Tinanaw pa rin ni Jeron ang papalayong taxi na sinakyan ni Graciella at Sheila. Hindi pa rin niya lubos maisip na ora orada na nagpakasal si Graciella. Na- bad trip siya ngayong gabi na wala na siyang pag-asa sa babaeng tinatangi ng kanyang puso. Pero kung madalian ang kasal ng mga ito, malaki ang chance na maghiwalay din ang mga ito. Iyon na lang ang pinagkukunan niya ng lakas. May pag-asa pa siyang mapasakanya si Graciella. Nang lumingon siya naroon pala ang special guest ng gabi, si Menard Tristan Young. Masyadong okupado ng kanyang isip ang pag-uwi ng dalawa kaya nakalimutan niyang nasa parking area pala siya. Tumabi siya at binigyan daan ang sasakyan ni Mr. Young. Huminto ito sa kanyang tapat. “Sir Jeron,” bati sa kanya ng assistant na si Louie. Sumungaw ito sa bukas na bintana ng sasakyan.Kilala niya ang assistant ni Menard. Kalmado itong tao kahit palagi itong busy sa pagsunod sa mga utos ng boss
Hindi mawaglit sa isip ni Menard ang pigura ni Graciella. Sa totoo lang, sexy nga ito. Well-proportioned ang katawan. Malapad ang balikat at makipot ang waistline. Gusto na sana niyang tawagan ang asawa at tanungin ito kung nasaan na pero narinig ang pagbukas ng electronic door. Pumasok si Graciella bitbit ang dalawang malalaking paper bag. Hindi na ito nakasuot ng gown pero hindi pa natatatanggal ang makeup nito. Loose na tshirt at tattered jeans na ang suot nitong damit. Napansin naman ni Graciella na kararating lang din ni Menard. Suot pa kasi nito ang damit nito na pangtrabo at hindi pa nagpapalit ng pambahay. “Sorry at late na ako nakauwi. Kararating mo lang din ba?” tanong ni Graciella habang nilalapag sa kitchen counter ang mga dalang paper bag. Akala niya tulog na si Menard pero nadatnan pa niya ito sa sofa. Nakabukas na ang TV. Nawala naman ang k
Ilang beses na pinindot ni Menard ang remote control ng TV. Naghahanap siya ng matinong channel pero wala siyang makita. “Na-meet mo ba ang richest man of the night?” Tanong ni Menard. “Hindi. At wala akong plano na ma-meet siya. Pero, I’m curious, pareho kayo ng last name,” saad ni Graciella. “Hindi ba nakapagtataka? Nabitin ang pagpindot ni Meanrd ng remote control ng TV. Pinatay na lang niya ito lalo at wala naman siyang magustuhan na palabas. Napako ang kanyang tingin sa sariling reflection sa screen ng TV. Napatitig si Graciella sa matangos na ilong ni Menard. Sa tingin niya parang isang sculptured masterpiece ang nasa harapan niya. “Are you done staring at me?” Tanong ni Menard sa asawa. “You have a problem?” “Naisip ko since magkalapit lang ang opisina niyo at ang head office ng Young Group. Hindi kaya magkamag-anak lang din ang may-ari ng kumpanya na pinagtatrab
Kaya kumuha siya ng jacket sa kanyang silid at lalabas na sana para bumili ng cold cream sa baba ng building. “Where are you going? It’s past midnight,” sita ni Menard kay Graciella. “Wala na akong cold cream. Hindi ako pwede matulog na hindi nagtatanggal ng makeup,” sagot ni Graciella. “Delikado para sa isang babae na lumabas disoras na ng gabi,” ani Menard. “Diyan lang naman sa baba. At saka may security guard naman itong building,” rason pa rin ni Graciella. “I insist. Don’t go out. I will handle it,” saad ni Menard. “Bababa ka para bumili?” Gilalas na tanong ni Graciella. “No. We can let someone buy it for you. Merong apps na pwede ka magpabili sa kanila and they can deliver it to your doorsteps,” ani Menard. “Kumunot ang noo ni Graciella. “Sa ganitong oras? May mga rider pa ba na available para mag-deliver?” Nagtataka niyang
Chapter 31: I Have a Friend “Ang sabi ko, gwapo ka. Kung ikukumpara sa mga nireto ng tiyang sa akin, pang artista ang itsura mo,” saad ni Graciella. Habang tinitigan nga si Menard mas lalo niyang nasabi sa sarili na maswerte siya kahit ‘di sila magka-level ni Menard, siya ang pinakasalan nito. Marami sigurong nagkagusto sa asawa pero ang siya ang mapalad na pinili. “Mr. Young, ang sinasabi ko mismatched tayo when it comes to physical attributes. Kahit gaano ko isipin, you are too good to be true para lang mag-settle sa isang katulad ko.” “Why? What’s wrong with you? May criminal record ka ba? Have you ever been involved with prostitution? Illegal gambling? I don’t like it when you belittle yourself, Graciella.” Naumid ang dila ni Graciella sa mga sinabi ni Menard. Kahit isa walang tumugma sa hinala ni Menard. Naningkit ang mata ni Menard. He realized it is actually her pointing out ther
Nagkukumahog siyang pumunta sa kusina. Para siyang simbilis ng kidlat na nagpakulo ng itlog at isang minuto lang, tapos na iyon. “Inumin mo ito.” Inabot niya kay Menard ang isang mangkok na may pinakuluan itlog. Atubili sanang tatanggapin ang bigay ni Graciella. But Menard has no choice. The taste wasn’t that pleasant or bad either. “Ito ang secret ko kaya hindi ako nalilipasan ng gutom,” pagmamalaki ni Garciella. Ngayon lang nakatikim si Menard ng ganun. Palabas na siya nang inabot pa sa kanya ang isang pirasong mangga. “Kainin mo ito mamaya para hindi ka magutom.” Hindi man lang umimik si Menard at umalis na. Habang nasa elevator, tinitigan ang mangga na bigay ng asawa. His heart feels warm knowing that someone cares for him. Nasanay siyang mamuhay nba siya lang. His employees serve him but it feels different when your wife serves you. It’s their first weekend together. And it’s not that bad. Pagbaba niya, nakaabang na ang sasakyan
“Sigurado ako, marami ang laman ng ATm ng asawa mo. Maganda naman ang trabaho niya, di ba? At saka bakit ka ba nagdadamot sa amin? Gusto mo ba palaging sumakit ang tiyan namin dahil lagi kami kakain ng tira tira? Kung hindi lang sira ang refrigerator, nunca akong lalapit sayo! Madamot!” Namumulang ang mukha ni Lupita habang niratratan ng sermon ang pamangkin. Pinalaki niya pala ang isang ingrata! Walang nagawa si Graciella kundi sundin ang gusto ng tiyahin. Para kasi itong aso na buntot nang buntot sa kanya. Naroon na sila sa tapat ng ATM at kita niya ang excitement sa mata ng tiyahin. Gahaman talaga! Sinalpak niya ang card sa machine at pinindot na ang password nito. Nanalangin na sana hindi umabot sa two thousand ang laman ng card. At kung sumobra man, bibili siya sa isang shopping app ng maliit na washing machine para sa mga underwear ng asawa. Hindi siya pwede magwaldas ng hindi niya pera.
Nabigla si Graciella sa hayagang pagtanggi ni Menard sa gusto ng tiyahin. Kaya nga niya ito sinenyasan para humanap ito ng paraan na tumanggi nang maayos. Hindi niya akalain na si Menard lang pala ang makapagpapatahimik ng bungangera niya na tiyahin. Napatda si Lupita sa prangka na asawa ng pamangkin. Akalain ba niyang walang preno ang bibig nito. Napangiti siya nang mapakla. “Kayo po pala ang tiyahin ni Graciella? It’s nice to meet you po,” malamig nitong saad. Magalang naman bumati si Menard pero hindi pa rin maitatago ang pagiging reserved nito. “Visitors are not allowed in the unit. The management requires an appointment three days ahead before we are allowed to accept visitors. Nakakalungkot naman at biglaan ang pagparito niyo,” paliwanag ni Menard. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Graciella. Knowing her aunt, alam niyang puputaktihin siya nit
“ I don’t want to listen to what you are saying. Your mother promised me that we are officially dating,” pagmamatigas pa rin ni Alyanna. “At sino naman ang babaeng gusto mo maliban sa akin. Mas maganda ba siya sa akin o mas mayaman man lang?” Inisa-isang alalahanin ni Alyanna kung sino sa mga dalagang kakilala niya kung sino ang posibleng karibal niya pero wala siyang maalala na singganda man lang niya. Dalawang linggo lang siyang nawala at may ibang babae na pala ang umaaligid sa Menard niya? “Inakit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tanong pa rin niya kay Menard na tiim pa rin ang bibig. “Sabihin mo sa akin para alam ko.” Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng gusto ni Menard, gusto niya itong durugin sa kanyang mga kamay. Siya lang ang may karapatang gustuhin at mahalin ng isang Menard Tristan Young. Alam na ng mga kamag-anak niya na gusto niya si Menard. Kahit ang mga nasa lipunan na ginagalawan nila alam na para sa kanya lang si Menard. Kilala si Alyann
Umarko ang kilay ni Alyanna. Hindi siya sanay na pinagsasabihan, lalo na ‘pag galing kay Menard. Disappointed ito sa paglala ng trato ng hinahangaang lalaki. Siya si Alyanna Alferez, ang apple of the eye ng kanilang angkan na kung sitahin ni Menard ay para lang isang alipin. “You don’t have to make me feel as if I have a communicable disease, Menard,” sita nito kay Menard. Umasim ang mukha at may hinugot sa kanyang luxury bag. “May regalo nga pala ako para sayo,” aniya sabay abot ng isang red box. Napabuga ng hangin si Menard. Alyanna is ten times persistent than his wife. “Wala tayong relasyon para bigyan mo ako ng kung anong regalo.” Hindi man lang niya tiningnan ang box na hawak ni Alyanna. “Huwag mong gagawin ang mga bagay na dapat ang gumagawa. You look so desperate by giving me things.” “Whoah, is that you, Menard Tristan Young? Nawala lang ako sandali, you mastered Tagalog as if it’s your mother tongue,” pansin ni Alyanna. Hindi siya makapaniwala na bihasa
“Mas mabuti na kayo na ang maghugas ng kawalai na ‘yan. Masyadong madikit ang siomai na niluto ng asawa ko kagabi,” saad naman ni Menard sa mga tauhan. Nag-uunahan ang mga tauhan ni Menard na humagilap kung ano ang gagawin. Si Alberto ang naghugas ng mga hugasin sa lababo. Ang ilan naman, mas pinili na magwalis at iayos ang ilang kasangkapan sa kusina. Wala pang sampung minuto, nagawa na nila ang lahat ng kailangan gawin. Pina-check pa ni Alberto ang mga kawali. Alam naman niya na maselan ang amo kaya hindi na siya nagdalawang -isip na patingnan muna ito. “We are done here. Let’s go.” Tumalima ang mga tauhan at umalis na nga sila sa unit ng mag-asawa. Todo alalay naman ang mga bodyguard habang palabas sila ng condo building. Alerto sila lalo at ayaw ng amo ni na mabisto ang pagkakakilanlan nito. Sumakay muna sila ng mini van at saka bumaba kung saan naka-park ang kanilang sasakyan. “Ano ang mga gagawin natin today?” tanong ni Menard kay Louie.
Hindi na alam ni Menard kung ano ang sasabihin. Bakit kailangan nila magtipid sa lahat ng bayarin? Kung tutuusin, siya naman ang magbabayad ng mga bills nila. As a man, it’s his responsibility to provide for his wife. “Just turn on the air conditioner. I pay the bills so you don’t have to worry.” Halos nagsalpukan ang kilay ni Graciella. “Mr. Young, hindi naman dahil willing ka magbayad, aabusuhin ko na ang generosity mo.” Women! Hindi na umimik si Menard. His wife can do whatever she wants to do. Makulit ito at ayaw niyang makipagtalo. Yumuko na lang siya at nag-scroll sa kanyang cellphone. At ang tiyan ni Menard ay nag-alburuto. Dagling nahawakan nito ang tumunog na tiyan. Halos lumubog siya sa kinauupuan. Dinig sa buong living room ang tunog na nilikha ng kanyang tiyan. “Huwag ka ng mahiya, Mr. Young. Alam ko na gutom ka. Gusto mo na ipagluto din kita ng instant noodles?” urirat muli ni Graciella sa asawa. “I said, I’m not hungry. Bingi ka
Mataktikang tumakas si Sheila nang makita na may binaba na pasahero sa parking pace ng Camilla Cafe. Kumaway lang ito sa mag-asawa bago sumakay sa taxi. Sa bukana ng Camilla Cafe nagkaharap ang mag-asawa. Parehong asiwa sa presensya ng isa’t isa. “Anong ginagawa mo rito? Bakit alam mo na narito ako at sinamahan si Sheila sa date niya?” sunod-sunod na tanong ni Graciella kay Menard. Natigilan si Menard at binubuo sa isip ang isasagot sa asawa. Lagot talaga sa kanya ang sira ulo niyang pinsan. Trent and his antics really gets him in trouble! “Napadaan lang,” rason nito. Napailing si Graciella. Ayaw maniwala ng gut instinct niya. Bilang babae, alam niyang may nakapagsabi sa asawa kung saan siya kaya napasugod si Menard kung saan siya naroon ngayon. Naalala na nagkita nga pala siya ni Trent kanina lang sa parking space. Akalain ba niyang magsusumbong ito sa asawa niya. “Huwag mo ibahin ang topic,” malamig na sabi ni Menard. Lumapit siya kay G
“Hello,” bati ni Wilbert kay Menard. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang lalaki. Napako ang kanyang mata sa asawa na tila isang daga na nasukol ng isang pusa. Gusto sana niyang itanong kay Graciella kung ano ang mga sinabi nito patungkol sa kanya kanina. Pagkarating pa lang niya kanina sa Camilla Cafe, ang minivan na ni Graciella ang una niyang nakita. Dagdag pa na nasa tabi ito ng glass window nakaupo at panay ngiti sa kausap. Feeling ni Menard, pinagtataksilan siya ni Graciella. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin ng asawa sa unit nila. And now he can clearly see that she had wide array of emotions when it comes to other men. They might be in a trial marriage but he can’t tolerate this kind of behavior! Hindi lubos maisip ni Menard na ang baba pala ng taste ng asawa pagdating sa mga lalaki. Mas hamak naman siyang gwapo sa ka-date nito. Hindi kaya kailangan na niyang dalhin sa espesyalista sa mata ang asawa lalo at mukhang malabo
Tumikhim si Sheila. “Excuse me, kailangan ko lang pumunta ng bathroom,” paalam ni Sheila. Tumayo na si Sheila. Hindi siya komportable lalo at nag-uumpisa na siyang mainis kay Wilbert Fulgencio. Kung hindi lang kabastusan ay baka kanina pa niya sinuntok ang bunganga nito. Alam naman ni Sheila na presko itong tao. Napansin na niya iyon noong una niya itong makilala nang na-introduce ito sa kanya ng mga magulang niya. Kung ihahambing niya ang kayabangan nito, tatalunin ang signal number four na bagyo sa lakas ng hangin nito. Buti sana kung binata ito at may karapatan itong magyabang! Naiinis siya lalo at gusto ng mga magulang niya na pakasalan niya ang lalaki. Ngayon pa lang naiisip na niyang magiging miserable ang buhay sa piling nito. “Ang yabang yabang, gurang naman tapos taksil pa!” reklamo ni Sheila habang naghuhugas ng kamay sa bathroom. Tiningnan niya ang sariling repleksyon at isang ideya ang naisip. Hinugot ang kanyang cellphone at nagtipa ng message
Pumasok na ang dalawa sa Camilla Cafe. At gaya ng inaasahan, naghuhumiyaw ang karangyaan sa loob ng nasabing cafe. Nagkalat ang mga babaeng suot ang mga branded na damit. Kasama ng mga ito ang mga ka-date. “Iba yata ang napuntahan natin,” nag-aalangan na saad ni Graciella. Nahihiya siya lalo at wala sa tamang dress code ang suot niya. “Ito pa rin ang Camilla Cafe. Bago nga lang ang management lalo at si Wilbert na ang Manager dito. Patapos na ang shift niya kaya mamaya andito na ‘yon.” Nagtataka si Graciella, kung maraming negosyo ang ka-date ng kaibigan, bakit manager lang ito sa nasabing cafe? Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng cafe. Wala na ang bakas ng alaala ng mga panahon na dinadala sila ni Jeron doon. “Masaya pala magkaroon ng minivan ano? Na-enjoy ako sa rides natin,” pansin ni Sheila. “Magkano ba ang bili mo at baka bumili na rin ako.” “Nasa sixty five thousand din.” Napatango si Sheila. May lumapit sa kanila na isang waiter at ma
“Si Kuya Tristan mo nag-asawa? I didn’t expect that your ice prince of a cousin will get married,” komento ng kaibigan ni Trent. “Louder, so that everyone will hear!” sita ni Trent. “Huwag na huwag mong sasabihin sa circle of friends natin. Konti lang ang nakakaalam at ayaw ipaalam ni Kuya Tristan na nag-asawa na siya.” “His reasons?” Naguguluhang tanong pa rin ng kaibigan ni Trent. “I ain’t that powerful to ask the mighty Menard Tristan Young. Teka, bakit ang dami mong tanong?” Kahit naman si Trent gusto usisain ang pinsan. Pero, wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Knowing his cousin, alam niyang wala pa ring ganap sa sex life nito lalo at napakalamig nga ng pakikitungo nito sa asawa. Baka pumuti na lang ang uwak kung ang pinsan niya ang gagawa ng initiative para magkaroon ng ganap ang buhay mag-asawa ng dalawa. Pero naisip niya na magandang gayahin ang ginawa ng pinsan. Hahanap siya ng babaeng makakasundo niya at magpapakasal sila. Mas mabu