((( Zhia POV’s )))Tipong puro sibuyas ang nasa harapan ko kung bakit patuloy akong umiiyak. Ginawa ko na ngang panyo yung table napkin. Hangang sa dinalhan na ako ng tissue ni Jane. Napapasinghot na din ako, wala silang imik. Parang gusto ko na talagang utusan si Jane na ipagbalot na niya ako ng pagkain para makalayas na sa pamamahay ni Sean. Labis na akong nasasaktan! Hahaha. Pagkain talaga yung habol. Opo, pinagtatawanan ako ng sarili ko. Yan kasi, sarap magmahal ni Sean no? Sinanay masyado at ngayon asaan ako? Luhaan? Tanga kasi.“Hindi kaya Zhia, maubos ang stock ninyong tissue ni Sean?” pagbibiro ni Luis na alam ko, gusto na niya ako tumigil. Kanina sabi okey langumiyak, ngayon naman pinipigilan ako. Ang lalabo talaga ng mga lalaki.“Pautang na lang ako kapag siningil ako ni Sean.” Banat ko din sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Saka huling bahing. Ayoko na. Ilayo niyo n
Huling Na-update : 2021-03-04 Magbasa pa