Chapter 31: I Have a Friend “Ang sabi ko, gwapo ka. Kung ikukumpara sa mga nireto ng tiyang sa akin, pang artista ang itsura mo,” saad ni Graciella. Habang tinitigan nga si Menard mas lalo niyang nasabi sa sarili na maswerte siya kahit ‘di sila magka-level ni Menard, siya ang pinakasalan nito. Marami sigurong nagkagusto sa asawa pero ang siya ang mapalad na pinili. “Mr. Young, ang sinasabi ko mismatched tayo when it comes to physical attributes. Kahit gaano ko isipin, you are too good to be true para lang mag-settle sa isang katulad ko.” “Why? What’s wrong with you? May criminal record ka ba? Have you ever been involved with prostitution? Illegal gambling? I don’t like it when you belittle yourself, Graciella.” Naumid ang dila ni Graciella sa mga sinabi ni Menard. Kahit isa walang tumugma sa hinala ni Menard. Naningkit ang mata ni Menard. He realized it is actually her pointing out ther
Nagkukumahog siyang pumunta sa kusina. Para siyang simbilis ng kidlat na nagpakulo ng itlog at isang minuto lang, tapos na iyon. “Inumin mo ito.” Inabot niya kay Menard ang isang mangkok na may pinakuluan itlog. Atubili sanang tatanggapin ang bigay ni Graciella. But Menard has no choice. The taste wasn’t that pleasant or bad either. “Ito ang secret ko kaya hindi ako nalilipasan ng gutom,” pagmamalaki ni Garciella. Ngayon lang nakatikim si Menard ng ganun. Palabas na siya nang inabot pa sa kanya ang isang pirasong mangga. “Kainin mo ito mamaya para hindi ka magutom.” Hindi man lang umimik si Menard at umalis na. Habang nasa elevator, tinitigan ang mangga na bigay ng asawa. His heart feels warm knowing that someone cares for him. Nasanay siyang mamuhay nba siya lang. His employees serve him but it feels different when your wife serves you. It’s their first weekend together. And it’s not that bad. Pagbaba niya, nakaabang na ang sasakyan
“Sigurado ako, marami ang laman ng ATm ng asawa mo. Maganda naman ang trabaho niya, di ba? At saka bakit ka ba nagdadamot sa amin? Gusto mo ba palaging sumakit ang tiyan namin dahil lagi kami kakain ng tira tira? Kung hindi lang sira ang refrigerator, nunca akong lalapit sayo! Madamot!” Namumulang ang mukha ni Lupita habang niratratan ng sermon ang pamangkin. Pinalaki niya pala ang isang ingrata! Walang nagawa si Graciella kundi sundin ang gusto ng tiyahin. Para kasi itong aso na buntot nang buntot sa kanya. Naroon na sila sa tapat ng ATM at kita niya ang excitement sa mata ng tiyahin. Gahaman talaga! Sinalpak niya ang card sa machine at pinindot na ang password nito. Nanalangin na sana hindi umabot sa two thousand ang laman ng card. At kung sumobra man, bibili siya sa isang shopping app ng maliit na washing machine para sa mga underwear ng asawa. Hindi siya pwede magwaldas ng hindi niya pera.
Nabigla si Graciella sa hayagang pagtanggi ni Menard sa gusto ng tiyahin. Kaya nga niya ito sinenyasan para humanap ito ng paraan na tumanggi nang maayos. Hindi niya akalain na si Menard lang pala ang makapagpapatahimik ng bungangera niya na tiyahin. Napatda si Lupita sa prangka na asawa ng pamangkin. Akalain ba niyang walang preno ang bibig nito. Napangiti siya nang mapakla. “Kayo po pala ang tiyahin ni Graciella? It’s nice to meet you po,” malamig nitong saad. Magalang naman bumati si Menard pero hindi pa rin maitatago ang pagiging reserved nito. “Visitors are not allowed in the unit. The management requires an appointment three days ahead before we are allowed to accept visitors. Nakakalungkot naman at biglaan ang pagparito niyo,” paliwanag ni Menard. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Graciella. Knowing her aunt, alam niyang puputaktihin siya nit
“It’s not what you think about. It’s my advance salary for two years,” paliwanag ni Menard. Sana lang maniwala sa kanya ang makulit niyang asawa. Namilog ang mata ni Graciella. Pwede pala ‘yon? “Talaga? Hindi natatakot ang kumpanya niyo na baka bigla na lang kayo lumayas matapos bigyan ng two years advance salary?” Ang galante naman pala ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng asawa! “There’s a huge penalty when we don’t follow the contract. May fine na two million pesos plus jail time for fraud,” saad ni Menard. “Bakit kasi nag-advance ka ng pandalawantaon na sahod?” curious si Graciella. “Mag-aasawa ako ‘di ba? I need the money for downpayment for the house. But since my relatives are generous enough to offer their unit. We can save money and pay minimal rent.” Gustong palakapakan ni Menard ang sarili lalo at nakikita niyang naniwala naman ang asawa sa paliwanag niya. Hindi pa kasi time para i-reveal sa asawa ang katotohanan. Na
Menard is satisfied with the purchase. Gusto lang naman niya na hindi mapahiya ang asawa sa ibibigay nitong regalo sa pamangkin. After all, it’s for a toddler. It’s better to be safe than sorry. Lumapit sa cashier si Graciella at muling nagtanong. “Wala na ba talagang discount, miss?” “Discounted price na po kasi ito, ma’am,” sabi ng saleslady. Hindi man lang nabura ang mabini nitong ngiti sa labi. Ang mahal talaga ng bilihin sa mall! Pakiramdam ni Graciella kaya lang naman mahal ang bilihin doon dahil malaki din panigurado ang upa sa pwesto. Napangiwi siya nang marinig ang tunog ng pag-swipe ng machine sa card ni Menard. Para silang nagtapon ng pera! Inabot na ng cashier ang resibo at ang paperback kung saan sinilid nito ang binili nila na blanket. “Come again, next time, Ma’am, Sir.” “Nanghihinayang ka p
Mabilis na naglakad si Menard at nakasunod lang si Graciella. Pinagbuksan niya ng pinto ng sasakyan ang asawa bago pumunta sa driver seat. Kaagad na sinuot ni Graciella ng seatbelt. Umandar na ang sasakyan at doon lang napansin ni Graciella ang ganda ng yari ng interior ng sasakyan. Nanunuot rin sa kanyang ilong ang amoy ng air freshener. Pinaghalong vanilla at strawberry ang naamoy niya. “Bakit iba ang style ng sasakyan mo?” “Pina-customize ko para mas maganda at komportable,” sagot ni Menard habang nagmamaneho. Impressed si Graciella. Maganda talaga ang sasakyan ng asawa. Nakasakay na siya dati sa sasakyan ng kakilala niya pero di hamak na mas maganda ito. “Bagong model ba ito?” “Pinalitan lang ang mga car seat. Doon sa casa ng kaibigan ko pinagawa,” sagot ni Menard. “Parang luxury car na rin ang dating. Maganda ang combination ng kulay na napili at magaganda ang leather na ginamit sa upholstery,” pansin ni Graciella habang pinapa
“Halos isang taon?” Napayuko si Rowena. “Kailangan kong alagaan ang anak ko, ate. Palagi naman siyang hatinggabi na kung umuwi at saka isa pa, masikip sa bahay. Wala kaming privacy kung sakaling gusto namin,” nahihiyang saad ni Rowena. Napailing na lang si Graciella. Parehong bata pa ang mag-asawa. Kaya hindi normal na hindi nagtatabi matulog ang mga ito. “Ang bait mo na nga. Kailangan mong maging mas alerto baka mamaya maging totoo ang mga hinala ko kay Harry,” paalala niya. Nmumula na si Rowena sa sinabi ng pinsan pero nahagip ng mata ang magandang bag ni Graciella. “Ang ganda naman ng bag mo, ate.” “Binili namin ni Menard ngayong hapon lang,” sagot ni Graciella. Naalala ang biniling kumot para sa pamangkin. Inabot niya ang paperbag at saka binigay sa pinsan. Kinuha naman ni Rowena ang paperbag at maingat iyong binuksan. Namangha sa laman nito lalo at iyon ang gustong kulay ng anak na si Leya. Hitsura pa lang ng kumot alam na niyang ma
“Kailangan niyo magtipid para sa kinabukasan. Magastos magpakasal pero kailangan niyo pag-ipunan. Kailangan niyo pa bumili ng sasakyan at bahay bago man lang isipin na magkaroon ng anak. At saka nasaan ba ang mga magulang mo at ano ang mga trabaho nila?” Sunod sunod ang mga tanong at pangaral ni Roger sa dalawa. Gusto niyang ipakita sa mga ito na may karapatan siya na pangaralan ang dalawa lalo at siya ang mas nakatatanda. Napailing si Menard. Baka ma-stroke ang tiyuhin ng asawa kapag nalaman nito na nagkalat sa buong Pilipinas ang mga mansion nila. “May bahay naman ang pamilya ko at doon ako nakatira bago ako nag-umpisa magtrabaho,” saad ni Menard. “Dito na muna kami sa unit na ito ni Graciella ngayon na magkasama na kami.” Umarko ang kilay ni Lupita. Akala niya parehas lang sila ng sitwasyon ng nobyo ng pamangkin. “Bakit kailangan sa abroad pa manirahan ang mga magulang mo?” Tanong pa rin ni Roger. “Kailangan na rin nila magpahinga at ayaw
Nagpakilala si Harry kay Menard. “Ako pala ang bayaw ni Graciella.” Inabot ang kamay nito at malugod naman na tinanggap ni Menard. Isang simpleng hello lang ang sagot ni Menard. Inoobserbahan ang kaharap lalo at nalaman niyang ito ang nagsasabi sa asawa nito na naghihirap ang Spectron. Bumaling kay Rowena si Menard. “Ikaw pala ang pinsan ni Graciella. Rowena, right?” Nahiya si Rowena lalo at kalong ang anak na si Leya. Saglit niyang binaba ang anak para tanggapin ang nakahandang kamay ni Menard. “Hello, kuya Menard,” mahinang usal ni Rowena. Si Leya naman ay kumapit sa mga binti ni Menard. Nagtataka ang mga naroon lalo at takot lumapit sa mga tao ang bata. Pero, komportable ito kay Menard. Nagsasalita si Leya pero hindi nila maintindihan. Tila binabati nito ang matangkad na si Menard. Hindi mahilig sa bata si Menard pero magaan ang loob sa pamangkin ng asawa. Yumuko siya at may kinuha sa kanyang bulsa. Inilagay iyon sa munting kamay ni Leya. Napasi
Itinabi ni Trent ang hinuhugasan na carrots. “Ah, yan ba ate? Mga marinated na chicken wings at thighs ang mga ‘yan.” “Kailangan ko pala itong ilagay sa freezer para hindi masira.” Nagmamadali na binuksan ang supot at nilabas ang mga karne na nasa mga plastic containers. Isalansan ni Graciella ang mga iyon sa loob ng freezer. Na-impress siya nang makita na may label pa ang mga iyon kung kelan ito mag-e-expire. Halos lumuwa ang mata niya nang may makita pa siyang tomahawk steak. Ano at ang mahal ng mga cuts ng karne na dala ng pinsan ng asawa? “Binili ko ang mga ‘yan, ate nang sinabi ni kuya na pupunta ako dito,” saad ni Trent. Nakita niyang mukhang nahalata ng hipag na mamahalin ang mga ‘yon. “Don’t worry, affordable lang ang mga ‘yan since naka sale iyan nang binili ko,” paliwanag niya. “Oh, akala ko mamahalin. Naku, ang hirap kumita ng pera, Trent. Kailangan maging praktikal ka sa lahat ng bagay.” “Gusto ko lang matikman mo ang mga natikman ko na
Kinagat na lang ni Trent ang kanyang dila. Matalas nga pala ang pandinig ng kanyang pinsan at nakalimutan iyon. Bakas sa mukha ang takot na baka bigla na lang siyang sakalin ng pinsan. Napatingin si Graciella sa reaksyon ni Trent nang tumikhim ang asawa. Bumulong sa kawawang si Trent. “Ganyan ba palagi si Menard? Bakit parang pinaglihi siya sa sama ng loob?” Nakikita ni Graciella na palaging binu-bully ang asawa ang pinsan nito. Halata naman na takot nga si Trent sa asawa niya. Kumawala ang isang pilyong ngiti sa labi ni Trent. Lumapit sa hipag at gumanti ng bulong. “Oo, ate. Daig pa niya ang babaeng nag-me-menopause. Very fierce.” Kahit paano natutuwa siya na mabait at approachable ang asawa ng pinsan. Para siyang nakatagpo ng isang kapatid na babae sa katauhan nito. Si Oliver Trent Young ang pinakabata sa mgapipinsan na Young. Walong taon na mas bata ito kaysa sa kay Menard. Kaka-graduate niya lang mula sa college at ine-enjoy ang buhay. Though, isang s
Nasa loob na sila ng sasakyan ni Menard. “Don’t ever call me Mr. Young in front of my cousin. Baka magduda siya at magsumbong sa nanay ko,” sabi ni Menard. Pababa na sila ng sasakyan nang may narinig silang sigaw. “Kuya Menard!” Sumilay ang ngiti sa labi ni Trent. Gusto niyang pagtawanan ang minivan na sasakyan ng pinsan. Talagang tinodo nito ang pagpapanggap na mahirap. Kung anong amusement ang naramdaman ni Trent, siya namang disappointment ni Menard. Paano at nakasuot ng branded sportswear ang pinsan. Neon green naman na sapatos ang suot nito. Masyadong masakit sa mata ang mga suot ni Trent. Hindi nito sinunod ang gusto ni Menard. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Graciella. Mukha kasing approachable ang pinsan ng asawa. Dumungaw ito sa bintana ng sasakyan. “Kuya Menard, hipag,” bati nito sa dalawa. Natawa na lang si Graciella lalo at namaluktot ito sa pagbati sa kanilang mag-asawa. “Hello,” nahihiyang saad ni Gra
"Hello?" Menards’ voice is cold. Kinakabahan na si Trent sa kabilang linya dahil sa boses ng pinsan. “Kuya, nasa unit niyo na ba kayo? Nandito ako sa baba ng building,” saad ni Trent. Nakasimangot si Menard. He clearly said dinner. What is his younger cousin doing? It’s not barely three thirty in the afternoon! Sanay na si Menard na mabagal kumilos ang pinsan. Nilagay nito ang bilis sa maling pagkakataon. The nerve! “Kuya, naghanda ako ngayon. Hindi ka mapapahiya sa pamilya ng asawa mo,” pagmamalaki ni Trent. Needless to say, he is excited to meet his ordinary sister-in-law. May gagampanan lang naman siyang isang role. “Saan ka na kasi? May mga dala akong supply dito.” Lalong nalukot ang gwapong mukha ni Menard. “You still need to wait. Pauwi pa lang kami ng ate mo. We went to the market.” Halos lumuwa ang mata ni Trent. What news! Menard Tristan Young, the heir to the Young Group of Company is in the market. Kung malalaman ng iba niyang pinsan
“Ano ang bibilhin natin ngayon?” In-open ni Menard ang app para makita kung saan banda ang palengke na pupuntahan nila. “Mga gulay at isda lang. Nakabili na ako ng mga karne na gagamitin natin. Walong putahe ang ihahanda ko.” Isda? Ibig sabihin ba kailangan pa katayin ni Graciella ang isda na buhay? It’s too troublesome and yet his wife is doing extra just to please her family. And eight dishes? How can she possibly prepare those in a short notice? “Pwede mo naman ako tulungan. Saan ka ba magaling para doon kita i-assign?” Tanong ni Graciella. “Well, I’m quite good at eating.” Humagalpak ng tawa si Graciella. Na-surprise siya sa sagot ni Menard. Kahit naman malamig medyo ito makitungo sa kanya, may humor din naman pala ito. Sa lahat ng pwede isa got nito bakit iyon pa? Kumunot ang noo ni Menard. Wait, does his wife think he knows how to cook? “Hindi ko akalain marunong ka pala magpatawa.” Napailing na lang si Graciella. Diret
Knowing his cousin Menard, mas madali na sundin na lang ang gusto nito kaysa sa kontrahin ito. Takot nga halos lahat ng mga pinsan niya rito. Batas ang bawat sabihin nito. “May dapat pa ba akong tandaan? Nothing else?” Tanong ni Trent. “Be comfortable. Baka makahalata ang asawa ko na asiwa ka.” Kinagabihan, umuwi si Menard na may decoration na ang dining area at ang living room. Kahit paano nagkaroon ng buhay ang unit nila. Abala sa pagpupunas si Graciella ng table at nakasuot pa ito ng rubber gloves. Tagaktak ang pawis nito habang pinunusan iyon ng face towel. Nakasalansan na rin ang samu't saring kutkutin at mga prutas sa isang coffee table na nasa living room. Naalala tuloy niya ang kanilang housekeeper sa Canada na si Aling Meniang. “Busy ka talaga ngayon at nag OT ka na naman,” pansin ni Graciella. Alam naman niya na bihira lang magbago ang schedule ng asawa. “Mas mabuti sana kung tumawag ka na lang mga cleaner at housekeeping
Nginuya na lang ni Menard ang waffle. Masarap din naman kahit paano. Wala na siyang choice kundi kainin iyon. “By the way, huwag mo ng pabayaran kay Rowena ang nasirang suit. Ako na ang bahala doon. Kliyente namin ang lalaking ‘yon.” “Paano mo nalaman na kliyente mo nga ‘yon?” Curious si Graciella. Ang lakas naman ng radar ni Menard kung ganun. “Tumawag kasi ang pinsan ko at nakwento niya ang tungkol kay Rowena. Doon ko napagtagpi na pinsan mo nga ang nakasamaluha ng kliyente ko.” “Kailangan pa rin bayaran ni Rowena ang two thousand na sinabi ng mama,” matigas na saad ni Graciella. “Saan nga ba nagtatrabaho ang pinsan mo?” “Assistant siya ni Lambert Alferez.” Napatango na lang. Napakaliit lang pala ng mundo. At nakakatakot pala ng boss ng pinsan ni Menard ayon na rin sa kwento ni Rowena. “Si Lambert Alferez ba ang tinutukoy ng pinsan ko na may ari ng suit?” Tumango si Menard. “Salamat at napakiusapan mo pala ang boss