Share

CHAPTER 51

JOYCE ANNE

Pagka-alis ng mga magulang ni Jake ay agad ko siyang hinarap.

"Sumunod ka sa akin," sabi ko sa kaniya sabay tungo ko sa kuwarto na ginawa kong opisina upang gawin ang ibang trabaho na hindi ako naiistorbo.

Hinarap ko ito ng pagalit at ipinakita ko sa kaniya na hindi ako natutuwa sa kaniyang ginawa.

"Now tell me... ano ang lahat ng iyon Jake? Pinangungunahan mo ba ako sa aking anak?" tanong ko agad sa kaniya na agad naman itong huminga ng maayos bago ako tiningnan ng deretso.

"Wala akong alam sa nangyari ngayon. Kahit ako nagulat na bigla na lang dumating sila mama dito sa Pilipinas para lang makita si Jonas. At oo... sinabi ko sa kanila na nabuntis kita," sabi nito.

"Nabuntis mo ako? At kailan ko pa nasabi sa'yo na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko? Masyado ka naman atang kampante sa mga sinasabi mo?" sabi ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagngiti nito ng pailalim saka itong muling tumingin sa akin.

"Bakit ko sinasabing ako ang ama ng pinagbubuntis mo? Bakit nga ba Joyce? Bakit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status