Nagulat si Calista sa pagsigaw niya sa telepono. Natigilan siya at hindi alam ang isasagot. Napatingin siya kay Selena na nakatingin din sa kanya pabalik. Pagkatapos, tumalikod siya at lumabas ng ward."Anong pinagsasabi mo?" tanong niya. Kailan pa siya nagbiro sa kanya?Malalim at malupit na boses ni Lucian ang umalingawngaw mula sa kabilang linya. "Nasaan ka na ngayon?""Sa ospital-""Kung gagawa ka ng dahilan, gumawa ka naman ng mas kapani-paniwala," biglang pagsingit ni Lucian."Hindi ba ikaw 'tong atat sa divorce? Isang gabi lang ang lumipas ah, ang sakit-sakit na ng katawan mo na hindi ka makabangon sa kama? O baka naman nanggugulo ka lang para makuha ang atensyon ko?"Hindi man lang nasabi ni Calista sa kanya na nasa ospital si Selena nang tuloy-tuloy ang pagsigaw ni Lucian. Alam niyang hindi maganda ang impression nito sa kanya, pero hindi niya naisip na mas masahol pa ito.Inakusahan niya agad ito nang hindi man lang nagtitiis na tapusin itong magsalita, lalo pa't makin
Natigilan si Selena."Walang nangyari sa inyo? Eh ano yang pulang marka sa leeg mo?" Nanlaki ang mata ni Selena. “Bumalik ka na ba sa babaeng iyon, kay Lily? Iniwan ba niya ang markang yan sa iyo?"Sinasadya mong galitin ako, ano? Lilinawin ko ha. Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng 'yun. Noon man o ngayon!" Maghahagis pa sana ng unan si Selena kung meron pa sa kama. Kusang hinawakan ni Lucian ang kanyang leeg. "Hindi ganun ang nangyari."Hindi na niya pinaliwanag pa ang sarili niya. Sa halip, tumungo siya sa banyo habang nakakunot ang noo. Samantala, lumabas ng ospital si Calista sa ilalim ng nakakapasong araw.Nagmessage si Yara sa kanya. Inaaya siyang magdinner ni Yara mamaya at pumayag naman si Calista.Maaga pa noon, at hindi na niya kailangang pumunta sa studio. Kaya, nagpasya si Calista na bisitahin ang supermarket at bumili ng ilang mahahalagang bagay.…Nagmaneho si Yara para sunduin si Calista matapos ang kanyang trabaho. "May naclose akong malaking deal kan
Sumulyap si Lucian kay Lily ng masama. "Ayaw mo na ng lead dancer position?"Si Lily ay sumali sa isang dance troupe na niraranggo sa nasa top 3 sa buong mundo. Ang bawat tao'y nagnanais ng posisyon ng lead dancer. Ito ay isang panaginip na natupad para sa marami.Ang kanyang mga salita ay nagpatahimik kay Lily. Naintindihan naman ni Lily ang matatag na paninindigan ni Lucian.Walang pasensya na tinapik ni Lucian ang kanyang mga daliri sa manibela. Nakita niyang nakakapagod ang lahat. "Bumaba ka na sa kotse.""Lucian..." nagsimulang magsalita si Lily.Lumingon si Lucian. Ang kanyang nakakatakot na titig ay nagyeyelong malamig. Ito ay sapat na para i-freeze ang sinuman sa kaibuturan. "Lily, alam mo naman na hindi mahaba ang pasensya ko. Huwag mo nang hintaying ulitin ko pa yung sasabihin ko."Dumating si Lucian sa Luminary Lounge makalipas ang 20 minuto. Nakita niya ang ilang waiter at live performer na papunta sa private room kung nasaan si Calista.Nasulyapan niya ang mukha nit
Lumingon ang manager nang marinig ang akusasyon. Magalang niyang tinanong si Calista, "Totoo po ba ang sinabi ni Mr. Mitchell?"Ayaw ng manager na tingnan ang surveillance footage. Ang mga bisita ng Luminary Lounge ay karaniwang mayaman at pinahahalagahan ang kanilang privacy. Mas pinipili nilang hindi madamay."Hindi 'no. Hinarass ako ng lalaking 'yon. Tinadyakan pa nga niya 'yung kaibigan ko. Kung ayaw mong maniwala sa akin, pwede mong tanungin ang mga empleyado mo rito," mariing sagot ni Calista.Tumango naman ang dalawang waiter na nakatayo sa malapit bilang pagsang-ayon. Naiintindihan ng manager ang sitwasyon.Pero, ang manager ay mabilis ring nanghusga. Hindi pa niya nakilala si Calista. Tahimik niyang sinuri ang kanyang kasuotan, na mukhang average lang at walang anumang mamahaling alahas.Sa kabilang banda, pamilyar siya kay Alexander, sa kabila ng kanyang kamakailang pagbagsak. Mabilis na hinarap ng manager ang sitwasyon. Inaasahan niyang mawala ang tensyon."Madam, mukh
Napangiwi si Calista nang humigpit ang hawak ni Lucian. Sinubukan niyang iikot ang ulo. Pero mas malakas siya.Puno ng galit ang mga mata ni Lucian, pero nagawa niyang pigilan ito. Maging ang boses niya ay medyo mas malumanay kaysa karaniwan.Kalmadong lumapit si Lucian kay Calista. "Ano bang ginawa ni Alexander para humingi ka pa ng tulong sa mga tagalabas? Hindi pa ba sapat ang titulong Mrs. Northwood? O ayaw mong gamitin ito?""Lucian, nasasaktan mo na ako." Nakulong si Calista sa hawak ni Lucian. Ang kanyang pakikibaka ay walang silbi. Ang magaspang niyang mga daliri ay dumikit sa kanyang balat, na nagdulot ng matinding sakit. Pakiramdam niya ay baka mapunit niya ang balat niya.Inis na sabi niya, "Magdidivorce na tayo. Wala na sa'yo kung kanino ako humingi ng tulong!""Divorce? Tingin mo kaya mo yan ipilit? Sabi mo na gusto mo kong makasama habang buhay nung naghubad ka at sineseduce mo ako wala pang isang buwan ang nakaraan?"Ang dating isang mapaglarong komento sa pribado
Nabalot ng patay na katahimikan ang kwarto sa loob ng ilang segundo. Isang mahinang amoy ng alak ang nananatili sa hangin.Noon lang napagtanto ni Lucian ang sinabi ni Calista kanina. Sabi niya, "Lucian, parang nasusuka ako." "Calista!" nagngangalit ang mga ngipin niya na tinatawag ang pangalan ng asawa sa galit. Pero kalaunan, bumangon siya na may hindi magandang ekspresyon. Pagkatapos, dumiretso siya sa banyo. Samantala, muling pumikit si Calista. Wala siyang malay at walang kamalay-malay sa paligid. Nakatulog siya ng mahimbing hanggang sa sumunod na araw.Ang nakakasilaw na liwanag ng araw ang gumising sa kanya. Nilibot ng mga mata niya ang hindi pamilyar na kisame. Sinubukan niyang intindihin ang nangyayari. Pagkatapos, napagtanto niyang wala siya sa bahay niya. Sumasakit ang ulo ni Calista dahil sa hangover. Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa paligid. Para siyang nasa isang hotel room.Bigla niyang sinulyapan ang damit niya. Ang mga damit na isinuot niya kahapon ay
Tinapos ni Lucian ang video call. Binuksan niya ang pinto, kinuha ang mga damit na dinala ng manager, at inihagis kay Calista.Kinuha ni Calista ang bag at tinungo ang banyo. Narinig niyang sinabi ni Lucian sa pintuan, "Pupunta si Mom sa ospital para magpa-checkup mamaya. Sasama ka sa akin.""Kailangan ko nang pumasok sa trabaho." Nag-aalala rin si Calista kay Selena, pero ang dami kaagad niya nafile na leave kahit kaksimula lang niya sa studio. Di na makakabuti sa kanya kung maglileave pa siya ulit. "Ipaalam mo na lang sa'kin kapag lumabas na ang mga resulta."Tinitigan siya ni Lucian at malamig na sinabi, "So wala ka nang pakialam sa kalusugan ni Mom ngayon dahil meron kang trabaho bilang tagalinis?"Hindi tumigil si Calista para ipaliwanag ang kanyang trabaho. "Hindi ko na rin naman siya magiging mother-in-law sa kalaunan."Nagsasabi lang siya ng totoo. Pero para kay Lucian, parang dumistansya na siya sa kanila pagkatapos ng hiwalayan.Kamakailan lamang, ang lahat ng usapan ni
Nawala agad ang kabangisan sa mukha ni Lily at napalitan ng purong kahihiyan.Alam niya ang ipinahihiwatig ni Calista. Bilang asawa ni Lucian, hindi niya kailangan ang sarili niyang invitation card para makadalo sa party.Gusto siyang sawayin ni Lily, pero nang makita niyang nakatayo pa rin si Jacob sa tabi nila, pinigilan niya ang kanyang dila at lumingon sa kanya. "Mr. Xanders, pleas kapag may update ka tungkol kay Callie sabihan mo ako."Alam kong wala siya sa iyong payroll, pero sigurado akong sapat na ang koneksyon mo sa industriya para makipag-ugnayan sa isang regular na restorer. Handa akong bayaran ang anumang presyong iseset niya."Napatingin si Jacob kay Callista, na mukhang walang kibo gaya ng dati, awkward na tumango, at pinaalis si Lily.Pagkatapos ng trabaho, lumabas si Calista sa kanyang studio at nakitang huminto ang sasakyan ni Lucian sa entrance.Ang Bentley, na may natatanging plate number nito, ay isang pambihirang tanawin kahit para sa mas mayamang bahagi ng
Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala
"Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D
Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni
Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.
Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag
Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n
Sinamaan sila ni Nikolette ng mapang-asar na titig."Kayo ang may balak. Pareho kayo ni Calista. Mapanlinlang ka..."Agad na pinasok ni Yara ang tuwalya na ginamit niya sa pagpunas ng kanyang mga kamay sa bibig ni Nikolette .Nagpupunas siya ng kamay bago siya lumabas. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya sinasadyang nailabas niya ito.Ilang sandali pa, iniisip niya kung saan niya maaaring ilagay ang tuwalya. Ngayon, nakita niyang medyo madali pala ito dalhin.Napatitig siya kay Calista na nakaluhod sa sahig na para bang may hinahanap."Anong ginagawa mo? Anong hinahanap mo dyan sa tapat ng cr?""Naghahanap ako ng buhok," sagot ni Calista.Nagkaroon ng biglaang naisip si Calista. Ngunit hindi siya lubos na sigurado kung tama ang kanyang hula.Si Vivian ay nagpunta sa Everglade Manor noong upang manipulahin siya at si Hugo na sumailalim sa isang paternity test.Base sa reaksyon niya, siya ay tunay na umaasa na anak siya ng Jacquez family.Dahil sa kanyang ugali, tiyak na h
Hindi naman gaanong maaabala si Calista kung hindi niya ito pinansin. Ngunit napagtanto niya na wala siyang nakitang anumang mga pagbabago sa kabila ng kanyang mahabang pagsisiyasat.Si Julia ay tila naglaho sa hangin pagkatapos ng kanilang minamadaling pagkikita pabalik sa Apthon . Maging ang pribadong detective na binayaran niya sa mataas na halaga ay hindi niya natunton kung nasaan siya.Pinasadahan ni Calista ng daliri ang buhok niya sa inis."Natanong mo na ba si Zachary tungkol dito?" tanong ni Yara."Oo. Pero, nag maang-maangan siya na parang wala siyang alam.""Wala kang ebidensya. Pero sa diary ng nanay mo, hindi maikakaila ang pagkakasangkot niya. Kung makonsensya siya, makakahanap ka ng butas sakanya."Ipinatong ni Calista ang kanyang baba sa kanyang kamay at mahinang sinabi, "Si Zachary ay nasa detensyon at naghihintay ng paglilitis. Walang sinuman maliban sa kanyang abogado ang pinapayagang makipagkita sa kanya.""Puntahan mo si Lucian. Sabi mo bawal makipagkita sa
Hindi na kailangang i-rehash ang mga nalalaman na nila. Kaya naman umiling si Calista."Mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Tara na."Hinaplos niya ang kanyang tiyan. Sasabihin pa lang niya na nagugutom siya pero pinigilan niya ang sarili bago umalis ang mga salita sa kanya.Sa halip ay sinabi niya, "Hindi pa tayo naghahapunan."Para sa isang tulad ni Lucian, na ang isip ay napuno ng mga maling kaisipan, ang pariralang "Nagugutom ako" ay may nagpapahiwatig na kahulugan.Si Elizabeth ay kumikilos nang palihim kaya't isinantabi niya si Calista para lamang makausap ito. Wala itong kinalaman sa trabaho.Pero si Calista ay tila hindi interesadong magbahagi. Sa kabila ng sama ng loob ni Lucian, hindi siya nagpilit ng mga sagot. Boyfriend pa rin siya sa trial run. Wala siyang karapatang makialam sa mga gawain nito."Tara na. Ano ang gusto mong kainin?"Wala siyang pakialam sa pagkain. Nakatuon lang siya sa kamay ni Calista na nakalaylay sa gilid niya. Hindi niya maiwasang hawakan a