CHAPTER 80Yaya Lingling and the Billionaire's twin "Do you?" “I did. Nag-sorry na ako sa mga bata, and we are both okay.” pilit kong pinapasok sa utak ko ang salitang sinabi niya. “Sincere ba ang sorry mo?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata sa tanong ko. “What do you mean? Of course, I apologized to them and were both okay na nga, and why I'm here because I know, I made mistakes with you too.”"Wala naman akong pakialam kung hindi ka humingi ng sorry sa akin boss, dahil una palang hindi ka sa akin dapat magsosorry kung di sa mga bata, sa mismong anak mo, kasi sila po ang nasasaktan sa ginagawa mo kaninang umaga. That's why I'm asking you kung sincere ba talaga ang sorry mo dahil kung paulit-ulit lang din ang paghingi mo ng sorry but still you're breaking their hearts, masasaktan at masasaktan pa rin sila boss Kale.”"Nag-sorry na nga ako. I already apologized! I said sorry to them na hindi na mauulit, don't you get it?” Pabulong ngunit may galit nitong banggit sa aki
CHAPTER 81Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kinapa ko kung nasaan ang cellphone ko nakalagay para matawagan si Yaya nanay. “Oh hija, bakit napatawag ka?”“Yaya nanay, come to my room please…I think I have a fever po.” “Nilagnat ka? Bakit naman, dahil ba yan kahapon sa school ng mga bata?" “Siguro po…" sagot ko sa kanya.“Sige, tatawagin ko lang ang driver para pupunta ako diyan," aniya at saka lang ako natauhan, pilit kong binubuksan ang mga mata ko kung totoo bang hindi ako nanaginip. “Sorry Yaya, nasa ibang bahay pala ako, akala ko nasa sariling room ako ngayon. Huwag ka na lang pumunta yaya. I can take care of myself naman po.” “No. Pupunta ako ngayon, wait lang kinuha ko lang ang mga gamot mo." Napangiti nalang ako kahit nasa kabilang linya ang kausap ko na alam ko na nagmamadali ang mga kilos ni Yaya. Dati ko pa kasi ginagawa ito na kapag may gusto ako o may sakit ay tinatawagan ko nalang si Yaya nanay. Malaki na ako pero bini-baby pa rin ako. “Thank you yaya-" “
CHAPTER 82Yaya Lingling and the Billionaire's twin Bumangon ako dahil nagugutom. Madaling araw na at nagising lang dahil nagrereklamo ang tiyan ko. Kumain naman ako kanina pero hindi ko alam kung bakit umiiyak ang mga alaga ko sa tiyan. Nasa guess room natutulog si Yaya nanay, hindi ko siya pinatabi sa akin matulog dahil ayokong magkasakit siya at mahawa sa akin. Gabi na at hindi ko na muna pinauwi kaya bukas nalang. Tumatawag nga si mommy at daddy sa kanya at kinu-kumusta ako noong mag-isa nalang kami sa kwarto. Pinihit ko ang doorknob para makalabas ng kwarto at pumunta ng kusina, dahan-dahan ang kilos ko lalo at bababa pa ako ng hagdan, medyo mabigat pa ang pakiramdam ko pero carry na , hindi ko na gigisingin si nanay dahil alam ko na pagod din siya sa kababantay sa akin kanina. Naging pangalawang nanay ko na talaga siya at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako iniiwan.“Where are you going?" Napalundag ako na may narinig na boses lalaki pagbaba ko mismo ng hagdan. Muntik na
CHAPTER 83Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Really kuya?" “Yes bunso, ayon sa nakalap namin na impormasyon tungkol sa lalaki niya ay may mga illegal ito na gawain sa ibang bansa." Malalim akong napabuntong hininga dahil sa mga iilang impormasyon na binigay ni kuya Danzekiel sa akin. Kakagising ko lang at ito agad ang nalalaman ko. “At ngayon, ginamit niya ang bruha na ito para lang mas lumago at maraming connection ang baliw na iyon kuya." Natawa siya sa ginamit ko na salita. “I must say yes or depende na rin kung in love na talaga siya dahil look alam mo na ganyan ang gawain ng partner mo and then nariyan ka pa rin sa kanya? Kabaliwan iyan.” Hindi ko rin kayang sagutin ang sinabi ni kuya. Marahil tama siya o may dahilan pa ang lahat kung bakit niya ginagawa ang mali."Sige kuya, thank you for telling me about this. Maging mapagmatyag na rin ako dito sa mga kinikilos niya at baka mamaya ano pa ang gagawin niya.”"Kailan mo sasabihin sa crush mo….I mean sa amo mo ang tungk
CHAPTER 84 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Pagbalik ko, sabihan niyo ako kung saan tayo ulit magbabakasyon, okay? Para alam ni daddy." “Really daddy…kahit saan po?" “Yes baby…kahit saan. Babawi ako sa inyo pagbalik ko galing sa business trip. Magpakabait kayong dalawa rito, okay?" Malapad ang mga ngiti ng dalawang bata sa kanilang ama. "Yes daddy, and you too po, take care kayo kung saan po kayo pupunta.” "Do you want pasalubong?” tanong pa nito sa mga bata at lumingon sa akin. Nasa kwarto kami ng mga bata at nagpaalam ito na aalis na. May business trip ito na pupuntahan sa Dubai for three days kaya ito siya at pinapapili ang mga bata na kung gusto magbakasyon tulad noong pumunta kami sa Negros ay magsabi lang sila kung saan ang gusto naman nila na puntahan. Mabuti naman at kahit busy siya ay binigyan niya na nang oras ang mga bata, pwera lang ngayon dahil may pupuntahan nga siya. “No na po daddy, umuwi ka lang po na safe sa amin ni Lysithea po ay masay
CHAPTER 85 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Isusumbong kita kay Kale, ang lakas ng loob mo para kalabanin ako, hoy babae ka na isa lang naman na Yaya sa mga maiingay na batang iyan! Wala kang karapatan na ganyanin ako, hindi mo ako kilala! You don't even know what can I do for you kapag sinagad mo ang pasensya ko,” halos lumabas na ang ugat nito sa kanyang leeg habang gigil na gigil na magsalita sa harapan ko. “Sabihin mo bilis, ang bagal naman. Kahit ngayon mo na tawagan." utos ko." Talaga.... isusumbong kita." aniya na nakapamewang na galit na galit kung makatingin sa akin. Sasagutin ko pa sana ngunit tinalikuran niya ako. Aba! Duwag ang bruha? Gusto ko man siyang sugurin pero hindi ko na nagawa at nagsasayang lang ako ng oras. “Are you alright, Yaya?" Saka palang ako lumingon sa mga bata na nasa tabi ko lang pala. Nag-alala sila sa akin na hindi naman ako nasaktan na dapat ako ang magtanong sa kanila, dahil sila na naman ang nakikita ni Jeniza. “I'm okay, sinak
CHAPTER 86Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umalis si Yaya Marivic kasama si Lysithea papunta sa kanyang dentist ngayong hapon at si Amalthea ay nasa kanyang kwarto at natutulog. Nasa kwarto ako habang naghihintay na magising si Amal para sabay kaming kumain ng merienda. Samantalang si Jeniza ay nasa guess room at hindi namin alam kung ano ang ginagawa, two days na ngayon at bukas ng gabi ang balik ni boss sa Pinas. Kaya siguro hindi lumalabas madalas si Jeniza sa kanyang kwarto dahil alam niya na wala siyang kakampi rito sa bahay. Kasalanan naman niya kung bakit niya nilalayo ang sarili niya lalo sa mga bata, umaalis naman ng bahay at babalik lang para dito matulog. Wala rin akong natanggap na tawag galing kay boss para pagalitan ako na sinagot sagot ko ang girlfriend niya. Hindi ko alam kung nagsumbong ba o hindi ang bruha, at isa pa, wala naman kaming kasalanan, kung tutuusin may kasalanan pa nga siya sa mga bata. Lahat na nakalap ko na impormasyon kay Jeniza ay pi
CHAPTER 87Yaya Lingling and the Billionaire's twin “I asked you again, what are you doing here? Sa pagkakaalam ko bawal pumasok sa kwarto na hindi sa kanya, unless... if needed. Tumayo ako ng matuwid habang titig na titig sa kanya. Balisa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Halos hindi makatingin sa akin.Pilit itong tumawa. “Ako pa ang tatanungin mo ng ganyan? Hindi ba dapat iyan ang itanong mo sa sarili mo kung bakit ka pumasok sa kwarto ng boyfriend ko?" giit niya pa na ako dapat ang may kasalanan. “Are you sure, dahil ba boyfriend mo siya ay malaya kang makapasok sa kwarto niya kung sa simula palang doon ka nga sa guess room pinapatulog?" Galit itong bumaling sa akin. “Ano bang pakialaman mo kung pumasok ako, eh sa namimiss ko siya kaya may karapatan ako." “Pumayag ba siya?" “What?" “Pumayag ba siya na dito ka dapat pupunta kapag namimiss mo siya?" Tanong ko sa kanya at tingnan mo ang bruha pumunta pa talaga sa kama at humiga.“Oh common Lingling, kahit hindi ko sabihi
CHAPTER 127 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hi Glenda, congratulations." Saad ko sa pinsan ni Carpo na ikakasal ngayong araw. “Oh my Gosh, you look so beautiful-" dagdag ko pa. Gandang–ganda ako sa wedding gown na suot niya na off-shoulder lace dress. She looks like a princess with her gown. So perfect. Bago ako pumanhik kung saan ang mga kasamahan ko kanina ay pinuntahan ko rin muna siya dito kung saan siya nagbibihis na room para batiin sa araw ng kasal niya. "Thank you so much, Chaldenne. Ang saya ko na nakahabol ka.” napanganga ako sa sinabi niya, so, sinabi ni Carpo kung bakit hindi ako nakasama niya? Marahil dahil ang alam ni Glenda na invited ako at kasama ko si Carpo pero ibang tao ang kasama ko papunta rito sa Batangas. “Of course naman, ikaw pa, minsan lang ako invited sa kasal no, kaya masaya ako at masaya rin ako para sa'yo." Saad ko. Hanggang sa tinawag na si Glenda ng kanyang wedding coordinator kaya hindi ko na inabala. Nasa isang resort kami ngayon
CHAPTER 126 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Mr. Callisto-” saad ng lalaking kulay gray ang mata at nakipagkamay sila ni Kale. "Zup, pare?" "Hi miss, I'm Devi and my wife-” turo niya sa kanyang asawa. "Hello…Shemaia," bati nito sa akin at humalik sa pisngi ko kaya ganoon din ang ginawa ko at nagpakilala. “Ignacio and my wife, Michaella." “Hi, nice meeting you Chaldeenne." “Nice meeting you too." “Carlos…ang pinaka-pogi sa lahat at ang magandang asawa ko, my only love Clovett." Napabaling ang tingin ko sa lalaking kulot ang buhok at sa asawa niya at nakipagkamay. “Maniwala ka na lang na pogi si Carlos, magtatampo iyan." “Gago ka Lance….totoong pogi ako, huwag kang epal." Natawa ako, nakakatawa kasi sila eh. “Tingnan mo, inaway na ako, anyway Lance and my beautiful love of my life, Sunny." “Hi, welcome sa grupo namin." Tumango at ngumiti lang ako sa sinabi sa pangalang Sunny. “Hi! Ryker and my beautiful wife-" "Hello, just call me Aubree Lynn, at depend
CHAPTER 125 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Thank you kuya Edgar!!" sabi ko kay kuya Edgar na siyang tauhan at piloto ni Dark Romanoz na naghatid sa amin sa Batangas. Ang alam ko ay lumaki si Romanoz sa Russia na kung saan, pinagmalupitan siya sa kinikilala niya na ama na isang mafia. Narito siya sa Pilipinas dahil nakapag-asawa ito ng Pinay. Pagka-alis ni kuya Edgar ay saka palang kami bumaba ng building gamit ang elevator, hinatid lang kami sa Batangas at itong building na kakilala ni Kale na may helipad ang meron dito na malapit sa kung saan ikakasal ang pinsan ni Carpo. Tanghali na kami nakarating at susunduin kami sa isa sa driver ni Carpo para maghatid sa amin sa kabilang hotel. “Where are we?" Tanong ko kay Kale na mahigpit ang hawak ng kamay ko na akala mo naman tatakas ako. “San Juan Batangas,” sagot niya at tumango ako. Wala akong masyadong alam sa lugar na ito dahil hindi pa namin ito na puntahan kapag gusto naming magtravel. Most of the time kasi, we
CHAPTER 124 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Napabalikwas ako ng gising dahil sa masarap na panaginip, I mean what the hell, masarap ba iyon? Pakiramdam ko oo. Wait…nanaginip ba ako? Hinawakan ko ang mga labi ko. We kissed again, right? Hindi niya tinigilan ang labi ko sa kakahalik. “at ….at…hanggang oh my God!” inangat ko ang bedsheet para makita kung may dugo ba pero wala naman, pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang nangyari, hindi naman masakit ang katawan ko. Hindi rin masakit ang pagkababae ko, so, ibig sabihin lahat na nangyari ay panaginip lamang. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko, binigay ko na ang aking bataan kay Kale…oh my goodness. Bumaling ako sa kabilang higaan at wala ni anino niya ang nakikita ko. Nasaan na naman siya? Lagi nalang niya akong iniiwan, pwede naman akong gisingin kung may ginagawa siya. Pero napanganga nalang ako na makita si Kale na kalalabas lang ng banyo, tanging tuwalya lang ang nakatabon sa kanyang bewang na kung
CHAPTER 123Yaya Lingling and the Billionaire's twin “You can use my boxer, I have an unused boxer in my suitcase-”Matalim ang tingin ko sa kanya, hindi ko alam at siya pa ang napagbuntungan ko ng galit dahil lang sa wala akong masusuot kahit panty at bra. Tinawagan ko si kuya Danzekiel at Carpo, tapos malalaman ko lang nauna ng nakarating sa Batangas ang maleta ko kaysa sa akin.Pwede namang bumalik ang helicopter kaso nga lang wala ang piloto dahil nakauwi na sa kanila, gusto ko sanang pabalikin ngunit naawa naman ako kaya ito, maghahanap ako sa maleta niya na pwede kong suotin ngayong gabi at bukas nalang ako magbibihis ng bagong damit. Ngunit pagbukas ko ng kanyang maleta ay nakita ko sa kabilang side ang mga damit niya, t-shirt and some long sleeve polo, pants, at mga gamit para sa mukha at pansaksakan like charger para sa kanyang cellphone at laptop ang nakikita ko sa kabilang side ng kanyang maleta, at nang napunta ang mga mata sa kabilang side ay nanlaki ang mga mata ko n
CHAPTER 122 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Bakit g-gusto mo ba talaga ako?" Nauutal ko na tanong sa kanya. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko sa mga pinag-uusapan namin. "Matagal na, hindi mo lang pinapansin dahil may Carpo ka." “Huh? Matagal na? Kailan pa? At saka paano naman napunta kay Carpo na kaibigan ko lang ang tao." Nalilito kong tanong. Alam namin ni Carpo kung saan lang kami na dalawa, mas okay sa amin na maging kaibigan o mag-kuya ang turingan naming dalawa at ayoko ng mas higit pa sa magkaibigan. “I don't know, basta naramdaman ko na lang, maybe when I saw you in the elevator for the first time we met, noong sure na ako na gusto talaga kita kaso may taong epal kaya hindi kita niligawan. Pero dahil nalaman ko na wala pala kayong relasyon na dalawa. Kakapalan ko na ang mukha ko. I–” pero bago niya pa natapos ang sasabihin niya ay nakarinig kami ng ingay ng isang helicopter pababa sa yate. Kinabahan ako dahil akala ko kaaway pero nang marinig namin s
CHAPTER 121 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hello lovebirds…” “Kuya?" Hinanap ko kung saan ang nagsasalita at nang makita ko ang speaker na square malapit sa kama ko na nakapatong sa maliit na table ay mariing nakapikit ang mga mata ko, naalala ko na naghahalikan kami ni Kale kanina, narinig kaya nila kami? What if may cctv ang speaker na iyan tapos kitang-kita kami? Oh my G. “Yes baby girl, it's me." “Anong ginawa mo kuya Danzekiel? Bakit mo ako dinala rito? Hindi dito ang destinasyon ko. Nakita kita kanina bago ako nawalan ng malay, Ikaw ang pumalit kay Carpo sa kotse, why did you do that? I'm really scared you know…wait, nasaan na si Carpo, nariyan ba sa'yo? Hindi niyo naman siguro iyan sinasaktan, ano?” nagkatinginan kami ni Kale dahil sa pagbigkas ko sa pangalan ni Carpo. Baka mamaya bigla niya akong halikan kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya at binalik ang atensyon sa sasabihin ni Kuya Danzekiel. "Hi Chal…I'm fine here…" napabuntong hininga naman ako ng mal
CHAPTER 120(Light Spg haha)Nagising ako dahil pakiramdam ko umaalog ang kama na hinihigaan ko. “May earthquake?”Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling bumaba ng kama kahit medyo nakapikit pa ang mga mata ko dahil sa biglaang paggising dahil baka may lindol at wala man lang tumangka na gumising sa akin dahil nagmamadali ring lumika palabas ng bahay. Ngunit nagtataka ako kung bakit nag-iba ang nilalakaran ko. Hanggang sa napagtanto ko na wala ako sa bahay. Higit sa lahat, wala ako sa sariling kwarto. Anong bang nangyayari? Ang sikip ng tinatapakan ko.Si Carpo?Kasama ko siya, alam kong kasama ko siya kanina. “Carpo?" Tawag ko sa pangalan nya. Naalala ko na, huminto ang sinasakyan namin dahil may nakaharang na mga kotse sa gitna ng daan. “Carpo? Huwag kang magjo-joke diyan, di ba dapat nasa Batangas tayo pupunta, Batangas na ba ito? Bakit hindi mo sinabi na dito pala tayo pupunta? Wala akong dalang swim suit!" Tawag ko ulit. Nakapagtataka kung bakit ako napunta dito sa yate.
CHAPTER 119 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Friday at ito ang araw na aalis ako kasama si Carpo mamayang ala- una papuntang Batangas na kung saan doon ikakasal ang pinsan niya. Bukas ang kasal, mga bandang hapon daw. Kagabi palang ay naghahanda na ako ng mga gamit ko sa maleta, lalo na ang make-up, shoes at damit na gagamitin sa kasal, pinadala kahapon ni Carpo sa akin para masukat ko at kasya naman at nagustuhan ko ang design na napili lalo at light pink ang kulay ng theme ng kasal. Narinig ko na may kumakatok sa pinto at nang silipin ko ito ay si Manang Lo ang nasa labas ng kwarto ko. Nakabalik na siya noong nakaraang linggo, magaling na ang kanyang asawa at anak na may sakit din at ngayon ay gusto niyang bumalik dahil namimiss niya na ang magtrabaho. Kung ako ang tatanungin ay ayoko siyang bumalik sa pagtatrabaho pero wala akong magagawa kung gusto ng kanyang katawan. “Manang–pasok po kayo!” "Hindi na, oh ano, nakahanda na ba ang mga dadalhin mo mamaya?” Ngumit