Share

Chapter 38: Nakakahiyang tanong

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-02-10 13:30:28

“Halos isang taon?”

Napayuko si Rowena. “Kailangan kong alagaan ang anak ko, ate. Palagi naman siyang hatinggabi na kung umuwi at saka isa pa, masikip sa bahay. Wala kaming privacy kung sakaling gusto namin,” nahihiyang saad ni Rowena.

Napailing na lang si Graciella. Parehong bata pa ang mag-asawa. Kaya hindi normal na hindi nagtatabi matulog ang mga ito.

“Ang bait mo na nga. Kailangan mong maging mas alerto baka mamaya maging totoo ang mga hinala ko kay Harry,” paalala niya.

Nmumula na si Rowena sa sinabi ng pinsan pero nahagip ng mata ang magandang bag ni Graciella.

“Ang ganda naman ng bag mo, ate.”

“Binili namin ni Menard ngayong hapon lang,” sagot ni Graciella. Naalala ang biniling kumot para sa pamangkin. Inabot niya ang paperbag at saka binigay sa pinsan.

Kinuha naman ni Rowena ang paperbag at maingat iyong binuksan. Namangha sa laman nito lalo at iyon ang gustong kulay ng anak na si Leya. Hitsura pa lang ng kumot alam na niyang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 39: Nahihiya siya

    Para ma-satisfy ang curiosity ni Graciella, nagtipa siya sa kanyang cellphone at hinanap kung ilang araw ba ang normal sa lalaki na walang s*x. Namangha siya sa resulta. Iba iba ang sinabi ng internet searches na nakita niya. Namula siya habang ini-imagine. Hindi pa rin siya kontento, hinanap niya sa search bar ang mga senyales ng mga naglolokong mister. Hinihintay niya na maglabas ng resulta ang search niya nang may biglang nagsalita. “What are you looking for?” Nanginig ang kamay ni Graciella at muntikan ng mabitawan ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at nahawakan niya ito nang mahigpit kung hindi baka basag ang screen nito. Kinalma ang sarili at hinarap ang seryosong mukha ni Menard. “Muntik na ako atakehin sa puso! Hindi magandang ugali ang nakikisilip ng cellphone ng may cellphone,” reklamo ni Graciella. Wala naman siyang kailangan itago pero inuunahan na niya si Menard kung sakaling nakita nito ang laman ng search niya. Sumimangot

    Last Updated : 2025-02-11
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 40 Sana ginaya mo ang ate mo

    Sumimangot si Menard. Wala naman katotohanan ang sinabi ni Harry. Skeptron has always achieved its target sales and was never on a loss. Sinungaling nga ang asawa ni Rowena. Every year, kapag ang isang subsidiary ay hindi maganda ang performance, tinitigil nila ang project ng mga ito. There is no point in investing in non profitable projects. “In what department is he assigned?” “Marketing.” Okay ang performance ng nasabing subsidiary. Sa katunayan nga ito ang pinaka aktibong department at hindi kailangan ang madalas na OT. May kalokohan nga na ginagawa ang bayaw ni Graciella. And the nerve of that man to make his company the scapegoat of his lies. Kumukulo ang dugo ni Menard. He hates liars! “Hayaan mo ang pinsan mo na mapansin ang kakaiba sa asawa niya. Don’t meddle with their problems, Graciella,” saad ni Menard habang nakahalukipkip. “Tatahimik na lang ba ako habang nagdurusa ang pinsan ko? Alam ko wala ako sa posisyon na makialam pero

    Last Updated : 2025-02-11
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 41: Hindi gusto

    “Maaga ang uwi mo ngayon,” pansin ni Rowena kay Harry. Ang alam niya kasi kapag weekends OT talaga ang asawa. Nakita ni Harry ang biyenan kaya dumiretso siya sa kwarto nila mag-asawa. Sumulak ang dugo niya sa pagmumukha nito. Ni hindi nga niya binati ang asawa at baka kung ano pa ang masabi niya sa mahaderang biyenan niya. “Tanungin mo kung may increase na siya sa sahod,” bulong ni Lupita sa anak. Pumasok na nga si Rowena sa silid nila at nadatnan na nakahiga na ang asawa sa tabi ng anak na si Leya. “May umento na ba sa sahod mo?” Mahinang tanong ni Rowena. Takot siyang baka magalit ang asawa at magising na lang bigla ang anak. “Huwag mo akong kulitin, Rowena. Mababa ang sales ng department namin kaya huwag ka umasa ng umento sa sahod. Hindi pa nga namin nakuha ang target sales,” asik ni Harry sa asawa. “Baka matanggal nga ako sa trabaho ‘pag hindi pa rin namin makuha ang target sales. Sama-sama tayong magugutom.” Napaupo si Rowena sa paanan

    Last Updated : 2025-02-13
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   .Chapter 42 Gastador na babae

    Naaawa din naman si Rowena sa asawa na nakikisiksik sila sa masikip na bahay ng magulang niya. Pero, wala siyang magawa dahil wala naman siyang maitutulong. Housewife lang siya. Nag-se-self pity na nga siya madalas dahil napag-iwanan na siya ng mga ka-batch niya,. Ang iba asensado na pero siya isang losyang na maybahay lang. Kung hindi sana kaagad siya san nag-asawa pagkatapos mag-aral hindi sana niya dadanasin ang kinasadlakan ngayon. Nahaplos niya ang pisngi. Naninilaw na ang kahapon lang na nangigitim na black eye niya. Larawan ng isang martir na asawa ang nakikita niya sa salamin. Malapit na niya makilala ang asawa ng pinsan. Inaamin naman niya na tinutubuan siya ng insecurity sa dumapong swerte sa kanyang pinsan. Oo nga at huli na itong nag-asawa pero nakatagpo naman ito ng matinong asawa. Kailangan niya mag-ayos kahit paano. Mamimili siya ng bagong damit. Hindi naman siguro kalabisan kung paminsan pagbibigyan niya ang sarili. Panay ukay-ukay

    Last Updated : 2025-02-16
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 43: Pahamak

    “Malapit na ako ma-promote. Ibibigay ko lahat ng gusto mo.” Nagyayabang na si Harry kay Stella. “Alam mo, Harry sayang ka. Bakit kasi maaga kang nag-asawa. Nakita ko nga ang picture ng asawa mo. Ang bata pa naman niya pero bakit parang kuwarenta na siya,” panghahamak ni Stella sa asawa ng kaharap. “Sabihin mo lang sa akin, kung gusto mo iiwanan ko na si Rowena para libre na tayong dalawa,” alok ni Harry. Ngumisi si Stella. Kahit naman medyo mataba si Harry, gwapo din naman ito plus masipag pa. Malapit na rin itong ma-promote bilang department head nila. “Saka mo na ako ligawan kung kaya mo ng hiwalayan ang pangit mong asawa.” Ngayon pa lang iniisip na ni Harry ang sarili na sila ang bagay ni Stella. Dangan kasi at natali na siya kay Rowena na walang alam gawin kundi ang gumastos at maniwala sa mahadera nitong ina. ********* Samantala naiiyak na si Rowena sa gilid. Gusto niyang bilhin ang mga pinili pero wala siyang choice. Ayaw siyang big

    Last Updated : 2025-02-17
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 44 Lambert Alferez

    “Sir, pwede po ba lilinisin ko na lang ang mantsa?” Nagmamakaawa si Rowena sa bodyguard. Nainis ang manager. “Hindi ko alam kung tang aka o bingi! Hindi nga makukuha sa simpleng linis lang ang mantsa,” aburidong sita kay Rowena. Gusto na nitong saktan si Rowena lalo at valued customer nila si Lambert Alferez. Tiningnan nito ang pananamit ni Rowena. Alam niya na wala itong kakayahan na magbayad kahit ang dry cleaning service na baka umabot sa two thousand pesos. Halata naman kasi na galing ito sa mahirap na pamilya. “Pwede ko po naman subukan di ba?” Nagmamakaawa pa rin si Rowena sa mga ito. Mamumula na si Lambert sa galit. Kanina pa niya tiningnan ang mantsa sa suot na suit, pati na rin ang mantsa sa damit na sana ay kukunin na niya. “Tutal makulit ka at nagpupumilit. Akin na ang contact number mo at ipapadala ko sa mga tauhan ko ang mga namatsahan ng anak mo. Ikaw ang magbabayad ng dry cleaning service,” saad ni Lambert. Wala na siyang magagaw

    Last Updated : 2025-02-18
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 45: Mamahaling damit

    Nahihiya na si Rowena sa pinsan niya. Dalawang taon na ito ang gumagawa ng mga gawaing bahay, idagdag pa ang pagbabantay kay Leya. Kung tutuusin hindi nito obligasyon ang mga iyon. Nag-aambag pa ito sa gastusin samantalang siya isang palamunin na perwisyo. “Anong magagawa natin? Nariyan na ‘yan. At saka bata pa si Leya. Ano naman muwang niya sa mg ganyang bagay? Hayaan mo, ako na muna magbabayad sa danyos,” alok ni Graciella. “Basta huwag ka na magsumbon sa asawa mo. Tiyak ako aawayin ka lang niya.” “Pero, ate may pera ka pa ba? Anlaki na nga ng binigay mo kay nanay. May matitira pa ba sayo? Huwag na kaya ate. Nakakahiya naman sa asawa mo.” “Basta ako na ang bahala.” Sa black card na muna siya hihiram para ibigay kay Rowena. Syempre kailangan niyang ipaalam kay Menard ang gagawin. Ayaw naman niya napagbintangan na nanakawin niya ang laman na pera ng card. Gusto niyang malinaw ang lahat ng gastusin. Wala naman pwedeng tumulong kay Rowena kundi

    Last Updated : 2025-02-18
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 46 Kaibigan

    “What do you need from him? Naglalaro siya ng billiards,” sabi ni Trent. “I need something from him. Hurry up call him,” utos ni Menard sa pinsan. Medyo maingay nga ang kinaroroonan ng magkaibigan. Narinig pa niya na tila nagbubulungan ang mga ito. Naiinis na siya pero hindi pa rin umiimik ang nasa kabilang linya. “Ang kuya Menard nga at ikaw ang sadya. Halika na nga. Alam mo naman maikli ang pasensya ng pinsan kong ‘yon,” pag-ayaya ni Trent kay Lambert “Hello, Menard Tristan Young,” sarkastikong saad ni Lambert. Baritono ang boses nito na bumagay sa malaki nitong katawan. Silang tatlo ay close talaga. Hindi sila kagaya ng mga anak mayaman na mahilig mag-party kung saan-saan. Kuntento na sila sa simpleng pag-inom ng alak at paglalaro ng billiards paminsan. Busy din kasi si Menard sa pamamahala sa kabuuan ng Young Group kaya minsan lang talaga sila lumalabas magkakaibigan. “Lambert, is it true someone ruined your suit this afternoon?” bungad

    Last Updated : 2025-02-20

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 77: Sino ang babaeng ‘yon?

    “ I don’t want to listen to what you are saying. Your mother promised me that we are officially dating,” pagmamatigas pa rin ni Alyanna. “At sino naman ang babaeng gusto mo maliban sa akin. Mas maganda ba siya sa akin o mas mayaman man lang?” Inisa-isang alalahanin ni Alyanna kung sino sa mga dalagang kakilala niya kung sino ang posibleng karibal niya pero wala siyang maalala na singganda man lang niya. Dalawang linggo lang siyang nawala at may ibang babae na pala ang umaaligid sa Menard niya? “Inakit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tanong pa rin niya kay Menard na tiim pa rin ang bibig. “Sabihin mo sa akin para alam ko.” Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng gusto ni Menard, gusto niya itong durugin sa kanyang mga kamay. Siya lang ang may karapatang gustuhin at mahalin ng isang Menard Tristan Young. Alam na ng mga kamag-anak niya na gusto niya si Menard. Kahit ang mga nasa lipunan na ginagalawan nila alam na para sa kanya lang si Menard. Kilala si Alyann

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 76: Ang itinadhana

    Umarko ang kilay ni Alyanna. Hindi siya sanay na pinagsasabihan, lalo na ‘pag galing kay Menard. Disappointed ito sa paglala ng trato ng hinahangaang lalaki. Siya si Alyanna Alferez, ang apple of the eye ng kanilang angkan na kung sitahin ni Menard ay para lang isang alipin. “You don’t have to make me feel as if I have a communicable disease, Menard,” sita nito kay Menard. Umasim ang mukha at may hinugot sa kanyang luxury bag. “May regalo nga pala ako para sayo,” aniya sabay abot ng isang red box. Napabuga ng hangin si Menard. Alyanna is ten times persistent than his wife. “Wala tayong relasyon para bigyan mo ako ng kung anong regalo.” Hindi man lang niya tiningnan ang box na hawak ni Alyanna. “Huwag mong gagawin ang mga bagay na dapat ang gumagawa. You look so desperate by giving me things.” “Whoah, is that you, Menard Tristan Young? Nawala lang ako sandali, you mastered Tagalog as if it’s your mother tongue,” pansin ni Alyanna. Hindi siya makapaniwala na bihasa

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 75 Uninvited Guest

    “Mas mabuti na kayo na ang maghugas ng kawalai na ‘yan. Masyadong madikit ang siomai na niluto ng asawa ko kagabi,” saad naman ni Menard sa mga tauhan. Nag-uunahan ang mga tauhan ni Menard na humagilap kung ano ang gagawin. Si Alberto ang naghugas ng mga hugasin sa lababo. Ang ilan naman, mas pinili na magwalis at iayos ang ilang kasangkapan sa kusina. Wala pang sampung minuto, nagawa na nila ang lahat ng kailangan gawin. Pina-check pa ni Alberto ang mga kawali. Alam naman niya na maselan ang amo kaya hindi na siya nagdalawang -isip na patingnan muna ito. “We are done here. Let’s go.” Tumalima ang mga tauhan at umalis na nga sila sa unit ng mag-asawa. Todo alalay naman ang mga bodyguard habang palabas sila ng condo building. Alerto sila lalo at ayaw ng amo ni na mabisto ang pagkakakilanlan nito. Sumakay muna sila ng mini van at saka bumaba kung saan naka-park ang kanilang sasakyan. “Ano ang mga gagawin natin today?” tanong ni Menard kay Louie.

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 74: Mahirap na gawain

    Hindi na alam ni Menard kung ano ang sasabihin. Bakit kailangan nila magtipid sa lahat ng bayarin? Kung tutuusin, siya naman ang magbabayad ng mga bills nila. As a man, it’s his responsibility to provide for his wife. “Just turn on the air conditioner. I pay the bills so you don’t have to worry.” Halos nagsalpukan ang kilay ni Graciella. “Mr. Young, hindi naman dahil willing ka magbayad, aabusuhin ko na ang generosity mo.” Women! Hindi na umimik si Menard. His wife can do whatever she wants to do. Makulit ito at ayaw niyang makipagtalo. Yumuko na lang siya at nag-scroll sa kanyang cellphone. At ang tiyan ni Menard ay nag-alburuto. Dagling nahawakan nito ang tumunog na tiyan. Halos lumubog siya sa kinauupuan. Dinig sa buong living room ang tunog na nilikha ng kanyang tiyan. “Huwag ka ng mahiya, Mr. Young. Alam ko na gutom ka. Gusto mo na ipagluto din kita ng instant noodles?” urirat muli ni Graciella sa asawa. “I said, I’m not hungry. Bingi ka

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 73: gusto mo ng noodles?

    Mataktikang tumakas si Sheila nang makita na may binaba na pasahero sa parking pace ng Camilla Cafe. Kumaway lang ito sa mag-asawa bago sumakay sa taxi. Sa bukana ng Camilla Cafe nagkaharap ang mag-asawa. Parehong asiwa sa presensya ng isa’t isa. “Anong ginagawa mo rito? Bakit alam mo na narito ako at sinamahan si Sheila sa date niya?” sunod-sunod na tanong ni Graciella kay Menard. Natigilan si Menard at binubuo sa isip ang isasagot sa asawa. Lagot talaga sa kanya ang sira ulo niyang pinsan. Trent and his antics really gets him in trouble! “Napadaan lang,” rason nito. Napailing si Graciella. Ayaw maniwala ng gut instinct niya. Bilang babae, alam niyang may nakapagsabi sa asawa kung saan siya kaya napasugod si Menard kung saan siya naroon ngayon. Naalala na nagkita nga pala siya ni Trent kanina lang sa parking space. Akalain ba niyang magsusumbong ito sa asawa niya. “Huwag mo ibahin ang topic,” malamig na sabi ni Menard. Lumapit siya kay G

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 72 : Hindi ko alam ang gusto ng mga lalaki

    “Hello,” bati ni Wilbert kay Menard. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang lalaki. Napako ang kanyang mata sa asawa na tila isang daga na nasukol ng isang pusa. Gusto sana niyang itanong kay Graciella kung ano ang mga sinabi nito patungkol sa kanya kanina. Pagkarating pa lang niya kanina sa Camilla Cafe, ang minivan na ni Graciella ang una niyang nakita. Dagdag pa na nasa tabi ito ng glass window nakaupo at panay ngiti sa kausap. Feeling ni Menard, pinagtataksilan siya ni Graciella. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin ng asawa sa unit nila. And now he can clearly see that she had wide array of emotions when it comes to other men. They might be in a trial marriage but he can’t tolerate this kind of behavior! Hindi lubos maisip ni Menard na ang baba pala ng taste ng asawa pagdating sa mga lalaki. Mas hamak naman siyang gwapo sa ka-date nito. Hindi kaya kailangan na niyang dalhin sa espesyalista sa mata ang asawa lalo at mukhang malabo

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 71: Walang binatbat ang asawa ko sa’yo

    Tumikhim si Sheila. “Excuse me, kailangan ko lang pumunta ng bathroom,” paalam ni Sheila. Tumayo na si Sheila. Hindi siya komportable lalo at nag-uumpisa na siyang mainis kay Wilbert Fulgencio. Kung hindi lang kabastusan ay baka kanina pa niya sinuntok ang bunganga nito. Alam naman ni Sheila na presko itong tao. Napansin na niya iyon noong una niya itong makilala nang na-introduce ito sa kanya ng mga magulang niya. Kung ihahambing niya ang kayabangan nito, tatalunin ang signal number four na bagyo sa lakas ng hangin nito. Buti sana kung binata ito at may karapatan itong magyabang! Naiinis siya lalo at gusto ng mga magulang niya na pakasalan niya ang lalaki. Ngayon pa lang naiisip na niyang magiging miserable ang buhay sa piling nito. “Ang yabang yabang, gurang naman tapos taksil pa!” reklamo ni Sheila habang naghuhugas ng kamay sa bathroom. Tiningnan niya ang sariling repleksyon at isang ideya ang naisip. Hinugot ang kanyang cellphone at nagtipa ng message

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 70 Malay ko ba?

    Pumasok na ang dalawa sa Camilla Cafe. At gaya ng inaasahan, naghuhumiyaw ang karangyaan sa loob ng nasabing cafe. Nagkalat ang mga babaeng suot ang mga branded na damit. Kasama ng mga ito ang mga ka-date. “Iba yata ang napuntahan natin,” nag-aalangan na saad ni Graciella. Nahihiya siya lalo at wala sa tamang dress code ang suot niya. “Ito pa rin ang Camilla Cafe. Bago nga lang ang management lalo at si Wilbert na ang Manager dito. Patapos na ang shift niya kaya mamaya andito na ‘yon.” Nagtataka si Graciella, kung maraming negosyo ang ka-date ng kaibigan, bakit manager lang ito sa nasabing cafe? Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng cafe. Wala na ang bakas ng alaala ng mga panahon na dinadala sila ni Jeron doon. “Masaya pala magkaroon ng minivan ano? Na-enjoy ako sa rides natin,” pansin ni Sheila. “Magkano ba ang bili mo at baka bumili na rin ako.” “Nasa sixty five thousand din.” Napatango si Sheila. May lumapit sa kanila na isang waiter at ma

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 69: May ka-date ang asawa mo

    “Si Kuya Tristan mo nag-asawa? I didn’t expect that your ice prince of a cousin will get married,” komento ng kaibigan ni Trent. “Louder, so that everyone will hear!” sita ni Trent. “Huwag na huwag mong sasabihin sa circle of friends natin. Konti lang ang nakakaalam at ayaw ipaalam ni Kuya Tristan na nag-asawa na siya.” “His reasons?” Naguguluhang tanong pa rin ng kaibigan ni Trent. “I ain’t that powerful to ask the mighty Menard Tristan Young. Teka, bakit ang dami mong tanong?” Kahit naman si Trent gusto usisain ang pinsan. Pero, wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Knowing his cousin, alam niyang wala pa ring ganap sa sex life nito lalo at napakalamig nga ng pakikitungo nito sa asawa. Baka pumuti na lang ang uwak kung ang pinsan niya ang gagawa ng initiative para magkaroon ng ganap ang buhay mag-asawa ng dalawa. Pero naisip niya na magandang gayahin ang ginawa ng pinsan. Hahanap siya ng babaeng makakasundo niya at magpapakasal sila. Mas mabu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status