi niya. Mabuti pa sila tinawagan pala ni Klein, pero ako na nandito sa mismong bahay niya ay hindi pa ako makamusta. Nakakagigil lang talaga.Lumihis ang tingin ko sa dalawang nasa likod niya, pero nakaiwas ang mga mata nila saakin.Bumalik ang tingin ko kay Skyler. Isinalpak ko sa dibdib niya ang bitbit kong tray na mabilis naman niyang nasalo."Ihatid mo iyan sa kusina." Walang gana kong utos sa kanya. Agad naman siyang sumunod. Naiwan si Thunder at Viper na mabilis na pumwesto sa magkabilang gilid ng aking pinto. Inismiran ko sila bago ulit ako bumalik sa kwarto ko.Ano naman ngayon ang gagawin ko? Ngayong nandito na ang tatlong asungot sa buhay ko ay siguradong araw-araw na naman akong bwisit neto.Wala akong maisip na gagawin dito sa loob ng kwarto kaya naman lumabas ulit ako. Alertong napatingin saakin ang tatlo ng makitang lumabas ako.Su
"Kalma, hindi pa ako mamamatay." Nakataas ang kilay na sambit ko dahilan para mapaiwas ito ng tingin. Tumikhim ito at dahan dahang naglakad papalapit saakin. Napangiwi ako ng humapdi ang kamay ko dahil sa diin ng pagkamot ko. I need the ointment. Ang tagal naman kasi ni manang. "Let me see your hand." Hindi pa ako naka oo e hawak hawak na niya ang kamay ko. Tumaas ang lahat ng balahibo ko ng haplusin nito ang mga pantal pantal ko. "Ito ang napapala ng mga taong matigas ang ulo." Medyo pagalit na sabi nito. Mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya dahil biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang magalit? Hindi ko naman alam na mangyayari ang ganito saakin. E kong alam ko lang sana na magkakapantal ako, nagmokmok na lang sana ako sa kwarto. Nabwisit na naman ako kaya tumayo ako at akmang aalis na nang siya namang pagdating ni manang. "Pasensiyana na señorita at hinanap ko pa itong gamot. Ako na ang maglalagay." Presint
"Señorita, ang ganda naman po ng phone niyo. Parang hindi naman iyan iyong nakita ko noon na ginagamit niyo." I took a picture of my favorite amaryllis flower first before I faced Dandelia with a smile on my lips. Sa mga pagkakataon na ganito na naiistorbo ako sa aking ginagawa dapat ay nagagalit nanaman ako pero iba ngayon. Maganda ang mood ko kasi may bago na akong phone. Nanghihinayang parin ako sa nasirang phone ko dahil wala pang isang taon iyon pero di hamak naman na mas gusto ko itong Iphone 13 ngayon. Dito agad ako sa garden dumiretso pagkatapos ibigay ni Klein ang phone ko. "Hindi talaga kasi bago lang ito." Nakangiti kong sagot. "At nakapagtatakang hindi po kayo nagsusungit ngayon?" Tinaasan ko siya ng kilay at pinameywangan. "So mas gusto mo akong nagsusungit Dandelia?" Alanganin itong ngumiti at nag iwas ng tingin. "Hindi naman po sa ganoon senyorita, mas okay nga po kapag nakangiti kayo, mas lalo po kayong gumaganda." Inismiran ko siya. "Tigilan mo nga ako. Binobo
"Phone mo ba iyang basta mo na lang inihagis? Ikaw ba ang bumili? Ha?Sumagot ka!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ko ulit. Wala akong pakialam kong naririnig nila sa labas ang boses ko. Subukan nilang makialam at isusungalngal ko ang nabasag kong phone sa mga bunganga nila. "Ano? Sinabi nang sumagot ka e." Sigaw ko ulit ng umiling lang ito sabay tawa ng mahina. Napakuyom ang mga kamao ko. Ginigigil talaga ako ng bwisit na lalaking ito e. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Tinignan ko siya ng matalim ng dahan nitong pinulot ang cellphone ko sa sahig at itinapon sa basurahan na katabi ng bedside table. Napakuyom ang mga kamao ko. My dad really should know how he broke my phone, pero ang problema ay kong paano ko makokontak si daddy. Hindi ko pa naman kabisado ang number nito. "I am already here. You don't need your goddam phone. Kung may kailangan ka sabihan mo sina manang o kaya naman ay gamitin mo ang telepono dito sa kwarto."
"Hoy babae, gising!" Mahina akong napaungol. Tinakluban ko ng kumot ang mukha ko at tumagilid ng higa. Sino ba itong boses bakla na nambubulahaw saakin. Kainis! Aga aga e. Itutuloy ko na sana ang pagtulog ng may biglang humila ng malakas sa kumot ko. "Ano ba!" Paos ang boses na angil ko. Inis akong nagmulat ng mga mata at ang nakabusangot na mukha ni Trexie ang agad na bumungad saakin. Nakapameywang siya habang nakadungaw saakin. "Oh ano, edi nagising ka ring bruha ka. Kanina pa ako nagugutom. Katagal mo namang gumising." Nandidilat ang mga matang sumbat niya saakin. Pumipikit pikit pa ang mga mata ko pero nagawa kong ikutan siya ng mga mata. Sino ba kasi ang nagsabing pumunta siya dito ng hindi pa kumakain? "Edi sana nauna ka ng kumain. Dala dala ko ba ang kaldero at kailangan mo pa akong gisingin para lang sabihan na nagugutom ka