((( Zhia POV’s )))Nakita kong lumabas sa isang silid si Leon at naroroon sigurado si Sean, lalong-lalo na ang kabute! Nakasunod lamang sa akin sina Cecile at Jane. Nang lumingon sa amin si Leon. At sinalubong ako para humarang. Basang-basa ata niya ang mukha ko na may balak ako sa amo niya.“ Miss Zhia.” Wag na wag ka haharang-harang Leon! Isang mapaklang ngiti ang binati ko sa kanya.“Andyan si Sean at yung kabuting dayuhan?!”Ngumisi siya sa akin.“Miss Zhia ano to?” tanong niya sa akin.“ Gagawa ba kayo ng iskandalo. Miss Zhia, pag-isipan niyo na muna. Hahayaan niyo ba mauwi sa lahat ang sinimulan at pinaghirapan ni Master Sean?” Nagkatitigan kami ni Leon. Ako itong biglang nanghina. Saka bago pa man bumagsak ang luha ko, tumalikod na ako.Tama siya. Kung pipigilan ko ngayon si Sean, mauuwi lang sa wala ang lahat nang ito. Hindi lang si Sean ang nahi
Huling Na-update : 2021-03-04 Magbasa pa