Harvey's Pov:Nakatanggap ako ng tawag mula sa ina ni Karina. Iuuwi na daw mamaya si Karina kaya naman nagmamadali ako upang mapuntahan ko na siya.Nasa pasilyo na ako paliko na sana ako upang makasakay ng elevator. Ngunit pagliko ko ay namataan ko ang isang babaeng doktora, na pilit na yumayakap kay Noah at tila umiiyak ito. Tila naman natakot si Noah sa ginawa ng babae at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap nito dito. Muli akong bumalik sa pasilyong aking pinanggalingan. Ano kayang mayroon sa kanila? Hindi naman siguro nagloloko si Noah kay Karina. Muli akong sumilip, ngunit pagsilip ko ulit ay wala na nag dalawa. Kaya dali-dali akong naglakad patungo sa elevator at pinindot agad ang numero ng palapag kung saan naroon si Karina.Damn it! mananagot ka sa akin Noah, kapag sinaktan mo si Karina. Pangako iyan, ilalayo ko siya sa'yo nang hindi na kayo muling magkita.Nakabukas ang pinto ng silid ni Karina kaya naman tumuloy na ako. Pagdating ko sa silid ni Karina ay nakita ko itong na
Pasado alas dose na nang hatinggabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nang silipin ko si Noah sa aking tabi ay himbing na himbing na ang pagtulog nito. Tila walang bahid na problema ang kan'yang mukha. Sobrang gwapo parin niya.Bumangon ako at nagpasyang magtimpla ng gatas sa baba. Baka sakaling makatulog ako kapag uminom ako ng gatas.Nang matapos magtimpla ay umakyat na kaagad ako at ipinatong ang natimplang gatas sa lamesita sa gilid ng aming kama.Napadako ang aking paningin sa tokador. Tumayo ako at sinipat ang mga pabangong nakahilera doon ni Noah. Isa-isa kong inamoy ngunit wala akong mahanap na katulad kanina na naamoy ko sa kan'yang damit.Baka naman nasa opisina niya kaya wala dito. May pagtataka kong tanong sa sarili. Tumayo ako at inabot ang aking gatas at ininom ito. Nang hindi pa rin makuntento ay dumeretso ako sa aming palikuran.Naiirita ako, sa palagay ko kailangan ko ng maligamgam na tubig upang maginhawaan man lang ang aking katawan at mawala ang aking pagkairita. B
"Anong nangyari sa kotse mo, iha?" tanong sa akin ni manang Palomena nang dumating ako sa bahay.Sinilip ko ulit ang likuran ng aking audi. Nakita ko nga na malaki ang pinsala ng likod nito. Malaki-laki siguro ang magagastos dito. Tsk!"Aksidente po, Manang," sambit ko sa mababang tono."E may masakit ba saiyo?" nag-aalala niyang tanong."Wala naman po, medyo sumakit lang po ang batok ko." "Sandali at ipagtitimpla kita ng tsaa at nang gumaan iyang pakiramdam mo. Ikukuha na rin kita ng yelo pambabad dyan sa batok mo," malambing niyang wika."Salamat po, manang Palomena."Nagtungo ako sa may gilid ng puno malapit sa may swimming pool. May duyan doon, kaya naman ng aking makita iyon ay agad akong humiga.Habang nakahiga ay napaisip ako, biglang naisip ko si Harvey. Bakit buhay si Harvey? Ang alam ko sa panaginip ko ay namatay siya? Bakit naman iniisip ng utak ko na namatay si Harvey kung buhay naman siya sa hinaharap? Bumalik ba ako sa nakaraan talaga at nabago ko ang hinaharap? May pagt
Harvey's Pov:Nasa gitna ako ng board meeting nang masilip sa aking cellphone na tumatawag ang aking imbestigador.Sumenyas ako sa aking sekretarya na pahintuin muna ang meeting. Mas importante ang tawag na iyon dahil nakasalalay doon ang buhay ng taong mahal ko."I have to answer this call," maotoridad kong sambit at sinimulang tumayo at nagtungo agad ako sa aking opisina upang walang ibang makarinig sa akin."Napatawag ka? May balita na ba sa pinaiimbestigahan ko sa'yo?" agad kong tanong sa kan'ya nang masagot ang aking selpon."Dra. Althea Briones, trenta'y singko ang edad. Tubong Iligan. Nag-aral sa isang sikat na university sa Iligan. Dalawang taon siyang nagtrabaho sa Iligan bago napunta dito sa Manila. At ilang beses na rin nakatanggap ng parangal sa unang ospital na pinagtrabahuhan niya. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Saint Jose Medical Hospital, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Dr. Noah Fridman." Mataman lang akong nakikinig sa kan'ya, habang nakatingin sa litrato n
Noah's Pov:Kahit abala ako at marami akong ginagawa, iniisip ko parin ang kalagayan ng wifey ko.Isang himala ang magising siya na parang hindi siya na-comatose. Mabuti na lang at ang bilis ng recovery niya. Siguro nga ay dahil na rin iyon sa araw-araw na paghilot sa buong katawan niya. Hindi ko hinahayaan na nakahiga lamang siya. Palagi ko siyang pinapaupo.Kumuha rin ako ng personal na maghihilot at therapist para sa kan'yang buong katawan niya. At siguro dahil na rin sa aming pagdadasal kaya siguro mas lalong gumanda ang katawan niya. Kahit kasi nakahiga siya, gumaganda na ang kulay ng kan'yang balat at labi.Matapos ang aking operasyon ay pagod na pagod ako kaya nagtungo agad ako ss aking opisina. Dere-deretso ako sa aking opisina upang makapagpahinga na. Kauupo ko pa lamang sa aking swivel chair, nang bumukas ang pinto."Hi, Dr. Noah!" Bungad ni Dra. Briones, na nakasuot ng kulay pula na maiksing bestida at kita na halos ang kalahati ng kan'yang dede. Napaiwas ako ng tingin ng tu
Noah's Pov:Nang makaalis ang aming mga bisita ay kaagad kaming umakyat sa kwarto ng aking mag-iina. "Shower na ikaw, baby!" malambing na wika ng aking asawa sa aming anak.Pinapanood ko lamang ang aking mag-ina habang sila ay naghahagikgikan sa loob ng banyo ng aking anak. Nang magsawa sa kakatingin ay natungo ako sa kama ng aking anak at umupo upang doon na lamang mag-antay sa kanilang dalawa."I've always dreamed of this po, mommy!" Narinig kong salita ng aking anak sa kan'yang mommy. Sa wakas ay nararanasan niya na ulit ang mapaliguan ng kan'yang ina."Hindi ko po kasi natatandaan 'yung dating pinapaliguan mo 'ko, mommy," dagdag pa niya na tila may lungkot ang boses."Mommy, will always do this na... hmm..." malambing na tugon ng aking butihing asawa na ikinangiti ko.Tila naman inihehele ako sa alapaap habang naririnig ang pag-uusap ng aking mag-ina. Sa iba siguro ay marahil ay korni ito, ngunit sa akin ay tila isang magandang musika ang marinig na masayang nag-uusap sila.Dalaw
Karina's Pov:Nagpasya akong hintayin ang aking asawa sa may balcony. Hindi naman siguro magtatagal iyon. Naglagay lang ako ng balabal upang hindi ako masyadong ginawin."Rina, iha? Sa loob mo na lang hintayin si Noah, masyadong malamig dito sa labas" nag-aalalang sambit ni manang Palomena."Ayos lang ako, manang," sagot ko sa mababang tono habang hinigpitan ang aking balabal sa katawan."Oh siya dadalhan kita ng mainit na tsaa," wika niya.Tumango lamang ako at tumingin sa malayo.Mamaya pa ay agad niyang inilagay sa lamesita sa aking harap ang tsaa."Ayos ka lang ba dine, iha?" tanong niya pa sa akin."Opo, manang. Matulog na din po kayo, ayos lang po ako dito. Maraming salamat po sa tsaa," sambit ko sa mababang tono.Kaagad kong hinawakan ang tasa ng tsaa upang maibsan ang lamig na aking nararamdaman. Tila napawi naman ng kainti ng ito'y aking higupin."Ay, siya! papasok na ako muli sa loob," wika niya at agad naman ng pumasok sa loob.Mahigit isang oras ang nakalipas nang matanaw k
Gabi na nang makahanap kami ng aking anak ng matutuluyan dito sa malayong probinsiya sa norte. Mabuti at may nahanap ako na maliit na bahay na tamang-tama para sa amin ng aking anak. Sa wakas ay makakapagpahinga na kami ng maayos.Ibang pangalan ang ginamit ko upang hindi kami mabilis mahanap, kung hahanapin man kami ni Noah. Itinapon ko din ang aking simcard para hindi ako matawagan o ma-text ng kahit na sino man.Ngunit kinabukasan, may kumatok sa aming maliit na bahay na inuupahan."Harvey?" Nanlaki ang aking mata nang makita siya sa aking harapan."Pwede bang pumasok?" Ngiti niya sa akin.Nakakunot ang aking noo habang pinapapasok siya sa munting sala namin."Pa'no mo nalaman na andito kami?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya."Ang totoo niyan, pinapasundan kita simula ng mabangga ka."Pagtatapat nito sa akin.Wala rin palang kwenta yung pagpalit ko ng pangalan at pagtapon ko ng simcard. Bakit naman ang bilis nitong mahanap ako! May sa demonyo ba itong lalakeng ito?!"Ha?
Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka
Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang
Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la
Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin