CHAPTER 74 part 1Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Excited na ba kayo bukas? Basta…kung ano man ang mga magiging activity na gagawin natin ay dahan-dahan lang kayo ha, kapag ramdam niyo na ang pagod pahinga.... kung pinagpawisan don't hesitate to come with me para palitan ang damit niyo and of course have fun. Okay?”"Okay po Yaya, thank you po.” "Thank you Yaya Lingling.” sagot ng mga bata pagkatapos kung ilagay sa kanilang bag ang mga dadalhin bukas sa kanilang family day sa school, may mga activities na gagawin ang mga magulang together with their kids kaya bago ako matulog, na check ko na lahat na dadalhin like pulbo, bimpo, at mga bagong damit ng mga bata. “You're welcome po- o bakit hindi pa kayo natutulog?" Kanina ko pa sila pinapatulog pero ito sila at gising pa. Gusto pa yata na lumabas na muna ako sa kwarto para matulog na sila."Hindi pa po kasi kami inaantok Yaya, can you tell us a story po?” Napakunot noo naman ako sa tanong ni Lysithea."Story? Like what kind
CHAPTER 74 part 2Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Jeniza-" umirap ito na tinawag ko ang pangalan niya. "Bakit ka lumabas?” "Bakit hindi ba pwede at ikaw lang ang pwede?” mataray kong sabi. "Eh sa…hinihintay ko ang boyfriend ko na si Kale, paki mo ba!" aniya habang pinagcross niya ang dalawang braso malapit sa kanyang dibdib at may galit ang tingin sa akin. “Hinihintay mo siya pero nandito ka sa likod bahay, di ba dapat sa gate o sa garage ka naghihintay sa kanya?" Nakita ko ang pagkabalisa niya at maya maya ay tumawa itong binalik ang tingin sa akin. "And so? Hindi naman porket dito ako naghihintay sa kanya ay bawal na- eh gusto ko dito sa garden...bawal pa rin ba?” "As far as I know…and my answer is yes!" Napunta ang tingin ko sa hawak niya na cellphone na umiilaw. Tumingin muli ito sa akin at tinago ang cellphone niya sa kanyang likod. May nakakatakot ba na nagtetext o tumatawag sa cellphone niya? “Ikaw iyon… huwag ako, diyan ka na nga, wala kang kwenta, sana uma
CHAPTER 75Yaya Lingling and the Billionaire's twin Five thirty na ng umaga at ito ako malapit ko ng matapos na ayusin ang buhok ko, ginawa ko kasing centipede ang style, handa na at excited sa kanilang family day ng mga bata. Hindi ko sila kadugo at Yaya lang ako nina Amalthea and Lysithea pero ito ako at excited pa sa kanilang activities mamaya sa school, mamayang alas otso pa naman magsisimula pero maaga lang ako ngayon nagising. Ngayon ko naiintindihan kung bakit masaya ang mga magulang ko. Wala ako sa mood pero ang saya ng mga magulang ko noong may family day din sa school. Sana, hindi lang ako ang excited kundi ang mga bata rin. Memorable ito dahil hindi lang si boss ang pupunta, may Jeniza rin sila na kasama. Pagbibigyan ko siya na maging maayos ang pakikitungo niya sa mga bata, sana lang, galingan niya lang dahil kung hindi, makakatikim siya sa akin, ibalibag ko siya kung mag-iinarte lang siya sa campus. Dati ang mga magulang ko ang excited sa mga nangyayari sa akin noon
CHAPTER 76Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Tapos na kami Yaya, kumain ka na rin po, then aalis na po tayo pagkatapos naming mag toothbrush ng ngipin po ni kambal. Thank you po sa masarap na ulam Yaya Marivic. Akyat na muna kami sa taas po." Matamlay na wika ni Amalthea kaya nagkatinginan kami ni Manang Marivic at sabay ba malalim na napabuga ng hangin. Awang-awa sa mga bata. Umalis ang dalawa na mabigat ang mga paa sa paghakbang, ibang-iba kanina paggising at kausap ko habang inaayusan. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ulit ni Manang kaya matamlay din akong napatingin sa kanya. “Bakit ba kasi bigla nalang sumakit ang ng tiyan ni ma'am Jeniza, ano kaya kinain no’n kagabi?” aniya na mas lalong nagpakulo sa akin. Tama nga naman, sa daming araw bakit ngayon pa sumakit ang tiyan niya? Sisiguraduhin niya lang na masakit talaga ang tiyan niya at kung hindi at nagdadrama lang, baka hindi niya alam ang purwisyo na ginawa niya. Ako talaga ang makakalaban niya.“Baka k
CHAPTER 77YLATBT Halos murahin ko na ang amo ko na hindi agad sinagot ang tawag. Ilang ring pa at kung wala pa rin akong marinig na sagot ay…ipapakidnap ko talaga si Kale Arcus Callisto kung saan man siya ngayon. Damn him, ang ganda ng awra ko ngayon, pero sa inis ko sa boss ko na iyon ay pakiramdam ko, ang pangit pangit ko na. Ibaba ko na sana ang tawag na may sumagot sa kabilang linya. “Hello-" sa wakas, buti naman at naisipan mo pang sumagot kang gulay ka. “Anong hello hello ka diyan ha? Saan ka na at bakit hanggang ngayon ay wala ka pa rin sa paaralan? Hoy! Naghihintay ang mga anak mo, mas inuna mo yan, hindi mo nga alam kung mahal ka ba talaga ng babae na yan o pinaglaruan ka lang, alam ko naman na may sakit ang girlfriend mo, eh nasa hospital na iyan ngayon, bakit hindi mo muna yan ipabantay muna sa mga nurse at doctor na nariyan? Kung kulang pa ang isa o sampung nurse, magsabi ka lang at padadalhan pa kita ng one hundred na doctor at nurse na galing sa ibang bansa. Kani
CHAPTER 78YLATBT “Hi Tito pogi!" magiliw na wika ni Amalthea na makita si Carpo. Pogi raw, saan banda? Well, may ibubuga din naman ang loko na ito. Mabuti nalang hindi na ganoon kabigat ang mga mukha ng mga kambal hindi tulad kanina na sobrang lungkot talaga. “Hi kids! I thought you guys don't know my name huh, ganyan dapat ang itatawag niyo sa akin, ako lang naman ang pinakapogi sa buong kamaynilaan, at dahil ganyan ang tawag niyo sa akin, may gift kayo sa akin pero sa birthday niyo at pasko ko pa ibibigay, how's that?" Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasabi ni Carpo. At ito namang mga bata naniwala sa kanya. “Yeheey, thank you po!" “Huwag mong pinapaasa ang mga bata, baliw na tao ito. Paano kung maniwala sila?” natawa ito. "What? Hindi ako tulad ng amo mo na mahilig mag-indian, believe me. I keep my promise bruh, kaya chill kalang, sige ka, gusto mo magkakawrinkles ka dahil probemado ka masyado." Masama ang tingin ko sa kanya ngunit ang lalaki na ito ay panay n
CHAPTER 79 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nagpatuloy ang sack race na si Carpo ang kasama ko at ng mga bata. At nang mabalingan ko si Mr. Callisto ay galit itong nakatingin sa amin. Eh sa mabagal ka! Maraming paraan para madala sa hospital at iwan ang girlfriend mo dahil may kailangan kang asikasuhin at ito ang mga anak mo pero wala ka paggising nila. Hindi ka pa tumawag sa akin para masabi ko sa mga bata, sa iba kapa nagsabi kaya isa iyan na dahilan kung bakit ako galit. Dahil sa mga nalalaman tungkol kay Jeniza, naging praning ako at iyon ang bagay na hindi ko pinapahalata sa kanila at kanina tinawagan ko ang investigator ko para imbestigahan kung totoo ba na masakit ang tiyan ng babae na iyon, at kung malaman ko na nagsisinungaling lang ito para lang masira ang araw ng mga bata ay hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa bruha na iyon dahil sobra-sobra na siya. “Go! Tito pogi! Go Yaya mommy! Huwag po kayong magpatalo! Go! Tito pogi!” sigaw ni Lysithea habang nata
CHAPTER 80Yaya Lingling and the Billionaire's twin "Do you?" “I did. Nag-sorry na ako sa mga bata, and we are both okay.” pilit kong pinapasok sa utak ko ang salitang sinabi niya. “Sincere ba ang sorry mo?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata sa tanong ko. “What do you mean? Of course, I apologized to them and were both okay na nga, and why I'm here because I know, I made mistakes with you too.”"Wala naman akong pakialam kung hindi ka humingi ng sorry sa akin boss, dahil una palang hindi ka sa akin dapat magsosorry kung di sa mga bata, sa mismong anak mo, kasi sila po ang nasasaktan sa ginagawa mo kaninang umaga. That's why I'm asking you kung sincere ba talaga ang sorry mo dahil kung paulit-ulit lang din ang paghingi mo ng sorry but still you're breaking their hearts, masasaktan at masasaktan pa rin sila boss Kale.”"Nag-sorry na nga ako. I already apologized! I said sorry to them na hindi na mauulit, don't you get it?” Pabulong ngunit may galit nitong banggit sa aki
CHAPTER 141Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Oh, hindi pa nga nagsisimula, iiyak ka na?" Si Diwata na kanina pa ako tinutukso. “Baliw to, di ba pwede tears of joy?”"Sige na lang eh no. Saka ka na umiyak kapag honeymoon niyo na.” Lumingon ako sa kanya habang magkasalubong ang aking mga kilay. “Bakit ako iiyak sa araw ng honeymoon namin?”"Ang inosente mo talagang babae ka. First time mo di ba?”"oo-” walang paligoy-ligoy ko na sagot. "Masakit ang una pasok at iiyak ka talaga.”“Diwata–” "Ano? Totoo naman a kaya ihanda mo na ang sarili mo, baka di mo kayanin ang kahabaan niya, baka ma hospital ka o di kaya one month kang nasa wheelchair-” namutla ako sa sinabi ni Diwata. Kanina tinatakot ako ni Manang Lo dahil mahaba ang ano ni Kale tapos ngayon si Diwata naman? What if kung totoo ang sinabi nila?“Kung ganoon, wala munang honeymoon na mangyayari. Hindi pa ako ready na masaktan at higit sa lahat umiyak.” "Uy, ituloy mo, mas masarap na ang kapalit-” bulong ni Diwata saba
CHAPTER 140Yaya Lingling and the Billionaire's twin Ang bilis ng panahon, noon, para kaming aso at pusa ni Kale pero ngayon? Ito na ang araw na hinihintay naming lahat. Lalo na sa aming dalawa .Ang aming pag-iisang dibdib. Ngayon ang araw na ikakasal kami. Last week, umuwi kami ng probinsya dahil gaganapin ang kasal namin ay sa mismong garden ng mansyon. Dito ang naisip ko na view na gusto kong maranasan sa kasal ko. Malawak ang garden na kasya ang mahigit limang daan na tao. Ito ang isa sa napili ko na wedding place dahil dito ako lumaki sa probinsya. Dito ako lumaki na kasama ko ang mga tao sa hacienda at manggagawa. Naalala ko pa noong bata pa ako, habang sumasama ako sa aking mga kuya at lolo na puntahan ang manggahan namin ay wala sa sarili ko na may binanggit daw ako na kapag ako ikasal ay invited silang lahat. Bibong-bibo ako noon dahil sa murang edad ay kasama ko ang mga masasayang tao. At ngayon ay nangyari na nga ang araw na ito, ikakasal na ako at ang una na makaka
CHAPTER 139Yaya Lingling and the Billionaire's twin “What? Bakit hanggang ngayon nakangiti ka pa rin diyan?" Taas-noong tanong ko kay Kale na kanina pa naka-stretch yang labi niya. Nilagay n'ya ang kanyang daliri sa ilalim ng kanyang bibig habang ang sikonay nasa bintana ng sasakyan para pigilan ang pagngiti pero kitang-kita ko naman sa gilid ang guhit nito na naka-angat habang nasa manibela naman ang isang kamay niya.Nakabalik na kami ngayon sa kotse niya para umalis na ng kanyang building pagkatapos niya akong ipakilala sa mga katrabaho niya at may kinuha lang siya ng mga documents to sign later sa bahay. Tapos siya…ang saya-saya niya, daig pa yata nanalo ng lotto ang tao na ito.. “What?" "Ang tapang ng misis ko. Ibang klase kaya love ma love ko si Chaldenne Montaño Callisto.” pagmamalaki niya. "Dapat lang-" proud kong sabi. “Dapat ngayon palang na hindi pa tayo kasal ay dapat alam nila kung saan lang dapat ang boundaries ng mga babaeng may gusto sa'yo-” ani ko sabay irap sa
CHAPTER 138Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Let's go?" “Wait, sandali muna, uhmmm hindi ako nakahanda. Anong gagawin natin dito? May trabaho ka pa pala?" Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya."I am the CEO, the owner of this building. I can do whatever I want lalo na kung papasok ako o hindi." Napanguso ako. "Don't worry, may sasabihin lang ako sa mga employees natin and let's go home after that. Naghihintay na ang mga bata sa atin.” Aniya pero bago pa ako bumaba ay inayusan ko muna ang sarili ko. I put light make-up on and comb my hair neatly.At nang makita ko ang sarili ko na maayos na sa maliit na salamin na nalasabit sa kotse niya ay saka palang ako lumingon sa kanya. Ngunit napatigil ako na makita siyang malagkit kung makatingin sa akin.“What?" Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan ang palad nito. "You are so beautiful.” Naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko kaya umiwas ako. Natawa siya. “Beautiful…kasi nakamake-up ako, kaya maganda ako sa paningin mo.”
CHAPTER 137Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Dumaan muna tayo sa mall? Doon sa Baltimoore mall, may bagong mall na sila na sila ang may-ari, di ba? Gusto ko sanang bumili ng pagkain o ibang ulam doon." “Yeah sure," pero bago niya pa pinaandar ang sasakyan niya ay lumapit siya sa akin, ilang dangkal na lang ay magkahalikan na kami, kaya mariin kong pinikit ang aking mga mata at naghihintay nalang na dumampi ang labi niya sa labi ko pero segundo na ang lumipas ay walang malambot na labi na tumama sa labi ko. Kaya binuksan ko ng dahan-dahan ang isang mata ko at saka ko narinig ang pagclick ng aking seatbelt at s'ya ay nakangiting nakatitig sa akin, biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawang magpikit ko. “Why are you closing your eyes?" Agad ko naman dinilat ang dalawang mata ko at mariing nakagat ang ibabang labi dahil sa inasta ko bago lang. Mali pala ang nasa isip ko. “A-akala ko kasi…ano ..uhmm…” nakita ko kung paano niya dinaanan ng kanyang dila ang kanyang mapupul
CHAPTER 136 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Sabay kaming pumasok sa loob at pinuntahan ang hepe na kung saan naka-assign sa mga oras na ito. Hanggang sa pinapasok kami sa visitation ward para kamustahin ang matagal na rin naming hindi nakita. Napag-usapan na namin ito ni Kale and what I like about him dahil ang lawak ng pag-iisip niya lalo sa mga bagay ba ganito. “Sino ba ang bisita ko? Natutulog ang tao eh?" Narinig ko na wika ng isang babae na paparating sa gawi namin, nakaposas pa ang kanyang mga kamay at may suot na kulay orange na damit ay may nakalagay na pangalan na inmate at nang tingnan ko siya ay nakita ko kung paano nagbago ang pangangatawan niya at hitsura. Pumayat siya at kung noon ay nakasuot siya ng magagarang mga damit at make-up, ngayon ay marami ng nagbago. “Kayo! Bakit kayo nandito?” Galit na tanong nito sa amin. Nagkatinginan kami ni Kale at binalik kay Jeniza. “Hindi kami pumunta rito para makipag-away sa'yo, narito kami para kamustahin ka." b
CHAPTER 135Yaya Lingling and the Billionaire's twin Inalalayan niya ako na bumaba sa sasakyan. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong nakangiti. “What?" Lumingon ako kay Kale at mas lalong lumawak ang ngiti ko. “Eh kasi, may naalala lang, huwag kang mag-alala, hindi pa naman ako nabaliw o ano, naalala ko ang, kasi dati, hindi mo ako tinutulungan na bumaba sa kotse but now? Look out you, kaya ko naman pero mas na inlove ako sa'yo dahil sa paganito mo, boss gulay." "Matagal ko na rin na gustong gawin ito sa yo kaso pinipigilan ko palagi ang sarili ko dahil sa mga oras na iyon ay hindi pa ako sigurado kung gusto mo rin ba ako at ayokong nagpapakita na nag-alala ako dahil ayokong umasa ang puso ko.” Sagot nito na siya namang napapangiti sa akin. “So, ibig sabihin niyan na malaya ka ng gawin sa akin kahit sa private Ang mga gusto mong gawin–” "Yeah,” tipid nito na sagot at nakita ko sa kanyang mga mata at pagngiti niya na may binabalak ito na baka ikakabigla ko.
CHAPTER 134 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Ang ganda ng gising ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at laking gulat ko na matanaw si Kale na nakatitig sa akin. Biglang uminit ang pisngi. Kung ganito ba naman ka gwapong mukha ang makikita ko every morning ay talaga namang nagpapasalamat na lang talaga ako na nagising pa ako at magandang tanawin agad ang masisilayan ko. Pero dahil hindi pa ako sanay na ganito na nga ang magiging galawan namin kaya umiinit ang mga pisngi ko at ramdam ko na ang pamumula na parang kamatis na siguro. Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Lumapit siya akin at hinalikan ako ng ilang beses sa labi. At sa panghuli niya na halik ay natakpan ko ang bibig ko. “Bagong gising pa lang ako, baka ang baho ng bibig ko…” saad ko sa paos na boses pero kinuha niya ang kamay ko para di matakpan ang bibig at para mahalikan ulit ako sa labi. "Good morning wife -” malambing niyang wika. Pero ramdam ko na sumasayaw ang mga bulate sa tiyan k
CHAPTER 133 “What?" “Don't touch that stuff toy, we owned it." turo nila sa bear na laruan. Naningkit ang mga mata ko na nakatitig sa kanila at binalik ang tingin sa teddy na nasa kamay ko na. Tumaas ang kilay ko, ako ang nakakita. Wala naman sila nang dumating ako. Where have they been kung ganoon?Binalik ko ang attention sa kanila. “Wee…I saw it too, and I think…the one who got it first will be the owner and since I'm holding this stuffed toy and so, this is mine….got it little kids?” pagmamalaki ko habang nakataas ang sulok ng bibig ko. "No…. that's ours, isusumbong kita kay daddy!" “Well, Isumbong niyo ako…." Pang-aasar ko pa lalo, hindi ko maisip na may makasalamuha ako ng mga batang ma attitude. “At isa pa, bakit kayo narito? Saan ang mga magulang niyo? Naglayas kayo ano?" “Amalthea! Lysithea! Nandito lang pala kayo! Di ba ang sabi ko, hintayin niyo muna ako? Kahit na may bodyguard tayo ay dapat huwag kayong lumayo sa akin at mapapagalitan ako ng daddy niyo. Teka! An