PARANG hindi makapaniwala ang parents ko nang aminin kong nagkaanak ako. At ngayon ay halos mangiyak-ngiyak si mommy habang nakatingin sa kambal.Buhat ni daddy si Shannel at buhat naman ni Loraine si Aeron na tawa nang tawa habang pinupugpog ng kapatid ko ng halik sa mukha.Nakaupo lang ako sa sofa habang sa kabila naman si mommy. Si daddy at si Loraine ay parehong nakatayo at tuwang-tuwa sa kambal. "Anak naman, paano mo nagawa sa amin 'to? Bakit ka naglihim? Ganoon na ba kami ka walang-kwenta ng daddy mo para sa ‘yo? Ni hindi mo man lang sinabi sa amin na may dalawang apo na pala kami," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy sa nagtatampong boses. "Hindi naman po sa gano'n, Mom. Masyado lang kasi magulo ang isip ko no’ng mga panahong 'yon. I'm sorry.""Huwag mo nang pagalitan pa ang anak mo, ang mahalaga ay nakita natin ang mga apo natin. Ikaw talaga masyado kang dramatic!" natatawang sabat ni dad at naupo na sa tabi ni mommy habang buhat pa rin si Shannel.Inis na pinalo ni mommy ang b
Hindi ko na namalayan ang sarili ko at unti-unti na pala akong napatayo mula sa aking kinauupuan habang nakatingin sa lalaking nakatayo ng mga tatlong dipa lang ang layo mula sa akin.Nagkatitigan kaming dalawa na para bang walang ibang tao sa paligid namin kundi kami lang. Halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.Siguro ay may mga dalawang minuto kaming nagkatitigan, hanggang sa unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. At nang sandaling nakalapit na siya ay hindi ko inaasahan ang paghila niya sa braso ko, kasabay no'n ay ang mahigpit niyang pagyakap sa akin na para bang ayaw na akong pakawalan.Nagulat ako sa kanyang ginawa. Walang salita na lumabas sa bibig ko. I don't know what to say or do. Nanatili lang akong nakatayo habang yakap niya ng mahigpit, ni hindi ako gumanti ng yakap sa kanya.Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa magkadikit ang dibdib namin dalawa ay ramdam ko rin ang pagtibok ng puso niya na kasing bilis ng aki
Talagang hindi niya man lang itinanggi ang pagiging taksil niya. Siguro tama lang na hindi niya na malaman pa ang tungkol sa kambal, dahil talagang nakakainis na siya. Paglabas ko ng hotel ay madilim na pala sa labas, at nang mapitingin ako sa aking pambisig na relo ay 6:42 p.m. na. Pumara ako ng taxi at nagpahatid pauwi. Pagdating ko sa bahay ay si mommy agad ang nakita kong nakaupo sa sofa katabi ni daddy habang nanunood ng TV. Hindi ko alam na nakauwi na pala si dad. "Oh, ba't ngayon ka lang?" tanong ni daddy nang makita ako. "May pinuntahan pa kasi ako, dad. Ang kambal nasaan?""Naroon sa kuwarto ng kapatid mo at baka tulog na,” mom replied. "Magbihis ka na doon para makapag-dinner na tayo, pabantayan mo muna sa mga katulong ang kambal at baka mag iyak kapag nagising nang walang katabi."Tumango lang ako kay mommy bago umakyat ng kuwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong nagbihis ay pumasok ako sa kuwarto ni Loraine, at tulad nga ng sinabi ni mommy ay tulog na ang kambal, mar
Tuwang-tuwa ang kambal nang makita ang mukha ng kanilang ama. Tuluyan nang nangatog ang mga tuhod ko, lalo na nang makita ang gulat sa mukha ni Drex nang makita ang dalawang bata. Nanghihina akong napaupo sa kabilang sofa habang nakatingin kay Drex na nakatitig lang sa kambal nang walang kurap-kurap at pabukas-sara ang bibig na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita. Pansin ko pa ang pagbaba-taas ng adam's apple nito habang nakatitig sa kambal. "Daddee... Daddee..." paulit-ulit na tawag ni Shannel at Aeron habang tumatawa at pilit na inaabot ang mukha ng kanilang ama. "I-I'm…” Huminga ako nang malalim, “I'm sorry…”Hindi pinansin ni Drex ang sinabi ko, bagkus ay umalis siya ng upo sa sofa at lumapit sa kambal bago lumuhod para pumantay rito. Itinaas niya ang kamay na para bang gustong hawakan ang kambal pero agad na napahinto sa ere ang kanyang kamay at pansin ko ang panginginig nito. "They are my kids, right?" tanong niya kapagkuwan. Garalgal na rin ang kanyang boses.Kitang-kit
HALOS puno ng mga iba't ibang laruan ang backseat ng kotse dahil sa dami ng binili ni Drex para sa kambal. Kung hindi pa ako umapela ay baka pati tindihan ng toys ay bibilhin na niya. Buti na lang talaga ay naka-rubber shoes lang ako, dahil kung hindi ay paniguradong sumasakit na ang mga paa ko sa mga oras na 'to dahil sa kakalibot-libot kanina sa loob ng mall."Tila napagod ang mga anak natin. Hindi ko alam na ganyan pala sila kapag natutulog, ang sarap pagmasdan," basag ni Drex sa katahimikan habang nagmamaneho at panay ang sulyap sa kambal na ngayon ay nakatulog at tila napagod sa pamamasyal.Nanatili lang akong tahimik habang nakasandal ng upo sa loob ng kotse.Alas otso na ng gabi nang makauwi kami.Pagdating sa bahay ay agad na ipinasok ni Drex ang kambal sa kuwarto at inihiga sa kama.Dumiretso ako sa loob ng banyo at naligo dahil parang nanlalagkit na ako sa sarili kong pawis.Nang matapos ako sa pagligo ay lumabas na ako ng bathroom habang tapis ng puting tuwalya.Napahinto a
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Drex na may pagtataka nang makita ang bigla kong pagtayo. "Hindi ka pa kumakain, Elize.""P-Puwede mo bang sabihin sa akin kung saan nakatira ngayon si Leila?"Mas lalong kumunot ang noo ni Drex sa tanong ko pero agad ding tumango."Sure, but before that kumain ka muna. Sa pagkakaalam ko ay kakabalik lang ni Liela kahapon mula sa China dahil may business meeting ang kanyang asawa rito sa Pinas. Isa kasi sa mga business partner ni Dad ang asawa niya at baka bukas ay babalik din sila agad ng China pagkatapos ng meeting. Ano nga pala ang kailangan mo sa kanya? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kayo malapit sa isa't isa."Hindi ko na namalayan ang pagkuyom ko ng kamao."May itatanong lang akong importante sa kanya. Mamaya na ako kakain, magbibihis lang ako. Pakihintay na lang ako sa kotse."Napapabuntonghininga na tumango na lang si Drex at hindi na umangal pa.Lumabas ako ng kitchen at mabilis na nagbihis sa kuwarto.Habang nasa biyahe ay nanatili akong wa
"TWO years ago, I saw you with Leila in your office. N-Naghahalikan kayong dalawa, at hindi lang 'yon dahil nakahubad pa si Leila. That day, sasabihin ko na sa 'yo ang t-tungkol sa p-pagbubuntis ko, p-pero gano'n 'yong naabutan ko. I thought you cheated on me, that's why I left you, Drex. I'm really sorry kung ngayon ko lang nalaman ang totoong nangyari. I'm really sorry!" pagpatuloy ko sa pagsasalita habang umiiyak sa kanyang dibdib at nakayapos pa rin sa kanyang katawan.Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya at nanatili lang siyang nakatayo habang yapos ko. Hindi ko makita ang expression ng kanyang mukha dahil nakasubsob ako sa kanyang dibdib, kaya naman unti-unti akong nag-angat ng tingin.Nakatitig pala siya sa akin, sa mukha ko.Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha, kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Magaling siya pagdating sa pagtatago ng emosyon."Kung gano'n iniwan mo ako dahil lang do'n? Tingin mo ba ay kaya kitang pagtaksilan at ipagpalit sa ibang babae?
EIGHT-THIRTY na nang makauwi kami sa bahay ng parents ko, at tulad nga ng gusto ni Tita Mesha ay iniwan namin ang kambal sa bahay nila. Pareho kaming walang kibo ni Drex habang nasa biyahe. Tahimik siyang nagmamaneho, at tahimik naman akong nakaupo sa kanyang tabi. Hanggang sa biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may mensaheng dumating.MommyAnak, kumusta na kayo ni Drex? Nagkaayos na ba kayo?Hindi ko mapigilan ang mapairap sa text ni mommy. Talagang inaasahan niyang magkakaayos kami ni Drex. Ngayon ay na-gets ko na kung bakit sila umalis."Break up with him, Elize."Napabaling ang tingin ko kay Drex. "Huh?""I said, break up with him. Paano tayo makakapagsimula muli kung nakabuntot pa sa 'yo 'yang fiancé mo?" Parang may pait pa sa kanyang boses habang masama ang tingin sa hawak kong cellphone.Oh, and speaking of Garry. Hindi ko na alam kung saan na ba napadpad ang bading na 'yon matapos mapaalis sa hotel, ni hindi na tumawag sa akin o nag-text man lang."Oo nga pala, Drex, pina
ELIZE NAPAHIKAB ako at inunat-unat ang aking katawan bago iminulat ang aking mga mata. Maliwanag na sa buong silid pero wala na akong katabi sa kama at mag-isa na lang sa loob kuwarto. Nang mapatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ay alas otso na, kaya kahit na parang inaantok pa ako ay pinilit kong bumangot at naligo sa loob ng banyo. Nang matapos sa pagligo ay hindi na ako nag-abala pang magbihis at isinuot ko na lang ang white bathrobe at binalot ng puting tuwalya ang ulo ko bago lumabas ng kuwarto at bumaba ng hadgan.Pababa pa lang ako ay rinig ko na ang pag-iyak ng kambal, kaya nagmamadali akong naglakad papunta ng kitchen. Pero nang mapatapat na ako sa nakasiwang na pinto ay agad akong natigilan nang makita kong ano ang nangyayari sa loob. Nakatalikod si Drex at walang damit na pang-itaas habang nakasuot ng apron at parang may hinahalo sa kawali, I think nagluluto, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kani-kanilang swivel chair at naka-seatbelt pa. Umiiyak si Shann
DREX I WAS just sixteen years old and Elize was fourteen when we first met in my parents house. I still remember the day when my mom introduced her to me. That day was my mom's birthday."Come here, son. May ipapakilala ako sa 'yo. Tama na muna 'yang pagbabasa mo ng libro," excited na sabi ni mommy pagkapasok ng kuwarto ko."I'm not interested, Mom," tamad kong sagot habang nakasandal sa headboard ng aking kama at nakatutok pa rin ang tingin sa binabasa kong libro."Oh come on, son. Pagbigyan mo na si mommy, anak. Huwag mo naman akong ipahiya sa Tita Amanda mo. Sinabi kong ipapakilala kita sa anak niya ngayon dahil magiging school mate mo siya by this year."I frowned at my mom as she grabbed my arm. "Mom, I'm not interested, okay? Look, I'm studying here. I don't want to go out!""Hay naku naman, anak. Puro na lang libro ang inaatupag mo kapag narito ka sa bahay. Subukan mo namang magkaroon ng kaibigan. Hindi ka ba nabo-boring sa life mo? School-bahay ka na lang palagi."Hindi na ak
MULA sa paghuhugas ng plato ay napasinghap ako dahil sa biglang pagyapos ng dalawang braso ni Drex sa aking baywang."Mahal ko, tama na 'yan, kanina pa kaya ako inaantok..." Inamoy-amoy niya ang leeg ko. "Pinatulog ko na ang mga anak natin, kaya dapat matulog na rin tayo.""Tatapusin ko lang 'tong mga plato. Puwede ka namang matulog kahit wala ako, hindi ko naman dala ang mata mo.""Hindi kasi ako matulog kapag hindi kita katabi. Oo nga at hindi mo dala ang mata ko, pero mahal ko, dala-dala mo ang puso ko..." nilambingan niya pa ang kanyang boses.Hindi ko na napigilan ang ngiti ko at nagpunas ng kamay bago humarap sa kanya. "Sus, nambubula ka na naman. Oo na, sige na."Agad na lumapad ang kanyang ngiti. "Okay, let's go!"Napayakap na lang ako sa kanyang leeg nang bigla niya akong buhatin palabas ng kitchen.Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ay agad niya akong inihiga sa kama at pumaibabaw naman siya sa akin na kinasimangot ko."Teka, akala ko ba inaantok ka na?""Let's make love fi
ANG tadhana ay talaga nga namang mapagbiro, hindi natin alam kung anong mangyayari sa ating hinaharap. Minsan ang akala natin na siya ang makakatuluyan natin ay hindi pala, minsan may mga pangakong hindi talaga natutupad, dahil 'yon na talaga ang nakatadhana. Nangyayari ang mga hindi nating inaasahang mangyari sa hinaharap.Nang ibalita namin ni Drex sa parents namin na nagkabalikan na kami ay talaga namang tuwang-tuwa sina Tita Mesha at mommy, and of course, si daddy and Tito Harold. Talagang makikita sa kanilang mga mukha ang tuwa sa nalamang nagkabalikan na kami ng dati kong best friend na ngayon ay asawa ko na.Nakauwi na rin sina mommy, daddy at Loraine sa mansyon. Nang malaman kasi nila na okay na kami ni Drex ay kinabukasan din ay umuwi agad sila, talagang binigyan lang nila kami ni Drex ng araw para mag-usap at nang sa gayon ay magkabalikan. Well, their plan was successful, dahil talaga namang nagkabalikan kami ni Drex, and I'm very thankful.And about naman sa aksidente namin
KINABUKASAN nang magising ako ay mag-isa na lang akong nakahiga sa kama at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang orasan, 2 minutes na lang at alas dose na ng tanghali.Napabalikwas ako ng bangon at nanghihinang pumasok ng banyo.Pakiramdam ko ay parang binugbog ang katawan ko. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko at parang kumikirot pa ang pagitan ng hita ko na kinangiwi ko. Paglabas ko ng kuwarto ay sa hagdan pa lang ako ay kitang-kita ko na ang kambal na nakaupo sa couch katabi ng kanilang ama."Hey, good morning!"Napalingon ang kambal nang marinig ang boses ko at mabilis na bumaba si Aeron sa sofa bago patakbong lumapit sa akin, kaya agad ko itong binuhat at pinaulanan ng halik sa mukha na kinahagikhik nito."I think it should be good afternoon, tanghali na kaya!" natatawang sambit ni Drex at binuhat naman si Shannel bago lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Nagutom ka na ba? Gusto mong ipaghain kita ng pagkain?"Mahina akong umiling. "Ayoko, hindi pa naman ako
WALANG alinlangan kong tinugon ang kanyang labi. I missed him so much. I miss his lips, his body, I miss all of his. It's been two years at hanggang ngayon ay nadadala pa rin ako sa kanyang mga uhaw na halik.Nang maihiga niya ako sa ibabaw ng kama ay saka siya bumitaw sa labi ko at tinitigan ang mukha ko bago ngumiti nang matamis sa akin.He touched my face using his right hand. "Are you sure about this? Do you want me to continue?" he asked in a canorous tone. "I don't wanna force you anymore, so tell me if you want me to stop this."I slowly shook my head. "No. Don't stop, Drex. Just continue, please? I missed you so much. And I want you to continue!" I flirty answered, touching his face down to his sexy lips."You don't have to beg for it. I love you, my queen." He kissed my forehead. "I love you so much!"Matapos niyang halikan ang noo ko ay muli niyang sinakop ang labi ko, kaya muli akong tumugon at iniyakap ang mga braso sa kanyang leeg, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pa