((( Zhia POV’s ))) “Hoy amasona! Bakit ka sumisigaw! Dinig na dinig sa labas!” Pagpasok ni Kuya. Gorilyang to! Isa pa siya!Hinila na ako ni Sean paupo.“Bayaw.” bati niya kay Sean at ng makita si Tang Ismael.Ngumiti lang siya na talagang maganda lang sa kanya, ngipin. “Pagpasensyahan niyo na kapatid ko.” di ata kilala kung sino si Tang Ismael.“He is my father.”“Ay! Hello po.” saka lumapit si Kuya at napamano dito.Oo, ganyan kami pinalaki ng mga magulang ko. Laging magmano sa matanda at kahit di mo kilala basta matanda… magmano ka. Ewan ko kung kabilang pa ba yan sa modenirasyon ngayon. Basta ako, tuturuan ko mga anak namin ng kulturang pinoy. Maganda kaya kultura natin. Di dapat itinatago dapat lang na ipakita.“Ikaw pala kapatid ni Zhia. Kilala ko lang kasi yung anak mo. Yung kaninang bata dito.”
Last Updated : 2021-03-04 Read more