Karina's Pov:Sa mga sumunod na araw ay palaging nakabuntot sa akin si Noah, na ikinapagtaka ko. Laging nakabuhos ang atensyon niya sa amin, lalo na sa akin. Wala ba siyang trabaho? Para siyang laging mapera. Ano kaya ang pinagkukunan niya ng pera? Ilang buwan na rin siyang palaging narito sa amin ni Gadriel. Pakiramdam ko nga ay siya ang asawa ko dahil sa sobrang pagaasikaso niya sa amin. Ilang beses niya kaming pinasasalubungan ng kung ano-anong klase ng damit, na animo'y tatay ng aking anak. Noong nakausap ko siya nung isang araw, ang sabi niya nagresign daw siya sa trabaho niya at magtatayo na lamang ng clinic para makapagfocus siya sa amin na ikinagulat ko. Sa sinabi niyang iyon ay tila napakaimportante namin para gawin niya ang bagay na iyon. Gusto ko man siyang tutulan ngunit wala akong magagawa sa mga desisyon niya kahit nakakapanghinayang. Kung ako nga ang asawa niya ay magagalit ako siguro, pero kalaunan ay papayag rin kung iyon ang magiging paraan upang lalong tumibay ang
Karina's Pov:"Halika na! Ano pang hinihintay mo d'yan? Ang hina mo naman eh! Para 'yan lang!" Sambit ng singkit na lalake sa akin. "Huwag ka nang matakot, kaya mo yan!" Dagdag pa niya.Inilahad niya ang kan'yang kamay at masuyo akong tiningnan na tila sinasabi ng kan'yang mata na ayos lang ang lahat.Ipinatong ko ang aking kamay sa palad niyang nakalahad. Unti-unti siyang naglakad papasok sa isang sakayan na mala-roller coaster.Napakros ako sa aking dibdib. Kinakabahan ako ng sobra! Sa hitsura pa lang ng aming sasakyan ay tila mahuhulog na aking puso doon."Huwag kang mag-alala, andito lang ako sa tabi mo." Sabay ngiti niya sa akin.Gunggong ba siya? Sobra naman makangiti ng pagkatamis-tamis itong bruhong 'to! Para naman may magagawa 'yung pagngiti niya. Nakakatakot kayang sumakay! Kahit anong pagngiti niya ay tila hindi napapawi ang kaba ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko."Kaya mo 'yan, Karina! Sumigaw ka lang kapag pababa na tayo," Wika niya na aliw na aliw habang nililipad an
Karina's pov:"Mamasyal pa tayo?" tanong ko kay Noah habang palabas kami ng simbahan. Samantalang si Harvey ay nasa likod lang namin."Oo, para naman makagala kayo ni baby Gadriel pero kakain muna tayo," wika niya habang hinahalik-halikan ang aking anak sa pisngi."Kasama ba si Harvey?" painosente kong tanong.Umigting ang kan'yang panga sa aking tanong. Madilim niyang tiningnan si Harvey na ngayon ay nilalaro na din ang aking anak na si Gadriel. "Ano pa bang magagawa ko? mukhang sasama naman talaga 'yan!" sambit ni Noah na ikinatuwa ko.Papayag din pala eh! akala ko hindi eh.Kumain kami sa isang sikat na restaurant. Habang nag-uusap kami ni Harvey ay panay ang simangot at dabog ni Noah. "Okay ka lang?" tanong ko ng ilang beses mahulog ang kutsara niya. Sa tuwing nalalaglag iyon ay nagpapakuha siya ng panibago sa waiter. "Okay lang ako, 'wag mo 'kong intindihin!" may pagtatampo sa himig nito. "Marami pa naman oras," dagdag pa niya sabay tingin sa kan'yang relo."Pasensya na! nakak
Karina's Pov:"Aah... kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko kasi may kasama ka!" inis kong wika ng makita si Noah na pinaoayungan ang isang magandang babae habang inaabot nito ang wallet."Hindi ko nga sabi siya kilala! Nagkataon lang na umuulan at naiwan niya 'yung wallet niya," paliwanag ni Noah.Hindi ako naniniwala sa kan'ya kaya iniwan ko siya doon at nauna ng maglakad. Bahala siya sa buhay niya! Hindi ako sasakay sa sasakyan niya! neknek niya!Tumigil ako sa tabi ng dalawang matandang mag-asawa na sweet na sweet sa isa't-isa. Naghihintay din ata ng masasakyan. Natuwa pa ako ng makitang nilalambing ng matandang lalake ang kan'yang asawa.Ngunit hindi pa man nagtatagal ang paghihintay ko ay may biglang bumanggang kotse sa gilid ng dalawang matanda. Bumangga ito sa pader. Mabuti na lang at hindi nadale ang dalawang matanda. Ngunit nang lingonin ko silang muli ay tila naghahabol ng hininga ang matandang lalake.Dali-dali akong tumakbo sa kan'yang giilid para ito'y saluhin upang
Karina's Pov:Masayang-masaya ako ngayong gabi kahit medyo nagtampo ako dahil ngayon lang niya ipinagtapat ang lahat. Gusto kong magreklamo at mainis pero mas nangingibabaw sa akin ang maging mahinahon at tanggapin ang lahat. Wala rin naman papatunguhan kung magagalit pa ako, imbes na magkaayos ang aming pamilya ay baka magkahiwalay pa kami kung magagalit pa ako. Ayokong humantong ng ganon ang aming pamilya. Mas nangingibabaw ang aking kasiyahan kesa sa mga bagay na hindi naman kailangan sa buhay. Sadyang nalulungkot lamang ako sa isiping pati ang panganay kong anak ay nakalimutan ko. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi nasabi agad ni Noah sa akin. Alam kong inaalala niya lang ang kalagayan ko. Pero nakapagtataka rin na hindi man lang sumakit ang ulo ko. Siguro pagod na din si Lord na bigyan ako ng sakit kaya wala akong maramdaman ngayon na kahit ni katiting na sakit.Napangiti ako sa isiping iyon. Mas pagpapalain siguro ako kung mananatili akong positibo at hindi iniisip ang kam
Nang magsiuwian ang ilang mga bisita, naiwan kami nila Noah at nang mga kaibigan namin na nag-iinuman. Samantalang ang mga magulang namin ay nagsitulugan na sa kani-kanilang silid kasama ang aming dalawang anak."Naalala n'yo ba noong broken hearted 'tong si Rina?" umpisa ni Abby. Para lang sira, hindi pa man kalahati ang kan'yang nakukwento ay panay na ang tawa na nito. Mukhang ikakasira ng buhay ko ang isisiwalat niya."Ganito kasi 'yon!"Flashback:Abby's pov:Nadatnan ko si Rina na nakalugmok sa isang sulok at panay ang kan'yang iyak. Napakamot ako sa aking kilay at yamot na yamot sa aking nakikita."Ano ka na namang babae ka! Magmove-on kana kay Harvey! lintek talaga! ayaw mo'ng balikan pero ikaw 'tong parang sira ulong ngawa ng ngawa d'yan!""Pa'no naman ako magmu-move on, e ang sakit-sakit nga! Pinipilit ko naman alisin siya sa sistema ko, pero ang hirap gawin! Pesteng lalakeng 'yon!" Hagulgol niya."Peste nga 'yon! Buruin mo, lokohin ka ba naman! Ang mabuti pa, iinom na lang
Naglalaro sa may hardin ang siyam na taong gulang na si Lucas. Nagtulog-tulugan siya upang makatakas sa kan'yang yaya. Nang masiguradong tahimik na at tulog na ang lahat ay bumaba sa hardin ang batang si Lucas.Ewan ba niya kung bakit hindi siya makatulog kaya naman, nagpasya siyang maglaro sa may hardin dala ang kan'yang robot na laruan.Maya-maya pa ay may narinig na ugong mula sa isang sasakyan si Lucas. Alam niyang ang madrasta na niya iyon kaya naman dali-dali itong nagtago sa mayayabong na halaman habang nakasilip sa papasok na kotse.Nang makapagparada sa garahe ay nakita niya ang kan'yang madrasta na palinga-linga sa paligid bago mabilisang bumaba ng kotse. Dumeretso ito sa passenger seat upang siguro ay may gamit na ibababa ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ni Lucas ng ibaba nito ang isang batang babae.Nagulat pa siya ng makita ang tulog na mala-anghel na mukha na karga-karga ng kan'yang madrasta. Tingin niya ay mas bata ito sa kan'ya ng dalawang taon. Kahit sa murang ed
Kahit sa murang edad ng batang si Lucas ay naisip niyang dalhan ng pagkain si Kelsey sa basement. Marami siyang dinala upang hindi magutuman ang bagong kakilala na si Kelsey.Kahit sa nurang edad ay alam niyang ikinulong ito doon ng kan'yang madrasta. At alam din niyang malalagot siya kapag nalaman ng madrasta niya na pinupuntahan niya ang batang si Kelsey ngunit ipinagsawalang bahala niya ito.Nais niyang matulungan si Kelsey sa abot ng kan'yang makakaya. Ayaw niyang pati ito ay mabugbog katulad ng ginagawa sa kan'ya ng kan'yang madrasta.Nang babaan niya ito ay nakasiksik lang ito sa gilid ng kama, wari mo ay takot na takot. Nilapitan niya ito at inalo na wari mo isang binata na marunong magpawi ng takot sa batang si Kelsey. "Dinalhan kita ng mga pwede mong kainin para hindi ka magutom," Malambing niyang wika.Ipinakita nito ang mga supot ng iba't-ibang brand ng mga chocolate, biscuits at cupcake. Dahil sa gutom ay hindi na nag-atubiling kuhanin ni Kelsey ang inaalok sa kan'ya. Ag
Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka
Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang
Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la
Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin