"You know I always understand you. kase alam ko kung gaano ka busy sa business natin, pero kahit gano'n nagagawa mo pa ring makapag-update sa akin, nag-tetext ka sa'kin kapag late kang makakauwi, kung saan ang meeting mo o kung hindi tayo sabay na uuwi. Pinapaalam mo sa'kin para hindi ako naghihintay sa'yo at para hindi ako nag-aalala. Ganon ka 'e, kase iniisip mo ako. pero bakit nitong mga nakalipas na araw feeling ko nag-bago ka? Wait..Baka isipin mo ang babaw ko, Hindi sa pagiging mababaw, Asawa mo ako kaya mag-alala ako sa'yo at karapatan ko naman siguro iyon hindi ba?" Halatang halata sa boses ko ang pagdaramdam at hinanakit. Sa dalawang taong mahigit na pagsasama namin ngayon niya lang 'to ginawa. Muli niyang hinuli ang kamay ko tapos ay hinila para yakapin. Hindi naman ako gumanti dahil masama pa rin ang loob ko. "I'm so sorry, I'm too busy sunod sunod ang meeting at hindi ako magkandaugaga. Lowbat na rin ang cellphone ko kaya hindi na ako nakapag text na pauwi na a
Magbasa pa