"You're late." Malditang salubong sa akin ni Alcyone nang dumating ako sa head quarter."Pasensiya na," sagot ko habang hinubad ang jacket at inilapag iyon sa pinakamalapit na upuan. Ramdam ko ang mabigat na titig ni Alcyone na para bang hinihigop niya ang bawat galaw ko."Pasensiya?" ulit niya, ang kilay niya'y nakataas at ang braso'y nakapamewang. "Saan ka ba galing at halos isang oras ka naming hinintay? First time nangyari ito, Alvarez. Alam mong critical ang meeting natin ngayon, di ba?"Napabuntong-hininga ako, pilit nilulunok ang init ng ulo ko. Hindi ko pwedeng sabihin kung saan ako nanggaling—lalo na kung sino ang kasama ko. "May inasikaso lang ako, Alcyone. Hindi na mauulit.""Don't explain to me," sagot niya, pero halata pa rin ang pagdududa sa tono niya. "Kay Helios ka mag-explain. Akala ko ba lalabas ka lang saglit? Bakit tumagal ng ilang oras, huh? Tapos pinaghintay mo pa kami ng isang oras. Parang it's not you, Narnia. Ikaw pa naman ang super excited basta ganito pero w
WARNING: MATURE CONTENTMalakas akong napasinghap nang isinandal ako ni Eros sa pinto habang marahas niya akong hinalikan. Ang init ng labi niya’y parang apoy na pilit gumagapang sa pagkatao ko. Sinubukan ko siyang itulak, pero parang bakal ang mga braso niya—hindi ako makawala. Hindi masakit ang mga hawak niya, pero mahigpit at puno ng determinasyon, na parang ayaw niya akong pakawalan kahit ano pa ang mangyari."Bitawan mo ako, Eros!" Sigaw ko sa pagitan ng halik, ngunit imbes na makinig, lalo niyang nilalim ang pag-angkin sa bibig ko. Sinubukan kong kagatin ang ibabang labi niya sa inis, pero lintek, ginawa niya itong oportunidad upang ipasok ang kanyang dila. Napaungol ako sa gulat at init na dulot nito.Gusto kong magprotesta. Gusto kong isigaw sa kanya na itigil na niya ito. Pero bakit tila nagkakaisa ang katawan ko sa gusto niya? Ang bawat halik, ang bawat dampi ng labi niya, ay parang sigaw sa lahat ng panlaban ko. Ang tibok ng puso ko ay parang nagwawala, sinasabayan ang bili
Warning: Mature content"Sa BAC? Paano nangyari 'yun? Hindi ba’t mahigpit ang seguridad doon?" tanong ni Alcyone, halatang hindi makapaniwala sa narinig."Oo, mahigpit nga. At 'yun nga ang tanong—bakit nakapasok ang mga 'yun?" sagot ng kung sino, mabigat ang tono, halatang may halong inis at pagkabahala."Isa lang ang ibig sabihin niyan," dagdag niya, tumingin sa akin nang diretso, para bang binibigyang-diin ang mga susunod niyang sasabihin. "Hawak nila ang security system ng lugar.""That's ridiculous!" napamura si Ulysses sa gulat, ramdam ang bigat ng sitwasyon. "That damn district is owned by powerful businessmen and politicians. They will never let something like this happen—unless..."Napatigil ako, ramdam kong parang may kulang sa mga detalye. Napansin ni Helios ang pagbabago ng ekspresyon ko."Unless ano?" tanong ko, may bahid ng urgency ang boses ko."Unless may insider," sagot ni Acheron, pilit na binubuo ang posibilidad sa utak ko. "Kung may tao sila sa loob mismo ng BAC, ma
"Are you okay, ma'am?"Mabilis akong napalingon sa nagsalita.Nakakunot ang noo nitong binasa ako. Hindi ko mapigilang pisilin ang tungki ng ilong ko sabay tango."Ayos lang. Dito talaga siya?" Tanong ko sa kanya habang sumilip sa bintana ng kotse para makita ang hotel na pagmamay-ari ni Hussein.Nakatingin lang ako sa entrada nito. Hindi na nakakagulat na halos mayayaman ang pumapasok dito. Pero anong nakain ni Uncle at ito pa talagang hotel ang pinili niya para kay Urania? At bakit dito sa BAC?Napakamot ako sa ulo.Muntik na yun makidnap. Kung hindi lang dumating si Uncle at mga tauhan niya, baka ano na ang nangyari ni Urania at baka ngayon ay nagwawala na ako.Huminga ako ng malalim."Yes, ma'am." Simpleng sagot ng kasama ko.Di ko mapagilang mapasulyap sa kanya. Gwapo naman siya pero di ko type. Chinito at moreno. Pinakilala siya ni ate Esme sa akin at siya ang service ni Urania. Mukha naman siyang pagkakatiwalaan kaya hinayaan ko na si ate Esme. Habang patagal ng patagal ang tit
"Sh-t ka!"Napamura ulit ako, mas hinigpitan ang hawak sa phone habang binabasa muli ang sunod-sunod na messages. Hindi ako makapaniwala.Athena forwarded a message:> Baby, forward this to your friend, Narnia. From Sean.> Hello! Bebe ni Zuhair, please pick up your wasted man here in our bar. You know where we are. We are sick of his disgusting cries. Masisira na tenga namin because of him. Thank you and Devil blessed.Putangina.Napapikit ako nang mariin, pilit pinoproseso ang binasa ko. Wasted? Crying? Si Eros? Ano bang ginawa ng hinayupak na ‘yon ngayon?Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago tumingala, pero nagulat ako nang makita ang nakakunot-noong si Ulysses na nakatitig na pala sa akin. Hindi ko namalayan na napahinto na pala ako sa tabi ng van."Why, Narnia?"Mabilis akong napatingin sa kanya. May halong inis at pag-aalala ang ekspresyon niya, at alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi kung anong problema.Pero puta, paano ko ipapaliwanag nang h
Malakas na napadaing si Eros sa ginawa ko, dahilan para lapitan siya ng babae na kunwari’y nag-aalala. Ang arte pa ng lakad—parang nasa isang fashion show na may kasamang scripted na drama.Napairap ako sa kawalan. Seriously?"Are you okay, Zuhair?" aniyang may halong lambing at arte, bago bumaling sa akin at tinarayan ako na para bang may ginawang krimen.Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, halatang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko sa isang sulyap pa lang. Gamit ang kanyang mapang-asar at disgusted na tingin, tila ba inaasar niya ako nang hindi man lang nagsasalita. Siraulo ka ba?Hindi ko pinansin ang babae at sa halip, nanatili akong nakatutok kay Eros. Umatras siya nang bahagya, lukot ang mukha, halatang wala siyang balak patulan ang babaeng nasa harapan niya. Samantalang ako, nakahalukipkip lang, bagot na nagmamasid sa tabi.Narinig ko ang pigil na pagtawa ng babaeng nasa tabi ko. Mukhang natutuwa siya sa eksenang nangyayari—lalo na kung paano iniwasan ni Eros ang babaeng
Napakurap-kurap ako at napatitig sa kawalan. Sumimsim ako ng soft drinks sa tabi ng daan. Pagod na pagod ako. Ilang araw na rin kase di ako nagpapakita kay Eros na yun!Tangina talaga! Dahil sa kanya, hindi ko nakausap si Urania bago siya pumunta ng Negros para doon mag-Christmas vacation.Siraulo! Hindi pa nakuntento na nalibot na namin ang office, dinala pa ako sa boxing area. Ang hilig-hilig niya talaga, kaya ang resulta, nakahiga lang ako sa kama buong araw. Hindi ko maigalaw ang mga hita ko sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko. Yung pagkababae ko, pinanggigilan niya talaga.At hindi lang yun, kinulong pa talaga ako sa mansion niya. Nalaman kong nainis siya dahil sa suot ko sa gabing yun. Buti na lang nakatakas ako. Siguro dahil naging busy siya kasama ang iba niyang mga kaibigan sa paghahanap ng apat na... naging Dora na naman.Mabuti na lang! Sinong siraulo ang magdadala ng babae sa mansion?! Mga lalaki nga naman! Di makuntento sa isa lang. Hahanap pa talaga ng isa.Inis na i
"Saan ka magpapasko?"Napatigil ako sa pagtimpla ng kape. Inangat ang tingin kay Clythie, na nasa harap ko at sumisimsim ng tea. Seryoso ang mukha niya, parang may gustong ipilit.Napatingin ulit ako sa mug at pinagpatuloy ang pagtimpla. "Sa bahay. Katamad lumabas." Kibit-balikat kong sagot."Sama ka sa akin. I'll go sa house ni Diwata." Masaya niyang sabi habang nakangiti nang parang excited na bata.Kumunot ang noo ko. "Mag-iingay lang tayo run." Simangot kong tutol."It's Christmas. Mas masaya nga eh.""Si Noémie kase uuwi sa province. Doon siya magpapasko together with her grandparents." Tukoy niya sa best friend niya.Kilala ko si Noémie, pero hindi kami close. Naiingayan ako sa babaeng 'yon. Maganda siya—chinita girl. Yun lang nagustuhan ko sa kanya."Pinayagan ka ng tita mo?""Yep! Kay Diwata lang naman ako. She knows about Diwata." Confident niyang sagot, sabay kindat.Napailing na lang ako at sumimsim ng kape. Habang tinititigan ko siya, napansin ko kung gaano siya blooming.
Pero bago pa man ako muling makasagot, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid.Napahawak ako sa tiyan ko habang nayanig ang buong underground arena. Mabilis ang naging reaksyon ni Smith—hinarang niya ako gamit ang katawan niya at itinulak kami sa likod ng mga kahong bakal na nakatambak sa gilid.“Shit!” sigaw niya. “They found us!”Bago ko pa man maitanong kung sino, sunod-sunod nang putok ng baril ang umalingawngaw.“Counselors,” bulong niya sa tainga ko. “They’re here for me… and maybe for you.”Nanlaki ang mga mata ko.The Counselors. Mga tagapagpatupad ng batas ng Mafia. Sila ang nagsasagawa ng parusa. Walang awa. Walang tanong. Basta utos ng itaas, tutupad sila.“Dumapa ka!” sigaw ni Smith habang binunot ang isa pang baril sa likod niya at gumapang palayo. “Wag kang lalabas hangga’t di ko sinasabi.”Pero hindi ko siya sinunod. Hawak ko pa rin ang baril ko. Basang-basa sa pawis ang mga palad ko pero matatag ang kapit ko sa hawakan nito.“Hindi ko kayang maupo lang haban
Napangiwi ako habang hindi siya tumigil sa pagtawa. Parang baliw. Para bang lahat ng sakit, poot, at galit na ibinuhos ko sa kanya ay hindi tumama—kundi lalong nagpasigla sa kanya.Tumigil lang siya nang dumako ang paningin niya sa tiyan ko. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at napaatras ng bahagya.Pero imbes na magulat o mabigla—parang alam na niyang mangyayari ito. Parang inasahan na niya. Putangina talaga! Hindi ko gusto ang ngiti niya.“We’re pregnant.” May kasamang pagtango-tango pa. Para bang isang proud na ama sa isang matinong pamilya.Pero wala siya roon. Hindi ito isang pamilya. Hindi ito masaya. Hindi ito tama.Nanlaki ang mga mata ko. Hindi siya puwedeng magdesisyong kasali siya rito. Hindi niya karapatang gamitin ang salitang 'we'.Dahan-dahan siyang tumayo—tila walang nangyari. Hindi sugatan. Hindi pinagtutulungan. Hindi nanghihina. Para siyang muling nabuhay mula sa sariling impyerno.Ang mas masahol—nagmamadali siyang lumapit sa akin. Diretso. Buo ang lakad.
Huminga siya nang malalim. “Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Para protektahan ka.” “Hindi ko kailangan ng proteksyong may kapalit na kasinungalingan,” mariin kong sagot. “Gusto ko lang ng katotohanan. Ng kapayapaan. Hindi ng paniniktik, hindi ng kontrol. Hindi ng mundo niyong ubod ng dumi.” Saglit na katahimikan. “Aalis na ako bukas,” dagdag ko. “At kahit habulin niyo pa ako, hindi na ako babalik. Hindi niyo ako pagmamay-ari. Hindi ako pag-aari ng kahit anong grupo. Babae ako. Ina ako. At may sarili akong desisyon.” Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Tumayo siya. Tila gustong pigilan ang desisyon ko pero pinili niyang manahimik. "There's underground fight later. Not normal underground fight. Zuhair is there. That's the only thing I can say to you. That's the only thing I can make you feel better because, Zuhair might killed by the Pakhan." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng siraulo. Saglit akong napatigil. Para bang biglang tumigil ang mundo
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Mariin kong pinikit ang mga mata, pilit pinapakalma ang sarili. Delikado? Kaya nga ako aalis, ‘di ba? Kasi mas delikado kung dito ako. Dito sa piling ng mga taong pinagkatiwalaan ko pero niloko lang pala ako. Tahimik akong humarap muli sa kanila. Nakita kong lumapit si Ulysses, hawak ang baril sa tagiliran, pero hindi naman tinutok. Para lang sigurong paalala kung sinong may kapangyarihan. “Sa tingin niyo ba papayag akong maging bihag habang buhay?” matigas kong tanong. “Dahil lang buntis ako, dahil lang may buhay akong dala sa tiyan ko, wala na akong karapatan mamili?” “Narnia,” sabat naman ni Acheron, isa sa matagal ko nang kasama sa grupo. “Hindi mo naiintindihan. Hindi ka lang basta-basta nagbuntis. Kung totoo ang iniisip naming lahat... anak ‘yan ng—” “Shut up!” sigaw ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang gusto kong itago ito sa kanila. “Walang may karapatang pag-usapan ‘to kundi ako. Wala kayong alam sa pinagdadaanan ko. Wala kayong pakia
Sinundan ko si Alcyone sakay ang isang tricycle. Huminto ang kotse niya sa store at bumili ng vitamins ko. Pagkatapos, muli itong sumakay sa kotse at tuloy-tuloy na ang byahe. Sinabihan ko ang tricycle driver na sundan lang kami pero huwag lumapit masyado. Mabagal ang takbo ng kotse niya. Puro liko. Ilang beses na akala ko’y mawawala na siya sa paningin ko, pero sa huli, nakita ko siyang lumiko sa kalsadang hindi pamilyar. Hanggang sa narating namin ang isang abandonadong gusali sa gilid ng lungsod. Luma, may kalawang, parang hindi na ginagamit—pero may mga tao. Mga lalaki. Naka-itim. May armas. Warehouse? Anong ginagawa ni Alcyone rito? Bumaba ako at dahan-dahang naglakad papunta sa gilid ng warehouse. May sirang parte ng pader, sapat para sumilip. At doon ko nakita, ang grupo. Ang buong gang. Hindi ko mapigilang mapasinghap, at magulat. Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko. Anong ginawa nila dito? Sinundan ba nila ako? Alam ba nilang nandito ako? Alam ba nilang dito ako
"She's not part of the underground society... No! Wala akong pakialam kung mamamatay ang mga 'yan. They're obeying the law of the Mafia.....Betraying the Bratva." Bratva? Ang La Nera Bratva ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng away, hindi ito simpleng alitan. Mafia. Bratva. Alcyone knew something. And she’s hiding it from me. Napaatras ako nang marinig kong tila tinapos na niya ang tawag. Agad akong pumasok sa loob, mabilis na umupo sa isang upuan sa kusina, kunwaring busy sa pagsulat sa Pregnancy Journal. Tinapik-tapik ko pa ang lapis para kumalma. Pero hindi ko napigilang mapansin ang bahagyang panginginig ng kamay ko. Ilang saglit pa’y dumating si Alcyone. Bitbit ang dalawang mangkok ng sopas at isang maliit na tray ng pandesal. Ngumiti siya—yung pilit pero sanay na. "Hey, ‘di ko alam andito ka na sa loob,” aniya, inilapag ang tray. “Nagpahinga ka na ba? Try this, masarap sa tiyan.” Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. “Salamat. Kanina pa a
It’s 3:00 o’clock in the afternoon—banayad ang simoy ng hangin, malamig at masariwa, habang ang araw ay nagtatago na sa likod ng mga ulap. Mula sa terasa ng bahay, tanaw ang mga luntiang bundok at mga puno ng mangga na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tahimik, payapa, at perpektong sandali para magpahinga. Nasa tabi ko ang isang tasa ng mainit na salabat, ang amoy nitong luya at asukal ay nagpapagaan sa pakiramdam. Katabi rin ang platitong may suman na gawa sa kamoteng kahoy—malambot, malinamnam, at sakto ang tamis. Paulit-ulit ko itong ginagawa tuwing hapon, parang ritual ko na bilang paghahanda sa pagiging ina. Minsan, habang kumakain, nagbabasa rin ako ng Pregnancy & Parenting Books. Iba’t ibang topics—mula sa stages of fetal development, breastfeeding, hanggang sa emotional changes ng buntis—pinaglalaanan ko ng oras. Mahirap maging nanay, pero mas mahirap kung di ako handa. Napabuntong hininga ako. Wala ‘to sa plano. Wala siya sa plano. Hindi ako handa sa responsibilidad. Wala ako
“Don’t judge me,” sagot niya agad. “Nagpa-fresh air therapy lang ako. At—tadah!” sabay pakita ng laman ng basket—halo-halong tinapay, saging, at isang bote ng grape juice. “Bumili ako ng ‘arte essentials.’ For baby bonding.” “Arte essentials talaga?” tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo naman na buntis ako at ako pa itong nagtatanim ng mga gulay. Pero ikaw, parang kabute lang. Saan ka na naman galing?” “Exactly! Kaya nga ako bumili ng reward mo!” sabay abot ng isang pirasong pandesal. Napangisi ako. “Wow! From your bottom of your heart talaga." “Pandesal ‘yan na may pagmamahal. Tanggapin mo ‘yan habang may pride ka pa.” Umiiling akong tinanggap, sabay tingin sa mga bata. Nagtatawanan na rin sila habang si Alcyone ay nagsisimula na namang mag-drama. “Guys, look at her. Preggy and blooming. I swear, kung ako ‘yan, mukha na akong lumpiang shanghai.” "Lumpia ka naman talaga," sabat ko, sabay irap. "Pero hindi lang shanghai—combo meal with rice pa." Akmang susuntukin niya ako pero n
Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s