Gulat na tumingin sa kanya si Calista."Hahayaan mo bang mamuhay na parang byuda sa loob ng tatlong taon ang isang tao kung in love ka sa kanya? Ang baluktot ng pananaw mo sa love kung sa tingin mo ay normal iyon."Sumang-ayon naman si Yara. "Tama ka. Pero bakit niya ipinipilit na bumalik ka? Aalis ka rin naman pagtapos ng tatlong buwan. Hindi lang kasi logical."Hindi alam ni Calista kung bakit. Pero hindi rin siya interesadong alamin.Nang sumapit ang hapunan, sa huli ay pinili na lang nilang lumabas at saka kumain ng stew.Pumili si Calista ng super spicy na stew dahilan para pagpawisan siya sa sobrang init. Nabuhayan siya ng loob pagkatapos kumain.Natatakot siyang magsimula ng gulo si Lucian. Kaya, pinatay niya ang cellphone niya nang gabing iyon.Maaga siyang nagising kinabukasan.Inilagay niya ang kanyang bagahe sa kotse at lumipat sa apartment na nirentahan niya.Pagkatapos noon, inayos niya ang kanyang hitsura at pumunta sa kanyang magiging trabaho—Justa Workshop.S
Puno ng buhay ang lugar dahil puno ng mga tao ang mga food stalls. Nag-uusap usap ang lahat at nag-e-enjoy sa kanilang oras.Naka-bun ang mahaba at kulot na buhok ni Calista. Nakataas2 ito sa likod ng kanyang ulo gamit ang claw clip. Nang ibaba niya ang kanyang ulo, ilang hibla ng buhok ang nalugay. Tinakpan nila nang bahagya ang kanyang mukha, binibigyang-diin ang kanyang maganda at makinis na balat.Tinuro niya ang menu at lumingon para kausapin ang lalaking katabi niya. Tumango siya, at ngumiti ito, senyales sa waiter.Nagtaas ng kilay si Cade. "Tingin ko nag-e-enjoy ang asawa mo sa oras niya ngayong iniwan ka na niya!"Hindi sumagot si Lucian. Tumalikod na lang siya para lumabas ng private room.Sa isang lugar malapit sa food stall, naubos ni Bryan ang isang bote ng beer. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ikaw ba talaga si Callie? Yung Callie na nag-ayos ng sirang antique vase?"Napatingin sa kanya si Calista, natigilan. Paulit-ulit niya itong tinanong habang papunta sila rito
Nilingon ni Lucian si Calista. "Dahil tanga ka. May mali diyan sa utak mo, at bulag ka.""Ang—" asar na asar si Calista kaya napangiti siya. "Bakit ako mag-aaksaya ng oras na makipag-usap sa isang baboy?"Bumaling siya para buksan ang pinto ng kotse, pero hinawakan ni Lucian ang braso niya para pigilan siya. Isang anino ang gumapang sa kanyang gwapong mukha.Sa labas, walang tugon si Bryan mula sa loob ng sasakyan at nagsimulang mag-alala. Ang mga katok sa bintana ay naging mas madalas at apurahan. "Callie, okay ka lang?""Callie?" ulit ni Lucian. May kung anong delikado ang bumungad sa kanyang mga mata. "How sweet. 'Di pa tayo divorced pero nagmamadali ka nang magtaksil sa'kin. Parang mas lumala ang taste mo sa lalaki," sabi ni Lucian.Hindi na nag-abalang ipaliwanag ni Calista ang hindi pagkakaunawaan na nagsimula dahil sa palayaw na iyon. Hindi na iyon ganoon kahalaga."Tama ka. Ang pangit talaga ng taste ko sa lalaki. Kaya nga pinakasalan kita eh. Magkatra-- magkaibigan lang
Naisip ni Lucian na sapat na ang kanyang sinabi at pinalambot ang kanyang tono. "Hindi nagtatagal ang away mag-asawa. Wala akong oras para dito. Umuwi ka ngayong gabi, at makakalimutan natin ang lahat."Hindi narinig ni Calista ang kanyang sinasabi. At tiyak na hindi niya sinubukang isipin kung ano ang ibig niyang sabihin ng "tagalinis."Ang alam niya ay pinagtatawanan siya nito dahil sa suweldo nito. Akala niya hindi siya makakabayad ng renta. Akala pa niya ay pinaglalaruan siya nito."Baliw ka ba? Kahit wala akong kinikita … kahit kailangan kong manirahan sa kalye, hindi na ako babalik sa'yo. Bakit hindi ka na lang pumayag sa divorce? Kung ayaw mo, dadalhin ko 'to sa korte!"Pagkatapos ay ibinaba ni Calista ang tawag at hinarangan siya.Nais din niyang i-block siya sa WhatsApp pero nagpasya na umalis ng kahit isang paraan ng pakikipag-ugnayan. Kung sakaling gusto nilang pag-usapan ang kanilang hiwalayan.Ipinangako niya sa sarili na haharangin niya ang scumbag na iyon kapag nak
Hindi sumagi sa isip ni Calista na biglang papayag si Lucian sa kanilang hiwalayan. Dapat masaya siya tungkol dito, 'di ba?Napangiti siya ng matagumpay. "Salamat sa naman at ibibigay mo na ang hiling ko." Tumalikod siya at umalis sa madilim na lugar.Pag-uwi niya, inihanda niya ang lahat ng mga dokumentong kailangan. Pagkatapos, inilagay niya ang mga iyon sa kanyang bag.Natigilan siya saglit habang tinitignan ang litrato nila. Kinuha ito noong araw na nagparehistro sila ng kanilang kasal.Tatlong taon silang kasal. Pero ito lang ang larawan nilang magkasama. Tinitigan ni Calista ang walang ekspresyon na lalaki sa larawan at naramdaman niyang medyo nadudurog ang puso niya.Pasalamat na lang siya at matatapos na ang nakakapagod na kasal na ito.Wala nang paghihintay sa walang laman na sala tuwing gabi, nakatitig sa orasan at huhulaan kung uuwi si Lucian. Titigil din ang pagtibok ng puso niya sa kaunting haplos nito. Sa wakas ay titigil na siya sa pag-iisip na may nararamdaman tal
Nagulat si Calista sa pagsigaw niya sa telepono. Natigilan siya at hindi alam ang isasagot. Napatingin siya kay Selena na nakatingin din sa kanya pabalik. Pagkatapos, tumalikod siya at lumabas ng ward."Anong pinagsasabi mo?" tanong niya. Kailan pa siya nagbiro sa kanya?Malalim at malupit na boses ni Lucian ang umalingawngaw mula sa kabilang linya. "Nasaan ka na ngayon?""Sa ospital-""Kung gagawa ka ng dahilan, gumawa ka naman ng mas kapani-paniwala," biglang pagsingit ni Lucian."Hindi ba ikaw 'tong atat sa divorce? Isang gabi lang ang lumipas ah, ang sakit-sakit na ng katawan mo na hindi ka makabangon sa kama? O baka naman nanggugulo ka lang para makuha ang atensyon ko?"Hindi man lang nasabi ni Calista sa kanya na nasa ospital si Selena nang tuloy-tuloy ang pagsigaw ni Lucian. Alam niyang hindi maganda ang impression nito sa kanya, pero hindi niya naisip na mas masahol pa ito.Inakusahan niya agad ito nang hindi man lang nagtitiis na tapusin itong magsalita, lalo pa't makin
Natigilan si Selena."Walang nangyari sa inyo? Eh ano yang pulang marka sa leeg mo?" Nanlaki ang mata ni Selena. “Bumalik ka na ba sa babaeng iyon, kay Lily? Iniwan ba niya ang markang yan sa iyo?"Sinasadya mong galitin ako, ano? Lilinawin ko ha. Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng 'yun. Noon man o ngayon!" Maghahagis pa sana ng unan si Selena kung meron pa sa kama. Kusang hinawakan ni Lucian ang kanyang leeg. "Hindi ganun ang nangyari."Hindi na niya pinaliwanag pa ang sarili niya. Sa halip, tumungo siya sa banyo habang nakakunot ang noo. Samantala, lumabas ng ospital si Calista sa ilalim ng nakakapasong araw.Nagmessage si Yara sa kanya. Inaaya siyang magdinner ni Yara mamaya at pumayag naman si Calista.Maaga pa noon, at hindi na niya kailangang pumunta sa studio. Kaya, nagpasya si Calista na bisitahin ang supermarket at bumili ng ilang mahahalagang bagay.…Nagmaneho si Yara para sunduin si Calista matapos ang kanyang trabaho. "May naclose akong malaking deal kan
Sumulyap si Lucian kay Lily ng masama. "Ayaw mo na ng lead dancer position?"Si Lily ay sumali sa isang dance troupe na niraranggo sa nasa top 3 sa buong mundo. Ang bawat tao'y nagnanais ng posisyon ng lead dancer. Ito ay isang panaginip na natupad para sa marami.Ang kanyang mga salita ay nagpatahimik kay Lily. Naintindihan naman ni Lily ang matatag na paninindigan ni Lucian.Walang pasensya na tinapik ni Lucian ang kanyang mga daliri sa manibela. Nakita niyang nakakapagod ang lahat. "Bumaba ka na sa kotse.""Lucian..." nagsimulang magsalita si Lily.Lumingon si Lucian. Ang kanyang nakakatakot na titig ay nagyeyelong malamig. Ito ay sapat na para i-freeze ang sinuman sa kaibuturan. "Lily, alam mo naman na hindi mahaba ang pasensya ko. Huwag mo nang hintaying ulitin ko pa yung sasabihin ko."Dumating si Lucian sa Luminary Lounge makalipas ang 20 minuto. Nakita niya ang ilang waiter at live performer na papunta sa private room kung nasaan si Calista.Nasulyapan niya ang mukha nit
Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala
"Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D
Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni
Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.
Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag
Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n
Sinamaan sila ni Nikolette ng mapang-asar na titig."Kayo ang may balak. Pareho kayo ni Calista. Mapanlinlang ka..."Agad na pinasok ni Yara ang tuwalya na ginamit niya sa pagpunas ng kanyang mga kamay sa bibig ni Nikolette .Nagpupunas siya ng kamay bago siya lumabas. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya sinasadyang nailabas niya ito.Ilang sandali pa, iniisip niya kung saan niya maaaring ilagay ang tuwalya. Ngayon, nakita niyang medyo madali pala ito dalhin.Napatitig siya kay Calista na nakaluhod sa sahig na para bang may hinahanap."Anong ginagawa mo? Anong hinahanap mo dyan sa tapat ng cr?""Naghahanap ako ng buhok," sagot ni Calista.Nagkaroon ng biglaang naisip si Calista. Ngunit hindi siya lubos na sigurado kung tama ang kanyang hula.Si Vivian ay nagpunta sa Everglade Manor noong upang manipulahin siya at si Hugo na sumailalim sa isang paternity test.Base sa reaksyon niya, siya ay tunay na umaasa na anak siya ng Jacquez family.Dahil sa kanyang ugali, tiyak na h
Hindi naman gaanong maaabala si Calista kung hindi niya ito pinansin. Ngunit napagtanto niya na wala siyang nakitang anumang mga pagbabago sa kabila ng kanyang mahabang pagsisiyasat.Si Julia ay tila naglaho sa hangin pagkatapos ng kanilang minamadaling pagkikita pabalik sa Apthon . Maging ang pribadong detective na binayaran niya sa mataas na halaga ay hindi niya natunton kung nasaan siya.Pinasadahan ni Calista ng daliri ang buhok niya sa inis."Natanong mo na ba si Zachary tungkol dito?" tanong ni Yara."Oo. Pero, nag maang-maangan siya na parang wala siyang alam.""Wala kang ebidensya. Pero sa diary ng nanay mo, hindi maikakaila ang pagkakasangkot niya. Kung makonsensya siya, makakahanap ka ng butas sakanya."Ipinatong ni Calista ang kanyang baba sa kanyang kamay at mahinang sinabi, "Si Zachary ay nasa detensyon at naghihintay ng paglilitis. Walang sinuman maliban sa kanyang abogado ang pinapayagang makipagkita sa kanya.""Puntahan mo si Lucian. Sabi mo bawal makipagkita sa
Hindi na kailangang i-rehash ang mga nalalaman na nila. Kaya naman umiling si Calista."Mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Tara na."Hinaplos niya ang kanyang tiyan. Sasabihin pa lang niya na nagugutom siya pero pinigilan niya ang sarili bago umalis ang mga salita sa kanya.Sa halip ay sinabi niya, "Hindi pa tayo naghahapunan."Para sa isang tulad ni Lucian, na ang isip ay napuno ng mga maling kaisipan, ang pariralang "Nagugutom ako" ay may nagpapahiwatig na kahulugan.Si Elizabeth ay kumikilos nang palihim kaya't isinantabi niya si Calista para lamang makausap ito. Wala itong kinalaman sa trabaho.Pero si Calista ay tila hindi interesadong magbahagi. Sa kabila ng sama ng loob ni Lucian, hindi siya nagpilit ng mga sagot. Boyfriend pa rin siya sa trial run. Wala siyang karapatang makialam sa mga gawain nito."Tara na. Ano ang gusto mong kainin?"Wala siyang pakialam sa pagkain. Nakatuon lang siya sa kamay ni Calista na nakalaylay sa gilid niya. Hindi niya maiwasang hawakan a