((( Zhia POV’s )))
“Balak mo talaga akong iwan?!”
“Syempre hindi.” Mahigpit niyang yakap at ibinaba ang mukha sa pisngi ko para humalik. Makuha ng mga matatangkad na tao. Bitin no? Sumobra?
“Mahal kita.” Ahahahha. Parang sasabog na talaga lahat ng Bulkan sa Pacific Ring of Fire. Kapag nagkaganoon ang nagyari… Goodbye Pilipinas. Isisi niyo po kay Sean kapag nangyari nga yun. Pinapakilig na lang tayo parati. Tapos mamaya galit na naman. Sabagay sanay na din naman ako. Hindi naman siya yung tipong nagagalit na kailangan mo matakot dahil di naman yan mamalo, ma-nga-ngagat lang.
“Di rin kita iiwan Sean. Mahal din kita eh.” Banat ko rin. Medyo di seryoso dahil bigla kong pinagtawanan sarili ko. Eh sa iniimagine ko kung mamula din ba siya?
Natigilan ako kasi di nga natawa si Sean. Yun parang inabsorb lang yung tawa ko. Kaya naman para pang motivate sa asawa ko
((( Zhia POV’s )))Aalis ngayong hapon si Sean. Nagkakagulo sila na parang gugunaw na ang mundo lalo na kung di nga magiging successful si Sean. Sabagay madaming tao ang nakaa-asa sa kompanya niya. “Sean, kaya mo yan.” Paalam ko sa kanya with matching fighting spirit. Tumango siya sa akin. Hinalikan ako ng madalian sa labi saka pumunta na sa chopper na naghihintay.Zhia, busy si Hubby kaya behave tayo. Wag na dumagdag pa sa iisipin niya.Ingat Sean! Ipagdarasal kita araw-araw!At napakaway na lamang ako nang lumipad na sila.((( LEON POV’s )))Heto kami ngayon sa Main Base ng kompanya ni Master Sean. Ang pinakamataas na gusali sa buong bansa. Agad na sinalubong kami ng mga Board of Directors saka mga namamahala ng kompanya niya. At halos naririto ang lahat niyang sekretarya.Patong-patong na problema ang nakahand
((( Sean POV’s )))“File a case against them.”“Master Sean, what for?”“Tss. Are you deaf and blind? Or no head to use in order to counterback them?! They are not the only one needed to entertain by the department of Justice. We are also belong on this society. Can we?”“Master Sean. True. It's better to counterback with them since the case they are filing is unreasonable and must not be entertain by the law. They are just spreading the rumors which are false. They really want to ruin the name of the company.”“Then be it. Show to me how loyal all of you to the my company!”I don't care kung saan sila nangaling. Uri ng pamilya nila. Kakayanan nila. Dahil mas importante sa akin yung willingness nila na makapag contribute sa kompanyang ito. I never discriminate anyone else, unless it start from them.
((( Zhia POV’s )))Uuwi si Sean bukas!Di ko naitatanong kung kamusta yung business matter na tinatago niya sa akin. Alam ko kahit paano pa-ayos na pa-ayos ito. Ayan diba, kahit walang Chelsea at panigurado kahit uuwi yan si Sean. Home base na naman ang dating ng trabaho niya. Magtatrabaho maghapon. At halos nga minsan di na nakakabalik sa silid namin.Kinabukasan hantay-hantay sa pagdating ni Sean. Hangang sa marinig ko na nga yung tunog nang chopper at natitiyak kong sila Sean na yan.Sila nga. Mahangin masyado yung pagbaba nila at bumaba nga kaagad si Sean. Masaya nga.Yan na ang hubby ko. Teka bakit nakasimangot? Sabi kong iwan na niya yun, bakit parang yun pa ata ang pasalubong niya sa akin?At walang kurap na nakatitig sa akin. Habang ako nakangiti kanina. Nawala na lang kasi badtrip na naman tong si Sean. Nang nasa harapan ko na bigla na lang hinila kamay ko at kinaladkad na ako papasok.“Sean.
((( Zhia POV’s )))“Natatandaan ko pa ng kabataan ko. Ganitong klaseng porma ang sikat noon. Anong brand nga yun? Hmmm…”Ayan na nga may napagtitripan na naman si Tang Ismael.Magtago ka na Butler Nazi!Tumuloy na siya sa loob at naupo.“Magkano ba ang bili mo nito Aaron?” Ngunit ngumisi na lamang si Sean. Na ikinasiko ko sa kanya.“Tay, heto po yung usap-usapang hunted house na ipinagbibili sa halagang isang libo. Binili po ni Sean.”“Ano?!” Si Sean. Siniko ko ulit. “At dahil may kasungitan nga po ang anak ninyo.Natakot sa kanya yung mga multo at nainsecure yung mga White Lady sa ganda ng kutis niya.”“Storyteller definition. Telling lies.” Sarap salpukin ng ulo ni Sean. Di na lang umu-o. Siya na nga tong tinatakpan ko. Pero napatango naman si Tang Ismael.Dumating yung mga katulong
((( Zhia POV’s )))“Hoy amasona! Bakit ka sumisigaw! Dinig na dinig sa labas!” Pagpasok ni Kuya. Gorilyang to! Isa pa siya!Hinila na ako ni Sean paupo.“Bayaw.” bati niya kay Sean at ng makita si Tang Ismael.Ngumiti lang siya na talagang maganda lang sa kanya, ngipin. “Pagpasensyahan niyo na kapatid ko.” di ata kilala kung sino si Tang Ismael.“He is my father.”“Ay! Hello po.” saka lumapit si Kuya at napamano dito.Oo, ganyan kami pinalaki ng mga magulang ko. Laging magmano sa matanda at kahit di mo kilala basta matanda… magmano ka. Ewan ko kung kabilang pa ba yan sa modenirasyon ngayon. Basta ako,tuturuan ko mga anak namin ng kulturang pinoy. Maganda kaya kultura natin. Di dapat itinatago dapat lang na ipakita.“Ikaw pala kapatid ni Zhia. Kilala ko lang kasi yung anak mo. Yung kaninang bata dito.”
((( Zhia POV’s )))Ayan napag-usapan nga namin yung araw ng kasal at talagang wala na akong maidadagdag pa dahil inayos na ni Sean. Namula ako kasi parang ang gastos naman.Yung wedding gown ko pa lang napapikit na ako sa presyo at dollar pa yun ha. Panu na lang kung I-convert sa peso? Dinaig ko pa ba nito si Vicky Belo na mas kilala sa Pilipinas na may napakamahal na Wedding Gown?Hinga malalim Zhia. Bakit kasi ako pinagkakagastusan ni Sean ng ganito? Na kapalit naman oras niya.Yung simbahansa labas ng bansa at ang ibig lang nitong sabihin, kailangan pa namin pumunta ng ibang bansa.Malapit na rin by Dec. 7. Kakayanin ba ng power ko to? Gastos be like pang Royal family lang ang peg?!Di ko maitatangi, masaya ako na halos di ko pinangarap na sa isang kagaya ni Sean ako ikakasal. Kilala sa mundo ng negosyo at kilala nga siya ng boung mundo Sinabi ni Sean na hihintayo itong kasal naming dalawa kay
((( Zhia POV’s )))Multi tasking si Sean.Inaasikaso niya yung parating na kasal namin saka yung problema ng kompanya na halatang parang lumalala ata. Nagiging bugnutin na rin siya. Medyo ten percent lang kapag kaharap ako ang kasensitivity niya.Kaya swerte ko parin. Inlove yung tao eh.Heto ako ngayon sinusukatan ng Wedding gown ko. This is it na nga Zhia. Haist thank you po sa binibigay niyang pagmamahal sa akin Papa God! Sa lahat ng blessing na natanggap ko po.Oo, minsan nga po may mga araw na malulungkot. Naniniwala po ako sa gulong ng palad. Minsan talaga nasa ibabaw at minsan nga nasa ilalim. Kaya wag tayong kampante.Ang importante kahit anong dumating sa atin, dapat lagi tayong nagpapasalamat. Kung sa tingin mo mas mahirap ngayon yung mga araw na meron ka, may mas hihigit pang minamalas sayo. Kung kumakain ka ng tatlong ulit sa isang araw, maswerte ka sa mga batang langsangan na tuluyan
((( Zhia POV’s )))“Noong ikinasal kami ng Mama niyan ni Aaron. Hindi ko inisip kung magkano ba aabutin. Iniisip ko noon kung magiging masaya ba ang asawa ko. Syempre, hinding-hindi ko tinipid ang asawa ko.”Kaya ngayon Tang? Sa tingin ko di kayo nagsisi kahit iniwan kayo. Dahil binigay niyo naman ang lahat ng makakaya niyo. Para maging masaya si Miss Janine. Di naman sa minamasama ko ina ni Sean. Alam ko may rason at ang rason niyan pagsasakripisyo sa sariling kaligayahan. Wag kayong mag-alala Tang Ismael, halatang maayos naman po ang kalagayan niya.“Yang araw na yan. Katumbas ng panghabang buhay na dadalhin ninyo. Ewan ko sa henerasyon ngayon na maraming nababalitang naghihiwalay sa mga walang kwentang dahilan. Di mo na mahal kaya maghihiwalay kayo? Tsk! Ay wag ako.”Tama po kayo Tay Ismael.“Kung sinabi mo sa iyong sarili na mahal mo yung tao. Di mo magagawang tumingin sa iba. La
((( ZHIA POV’s )))Di ko sila iniwan. Never ko ipinadama na iniwan ko sila. Halos ilang oras din ang maubos ko para makipag-video call lang sa kanila. Mommy is doing well. They are my inspiration, motivation to raise on my feet. Ayokong bumalik na isang talunan kaya tinagap ko ang pagsubok na kailangan ko lumayo sa mga anak ko. Pero uulitin ko, di ko sila iniwan.Isang sakripisyo ang ginawa ko. Isang sakripisyo ng isang ina, para di nga kami apakan ng ibang tao. Para sa amin ang ginawa kong to. Sobra ko silang namiss…“Mommy, gumawa kami ni Shin ng mahabang panali para kapag gusto ka namin makita, huhugutin lang namin ang lubid at babalik ka na dito.” Natawa na lamang ako kay Shena.“Di na ako aalis.”Nanlaki ang mga mata nila. Dahil umuuwi din ako ng ilang araw sa isang taon. Napayakap ulit sa akin ang mga makukulit.“Di na aalis ang Mommy ko!” si Shin, sigaw niya sa mga class
((( Zhia POV’s )))AFTER FIVE YEARS ....Mahirap magluto pero kailangan gawin. Prinitong itlog lang to Zhia. Wag kang abnormal na di mo kaya. Yan ang hinihingi ng tatlong bulingit sa pagbabalik mo.Huminga ako ng malalim. Napangito sa ginagawa ko. Perfect ang tatlong pritong itlog para sa egg sandwich na gagawin ko. Dahil wag ko daw sila niloloko na kung bibili ako sa labas, malalaman kaagad nila, kung gawa ko ba talaga o hindi.Jetlag pa nga Mommy niyo. Inilagay ko sa lunchbag nila. May mga pangalan nila. Saka balak ko nga silang supresahin sa school. Nasa kindergarten. Masaya ang mga makukulit na yun sa pagbabalik ko. Napahalik ako sa Lunchbox. Inalis ko ang apron ko… Saka lumabas ng pinto. Napangiti ako dahil talagang magulo ang sala namin. Mga laruan nilang nagkalat. Tiyak labis nga silang masusupresa kapag nakita ako. Pumunta na ako sa garahe. Inistart ang sasakyan. Sa loob ng liman
(Jane POV)“Oh, good Cecile. If you mind. Saka dapat lang na maging close kayo sa akin.” Nabitawan ko bigla si Mam Cecile. Ano to biglang baliktad si Mam? Lumapit na siya. May ngiti pa…Halos … ng mahawakan niya ang handle ng Wheelchair. Itinulak niya ito sa may hallway na agad naman bumanga sa ina nito.“Mga hampaslupa! Anong ginagawa niyo sa anak ko!”Hinamon pa ito ni Cecile na lumapit sa kanya. Malayo nga ang agwat ng gulang namin ni Cecile, kay Miss Zhia. Kita naman sa pagkatao niya na palaban. Hindi nga lang talaga masalita.“Aba naman!”sumugod na nga sa amin. Iniwan ang kanyang anak na marupok! Malandi! Haist! Basta siya ang gumulo ng kwentong to! Bwisit lang! Sana maabutan ni Master Sean si Miss Zhia. At parang mapapalaban na din ako. Ibuhos ang galit sa kanila. Sa nangyari kay Master Luis!Wag ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko! Ako lang ang ma
(Sean POV)Nang narinig kong may gulo sa labas. Bago ko pa nga maisilid sa lalagyan ang marriage contract namin ni Zhia. Bumukas ang pinto. Di na napigilan nila Butler Nazi. Tumakbo sa akin si Luis at binati ako ng kamao niya. Para mapahiga ako sa sahig.“That punch might do something the way you thingking!”But his punch di magtatapos sa ganoon lang. Sa inis ko bumangon ako at tuluyan ko na ring pinakawalan ang inis sa mundong to. Bakit nga ba ako na lang ang laging punupuntirya ng problema?! Napapagod din ako! Nahihirapan. OO! Inaamin ko pagod na ako! Nahihirapan na. Sa totoo nga lang parang gusto ko na sumuko. Sh*t Luis. I'm too tired. Hangang sa napagod ako kakasuntok kay Luis. He just keeping on coughing as he punch me back. Natawa na lamang siya na pareho na naman duguan ang mukha naming dalawa.“Is this you again Sean?”bigla na lang ikinangiti niya. Tumulo sa kanyang mga mata ang lu
((( Luis POV’s“Natitiyak ko iho na masaya para sayo ang iyong ina. Napakabait mo.”“Salamat po. Bukas ang death anniversary ng aking ina. Nakausap ko na si Father about the occasion.”“Ibig lang sabihin dito mo ipagdaraos.”Napatango ako. Dahil wala na din naman ang aking ama para pakialaman ako sa bagay na yan.“After this po kasi, baka matagal niyo akong di makita.”“Bakit maghahanap ka na ba?”Napangiti ako at umiling.“Magiging youtubers ka Kuya Luis?!” isang bata.“Subscribe ka na namin Kuya!” Mapapangiti ka na lang talaga.“Wag masyado kayong maging mahilig sa gadget. Depression din yan. Minsan nakakabuti na magbasa na lang ng physical book. Kaya bibilhan ko kayo ng ganito.” daliri ko…“Kakapal na libro. Tig-iisa kayo.”“Tom Sawyer po akin!”
((( Cecile POV’s“Miss Zhia, bakit?”biglang maraming tanong ang naglaro sa aking isipan. Lalo na nga tumalikod sa amin si Miss Zhia. Parang ni isa sa tanong ko, ayaw niyang sagutin. Natahimik na lamang ako. Si Jane pinigilan ko na din. Hayaan natin na palipasin ang oras na ganito. Alam ko na may isa sa kanila na kailangan ibaba ang pride. Nang inahanda na nga ni Leon ang sasakyan.“Miss Cecile, ano ba talaga ang nangyari?” tanong sa akin ni Jane. Lumapit na ako kay Miss Zhia. Naisipan niya atang lumabas muna. Oo, Miss Zhia, toxic nga masyado ang lugar na ito ngayon. Mas makakabuti nga na magpahangin ka muna.“Miss Zhia, sigurado po ba kayo na di kami sasama?”Si Leon lang? Ang kapatid niya at si Tolits. Umiling sa amin si Miss Zhia.“Kung ganoon, umuwi po kayo kaagad.”“Di na babalik ang kapatid ko dito.”“&hel
(Zhia POV)“Wag ka masyadong maangas.” Babala ni kuya na lumabas nga ito. Nanatili kaming tahimik ni Sean. Di ko mapigilan na mamilipit ng may sumipa sa tiyan ko. Inilayo na lamang ni Sean ang paningin sa akin. Oo, galit siya. Nagawa niyang magalit sa akin. Ano naman ngayon? Ang iniisip ko, kung ano ang siyang mangyayari sa akin. Dumating na si Leon na napatitig sa aming dalawa.“Master Sean.” Ibinigay dito ang folder na naroroon nga ang Marriage Contract namin. Ngumisi siya.“Can you bring a candle here Leon.”agad na ikinalabas nito.“Zhia.” Umangat ang paningin ko sa kanya.“Why are you crying? This is what you want right?”“Sean…”wag Zhia. Kailangan mong turuan ng leksyon ang asawa mo. Alam mong mahal ka niya. Mahal mo rin siya. Gagawin mo 'to dahil mahal mo siya. Oo, kabaliwan nga itong gagawin ko. Pero sa ikakabuti namin itong dalawa. Mayaban
(Zhia POV)“I am wrong Zhia?” Tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Di man lang ako napakisapmata. Di si Sean nagbago Zhia. Ikaw itong tuluyang nagbago. Saka nga pinunas ko ng aking daliri ang luha ko. Tumango ako.“Zhia. She just want of your forgiveness. Bakit di mo maibigay sa kanya?” Nanlilisik ang mata niya.“Sean.” at bumagsak na nga ng tuluyan ang aking mga luha. “Di madaling magpatawad. Alam mo yan.”“I understand. Pero di oras na ganito ka sa kanya Zhia. Alam mong maselan ang kondisyon niya. Bakit di mo na lang muna siya tangapin?!”“Kondisyon lang naman niya ang inaalala mo ngayon Sean. Eh ako?!” Napapikit si Sean.“Di mo ako nauunawaan Zhia. Patayin mo na lang ako!” biglang alboroto ni Sean. Nagulat na lamang ako.Inilabas niya ang baril saka kinasa ito. Inilagay sa harapan ko.“Kill me now!”Lalo akong umiyak.
(Zhia POV)“Please stop!” Di ko siya sinasaktan. Hinahawakan ko lang ang kamay niya para bitawan ako. Pero ayaw talaga. Nasasaktan na ako. May namumuo nang luha sa aking mga mata. Di ko kailangan na patulan siya. Nang dumating ang nanay niya. Nakisama pa sa gulo naming dalawa ni Rymalene. Magsama kayong dalawa sa impyerno! Kapag may masamang mangyari sa akin dito! Di ko na napigilan ang sarili ko, kundi lumaban.“Anong kaguluhan to?!” si Sean.((( SEAN POV’s )))As I return, biglang tumawag sa akin si Cecile. Lalong lumakas ang nararamdaman kong kaba dahil di naman tumatawag sa akin si Cecile kung walang masamang nangyayari.“Master Sean, nagkakasakitan ang asawa niyo at si Miss Rymalene.”Oh sh*t!“Di niyo ba kayang awatin?!”“Master Sean.”“Leon, speed up!&rdqu