JOYCE ANNE Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako sapagkat ang mukha kaagad ni Jake ang aking nabungaran at agad na lumapit ito ng makita niya ako agad. Hinawakan niya ang aking pisngi maging ang gilid ng aking labi kung saan naroon ang sugat. "A...anong ginagawa mo dito? Hindi ba't may meeting ka kamo?" sabi ko sa kaniya. "Bakit mo hinayaang saktan ka ni Steff?" agad nitong tanong. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala na humaplos sa aking dibdib. Hinawi ko ang kaniyang kamay at umiwas ako ng tingin dito dahil baka matalo ako ng aking damdamin sa pinakikita ni Jake. "Okay lang ako huwag mo akong intindihin," sabi ko na lamang sabay lampas ko sa kaniya. "Hindi ako makakapayag na hanggang ngayon ay tratuhin kang gan'yan ni Steff," habol na salita ni Jake sa akin. "Bakit? Ano bang magagawa mo para pigilan ang obsession ng iyong Ex?" sabi ko sa kaniya. "Ex? Hindi ko alam na Ex ko na pala si Steff? Sa pagkakaalam ko ang naging Ex ko ay iyong dati pa," nakangiting sagot niya s
JOYCE ANNEPagka-alis ng mga magulang ni Jake ay agad ko siyang hinarap. "Sumunod ka sa akin," sabi ko sa kaniya sabay tungo ko sa kuwarto na ginawa kong opisina upang gawin ang ibang trabaho na hindi ako naiistorbo.Hinarap ko ito ng pagalit at ipinakita ko sa kaniya na hindi ako natutuwa sa kaniyang ginawa."Now tell me... ano ang lahat ng iyon Jake? Pinangungunahan mo ba ako sa aking anak?" tanong ko agad sa kaniya na agad naman itong huminga ng maayos bago ako tiningnan ng deretso."Wala akong alam sa nangyari ngayon. Kahit ako nagulat na bigla na lang dumating sila mama dito sa Pilipinas para lang makita si Jonas. At oo... sinabi ko sa kanila na nabuntis kita," sabi nito."Nabuntis mo ako? At kailan ko pa nasabi sa'yo na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko? Masyado ka naman atang kampante sa mga sinasabi mo?" sabi ko sa kaniya.Nakita ko ang pagngiti nito ng pailalim saka itong muling tumingin sa akin."Bakit ko sinasabing ako ang ama ng pinagbubuntis mo? Bakit nga ba Joyce? Bakit
JAKE ANDREWNakita kong nakatingin si Joyce sa kamay ni Steff kaya naman ng pasara na ang pinto ng elevator ay agad kong pinindot ang buttom na OPEN gamit ang kamay ko kung saan nakahawak si Steff."Ano pang ginagawa mo? Tatayo ka lang ba diyan?" salita ko kay Joyce. Ewan ko pero parang nagulat ko pa ito saglit sa aking sinabi. Mabilis itong pumasok at sa likuran namin siya pumwesto. Nasa 16th floor kami at lumabas si Joyce ng 15 floor. "Totoo ba ang nasa page ng celebrity news?" biglang salita ni Steff sa akin."Oo," mabilis kong sagot. Naramdaman ko ang paghawak ni Steff muli sa aking braso kaya naman agad ko itong tinanggal."Steff, ilang beses na kitang sinabihan na huwag mo iyan gagawin lalo na't wala tayong relasyon. Ayaw kong mag isip ang lahat ng empleyado ko na meron tayong relasyon," salita ko sa kaniya. Alam ni Steff iyon dahil maraming beses ko na iyon sinabi. Kaya naman sumimangot ito sa aking sinabi.Pagbukas ng pinto ay nauna akong lumabas kasunod si Steff maging si
JOYCE ANNETinawagan ko si Katrina na gagabihin ako sa pag-uwi dahil sa konting salo salo ng aking mga katrabaho. Binilinan ko itong huwag pabayaan ang kaniyang pamangkin at kapag tinanong nga ako ay sabihin kung ano ang sinabi ko. Buti na lamang at naisip kong palipatin sa aking bahay sina Katrina at tiya upang magkaroon naman ng buhay ang aking bahay at hindi ma bored si Jonas.Sabay sabay kaming nakarating sa restaurant na ni reserved ni Tyron. Dalawang mahabang mesa ang ibinigay sa amin ng crew. Napahanga ako sapagkat isa itong open area na tanaw ang paligid ng restaurant. Maganda ang location at tantiya ko ay kilalang unlimited samyup ang restaurant sapagkat marami ang costumer na andito."Andito rin kayo?" isang pamilyar na boses ang aking narinig. Sabay sabay na nagsipagtayuan ang aking mga kasama upang batiin ito. Kaya naman napatayo na rin ako at lumingon sa aking likuran."Sir Jake! Ano pong ginagawa ninyo sa lugar na ganito?" ani ni Tyron sa aking tabi."May ka meeting lang
JOYCE ANNEPagpasok ko ng Marketing Department nagtaka ako kung bakit lahat ng kasama ko ay mga nakatayo sa kanilang gilid ng mesa at puros sila nakayuko. "So you are here now?" ani ng pamilyar na boses na aking ikinalingon.Si Stephanie nakasandal sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip ang kaniyang mga braso na nakangiting nakatingin sa akin. "Ma'm, kapalit po ng head natin," bulong sa akin ng aking ka team.Deretso akong nagtungo sa aking mesa at inilapag roon ang aking gamit na dala."Hindi mo ba ako babatiin?" ani nito."Good morning," sarcasm kong pagbati pero hindi ko ito pinag-ukulan ng pansin."Lahat sila ay magalang na binati ako bakit parang ang bastos mo," sabi nito.Ngumiti ako ng mapakla bago ko siya tiningnan ng deretso.."Hello ma'm... good morning po," sabi ko sabay pilit akong ngumiti at nag bow sa kaniya na labis nitong ikinatuwa."Okay guy's! For now on lahat ng mga projects na ipe-present ninyo ay dadaan muna sa akin," ani nito sa kanila."We will ma'm," sabi k
JAKE ANDREW"Why you closed your eyes?" takang tanong ko kay Joyce ng pumikit ito at animo'y may inaantay. Napangiti ako ng maisip ko bigla ang isang bagay na noon ko pa nais."Ha?" ani nito ng mapadilat.Isang dangkal lamang ang layo ng mukha ko sa mukha niya."Inaantay mo ba na halikan kita?" ngiting tanong ko sa kaniya sabay tingin ko sa kaniyang mapang akit na labi.Bigla ay itinulak niya ako ng sabihin ko iyon."Do you fantasize that I'm kissing you now?" biro kong tanong kay Joyce na biglang namula ang magkabila niyang pisngi."Sir! Kung wala ka namang importanteng sasabihin aalis na ako," aniya sabay talikod nito sa akin. Pero sadyang mabilis ang aking pagkilos upang harangin ko ito sa kaniyang paglabas."No! Gusto kong maging malinaw ang lahat sa pagitan nating dalawa. Gusto kong malaman kung ang lahat ng sinabi mo noong nakaraang gabi ay totoo?" tanong ko sa kaniya."Ano ba ang sinabi ko sa'yo na hindi ko naman natatandaan?" kunot noong tanong nito. Kanina pa ako naiinis sa
JOYCE ANNEIlang araw ang lumipas ay napansin kong hindi nagpupunta si Jake sa aming bahay upang dalawin niya si Jonas. At nagtataka ako kung bakit hindi naman ito hinahanap ni Jonas. Maging si Loi ay hindi ko nakikita kaya naman agad kong tinawagan si Mystica upang alamin kung na saan ito."Anong nakain mo at bigla bigla mo akong tinawagan ha? At kailan mo kaya ako dadalawin hindi puro yung lagi na lang kita nakaka text? Nabuburyo na ako dito besh! Baka naman..." bungad na salita agad sa akin ni Misty."Napaka daldal mo talaga. Hindi ako makasingit ah! Sige mamaya labas tayo pag out ko dito. Manood tayo ng sine at kumain sa paborito nating restaurant. Okay na ba? Payagan ka kaya ng mahal mong asawa na si Mr. Loi?""Wala dito si Loi. Hindi mo ba alam na mayron silang meeting outside the country? Limang araw sila roon," "Saang bansa sila nagpunta," "Sa US tapos sabi ni Loi dederetso sila ng Singapore kasi may kakausapin pa daw silang tao dun," Kaya pala hindi ko ito nakikita dahil u
JAKE ANDREW"Umuwi ka na Loi, magpapahinga lang ako at mawawala rin itong lagnat ko mamaya," sabi ko kay Loi na nakatayo sa gilid ko. Sa mga oras no'n ay nakahiga ako sa sofa."Sir lumipat po kaya kayo sa inyong kuwarto," ani ni Loi."Don't worry Loi lilipat din ako roon maya maya. For now umuwi ka muna sa Misis mo at nakainom naman na ako ng gamot," sabi kong muli."Are you sure na hindi n'yo na po ako kailangan?" muling tanong ni Loi na tinanguan ko bago ako pumikit. Hindi ko na naramdaman ang pag-alis ni Loi dahil sa nakatulog ako agad. Epekto marahil ng gamot na ininom ko.Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking noo. Hinawakan ko agad kung ano ba iyon. Isang basang towel pala ang nakapatong.Pero sino ang may gawa?Ilang oras ba akong nakatulog at hindi ko man lang naramdaman na may taong tumitingin sa akin?Marahil ay nagbalik si Loi o baka naman hindi ito umalis at binabantayan niya ako.Hindi na masakit at mabigat ang aking ulo ng maupo ako. Hawak ko ngayon ang bas