Noah's Pov:Nang makaalis ang aming mga bisita ay kaagad kaming umakyat sa kwarto ng aking mag-iina. "Shower na ikaw, baby!" malambing na wika ng aking asawa sa aming anak.Pinapanood ko lamang ang aking mag-ina habang sila ay naghahagikgikan sa loob ng banyo ng aking anak. Nang magsawa sa kakatingin ay natungo ako sa kama ng aking anak at umupo upang doon na lamang mag-antay sa kanilang dalawa."I've always dreamed of this po, mommy!" Narinig kong salita ng aking anak sa kan'yang mommy. Sa wakas ay nararanasan niya na ulit ang mapaliguan ng kan'yang ina."Hindi ko po kasi natatandaan 'yung dating pinapaliguan mo 'ko, mommy," dagdag pa niya na tila may lungkot ang boses."Mommy, will always do this na... hmm..." malambing na tugon ng aking butihing asawa na ikinangiti ko.Tila naman inihehele ako sa alapaap habang naririnig ang pag-uusap ng aking mag-ina. Sa iba siguro ay marahil ay korni ito, ngunit sa akin ay tila isang magandang musika ang marinig na masayang nag-uusap sila.Dalaw
Karina's Pov:Nagpasya akong hintayin ang aking asawa sa may balcony. Hindi naman siguro magtatagal iyon. Naglagay lang ako ng balabal upang hindi ako masyadong ginawin."Rina, iha? Sa loob mo na lang hintayin si Noah, masyadong malamig dito sa labas" nag-aalalang sambit ni manang Palomena."Ayos lang ako, manang," sagot ko sa mababang tono habang hinigpitan ang aking balabal sa katawan."Oh siya dadalhan kita ng mainit na tsaa," wika niya.Tumango lamang ako at tumingin sa malayo.Mamaya pa ay agad niyang inilagay sa lamesita sa aking harap ang tsaa."Ayos ka lang ba dine, iha?" tanong niya pa sa akin."Opo, manang. Matulog na din po kayo, ayos lang po ako dito. Maraming salamat po sa tsaa," sambit ko sa mababang tono.Kaagad kong hinawakan ang tasa ng tsaa upang maibsan ang lamig na aking nararamdaman. Tila napawi naman ng kainti ng ito'y aking higupin."Ay, siya! papasok na ako muli sa loob," wika niya at agad naman ng pumasok sa loob.Mahigit isang oras ang nakalipas nang matanaw k
Gabi na nang makahanap kami ng aking anak ng matutuluyan dito sa malayong probinsiya sa norte. Mabuti at may nahanap ako na maliit na bahay na tamang-tama para sa amin ng aking anak. Sa wakas ay makakapagpahinga na kami ng maayos.Ibang pangalan ang ginamit ko upang hindi kami mabilis mahanap, kung hahanapin man kami ni Noah. Itinapon ko din ang aking simcard para hindi ako matawagan o ma-text ng kahit na sino man.Ngunit kinabukasan, may kumatok sa aming maliit na bahay na inuupahan."Harvey?" Nanlaki ang aking mata nang makita siya sa aking harapan."Pwede bang pumasok?" Ngiti niya sa akin.Nakakunot ang aking noo habang pinapapasok siya sa munting sala namin."Pa'no mo nalaman na andito kami?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya."Ang totoo niyan, pinapasundan kita simula ng mabangga ka."Pagtatapat nito sa akin.Wala rin palang kwenta yung pagpalit ko ng pangalan at pagtapon ko ng simcard. Bakit naman ang bilis nitong mahanap ako! May sa demonyo ba itong lalakeng ito?!"Ha?
Noah's Pov:Pagbaba ko galing ng aking silid ay nakita kong nag-aantay na ang aming pilotong si Adam sa aming sala."Akala ko ba magsusundo ka ng asawa at anak?" matawa-tawa niyang bigkas."Oo nga!" sagot ko habang nakapamulsa."Ang angas pare! Akala ko aattend ka ng famas award!" Sabay halakhak nito."Gago! Ganito dapat ootd ko para 'di ako matanggihan ni Rina!" Sabay ikot at papogi ko. Umakto pa 'ko na parang may binaril sa dulo."Hayop na yan!" pailing-iling niya sabay tawa. "Ang seryoso mong tao dati, pare! Anong nangyare?" Hindi pa rin matigil ang tawa ng gago."Hindi naman masamang magpapogi, lalo na kung para sa taong mahal mo." habang itinataas ko ng palitan ang aking dalawang kilay."Ewan ko sa'yo!" pailing-iling itong ngumisi.Nakita nitong parating si Mercy, dala ang aming meryenda."O, andito na pala 'yung kape natin. Uminom muna tayo para naman nerbyosin ka kahit pa'no," Matawa-tawa nitong saad.Ibinaba naman ni Mercy ang mga kape sa lamesita kasama ang tinapay na may pal
Karina's pov:Pakiramdam ko marami akong nagawa ngayong araw, pagod na pagod ako at hingal na hingal. Humiga ako sa papag para sana magpahinga kahit saglit lamang ngunit dinapuan na ako ng antok at agad naman pumikit ang aking mga mata."Oh, Rina? Hindi mo kasama si Noah?" tanong ng isang katrabaho ko nang ako ay pauwi na.Sanay silang kasama o sinusundo ako ni Noah pero nitong mga nakaraang araw ay palagi na siyang abala sa kan'yang duty sa hospital. Naiintindihan ko naman iyon. Sabi nila pag hindi mo madalas nakakasama ang taong mahal mo, iyon daw kung minsan ang nagpapatibay sa relaasyon ninyo. Kasi kung palagi na lang kayong magkakasama ay baka madaling magsawa ang isa't-isa. "Kawawa naman siya, wala siyang kaalam-alam na may ibang babaeng inaalagaan ang boyfriend niya sa hospital. Ang sobrang sweet nila, ngayon lang ako nakakita ng doctor na iginagala ang pasyente para makalanghap ng sariwang hangin. Parang sobrang sepesyal naman ng gan'on!" pagpapahaging ng isang babae sa aking
Third person Pov:Madaling araw pa lang ay nagising na si Rina, kaya naman maaga din siyang nagluto ng kanilang agahan. Pagkatapos maihain ang mga niluto ay nagpasya siyang magwalis muna sa labas. Madilim pa rin sa labas at ni walang taong dumadaan. Tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig. Ngunit sa paglabas niyang iyon ay may nakaabang na palang panganib.Habang nagwawalis ay may isang lalake ang dahan-dahang naglakad mula sa kan'yang likuran. Agad nitong tinakpan ng panyo ang bibig ni Rina, nagpupumiglas pa si Rina ngunit kalaunan ay nawalan din ito ng malay. At nang mawalan ito ng malay ay agad itong isinakay sa lumang sasakyan.Tinalian niya ang dalawang kamay ni Rina pati na ang kan'yang dalawang paa upang hindi ito makatakas sakaling magising."Dala ko na ang babae," Wika ng lalake na dumukot kay Rina sa kanyang kausap sa selpon."Mabuti! Dalihin yan sa bodega at 'wag pakainin kung sakaling magising! Papunta na ako!" sagot ng babae sa kabilang linya.Isang malaking b
Nang makalipas ang ilang buwan ay iniwan na ako doon ni Juanito. Ang sabi niya ay may naiwan siyang trabaho sa maynila. Naiwan ako kasama ng kan'yang ama't ina pati na ang dalawa niyang kapatid.Silang lahat ay tinutulungan ako sa tuwing may sakit ako hanggang sa aking panganganak. Nakasanayan ko na din ang pamumuhay dito."Napakaguwapo ng iyong anak, Tatiana! Ang tangos ng ilong. Parang anak ire ng porener ah!" Wika ng kapitbahay naming si Aling Fe."Aba'y, oo nga ano!" sang-ayon din ni Milagros na aking kasama lagi sa palengke."Siguro ay mayaman kayo, Tatiana! Tingnan mo naman ang balat mo, napakaputi mo at napakakinis!" wika ni Winona na kasa-kasama ko din sa palengke. "Tila isa kang modelo sa iyong tindig. Kaya yung mga kalalakihan dito sa ating baryo ay nagkakanda haba ang leeg kakasulyap saiyo." saad pa nito.Nangingiti na lang ako sa mga pinaguusapan namin. Kahit panget siguro ang aking asawa ay tatanggapin ko basta ba ay mayroon pa ako noon na alam ko na hinahanap ako."Uy, T
Karina's Pov:Sa mga sumunod na araw ay palaging nakabuntot sa akin si Noah, na ikinapagtaka ko. Laging nakabuhos ang atensyon niya sa amin, lalo na sa akin. Wala ba siyang trabaho? Para siyang laging mapera. Ano kaya ang pinagkukunan niya ng pera? Ilang buwan na rin siyang palaging narito sa amin ni Gadriel. Pakiramdam ko nga ay siya ang asawa ko dahil sa sobrang pagaasikaso niya sa amin. Ilang beses niya kaming pinasasalubungan ng kung ano-anong klase ng damit, na animo'y tatay ng aking anak. Noong nakausap ko siya nung isang araw, ang sabi niya nagresign daw siya sa trabaho niya at magtatayo na lamang ng clinic para makapagfocus siya sa amin na ikinagulat ko. Sa sinabi niyang iyon ay tila napakaimportante namin para gawin niya ang bagay na iyon. Gusto ko man siyang tutulan ngunit wala akong magagawa sa mga desisyon niya kahit nakakapanghinayang. Kung ako nga ang asawa niya ay magagalit ako siguro, pero kalaunan ay papayag rin kung iyon ang magiging paraan upang lalong tumibay ang
Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka
Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang
Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la
Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin