46"Maligayang kaarawan, Anton!" Masayang bati ko. Ngunit agad din nawala ang ngiti sa labi ko nang makita siyang wala manlang reaksiyon. Halata sa mukha niya ang lungkot. "Bakit? May problema ba?" Umiling lang siya. Ni hindi siya kumibo. Kanina pa siya ganiyan. Kanina pa siya walang kibo at tanging pagtitig lang ang ginagawa. Ano bang problema niya? Dapat ay masaya siya dahil kaarawan niya ngayon. Ngunit bakit malungkot siya? "Huwag ka nang malungkot." Nakangiting saad ko. "Birthday mo pa naman tapos ganiyan ka—" "Birthday ko na nga po tapos wala ka pa." Natigilan ako. Bakas sa tono niya ang lungkot. "Ate, birthday ko na po pero wala ka pa rin. Kailan ka ba babalik dito?" Natigilan ako at napatitig lang sa kaniya. Hindi ko alam paano siya sasagutin. Nakita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya. Sumakit ang dibdib ko. "Sabi mo noon, mabilis ka lang diyan," humihikbing saad niya. "E, bakit birthday ko na wala ka pa rin? Bakit hindi ka pa rin nakakabalik? Ate, miss na kita, e."
47"Ang taray, ah? Parang kahapon lang kinukwento mo palang sa akin na kayo na ni sir tapos ngayon naman pupunta tayo sa probinsiya mo? Ang bilis ng mga pangyayari ha? Hindi ko kinakaya." Natatawang saad ni Mel. "Mahal na mahal ka ni sir, ano? Kahit saan, e, sasama sa iyo. Yiee, kilig yarn." Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa panunukso niya. Umiling ako saka siya tinignan. "Nagpaalam kasi ako na pupuntahan ko ang kapatid ko sa probinsiya dahil kaarawan niya noong nakaraan. Nagtatampo na sa akin ang nakababatang kapatid ko na iyon, e. Tapos bigla nalang gustong sumama ni sir. Nagpumilit kaya hindi na ako makahindi." "Sus! Hindi mo lang matanggihan kamo. Pag-ibig nga naman." Iling na saad niya. "May kapatid ka pala? Bakit hindi ko alam? Lalaki o babae? Ilan taon na?" Tumango ako. "Lalaki, si Anton. Birthday niya no'ng nakaraan tapos nung tumawag ako, e, mukhang nagtatampo dahil nga ilang buwan na rin kaming hindi nagsasama. Nangako kasi ako na babalikan ko siya at dadalhin dit
48"Are you nervous?"Nilingon ko ang katabing si sir nang tanungin niya ako. Kanina ko pa dama ang kaba at pagka-miss sa kapatid ko ngunit hindi ko iyon mailabas. Ayoko kasing isipin nila na nagpapaawa ako lalo't nandito si Cecille na alam kong may maliit na galit sa akin. Kanina pa kami nandito sa bayan ng aming probinsya. Medyo masikip ang daan at maraming tao kaya hirap si Joshua na papasukin sa mismong lugar namin.Hindi ko naman maiwasan na kabahan sa magiging reaksiyon nila Tiyang at Anton. Alam kong miss na nila ako ngunit kinakabahan pa rin ako dahil sa tampo sa akin ni Anton. Nabalik ako sa sarili at napatingin kay sir nang maramdaman ko ang palad niya sa pisnge ko."We're almost there, okay? Don't be nervous. I'm sure they missed you, too."Ngumiti ako ng maliit. Alam ko naman iyon. Nakasisiguro akong miss na nila ako katulad nang pagkamiss ko sa kanila. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan."Jossa, saan tayo liliko?" Napatingin ako sa kung nasaan si Joshua. Lu
49Iginaya ko si Anton papasok ng van kung saan kami nakaupo kanina ni sir. Binuksan ko ang pinto ang bumungad sa amin ang mga mukha nilang pinagmamasdan kami. Ngumiti ako saka inakbayan si Anton dahilan para tumingala sa akin ang kapatid ko. "Heto pala si Anton, ang kapatid ko." Pagpapakilala ko bago tinignan si Anton. "Anton, sila ang mga kasama ko sa trabaho. Ang kausap mo kanina ay si Josh at ang nasa katabi niya ay si Cecille." Tinuro ko silang dalawa bago lumipat sa hanay nila Mel. "Heto naman si Mel, katrabaho ko rin. Sila Tina at Tj, na mga inaalagaan ko na anak ng amo kong si sir Tyson." Tinuro ko ang lalaking nakatingin sa amin. "Siya si sir Tyson.""M-magandang umaga po, sir... sa inyong lahat." Nahihiyang saad ni Anton. "Ako po si Anton... kapatid ni Ate Jossa. Ikinagagalak ko po kayong makita at makilalang lahat." Dinig kong nagtanong tanong si Mel ngunit hindi ko gano'n narinig dahil kay Mel siya bumaling. "Come in," ani ni sir. "We'll go to your house na." Tumango a
50"E, tiyang, mabait naman po 'yan si sir," sabi ko. "Hindi naman po niya siguro ako sasaktan."Huminto siya sa paghalo at tinignan ako. "Paano ka nakasisiguro? Kilalang-kilala mo na ba 'yan? Saka hindi ba't parang ang bilis naman ata niyong mahulog sa isa't isa."Natahimik ako at pinakinggan siya. Napasimangot ako habang tinitignan siya."May asawa kamo?" tanong niya.Tumango ako. "Patay na po.""O, e, hindi ba't parang ang bilis naman yata niyang makalimot?" Nagtatakang sabi niya."Pero, tiyang, sigurado naman po ako na mahal ko siya," ani ko. "Atsaka wala naman po iyon sa tagal ng pagsasama, hindi ba?""Oo nga," tango-tangong sabi niya. "Mahal mo? Mahal ka bang tunay?"Natahimik na naman.Huminag siya ng malalim at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko. "Huwag mong masamain ang mga sinasabi ko, Jossa, ha? Gusto ko lang ay mapabuti ka. O, sige, kung ngayon ay ayos kayo, okay lang. Magpakasaya kayo. Nandito lang ako at susuportahan kita kung anoman iyan.""Salamat, tiyang."
51Magkasama kaming apat nina Tina, Tj at sir sa isang kwarto habang nasa katabing kwarto naman namin sila Mel, Joshua at Cecille. Gusto ko ngang sumama sa kanila ngunit hindi naman ako pinayagan ni sir."Sir, kina Mel nalang ako sasama." Pagpupumilit ko. Nakapasok na kami ng kwarto. Ang dalawang bata ay nakaupo sa may sofa habang kami ni sir ay nag-aayos dito sa may kwarto nila. May dalawa kasing kwarto itong kwarto. Para raw kina Tj at Tina ang isa habang ang isa ay para sa 'ming dalawa. "I told you we're sleeping together. There's no problem with that, darling." Sabi niya na hindi ako binabalingan. "We're just going to sleep, nothing else. If you're thinking that we'll doing that then... I promise we will not." "Pero kasi..." Nangapa ako ng sasabihin. "Nahihiya lang ako. Sila Mel, Cecille at Joshua nasa kabilang kwarto habang ako ay nandito kasama kayo. Hindi ba't parang hindi tama iyon?" "What's wrong with that?" Tinignan niya ako. "You're my darling, of course, you'll be here
52UNKNOWN'S POV:Pagkasara ko ng pinto ng sasakyan ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa may maliit na bag na dala saka tinawagan si Ma'am Ana."Tagal naman sagutin." Inip na sabi ko nang mag-ring lang at walang sumagot.Sinubukan ko ulit ng isa pang beses at sa wakas ay sinagot din niya."Gabi na, ano pang kailangan mo? Hindi ba pwedeng ipabukas 'yan?""No, ma'am. Importante 'to." Sabi ko. Sinilip ko ang labas ng sasakyan at nang makitang hindi sila sumunod sa akin. "What's is it? Make sure na hindi masasayang ang oras ko rito—"I cut her off. Daming daldal, ayaw nalang makinig sa akin. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, hindi ko siya suusndin. Kainis! Siya pa ang masungit, siya na nga lang ang ina-update. Pag hindi ina-update magagagalit. Ang gulo rin. "Nasa probinsiya kami ni Jossa." Mabilis na sabi ko. Saglit siyang natiglan. "Ano kamo?" Napairap ako. Bingi naman. "Nasa probinsiya kami ni Jossa kasama si sir at ang mga anak niya." "What?!" Nilayo ko sa tenga ang cellph
53TYSON'S POV:I ran as fast as I can to reach the parking lot of this hotel. There's only one thing in my mind and it's Jossa. I am worried. I am confused. I am wonderin what's happening. Like Mel and Tina said, she passed out? How come? What happened? Is there anything happened without me knowing about it? I just slept for hours and then I woke up with this?Mabilis kong tinakbo ang parking lot at agad na pinatunog ang sasakyan saka sumakay. Hindi na ako nag-alinlangan pa na paandar ito saka tumungo sa bahay ng tita ni Jossa. I'm mad at the same time I'm worried. What the heck happened?!Sinubukan kong ikalma ang sarili but I can't. How the hell I can calm myself with the thought of what happened?!Halos paliparin ko na ang sasakyan ko patungo sa kung nasaan ang bahay ng tita ni Jossa. Hindi ko inayos ang pagka-park ng sasakyan, basta ko nalang itong itinabi at saka lumabas. Tumakbo ako papasok ng bahay nila at nagkakatang naglibot ng tingin ng walang makitang tao."Jossa?" I calle