"VERY GOOD, Elize Mica!" sigaw ni Gorgen na agad na pumalakpak at lumapit sa akin. Pinakatitigan nito ang katawan ko at kumunot ang noo. "Parang tumaba ka ng kainti, Elize. Nagpapataba ka ba?"I rolled my eyes on him. "Baka lumalabo na 'yang mga mata mo kaya mo nasasabi 'yan."Napasimangot lang si Gorgen sa sinabi ko. Inabot ko ang white robe at sinuot dahil naka swimsuit lang ako at pansin ko na parang kanina pa pinagmamasdan ng bagong photographer ang katawan ko. Parang hinuhubaran niya na ako sa klase ng kanyang tingin.Tsk. Guwapo sana kaso parang may pagka-pervert. Naupo ako sa couch at inabot ang isang bottle ng mineral water bago ininom. "Bukas ay may photoshoot ulit tayo sa isang beach resort, mga bandang alas kuwatro ng hapon para kuha ang sunset. Kaya binabalaan kita na huwag mo munang palagyan ng hickey ang katawan mo diyan sa asawa mo. Ayokong pumalpak na naman ang photoshoot dahil lang sa lintik na hickey na 'yan!" Maarte na sabi ni Gorgen at agad na inagaw sa kamay ko
NAKASANDAL lang ako ng upo sa loob ng kotse habang nakatitig sa binili kong pregnancy test.Gusto kong ma-confirm kung talaga bang buntis ako dahil parang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang tanong ni Drex noong nakaraang araw kung totoo ba ‘yong sinasabi niua. Hindi ako mapakali—na baka totoong buntis nga ako, kaya ngayon ay naisipan kong bumili ng pregnancy test para malaman kung ano nga ba talaga ang dahilan ng palagi kong pagsusuka tuwing pagkagising sa umaga. Minsan ay nakakaramdam din ako ng pagkahilo at parang gusto ko palaging maasim ang kinakain ko. Lahat ng senyales ng isang buntis ay naranasan ko. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan.Mabilis kong pinatakbo ang kotse pauwi sa suite ni Drex. Pagkauwi ko ay agad akong pumasok ng banyo dala ang PT. Kailangan ko nang malaman ngayon habang nasa trabaho pa si Drexton.Halos hindi na ako huminga sa kaba habang hawak ang PT paglabas ng banyo. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ko tiningnan kung ano ang resulta.Napakurap-kurap ak
HINDI ako mapakali ng higa sa kama at panay ang tingin sa orasan. Malapit nang maghatinggabi pero hindi pa rin umuuwi si Drex. Dapat bago mag-7 p.m. ay nakauwi na ‘yon, pero ngayon ay maghahatinggabi na ay wala pa rin siya.Galit pa rin kaya siya dahil sa mga sinabi ko kanina? Siguro ay dinibdib niya lahat ng mga masasakit na sinabi ko.This is all my fault.Inabot ko ang cellphone at tinatawagan ang number ni Tita Mesha, nagbabaka sakali na baka umuwi si Drex sa kanila. Pero nakailang tawag na ako ay hindi naman niya sinasagot and tawag ko at mukhang tulog na.Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at muling nahiga sa kama. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong tawagan para malaman kung nasa hotel pa ba si Drex o nakalis na. Shit! Hindi ako mapakali sa kakaisip sa kanya. Napapitlag pa ako sa gulat nang biglang tumunog ang doorbell.Dali-dali akong bumangon at patakbong lumabas ng kuwarto para makita kung sinong nag-doorbell. Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad
PAGDATING namin sa Glamorous Beach Resort kung saan gaganapin ang photoshoot ay agad akong lumapit kay Gorgen na agad na lumaki ang ngiti sa labi ng makita ako."Buti naman at dumating ka! Dumiretso ka na doon sa restroom para magbihis," maarte nitong sabi."Hoy ikaw, bakla! Bakit sa dinami-rami ng pwede mong papuntahin ay sa akin ay 'yong pervert na photographer pa 'yon, ha?" sermon ko na agad na namaywang sa harap niya. "What? Paano mo naman basabi na pervert si Garry?""Dahil ang bastos niya tumingin sa katawan ko! Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya na ako sa klase ng tinging binibigay niya!" mariin kong sagot sa mahinang boses. Malakas na napahalakhak si Gorgen. "Oh my god! Malamang nagandahan lang si Garry sa katawan mo dahil sexy ka! Naiinggit lang 'yon sa ‘yo, dahil impossible naman na pagnasaan ka ng isang bading! My God! Nakakaloka ka, Elize Mica!"Agad na nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean? Sinasabi mo bang bading ang lalaking 'oun?"Gorgen nodded while laughing. "
TULALA akong lumabas ng hospital at pumasok sa loob ng aking kotse. Halos manginig ang kamay ko habang hawak ang ultrasound result.I can't believe this. Talagang buntis ako.Makikita sa ultrasound ang imahe ng isang maliit na fetus.The doctor said that I'm 3 weeks pregnant, at minsan daw talaga ay hindi gumagana ang PT kapag mga weeks pa lang, kaya siguro nag-negative ang PT na ginamit ko noong isang araw.Napapitlag ako sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Gorgen is calling."G-Gorgen, napatawag ka?" hindi ko mapigilan ang mautal."My gosh! Elize! I have a good good news for you! Ikaw ang napili nilang model para sa fashion show next week! I can't believe this, Elize! Sabi ko na nga ba't ikaw ang makukuha!" Napatili si Gorgen sa kabilang linya Napahigpit naman ang hawak ko sa cellphone."I'm happy. And after that I'll quit," tanging lumabas sa bibig ko bago diretsong pinatay ang cellphone at hindi na hinintay pang makasagot si Gorgen.I think heto na 'yon. Ito na ang k
RAMDAM ko ang pagkirot ng ulo ko sa sakit na unti-unti kong kinamulat ng mata. Pagmulat ko ay nagulat pa ako nang makitang nasa loob ako ng hindi pamilyar na silid. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. Nang mapatingin ako sa tabi ko ay ang mukha agad ni Gorgen ang bumungad sa akin na nakaupo habang nakayuko at nakapikit ang mga mata na para bang antok na antok."Gorgen... Gorgen..." mahina kong tawag—na kinabalikwas nito at parang natauhan mula sa malalim na pagkakatulog."Elize, oh my gosh! Anong masakit sa 'yo?""What happened? Nasa hospital ba ako?" ngiwing tanong ko dahil sa pagkirot ng ulo ko."Oo nasa hospital ka dahil sa pagkaaksidente mo kagabi. Bumangga ang kotse mo sa isang poste, Elize! Buti na lang ay kilala ako ng isang nurse na nag asikaso sa 'yo at tinawagan ako na narito ka raw sa hospital."Agad akong dinambol ng kaba nang maalala ang nangyari."H-How about the baby?" Hindi ko mapigilan ang mapalunok. Napairap naman si Gorgen sa akin at inis nitong pinalo
Two years later...NAPAHAPLOS ako sa salaming bintana ng eroplano kung saan tanaw ko ang magandang kalangitan na kulay kahel. It's beautiful. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at napahinga nang malalim bago sumandal sa aking kinauupuan at pumikit. Dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa kung anong mangyayari kapag lumapag na ang eroplanong sinasakyan ko ngayon sa Pilipinas.Dalawang taon na ang lumipas at ngayon ko lang naisipang umuwi. I want to surprise my parents. Bukas na ang kanilang ika-29 years wedding anniversary, kaya naman naisipan kong umuwi pansamantala at surpresahin sila sa pagdating ko.Dahil sa pagpikit ko ay hindi ko na namalayan ang paglapag ng eroplano. Naalimpungatan lang ako sa pagtapik sa balikat ko. "Hoy gaga, we are here na, wake up," bulong ni Gorgen sa maarteng boses na kinabalikwas ko.Agad akong nagpalinga-linga sa loob ng eroplano. "Where's Shannel and Aeron?" tanong ko ng mapansing kami n
PARANG hindi makapaniwala ang parents ko nang aminin kong nagkaanak ako. At ngayon ay halos mangiyak-ngiyak si mommy habang nakatingin sa kambal.Buhat ni daddy si Shannel at buhat naman ni Loraine si Aeron na tawa nang tawa habang pinupugpog ng kapatid ko ng halik sa mukha.Nakaupo lang ako sa sofa habang sa kabila naman si mommy. Si daddy at si Loraine ay parehong nakatayo at tuwang-tuwa sa kambal. "Anak naman, paano mo nagawa sa amin 'to? Bakit ka naglihim? Ganoon na ba kami ka walang-kwenta ng daddy mo para sa ‘yo? Ni hindi mo man lang sinabi sa amin na may dalawang apo na pala kami," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy sa nagtatampong boses. "Hindi naman po sa gano'n, Mom. Masyado lang kasi magulo ang isip ko no’ng mga panahong 'yon. I'm sorry.""Huwag mo nang pagalitan pa ang anak mo, ang mahalaga ay nakita natin ang mga apo natin. Ikaw talaga masyado kang dramatic!" natatawang sabat ni dad at naupo na sa tabi ni mommy habang buhat pa rin si Shannel.Inis na pinalo ni mommy ang b
ELIZE NAPAHIKAB ako at inunat-unat ang aking katawan bago iminulat ang aking mga mata. Maliwanag na sa buong silid pero wala na akong katabi sa kama at mag-isa na lang sa loob kuwarto. Nang mapatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ay alas otso na, kaya kahit na parang inaantok pa ako ay pinilit kong bumangot at naligo sa loob ng banyo. Nang matapos sa pagligo ay hindi na ako nag-abala pang magbihis at isinuot ko na lang ang white bathrobe at binalot ng puting tuwalya ang ulo ko bago lumabas ng kuwarto at bumaba ng hadgan.Pababa pa lang ako ay rinig ko na ang pag-iyak ng kambal, kaya nagmamadali akong naglakad papunta ng kitchen. Pero nang mapatapat na ako sa nakasiwang na pinto ay agad akong natigilan nang makita kong ano ang nangyayari sa loob. Nakatalikod si Drex at walang damit na pang-itaas habang nakasuot ng apron at parang may hinahalo sa kawali, I think nagluluto, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kani-kanilang swivel chair at naka-seatbelt pa. Umiiyak si Shann
DREX I WAS just sixteen years old and Elize was fourteen when we first met in my parents house. I still remember the day when my mom introduced her to me. That day was my mom's birthday."Come here, son. May ipapakilala ako sa 'yo. Tama na muna 'yang pagbabasa mo ng libro," excited na sabi ni mommy pagkapasok ng kuwarto ko."I'm not interested, Mom," tamad kong sagot habang nakasandal sa headboard ng aking kama at nakatutok pa rin ang tingin sa binabasa kong libro."Oh come on, son. Pagbigyan mo na si mommy, anak. Huwag mo naman akong ipahiya sa Tita Amanda mo. Sinabi kong ipapakilala kita sa anak niya ngayon dahil magiging school mate mo siya by this year."I frowned at my mom as she grabbed my arm. "Mom, I'm not interested, okay? Look, I'm studying here. I don't want to go out!""Hay naku naman, anak. Puro na lang libro ang inaatupag mo kapag narito ka sa bahay. Subukan mo namang magkaroon ng kaibigan. Hindi ka ba nabo-boring sa life mo? School-bahay ka na lang palagi."Hindi na ak
MULA sa paghuhugas ng plato ay napasinghap ako dahil sa biglang pagyapos ng dalawang braso ni Drex sa aking baywang."Mahal ko, tama na 'yan, kanina pa kaya ako inaantok..." Inamoy-amoy niya ang leeg ko. "Pinatulog ko na ang mga anak natin, kaya dapat matulog na rin tayo.""Tatapusin ko lang 'tong mga plato. Puwede ka namang matulog kahit wala ako, hindi ko naman dala ang mata mo.""Hindi kasi ako matulog kapag hindi kita katabi. Oo nga at hindi mo dala ang mata ko, pero mahal ko, dala-dala mo ang puso ko..." nilambingan niya pa ang kanyang boses.Hindi ko na napigilan ang ngiti ko at nagpunas ng kamay bago humarap sa kanya. "Sus, nambubula ka na naman. Oo na, sige na."Agad na lumapad ang kanyang ngiti. "Okay, let's go!"Napayakap na lang ako sa kanyang leeg nang bigla niya akong buhatin palabas ng kitchen.Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ay agad niya akong inihiga sa kama at pumaibabaw naman siya sa akin na kinasimangot ko."Teka, akala ko ba inaantok ka na?""Let's make love fi
ANG tadhana ay talaga nga namang mapagbiro, hindi natin alam kung anong mangyayari sa ating hinaharap. Minsan ang akala natin na siya ang makakatuluyan natin ay hindi pala, minsan may mga pangakong hindi talaga natutupad, dahil 'yon na talaga ang nakatadhana. Nangyayari ang mga hindi nating inaasahang mangyari sa hinaharap.Nang ibalita namin ni Drex sa parents namin na nagkabalikan na kami ay talaga namang tuwang-tuwa sina Tita Mesha at mommy, and of course, si daddy and Tito Harold. Talagang makikita sa kanilang mga mukha ang tuwa sa nalamang nagkabalikan na kami ng dati kong best friend na ngayon ay asawa ko na.Nakauwi na rin sina mommy, daddy at Loraine sa mansyon. Nang malaman kasi nila na okay na kami ni Drex ay kinabukasan din ay umuwi agad sila, talagang binigyan lang nila kami ni Drex ng araw para mag-usap at nang sa gayon ay magkabalikan. Well, their plan was successful, dahil talaga namang nagkabalikan kami ni Drex, and I'm very thankful.And about naman sa aksidente namin
KINABUKASAN nang magising ako ay mag-isa na lang akong nakahiga sa kama at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang orasan, 2 minutes na lang at alas dose na ng tanghali.Napabalikwas ako ng bangon at nanghihinang pumasok ng banyo.Pakiramdam ko ay parang binugbog ang katawan ko. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko at parang kumikirot pa ang pagitan ng hita ko na kinangiwi ko. Paglabas ko ng kuwarto ay sa hagdan pa lang ako ay kitang-kita ko na ang kambal na nakaupo sa couch katabi ng kanilang ama."Hey, good morning!"Napalingon ang kambal nang marinig ang boses ko at mabilis na bumaba si Aeron sa sofa bago patakbong lumapit sa akin, kaya agad ko itong binuhat at pinaulanan ng halik sa mukha na kinahagikhik nito."I think it should be good afternoon, tanghali na kaya!" natatawang sambit ni Drex at binuhat naman si Shannel bago lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Nagutom ka na ba? Gusto mong ipaghain kita ng pagkain?"Mahina akong umiling. "Ayoko, hindi pa naman ako
WALANG alinlangan kong tinugon ang kanyang labi. I missed him so much. I miss his lips, his body, I miss all of his. It's been two years at hanggang ngayon ay nadadala pa rin ako sa kanyang mga uhaw na halik.Nang maihiga niya ako sa ibabaw ng kama ay saka siya bumitaw sa labi ko at tinitigan ang mukha ko bago ngumiti nang matamis sa akin.He touched my face using his right hand. "Are you sure about this? Do you want me to continue?" he asked in a canorous tone. "I don't wanna force you anymore, so tell me if you want me to stop this."I slowly shook my head. "No. Don't stop, Drex. Just continue, please? I missed you so much. And I want you to continue!" I flirty answered, touching his face down to his sexy lips."You don't have to beg for it. I love you, my queen." He kissed my forehead. "I love you so much!"Matapos niyang halikan ang noo ko ay muli niyang sinakop ang labi ko, kaya muli akong tumugon at iniyakap ang mga braso sa kanyang leeg, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pa
EIGHT-THIRTY na nang makauwi kami sa bahay ng parents ko, at tulad nga ng gusto ni Tita Mesha ay iniwan namin ang kambal sa bahay nila. Pareho kaming walang kibo ni Drex habang nasa biyahe. Tahimik siyang nagmamaneho, at tahimik naman akong nakaupo sa kanyang tabi. Hanggang sa biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may mensaheng dumating.MommyAnak, kumusta na kayo ni Drex? Nagkaayos na ba kayo?Hindi ko mapigilan ang mapairap sa text ni mommy. Talagang inaasahan niyang magkakaayos kami ni Drex. Ngayon ay na-gets ko na kung bakit sila umalis."Break up with him, Elize."Napabaling ang tingin ko kay Drex. "Huh?""I said, break up with him. Paano tayo makakapagsimula muli kung nakabuntot pa sa 'yo 'yang fiancé mo?" Parang may pait pa sa kanyang boses habang masama ang tingin sa hawak kong cellphone.Oh, and speaking of Garry. Hindi ko na alam kung saan na ba napadpad ang bading na 'yon matapos mapaalis sa hotel, ni hindi na tumawag sa akin o nag-text man lang."Oo nga pala, Drex, pina
"TWO years ago, I saw you with Leila in your office. N-Naghahalikan kayong dalawa, at hindi lang 'yon dahil nakahubad pa si Leila. That day, sasabihin ko na sa 'yo ang t-tungkol sa p-pagbubuntis ko, p-pero gano'n 'yong naabutan ko. I thought you cheated on me, that's why I left you, Drex. I'm really sorry kung ngayon ko lang nalaman ang totoong nangyari. I'm really sorry!" pagpatuloy ko sa pagsasalita habang umiiyak sa kanyang dibdib at nakayapos pa rin sa kanyang katawan.Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya at nanatili lang siyang nakatayo habang yapos ko. Hindi ko makita ang expression ng kanyang mukha dahil nakasubsob ako sa kanyang dibdib, kaya naman unti-unti akong nag-angat ng tingin.Nakatitig pala siya sa akin, sa mukha ko.Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha, kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Magaling siya pagdating sa pagtatago ng emosyon."Kung gano'n iniwan mo ako dahil lang do'n? Tingin mo ba ay kaya kitang pagtaksilan at ipagpalit sa ibang babae?
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Drex na may pagtataka nang makita ang bigla kong pagtayo. "Hindi ka pa kumakain, Elize.""P-Puwede mo bang sabihin sa akin kung saan nakatira ngayon si Leila?"Mas lalong kumunot ang noo ni Drex sa tanong ko pero agad ding tumango."Sure, but before that kumain ka muna. Sa pagkakaalam ko ay kakabalik lang ni Liela kahapon mula sa China dahil may business meeting ang kanyang asawa rito sa Pinas. Isa kasi sa mga business partner ni Dad ang asawa niya at baka bukas ay babalik din sila agad ng China pagkatapos ng meeting. Ano nga pala ang kailangan mo sa kanya? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kayo malapit sa isa't isa."Hindi ko na namalayan ang pagkuyom ko ng kamao."May itatanong lang akong importante sa kanya. Mamaya na ako kakain, magbibihis lang ako. Pakihintay na lang ako sa kotse."Napapabuntonghininga na tumango na lang si Drex at hindi na umangal pa.Lumabas ako ng kitchen at mabilis na nagbihis sa kuwarto.Habang nasa biyahe ay nanatili akong wa