Travis “Ang gumugulo sa isipan ko Hubby sino siya? Bakit nakatingin siya sa akin? Or let's say sa bahay? Kaduda-duda dahil hindi naman agad-agad nagpapasok sa lugar na ito ng hindi dito nakatira.” Habang nakikinig sa aking asawa ay ramdam ko ang takot sa kanyang boses habang nag-kwekwento. Binaling ko ulit ang aking paningin sa labas ng gate. Tama siya hindi agad agad nagpapasok sa subdivision na 'to, mahigpit ang security. Kaduda duda nga. Oh, baka malakas lang ang kapit kaya madaling nakapasok. Basta pera ang usapan nagbabago ang tao. Madaling sumunod. Napaisip ako hindi kaya iisa ang taong nakita ni Aaliyah at ang nagpadala sa akin ng patay na ibon? Tsk. Hindi imposible.. nag umpisa na pala ito at sa asawa ko pa talaga ang inuna niya. “Does Trish know this?” Tanong ko bago siya ma-ingat na hinila para akbayan. Napansin ko ang pag-himas niya sa kanyang braso hudyat na hindi siya komportable. “Yes, I told her. Hindi ako mapakali that night, hindi din ako nakatulog
Travis Kinausap ko thru phone ang private investigator na kinuha ko para sabihin sa kanya ang nangyari ngayon, Hindi ko siya pwede papuntahin dito sa kompanya dahil may mga kalaban na nagmamasid sa bawat galaw ko. Hindi ko alam kung sino sa mga nakakasalamuha ko ang nagtatrydor sa akin. Isang palaisipan rin kung sino ang nasa likod ng pagbabanta sa buhay ko at sa pamilya ko. dahil sa nangyari kailangan kong palihim na pabantayan at mag-hire ng bodyguard para sa mga anak ko at kay Aaliyah na rin. Hindi ko sila mababantayan sa ngayon dahil may iba akong gagawin. Nakapag desisyon akong hinding hindi ko iiwan ang pamilya ko, ang t*nga t*nga ko lang para isipin kanina na sundin ang kagustuhan ng kung sino man ang may pakana nito. No, hindi ko sila kayang iwan. Hindi ko gagawin ang gusto nila. Gagawa ako ng ibang paraan. Masyado lang akong nadala sa bugso ng galit at takot para sa kaligtasan ng pamilya ko kaya naka-isip ako ng ganong bagay. Hindi iyon ang tamang solusyon. Naisi
Aaliyah point of view Nakangiti akong tumayo sa aking swivel chair at inayos ang aking sketch pad, Pupunta ako sa opisina ni Travis ipapakita ko sa kanya ang natapos kong Tux. I need his opinion, he's a man so he can help me kung ok ba ginawa kong last 4 Tux. Kapag maganda ay Ipapadala ko na kay Mr.Tan ang design para makita na niya. Sunod konang gagawin ang Tux ni Mr.Jimenez. Bitbit ang aking sketch pad lumabas ako ng aking opisina. "Jam, akyat lang ako sa taas, may ipapakita lang ako kay Travis. If ever na may nag-hanap sa akin, tumawag ka lang sa opisina ni Travis o kaya sa secretary niya." Bilin ko kay Jam. "Ok po mam." Tumango ako bago muling naglakad papunta sa elevator. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa floor ng opisina ni Travis ay dere-deretso akong naglakad, Nangunot ng bahagya ang noo ko ng wala ang secretary niya sa desk nito. Baka inutusan. Alam ko kakatapos lang ng meeting niya kanina. For sure nagpapahinga iyon or nagbabasa ng emails niya. Mata
Aaliyah Isang mahabang buntong hininga ang aking ginawa at sumandal sa aking upuan. Lunes na ngayon ang bilis lumipas ng araw. Wala ako sa mood gumawa ng design ng Tux ni Mr. Jimenez. Na-iistress ako ng malala ngayon. Buti na lang tapos kona ang design ng Tuxedo ni Mr. Tan. Naipadala kona sa kanya noong huwebes pa at kinabukasan ay tinawagan niya ako para sabihin na nagustuhan niya ang mga design ng Tuxedo. Kaya ngayong araw nasimulan na ng team ko ang pag-gawa sa mga Tux. Buti na lang nagustuhan nito ang lahat ng design at walang pinapalitan. Tama si Travis sa sinabi sa akin. Speaking of Travis, Ito ang dahilan kung bakit ako naiistress. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako o sadyang busy lang ito. Noong biyernes ay napaka-sweet pa nito sa akin, buong araw siyang nasa office ko, ginawa na nga niyang opisina dahil doon siya nag-check ng email niya at pumirma sa mga documents, sabay din kaming kumain ng tanghalian at meryenda. Basta sobrang clingy niya that day, Ibang
"You know I always understand you. kase alam ko kung gaano ka busy sa business natin, pero kahit gano'n nagagawa mo pa ring makapag-update sa akin, nag-tetext ka sa'kin kapag late kang makakauwi, kung saan ang meeting mo o kung hindi tayo sabay na uuwi. Pinapaalam mo sa'kin para hindi ako naghihintay sa'yo at para hindi ako nag-aalala. Ganon ka 'e, kase iniisip mo ako. pero bakit nitong mga nakalipas na araw feeling ko nag-bago ka? Wait..Baka isipin mo ang babaw ko, Hindi sa pagiging mababaw, Asawa mo ako kaya mag-alala ako sa'yo at karapatan ko naman siguro iyon hindi ba?" Halatang halata sa boses ko ang pagdaramdam at hinanakit. Sa dalawang taong mahigit na pagsasama namin ngayon niya lang 'to ginawa. Muli niyang hinuli ang kamay ko tapos ay hinila para yakapin. Hindi naman ako gumanti dahil masama pa rin ang loob ko. "I'm so sorry, I'm too busy sunod sunod ang meeting at hindi ako magkandaugaga. Lowbat na rin ang cellphone ko kaya hindi na ako nakapag text na pauwi na a
Aaliyah Dumaan muna ako sa isang Cafe para bumili ng paboritong kape ni Travis, Bumili rin ako ng para sa akin dahil hindi ako nakapag-almusal ngayon dahil sa sobrang excited kong makita ang asawa ko. saka panigurado ng maghahanap iyon ng kape, sana lang hindi pa siya nadalhan ng kanyang secretary. Habang nasa elevator hindi ako mapakali, excited akong makita si Travis. Miss na miss kona siya kahit dalawang araw lang iyon. Pag-bukas ng elevator ay mabilis akong naglakad palabas, Napatingin naman sa akin si Santos tumango ito habang may kausap sa telepono. Ngumiti naman ako bilang sagot tapos derederetso sa pinto ng opisina ng asawa ko. Nakangiti kong pinihit ang doorknob tapos maliit na binuksan iyon para sumilip. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng makitang busy ito sa kanyang laptop. Oh my gosh! My husband is finally here! Nilakihan kona ang bukas ng pinto at pumasok na sa loob. “Welcome back Hubby!” Masaya kong turan habang lumalapit sa table niya. Hindi naman
Trisha pov Pag-labas na paglabas ko ng Opisina ni Aaliyah nawala ang ngiting nakapaskil sa aking labi. Sa kinuwento sa akin ni Bes ngayon mas napatunayan ko na may hindi tamang nang-yayari kay Kuya. Nanahimik lang ako pero nagmamasid at nakikiramdam ako. Kilalang kilala kona sila kaya alam ko kung may kakaiba ba. Lalo na sa kapatid ko.. Hindi ganito si Kuya, Hindi niya dededmahin ang asawa niya. Kahit gaano pa siya ka-busy na tao may oras pa rin siya sa pamilya niya. Ngayon nakakapag taka ang ginagawa niya, Bakit ganito siya makitungo ngayon kay Bes? Mas priority nga niya ang pamilya niya kesa sa trabaho. May hindi talaga tama 'e. Hindi ko kaya makita na ganon kalungkot ang kaibigan ko kaya nag-salita na lang ako kahit pa paano na ikakagaan ng loob niya at tumigil to sa pag-iisip ng kung ano ano. Kailangan ko malaman kung ano ba talaga ang nangyayari kay Kuya, I smell something fishy, kahit sa asawa kong si Jacob may kakaiba akong nararamdaman, Palagi na rin itong late nauwi,
Aaliyah Nanginginig ang aking kamay habang nakatingin pa rin sa mensahe ni Donica, Kailan pa sila nagkaka-text na dalawa? At bakit nag-sinungaling sa akin si Travis? Bakit sinabi niyang meeting ang pupuntahan niya ganong hindi naman talaga, Sinamahan niya pa sa isang party si Donica, Why? Gano'n na ba kahalaga sa kanya ang babae para pumayag at samahan ito? Samantalang akong asawa niya hindi niya magawang Itext at kamustahin? Napapitlag ako ng muling tumunog ang cellphone ni Travis, Si Donica ulit ang tumatawag. Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa nararamdaman sakit.. Paano kung totoo itong mga iniisip ko? Paano kung ang dahilan ng pag-Iwas at panlalamig sa akin ni Travis ay ito? May babae siya? Mariin akong napapikit. Binura ko ang text ni Donica ng matapos ang tawag nito tapos binalik ko ang cellphone sa table, baka bumalik na si Travis at mahuli akong pinakealaman ko ang phone niya, Baka magalit pa ito. Hindi niya dapat malaman na nabasa ko ang text ni Donica. M