Home / Romance / You're Gonna Miss Me When I'm Gone / Kabanata 6 Gusto Niyang Pilitin Ito

Share

Kabanata 6 Gusto Niyang Pilitin Ito

Author: Cora Smith
Walang napansing mali si Calista sa sinabi ni Lucian. At saka, galit pa rin siya sa kawalang-interes nito. Kaya, tumango na lang siya.

Humigop ng sabaw si Lucian. Ibinalik niya ang kutsara nang may kaunting puwersa, at kumalansing ito sa mangkok.

Pagkatapos ay itinaas niya na kumot at humiga sakama. Nakatalikod pa rin sa kanya si Calista habang pinapatay ang bedside lamp. Pagkatapos noon, ipinikit niya ang kanyang mga mata, handa nang matulog.

Sa nakalipas na taon, minsan sila ay natutulog sa iisang kama. Pero palaging may puwang sa pagitan nila. Malaki ang kama para sa dalawang tao.

Pero, iba ang gabing iyon.

Mahimbing ang tulog ni Calista nang biglang idiin ni Lucian ang katawan nito sa kanya. Ang matigas nitong dibdib ay nakadikit sa likod niya, at bigla itong napayakap sa kanya. Nararamdaman niya ang mga muscles nito sa manipis na mga telang namamagitan sa kanila.

Ang mainit at malalim na paghinga nito ay dumampi sa kanyang tenga, nagpapataas ng temperatura sa silid. Tila nakakapaso.

Bago pa makapag-react si Calista, naramdaman niyang may dumidikit sa kanyang bewang. Natigilan siya saglit bago naintindihan kung ano ang gusto ni Lucian.

"Lucian..."

Nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. Higit sa lahat ay mula sa pagkagulat, pero bahagi rin nito ang kaba. Natatakot siyang ipilit ni Lucian ang sarili nito sa kanya.

Inaasahan na ni Calista ang mangyayari noong una siyang ikasal. Pero, sa kawalang-interes ni Lucian sa paglipas ng mga taon ay naglaho din ang pag-asa ni Calista. Ngayon, sa nalalapit na hiwalayan, hindi nila pwedeng gawing kumplikado ang mga bagay sa pamamagitan ng pagtatalik.

Sapat nang magkamali ng isang beses.

"Hmm?" Ang paos na boses ni Lucian ay narinig ni Calista. Ang pahiwatig ng pagiging dominante dito ay imposibleng balewalain.

Sa sumunod na segundo, binaliktad siya ni Lucian at inipit sa ilalim nito. Nakatingin siya sa mga mata nito mula sa itaas.

Kinalma ni Calista ang sarili. "Ayoko," sabi niya. Sinubukan niyang itulak si Lucian palayo.

"Hindi ba nagreklamo ka na hindi kita nasasatisfy? Mukhang sabik na sabik ka pang ibigay sa'kin yung soup. Akala ko ganun mo kagustong may mangyari sa'tin at handa ka nang ibato ang sarili mo sa akin at gumawa ng milagro. Pero ngayon sinasabi mo na ayaw mo. Playing hard to get, ha?" Ilang pulgada ang layo ng labi ni Lucian sa labi niya.

Naiisip ni Calista na may sinasabi si Lucian na mali sa soup. "Hindi ko alam kung anong nangyayari," sinubukan niyang magpaliwanag.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako? Hindi ito ang unang beses na ginawa mo 'to."

"Anong…"

Pakiramdam ni Calista ay wala siyang magawa sa tuwing naaalala niya ito. Palaging gumagawa ng paraan si Lucian para pilitin siyang maalala ang gabing iyon.

"Uulitin ko. Nangyari iyon dahil..."

Tinakpan ni Lucian ang mga labi niya bago pa siya matapos. Napilitan siyang lunukin pabalik ang kanyang mga salita.

Nagulat si Calista. Gamit ang kanyang mga kamay na nasa dibdib ni Lucian, sinubukan niya itong itulak palayo. Pero, pinalalim ni Lucian ang halik bilang tugon. Hindi ito banayad pero mapuwersa at possessive.

Kinagat ni Lucian ang labi ni Calista, at nalasahan niya ang kaunting ng dugo sa kanyang bibig. Umiikot ang isip niya dahil sa kakulangan ng oxygen. Pagkatapos, hinawakan siya ng nakakapasong kamay ni Lucian. Sa pagkabigla, napagtanto niya na ang mga butones ng kanyang kamiseta ay natanggal.

Napalingon si Calista para pigilan ito sa paghalik sa kanya. "Lucian, bitawan mo ako."

Buong lakas niyang pilit na kumawala sa pagkakahawak ni Lucian. Pero, natural na mas mahina ang mga babae pagdating sa lakas ng katawan.

Namamaga ang labi ni Lucian sa paghalik. "Hindi ba gusto mo ng divorce dahil sa sexual dysfunction ko at kawalan ng kakayahan para masatisfy ang pangangailangan mo? Ngayong wala nang mali sa akin, wala ka nang valid reason para sa divorce."

Inalalayan ni Lucian ang sarili at bahagyang lumuhod sa kama. Hinawakan niya ang baba ni Calista at inihilig ang ulo nito sa kanya. Sa ganun, napilitan si Calista na tingnan si Lucian.

Kitang-kita ni Calista ang nakaumbok sa ibabang bahagi ni Lucian sa ganoong posisyon.

Pero wala pa ring malasakit si Lucian gaya ng dati, ang bawat salita niya ay naging dahilan ng pagiging tense ni Calista. "Masaya ka ba sa nakikita mo?"

Walang nasabi si Calista.

Malungkot ang ekspresyon niya. Pero, tumunog ang telepono ni Lucian sa oras na sasagot pa lang si Calista. Mabilis na kinuha ni Lucian ang telepono sa bedside table. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay napakunot ang noo niya.

Manager iyon ni Lily.

Isinwipe ni Lucian ang kanyang telepono para sagutin ang tawag. "Anong problema?"

Sinubukan ni Lucian na lumayo kay Calista habang nagsasalita. Pero, biglang iniharang ni Calista ang kanyang braso kahit kanina lang ay umiiwas siya sa lalaki.

Nanigas si Lucian nang lumapit sa kanya ang malambot na mga labi ni Calista. Ibinaba niya ang kanyang tingin, at ang kanyang madilim na mga mata ay nakamamatay. Nangangatog ang mga ngipin niya sa pagiging frustrated.

Nagsasalita pa ang nasa kabilang linya. Bahagyang naririnig lang ni Calista ang ilang usapan.

Iniisip niya, malamang may sinabi na naman ng taong iyon kay Lucian na may mali kay Lily. Isa lang itong paraan para mapuntahan ang homewrecker at bisitahin ulit.

Gamit ang matalas na tingin, nagpadala ng babala si Lucian kay Calista. Pero, itinaas lang ni Calista niya ang kanyang baba sa kanya nang mapanukso.

Sanagot niya ang tanong ni Lucian kanina. "Sobrang satisfied nga ako eh. Ang tagal mo din sa kama. Minsan hindi ko na kaya. Magdahan-dahan ka naman oh."

Sapat lang ang lakas ng boses niya para marinig ng kausap.

Sinasadya ni Calista ito. Kung tutuusin, wala siyang pakialam na gamitin ang bawat trick sa libro para mang-agaw ng lalaki.

Nakaramdam si Lucian ng bukol sa kanyang lalamunan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono kaya namuti ang kanyang mga daliri.

Muling nagsalita ang boses sa kabilang linya. "Mr. Northwood, matatapos na ang dancing career ni Lily kung magiging disabled siya."

Nagpatuloy ang kausap ni Lucian, "Marami siyang tiniis sa simula ng kanyang career. Gusto niyang maging isang kilalang dancer sa lalong madaling panahon para hindi ka mapigil ng kanyang background. Ngayon injured siya at nangangailangan ng physical therapy bawat linggo."

Napaawang ang labi ni Lucian. Pagkatapos ay bumaba siya sa kama. "Bantayan mo siyang mabuti."

Hindi na siya pinigilan ni Calista na umalis. Ayaw niyang mapahiya ang sarili niya. Alam na niyang wala nanaman itong pakialam sa kanya.

Wala siyang planong bawiin si Lucian. Pero, hindi niya palalampasin ang pagkakataong inisin si Lily at maghiganti.

Agad namang nagpalit si Lucian. Lumabas siya ng kwarto ng walang kahit isang salita sa asawa.

Mahimbing ang tulog ng lahat. Tanging ang malamlam na ilaw sa hallway ang nakabukas.

Paglakad niya papunta sa entrance, biglang lumiwanag ang napakalaking crystal chandelier sa sala.

Nakatayo si Selena sa entrance ng kusina. Hawak niya ang controller ng ilaw. "Gabi na ah. Saan ka pupunta?"

Kumunot ang noo ni Lucian. "Mom, bakit hindi ka pa natutulog?"

"Tinatanong ko kung saan mo balak pumunta. Iiwan mo si Calista sa kalagitnaan ng gabi?"

Napatikom ang labi ni Lucian. Mahinahon niyang sagot, "Nawalan ako ng kontrol kanina at hindi ko sinasadya na masaktan siya. Bibili lang ako ng gamot para sa kanya ngayon."

Related chapters

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 7 Hindi Magaling sa Kama

    Hindi pinahalata ni Lucian. Pero naintindihan naman ni Selena ang ibig niyang sabihin.Kitang-kita ang epekto ng soup. Kung tutuusin, hiningi ni Selena ang recipe mula sa isang sikat na doktor.Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. "Ano ka teenager? Hindi ka ba marunong maging marahan? Sige na bumili ka na."She added, "Teka lang. Isama mo na rin si Calista. Dapat pumunta siya sa ospital. Masama kung ma-iinfect siya."Walang masabi si Lucian.Pero, hindi niya magawang tumanggi sa umaasang tingin ni Selena. Sa huli, tinawag na lang niya si Calista at niyaya itong bumaba pagkatapos magbihis.Napaisip si Calista na baka may nangyaring hindi maganda dahil sa tono ni Lucian. Kaya, mabilis siyang tumakbo pababa pagkatapos magpalit.Hindi niya inaasahan na makikita niya doon sina Selena at Lucian.Medyo walang pakialam ang malalim na boses ni Lucian. "Hindi maganda ang pakiramdam mo. Samahan mo akong bumili ng gamot."Hindi maiwasang magtaka ni Calista kung kailan niya sinabing m

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 8 Hinihiling ni Mr. Northwood na Hintayin Niyo Siya

    Nabalot ng gauze ang sugat sa binti ni Lily. Mahirap sabihin kung infected ba ito. Pero, ang lugar ay talagang namamaga at nakaumbok."Tiningnan na ba 'to ng doktor?"Masyadong walang pakialam si Lucian. Mukhang hindi naman siya nabahala o naabala nang tingnan niya ang namamaga nitong binti. Hindi masabi ni Lily kung ano ang iniisip niya, kaya hindi siya naglakas-loob na magsinungaling."Hinayaan ko na yung doktor na magpalit ng dressing. Siguro dahil hindi ko sinasadya na nabuhusan ko 'to ng tubig habang naliligo... Kaya naman na-infect."Kumuha ng sigarilyo si Lucian at inilagay sa pagitan ng kanyang mga labi. Hindi niya pinansin ang no-smoking sign sa dingding. Sa isang click, bumukas ang lighter. Nagbigay ito ng mainit na glow sa kanyang mukha.Humithit muna siya ng yosi bago ibinalik ang tingin sa binti ni Lily. "Lily, ipagpatuloy mo ang career path na 'yan dahil pinili mo 'yan. 'Wag mong sirain ang mga plano mo sa pamamagitan ng pagsuko. Ibinigay mo ang lahat para sa pangara

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 9 Ang Bago Niyang Date

    Naisip ni Calista na baka may problema sa kanya para magpahintay si Lucian. Pero, hindi niya inaasahan kung gaano ito kabilis na darating.Palabas na sana siya ng pinto nang may nakita siyang matangkad na lalaking papunta sa direksyon niya.Si Lucian ay nakasuot ng fitted black shirt at tailored pants. Mukha siyang guwapo at napaka-refined, nababagay sa tangkad at tindig niya. May natural na pagmamalaki sa pagdadala niya ng sarili, na naging dahilan para maging kapansin-pansin siya .Siya ay guwapo, matikas, bata, at mayaman.Kung babalewalain lang ang katotohanan na isa siyang g*go, tiyak na si Lucian na sana ang perfect heartthrob.Si David ay naglalakad sa tabi niya. Kung ikukumpara sa kanya, imposibleng hindi mapansin ang presensya ni Lucian.Sandaling natigilan si Calista.Tumayo si Lucian sa harapan niya. "Sinabi sa akin ni Jonathan na hindi ka umuwi kagabi?"Bakas sa nakakunot niyang noo na wala siya sa magandang mood.Iniisip ni Calista kung pumunta ba siya para lang t

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 10 Mabuhay na Parang Nabyuda

    Gulat na tumingin sa kanya si Calista."Hahayaan mo bang mamuhay na parang byuda sa loob ng tatlong taon ang isang tao kung in love ka sa kanya? Ang baluktot ng pananaw mo sa love kung sa tingin mo ay normal iyon."Sumang-ayon naman si Yara. "Tama ka. Pero bakit niya ipinipilit na bumalik ka? Aalis ka rin naman pagtapos ng tatlong buwan. Hindi lang kasi logical."Hindi alam ni Calista kung bakit. Pero hindi rin siya interesadong alamin.Nang sumapit ang hapunan, sa huli ay pinili na lang nilang lumabas at saka kumain ng stew.Pumili si Calista ng super spicy na stew dahilan para pagpawisan siya sa sobrang init. Nabuhayan siya ng loob pagkatapos kumain.Natatakot siyang magsimula ng gulo si Lucian. Kaya, pinatay niya ang cellphone niya nang gabing iyon.Maaga siyang nagising kinabukasan.Inilagay niya ang kanyang bagahe sa kotse at lumipat sa apartment na nirentahan niya.Pagkatapos noon, inayos niya ang kanyang hitsura at pumunta sa kanyang magiging trabaho—Justa Workshop.S

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 11 Siya Yung Bago mong Boyfriend?

    Puno ng buhay ang lugar dahil puno ng mga tao ang mga food stalls. Nag-uusap usap ang lahat at nag-e-enjoy sa kanilang oras.Naka-bun ang mahaba at kulot na buhok ni Calista. Nakataas2 ito sa likod ng kanyang ulo gamit ang claw clip. Nang ibaba niya ang kanyang ulo, ilang hibla ng buhok ang nalugay. Tinakpan nila nang bahagya ang kanyang mukha, binibigyang-diin ang kanyang maganda at makinis na balat.Tinuro niya ang menu at lumingon para kausapin ang lalaking katabi niya. Tumango siya, at ngumiti ito, senyales sa waiter.Nagtaas ng kilay si Cade. "Tingin ko nag-e-enjoy ang asawa mo sa oras niya ngayong iniwan ka na niya!"Hindi sumagot si Lucian. Tumalikod na lang siya para lumabas ng private room.Sa isang lugar malapit sa food stall, naubos ni Bryan ang isang bote ng beer. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ikaw ba talaga si Callie? Yung Callie na nag-ayos ng sirang antique vase?"Napatingin sa kanya si Calista, natigilan. Paulit-ulit niya itong tinanong habang papunta sila rito

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 12 Divorce sa City Hal

    Nilingon ni Lucian si Calista. "Dahil tanga ka. May mali diyan sa utak mo, at bulag ka.""Ang—" asar na asar si Calista kaya napangiti siya. "Bakit ako mag-aaksaya ng oras na makipag-usap sa isang baboy?"Bumaling siya para buksan ang pinto ng kotse, pero hinawakan ni Lucian ang braso niya para pigilan siya. Isang anino ang gumapang sa kanyang gwapong mukha.Sa labas, walang tugon si Bryan mula sa loob ng sasakyan at nagsimulang mag-alala. Ang mga katok sa bintana ay naging mas madalas at apurahan. "Callie, okay ka lang?""Callie?" ulit ni Lucian. May kung anong delikado ang bumungad sa kanyang mga mata. "How sweet. 'Di pa tayo divorced pero nagmamadali ka nang magtaksil sa'kin. Parang mas lumala ang taste mo sa lalaki," sabi ni Lucian.Hindi na nag-abalang ipaliwanag ni Calista ang hindi pagkakaunawaan na nagsimula dahil sa palayaw na iyon. Hindi na iyon ganoon kahalaga."Tama ka. Ang pangit talaga ng taste ko sa lalaki. Kaya nga pinakasalan kita eh. Magkatra-- magkaibigan lang

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 13 Pagtupad sa Hiling Niyang Divorce

    Naisip ni Lucian na sapat na ang kanyang sinabi at pinalambot ang kanyang tono. "Hindi nagtatagal ang away mag-asawa. Wala akong oras para dito. Umuwi ka ngayong gabi, at makakalimutan natin ang lahat."Hindi narinig ni Calista ang kanyang sinasabi. At tiyak na hindi niya sinubukang isipin kung ano ang ibig niyang sabihin ng "tagalinis."Ang alam niya ay pinagtatawanan siya nito dahil sa suweldo nito. Akala niya hindi siya makakabayad ng renta. Akala pa niya ay pinaglalaruan siya nito."Baliw ka ba? Kahit wala akong kinikita … kahit kailangan kong manirahan sa kalye, hindi na ako babalik sa'yo. Bakit hindi ka na lang pumayag sa divorce? Kung ayaw mo, dadalhin ko 'to sa korte!"Pagkatapos ay ibinaba ni Calista ang tawag at hinarangan siya.Nais din niyang i-block siya sa WhatsApp pero nagpasya na umalis ng kahit isang paraan ng pakikipag-ugnayan. Kung sakaling gusto nilang pag-usapan ang kanilang hiwalayan.Ipinangako niya sa sarili na haharangin niya ang scumbag na iyon kapag nak

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 14 Nagbibiro ka ba?

    Hindi sumagi sa isip ni Calista na biglang papayag si Lucian sa kanilang hiwalayan. Dapat masaya siya tungkol dito, 'di ba?Napangiti siya ng matagumpay. "Salamat sa naman at ibibigay mo na ang hiling ko." Tumalikod siya at umalis sa madilim na lugar.Pag-uwi niya, inihanda niya ang lahat ng mga dokumentong kailangan. Pagkatapos, inilagay niya ang mga iyon sa kanyang bag.Natigilan siya saglit habang tinitignan ang litrato nila. Kinuha ito noong araw na nagparehistro sila ng kanilang kasal.Tatlong taon silang kasal. Pero ito lang ang larawan nilang magkasama. Tinitigan ni Calista ang walang ekspresyon na lalaki sa larawan at naramdaman niyang medyo nadudurog ang puso niya.Pasalamat na lang siya at matatapos na ang nakakapagod na kasal na ito.Wala nang paghihintay sa walang laman na sala tuwing gabi, nakatitig sa orasan at huhulaan kung uuwi si Lucian. Titigil din ang pagtibok ng puso niya sa kaunting haplos nito. Sa wakas ay titigil na siya sa pag-iisip na may nararamdaman tal

Latest chapter

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 358 May Mangyayari Ngayong Gabi

    Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 357 Itinapon niya ba ang Love Letter ko.

    "Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 356 Manood Ng Action Movies

    Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 355 Hindi Makakalimutan ang Bastardong iyon

    Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 354 Nakipag-away Siya Sa Kanya

    Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 353 Ito ay Usaping Pang Pamilya

    Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 352 Hindi Na Kailangan ng Dignidad

    Sinamaan sila ni Nikolette ng mapang-asar na titig."Kayo ang may balak. Pareho kayo ni Calista. Mapanlinlang ka..."Agad na pinasok ni Yara ang tuwalya na ginamit niya sa pagpunas ng kanyang mga kamay sa bibig ni Nikolette .Nagpupunas siya ng kamay bago siya lumabas. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya sinasadyang nailabas niya ito.Ilang sandali pa, iniisip niya kung saan niya maaaring ilagay ang tuwalya. Ngayon, nakita niyang medyo madali pala ito dalhin.Napatitig siya kay Calista na nakaluhod sa sahig na para bang may hinahanap."Anong ginagawa mo? Anong hinahanap mo dyan sa tapat ng cr?""Naghahanap ako ng buhok," sagot ni Calista.Nagkaroon ng biglaang naisip si Calista. Ngunit hindi siya lubos na sigurado kung tama ang kanyang hula.Si Vivian ay nagpunta sa Everglade Manor noong upang manipulahin siya at si Hugo na sumailalim sa isang paternity test.Base sa reaksyon niya, siya ay tunay na umaasa na anak siya ng Jacquez family.Dahil sa kanyang ugali, tiyak na h

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 351 Anong Binabalak Mo Ngayon?

    Hindi naman gaanong maaabala si Calista kung hindi niya ito pinansin. Ngunit napagtanto niya na wala siyang nakitang anumang mga pagbabago sa kabila ng kanyang mahabang pagsisiyasat.Si Julia ay tila naglaho sa hangin pagkatapos ng kanilang minamadaling pagkikita pabalik sa Apthon . Maging ang pribadong detective na binayaran niya sa mataas na halaga ay hindi niya natunton kung nasaan siya.Pinasadahan ni Calista ng daliri ang buhok niya sa inis."Natanong mo na ba si Zachary tungkol dito?" tanong ni Yara."Oo. Pero, nag maang-maangan siya na parang wala siyang alam.""Wala kang ebidensya. Pero sa diary ng nanay mo, hindi maikakaila ang pagkakasangkot niya. Kung makonsensya siya, makakahanap ka ng butas sakanya."Ipinatong ni Calista ang kanyang baba sa kanyang kamay at mahinang sinabi, "Si Zachary ay nasa detensyon at naghihintay ng paglilitis. Walang sinuman maliban sa kanyang abogado ang pinapayagang makipagkita sa kanya.""Puntahan mo si Lucian. Sabi mo bawal makipagkita sa

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 350 Pagtatago sa Relasyon

    Hindi na kailangang i-rehash ang mga nalalaman na nila. Kaya naman umiling si Calista."Mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Tara na."Hinaplos niya ang kanyang tiyan. Sasabihin pa lang niya na nagugutom siya pero pinigilan niya ang sarili bago umalis ang mga salita sa kanya.Sa halip ay sinabi niya, "Hindi pa tayo naghahapunan."Para sa isang tulad ni Lucian, na ang isip ay napuno ng mga maling kaisipan, ang pariralang "Nagugutom ako" ay may nagpapahiwatig na kahulugan.Si Elizabeth ay kumikilos nang palihim kaya't isinantabi niya si Calista para lamang makausap ito. Wala itong kinalaman sa trabaho.Pero si Calista ay tila hindi interesadong magbahagi. Sa kabila ng sama ng loob ni Lucian, hindi siya nagpilit ng mga sagot. Boyfriend pa rin siya sa trial run. Wala siyang karapatang makialam sa mga gawain nito."Tara na. Ano ang gusto mong kainin?"Wala siyang pakialam sa pagkain. Nakatuon lang siya sa kamay ni Calista na nakalaylay sa gilid niya. Hindi niya maiwasang hawakan a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status