KHEENE'S POV
ALMOST quarter to ten na nang matapos ko lahat ng nakatambak sa lamesa ko kagabi kaya sobrang late na rin nang makauwi ako. Nagluto pa ako ng pagkain ko bago ako tuluyang makapagpahinga.
Ngunit bawat overtime ay may kapalit kinaumagahan…
Halos mag-aalas nuebe na nang magising ako kinabukasan. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil sobrang late na ako sa trabaho. Diretso na agad ako sa banyo pag-bangon ko sa higaan.
Kasalukuyan akong abala sa pag-susuot ng sapatos nang biglang tumunog ang cellphone ko, inilinga ko ang aking paningin at hinanap kung saan nang-gagaling ang tunog, at nakita ko iyon sa kama.
Inayos ko muna ang suot kong necktie bago lumapit sa kama at kunin iyon.
*Jace Calling...*
Napangiti ako bago sinagot iyon. "Yes, hello?" bungad ko. Lumapit ako sa may study table at kinuha ang ibang gamit ko doon.
"(Bro, kamusta? Free ka ba tonight?)" tanong ni Jace mula sa kabilang linya.
"Oo naman… siguro…" Hindi siguradong sagot ko.
Narinig kong tumawa siya. "(Awit! May siguro pa! Kita tayo mamayang gabi sa Juxe Bar!)" untag niya.
Kinuha ko na ang gamit ko na nasa kama at lumabas ng kwarto. "Susubukan ko," sabi ko habang bumababa.
"(Tss. Huwag mong subukan. Pumunta ka ah? Hihintayin kita! Sige.)"
"Sige sige," huling sabi ko at ibinaba na ang tawag. Sh*t! Late na late na ako!
Halos paliparin ko na yung kotse ko sa daan makarating lang sa opisina nang biglang mag-ring ulit ang cellphone ko. Pero dahil may kasamang vibration iyon, gumalaw iyon ng gumalaw hanggang sa mahulog sa dashboard.
Argh! Kung minamalas nga naman!
Kinapakapa ko yung cellphone ko habang nagma-maneho pa din. "Tss. Nasaan na ba kasi 'yon?" Saglit kong inalis ang paningin ko sa kalsada at tinignan kung saan nahulog yung cellphone ko, pero nang maibalik ko yung tingin ko sa daan, agad kong inapakan ang preno.
Nanlalaki ang mata ko na napatingin sa taong muntik ko nang masagasaan. Buti na lang at mabilis kong naapakan ang preno. Kundi…
"Woy! Lumabas ka d'yan! G*go ka, ah?!" Sigaw nung babae sa labas habang pinapalo ang hood ng kotse ko.
Lumabas ako at hinarap siya. "Sorry, miss." Nahihiyang sabi ko.
Tinignan naman niya ako. "Loko ka, ah? Muntik na 'kong masagasaan ta's sorry lang ang sasabihin mo?!" sigaw niya sa akin.
"Sorry talaga, miss. Hindi ko sinasadya..." Paghingi ko ulit ng pasensya.
Ngumisi siya. "Miss?" Pagak itong tumawa habang umiiling bago muling bumaling sa akin. "'Wag mo nga 'kong matawag-tawag na miss, masasapak na talaga kita!" sigaw niya ulit. "Bayaran mo yung galos ko!" Sabay turo sa binti niya.
Napamaang naman ako nang marinig ang sinabi niya. Hinagod ng tingin ko ang kaniyang kabuuan, at nang makitang walang sugat o ano man doon ay napangisi na lang ako.
"Excuse me, miss. Pero sa tingin ko wala ka namang sugat o ano mang galos na natamo… Or is it a kind of modus? Budol-budol?" Pagak naman akong tumawa at lumapit sa pinto ng kotse ko. "Pasensiya na, miss, pero wala akong oras para sa mga manlolokong katulad mo. Humanap ka na lang ng ibang ma-bibiktima, yung hindi mali-late sa trabaho para mapa-kagat mo d'yan sa modus mo." Binuksan ko na ang pinto ng kotse at pumasok na sa loob. Baka mamaya hindi pala siya nag-iisa, dambahin na lang ako bigla.
Halatang natigilan siya sa mga sinabi ko, natauhan lang siya nang buksan ko na ang makina ng kotse at paaandarin iyon.
"Woy!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas. "Woy! Aba't! 'Wag mo 'kong takasan!" sigaw niya pa habang kinakalampag ang binata ng kotse ko. Hindi ko na siya pinakinggan pa at pinaharurot na ang kotse ko paalis.
Pagdating ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Secretary Anj. Sumalampak muna ako sa couch para magpahinga sandali.
"Sir Kheene, late na po kayo nakapasok," sabi ni Secretary Anj na nakatayo sa harap ko.
Tumango ako. "Yeah. Tinanghali ako ng gising," tipid kong sagot. "By the way, may balita na ba tungkol kay Mr. Samañego at Mr. Do?"
Umiling ito. "As of now wala pa po. Wala pong makitang clue ang mga taga-marketing team kung saan pwedeng magpunta si Mr. Samañego o dahilan kung ba't siya nawala bigla. Ganoon din kay Mr. Do."
"Ganoon ba?" Malalim akong napabuntong-hininga. "Mukhang mahihirapan akong humanap ng idadahilan sa board tungkol sa issue na 'to…"
"Saka nga pala, nasa may conference room si boss, hinahanap ka."
Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. Si papa? "Bakit daw?" tanong ko
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Baka nalaman niya na po yung tungkol sa pagka-wala ni Mr. Do."
"I see… Sige, pupunta na ako do'n," sabi ko at tumayo na.
Lumabas ako ng opisina, nasa likod ko naman si Secretary Anj at nakasunod sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa conference room, mayroon kaming nakasalubong na mag-asawa. Mukha silang karespe-respetong tao dahil sa kanilang kasuotan, pero ang nakakapagtaka doon ay nakangiti sila habang nakatingin sa akin.
Nang matapat kami sa kanila ay huminto sila sa harap ko at bumati. "Goodmorning, Mr. Kheene Cuenco." Bati sa akin nung ginang na mukhang ka-edaran lang ni mama.
Naiilang naman akong sumagot. "Goodmorning, Ma'am...?"
"I'm Claire Siqua, and this is my husband, Russell Siqua." Magiliw na pagpapakilala niya at sa kaniyang asawa.
Ngumiti naman ulit ako at binati sila. "Goodmorning, Mr. and Mrs. Siqua." Tapos ay nakipag-kamay sa kanila.
"So, you're the son of Mr. Cuenco?" tanong ni Mr. Siqua.
Tumango-tango ako at ngumiting sumagot. "Yeah. The one and only."
Mahina namang napa-hagikhik si Mrs. Siqua at bumulong sa asawa niya. "I told you! Bagay talaga sila ni Ashlee, hon," sabi nito habang nakangiti pa rin sa akin.
Medyo naiilang ako sa paraan ng pag-tingin nila sa akin, samahan pa ng kanilang ngiti. Naguguluhan na rin ako sa sinasabi nila. Kanino raw ako bagay?
Bigla ay pumasok sa isip ko na pinapatawag pala ako ni papa, kaya nagpaalam na ako sa kanila. "By the way, ma'am and sir. I have to go, I hope you don't mind." Paalam ko.
Ngumiti naman si Mrs. Siqua. "Oh, sure. We'll see you again, young man."
"Have a safe trip."
"Thank you!" sabi nito at umalis na sila. Naglakad na din kami papunta kay papa.
Pagdating namin sa conference room ay nagpa-iwan na lang si Secretary Anj sa labas, kaya ako na lang ang pumasok sa loob mag-isa. Pagpasok ko, agad bumungad sa akin si Secretary Gino, sekretarya ni papa. Tinanguan ko lang siya saka ako dumiretso kay papa.
"Goodmorning, dad. Hinahanap mo raw ako?" tanong ko kay papa.
Tumango naman siya at itinuro ang bakanteng upuan na katabi niya. "Have a sit."
Umupo naman ako at tumingin sa kaniya. "So, what is it papa?" tanong ko.
Tumikhim muna siya bago nag-salita. "Nakarating sa akin ang problema dito sa kompanya. Biruin mo iyon, hindi pa man nakakalapag sa lupa ang eroplanong sinasakyan ko, panibagong problema na agad ang sumalubong sa akin."
"I'm sorry, dad."
Bumuntong-hininga si papa. "'Di bale, nand'yan na 'yan e. Might as well find a solution. Ano nang ginagawa mo ngayon?"
"Sa ngayon ay pinapa-imbestigahan ko na ang dahilan nang pagka-wala ni Mr. Samañego, ganoon rin yung kay—"
"Oh, not that. What I mean is… ikaw, anong pinagkaka-abalahan mo sa buhay bukod dito sa kompanya?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni papa. Medyo nagulat ako sa biglaang pagbabago ng ekspresyon niya. Natauhan lang ulit ako nang tawagin niya ako.
"Kheene…"
Medyo nag-aatubili pa akong umiling. "A-Ahm… wala namang iba bukod sa trabaho—"
Mas lalo akong nagulat nang bigla siyang tumawa. "Ang boring naman ng buhay mo, 'nak. Wala ka bang girlfriend ngayon?"
"P-Po?" nagugulat pa rin na tanong ko.
"Girlfriend kako, wala ka? Nakwento sa'kin ng mama mo ang napag-usapan niyo kagabi…"
Umayos ako ng upo at binuksan ang unang dalawang butones ng suot kong polo. "Dad, hindi pa muna sa ngayon. Saka sakit lang iyon sa ulo e. Kung maggi-girlfriend man ako, gusto ko yung matutulungan tayo dito sa kompanya," nag-bibirong sagot ko na mukhang sinang-ayunan naman ni papa dahil napatango siya.
"Sabagay. Aanhin mo nga naman ang babae kung sakit lang ng ulo ang ibibigay sa'yo, 'di ba?"
"Yes, dad. Absolutely." Sang-ayon ko.
"Sakto. May good news ako." Pang-bibitin ni papa sa sasabihin.
"Ano po 'yon?"
Makahulugan siyang ngumiti sa akin saka tumayo. Inayos pa niya ang suot na coat bago nagtungo sa likod ko at nagpalakad-lakad doon.
"Alam mo naman siguro na mayroong problema ang kompanya natin ngayon, 'di ba?" tanong niya, tumango lang ako. "Binawi ni Mr. Do ang ininvest niya dito sa kompanya. Dahil sa pagbawi niyang iyon, halos malaki-laki din ang nawala sa'tin. You know Mr. Do, he's one of our biggest investors here," aniya.
"So? Ano ang dapat kong gawin para mapunan iyong nawala?" tanong ko. Nahinto si papa sa paglalakad at muling naupo sa harap ko.
Matagal muna siyang tumitig sa'kin bago mag-salita. "Gagawin mo ba ang sasabihin ko?" Nakangising tanong niya.
"Kung iyon po ang paraan para maibalik ang lahat sa dati, why not?"
"Well, willing tayong tulungan ni Mr. and Mrs. Siqua, one of my friends since college. Magi-invest sila dito sa kompanya, sila ang papalit sa iniwang pwesto ni Mr. Do. Pero sa isang kondisyon..." Binitin na naman ni papa ang sinasabi niya.
Bigla naman akong kinabahan at napa-isip. Anong kondisyon naman kaya iyon?
"What condi—"
"They want you to marry their daughter," sabi niya, saglit akong natigilan.
"A-Arrange-marriage, you mean?" I asked. Dahan-dahan namang tumango si papa bilang sagot.
Well, hindi naman na ito ang unang beses na inalok ako ni papa na magpa-kasal sa mga anak ng kasosyo niya sa trabaho. Hindi ko na rin maalala kung pang-ilang beses na rin ito mula nang mag-hiwalay kami ni Soph— nung ex-girlfriend ko. Kahit papaano ay sanay na rin ako sa ganitong set-up, kasi sa huli ay hindi rin naman natutuloy.
"Iyon lang po ba?" nakangiting tanong ko.
Mukhang natuwa siya sa reaksyon ko. "Looks like pumapayag ka na sa kondisyon nila…"
Ngumiti lang ako. Panigurado naman kasi na hindi na naman matutuloy iyon sa huli.
"But there's a twist in here…"
"What do you mean?" Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi.
"She's not a typical girl, Kheene, I told you. Iba siya sa mga babaeng ini-arrange-marriage sa'yo noon."
"Anong pinupunto mo, dad?"
"What I meant is… she's not… straight. You know…"
Nangunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni papa. "What?" Kinakabahan na rin ako. "I-I don't k-know."
Napabuntong-hininga si papa at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. Nalilito man ay ginawa ko pa rin. Medyo nabigla pa ako nang bigla niyang hatakin ang kwelyo ng polo ko at itapat ang bibig niya sa tainga ko.
"She's a lesbian," bulong niya saka ako binitawan.
Agad nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Nagpabalik-balik sa tainga ko yung huling salitang binigkas ni papa.
What the? Lesbian?
"What?" Hindi ko sinasadya na mapa-lakas ang boses ko.
"Iyon ang kondisyon nila," sabi ni papa.
"Pero pa, wala na bang iba?"
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. As far as I know, she's the only daughter of Siqua, kaya I think wala nang iba. Ewan ko lang. Pero ikaw, nasa sa'yo iyon. Kung papayag ka e tutulungan nila tayo. 'Pag naman hindi, bahala nang bumagsak itong kompanya natin," sabi niya.
Kino-konsensya mo ba ako, dad?
"I want your decision now..."
Napamaang naman ako. "What? Agad-agad naman."
"Yes or no lang, Kheene." Nakangising sabi niya. "Saka mukha ka namang sang-ayon kanina ah?!"
That was earlier! Nung hindi ko pa alam na tibo ang papakasalan ko!
Dahil sa sinabi ni papa, parang mayroong biglang namuong iritasyon sa loob ko. Mabilisang pagde-desisyon ang gusto niya. God! Okay lang naman na magpakasal ako... pero hindi sa lesbian!
"I'm waiting..."
Napabuga na lang ako ng hangin. Too much pressure for today.
Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil pini-pressure niya ako. Panay siya tanong! Baka mamaya mapa-oo na lang ako bigla.
Tss. Bakit ba kasi iyon pa ang naging kondisyon, marami namang iba...
"Kheene, yes or no lang na—"
"Oo na po. Yes. Payag na 'ko sa kondisyon nila," ura-uradang sagot ko.
Nagulat ako nang biglang tumayo si papa at niyakap ako, tinapik-tapik niya pa yung likod ko bago ako bitawan.
"I'm so proud of you, son!" Nakangiting sabi niya. "By the way, mamaya may dinner tayo with them. 7pm at Sean's Resto. Don't forget. See you there!"
"Okay." Tipid kong sagot. Mukhang alam na ni papa na papayag ako sa kondisyon na iyon dahil may pa-dinner-with-them agad. Tsk!
Tumayo na ako at nag-paalam sa kaniya. Nang-lulumo akong lumabas sa conference room. Sinalubong ako ni Secretary Anj na may nag-tatanong na ekspresyon, pero umiling lang ako at naglakad na pabalik sa opisina.
Pagpasok ko sa loob, pabagsak akong naupo sa swivel chair. Nakatulala lang ako sa kawalan, iniisip kung tama ba ang naging desisyon kong pumayag sa kasal na iyon.
Kheene... Para sa kompanya. Gagawin mo 'yun para sa kompanya... Wala nang iba.
ASHLEE'S POV
"What?!" sigaw ko sabay tayo.
"Ash, kailangan nila ng tulong ng kompanya natin. Nakaka-konsensya naman kung hindi tayo tutulong, gayong kaya naman natin silang tulunga—"
"Pero, wala na bang ibang paraan para tulungan sila? Bakit kailangan ako pa ang maging kondisyon?!" hindi ko mapigilan na pagtaasan sila ng boses.
Napabuntong-hininga si dad, halatang nagpipigil ng galit sa akin.
"Anak, nasa tamang edad ka naman na, tumatanda na din kami ng daddy mo. Kailan ka pa namin makikitang mai-kasal? Kapag naghihingalo na kami?" tanong naman ni mama.
Kasal? Tss.
"Mama, alam niyo naman po na babae ang gust—"
Biglang humirit si dad. "At alam mo din na hindi pwede sa'min iyon," seryosong sabi niya.
Napailing na lang ako. Fvcksh*t! Babae at lalaki lang ba ang pwedeng magpa-kasal... Hindi ba pwede babae sa babae, same sex marriage. Gano'n?!
"Mag-ayos ka na. Magdi-dinner tayo ngayon sa labas, 7pm sa Sean's Resto. At kasama natin sila," mariing sabi ni daddy sa huling salita.
Tinignan ko muna sila bago ako tumayo. Naiinis akong pumunta sa kwarto ko.
Padabog kong isinara ang pinto kaya nag-dulot iyon ng malakas na tunog tapos ay nagtungo ako sa kama. Marahas akong napabuntong-hininga habang nakakunot ang noo ko na tumingin sa kawalan.
Iba talaga kapag mayaman ka. Ia-arrange-marriage ka na lang ng magulang mo sa taong 'di mo kilala... Napa-kuyom na lang ang kamao ko sa isiping iyon.
Ito ang unang beses na dinawit nila ako na may kinalaman sa kompanya namin. Noon pa man ay alam na nila na ayokong ma-involved sa kahit na anong business namin mapalaki man o maliit dahil ayokong hawakan iyon in the near future.
Pero ano ito ngayon? Arrange-marriage? Parang mas masahol pa ito kaysa sa pag-hawak ng kompanya ah?!
Naiinis kong ginulo ang buhok ko sa sobrang frustration. Sirang-sira na ang araw ko ngayon. Kainis!
Lumapit ako sa side table at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at agad idi-nial ang numero ng taong mahal ko.
"Hello, love." Bati ko nang sagutin niya.
"(Hello, l-love...)"
Napangiti ako, ngunit agad din nawala nang may maalala. "Love..."
"(May problema ba?)" tanong niya. Bigla akong nagdalawang-isip.
Sasabihin ko ba? Sasabihin ko? Sasabihin ko na nga...
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Love, nag-plano ang parents ko ng fixed marriage para sa'kin. Gusto nila akong ipakasal sa taong 'di ko kilala... ang masama, lalaki pa."
Narinig kong tumawa siya mula sa kabilang linya. "(Oh, ayaw mo ba no'n? May instant husband ka?)"
Napasimangot ako. "Love naman. Alam mo namang ayaw ko sa lalaki. 'Tsaka pwede ba? 'Wag ka ngang magsalita ng ganiyan." Nagtatampong sabi ko.
"(L-Love, listen. Ginagawa nila iyon para sa'yo, tumatanda na sila tita... At saka umpisa pa lang, alam naman natin na tutol sila tito sa relasyon natin, 'di ba?)"
"Alam ko naman 'yon. Pero paano ka? Paano tayo? Alam mo naman na mahal na mahal kita, 'di ba?"
Narinig kong bumuntong-hininga siya. "(Mahal nga natin ang isa't isa kaso tutol naman sila,)" sabi niya dahilan para hindi ako maka-imik. Iba ang tama ng pananalita niya para sa akin.
Pakiramdam ko parang pabor siya sa kasal ko. Tss.
Nabalik ako sa realidad ng magsalita ulit siya. "(Sige na. Mag-usap na lang tayo bukas, marami pa akong gagawin.)" Paalam niya.
Tumango ako. "Sige, sige. Bye. Mahal kita…" Naglalambing na sabi ko.
Umasa ako na mayroon akong matatanggap na tugon mula sa kaniya, pero nagkamali ako. Simpleng bye lang ang sinabi niya at pinutol na ang linya.
Matagal kong tinitigan ang screen ng cellphone ko, bago ako tumayo at nag-ayos para sa dinner na sinasabi nila mama kanina.
Iika-ika akong naglakad papunta sa banyo para maligo. Bigla kong naalala yung nangyari kaninang umaga kaya hindi ako makalakad ng ayos ngayon.
Isa pa 'yong bwiset na lalaking iyon. Porket walang sugat na nakita sa akin, nilayasan na lang ako... Palalampasin ko na lang sana 'yon e, kaso lintek! Sinabihan pa 'kong manloloko? Mukha ba 'kong kasapi ng budol-budol gang?
Tumingin ako sa salamin at sinuri ang mukha ko. Sa gwapo kong 'to? Ito ba ang mukha ng isang mang-gagantyo? Tsk! Napailing na lang ako at nagsimula ng maligo.
After 30 minutes…
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa sala. Naabutan ko doon ang magulang ko. Nangunot ang noo nila at bahagyang nanlaki ang mata nang makita akong pababa na ng hagdan.
"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong sa'kin ni mama.
Napatingin tuloy ako sa suot ko. Sneakers. Ripped jeans. At sweat shirt na kulay maroon. May mali ba sa suot ko?
Tumikhim si papa. "Magpalit ka doon ng damit, yung maayos," utos niya.
"Maayos naman ho 'to ah," pa-inosenteng sagot ko.
"I mean, mag-dress ka..."
Tss. May dress code ba doon sa kakainan namin? Hindi ba ako papa-pasukin kapag ganito ang suot ko?
"Ayoko nga. Maayos na nga itong suot ko eh, papa-palitan niyo pa." Nakangusong sabi ko.
Napabuntong-hininga si mama. "Magpalit ka na doon at baka ma-late tayo sa dinner!" sigaw niya.
Ngunit hindi ako nagpatinag at tinignan lang sila. Kahit anong pilit niyo sa'kin... Hindi ako magpa-palit.
"Ashlee..." Si mama.
Napangisi ako, yung nakaka-asar. "Pinakialaman niyo na nga ho ang lovelife ko, pati ba naman pananamit ko, pakikialaman niyo din—"
"Ashlee!" Hindi na napigilan ni papa ang galit niya, nasigawan na niya ako.
"Tama na 'yan. Umalis na tayo," sabi ni mama, hindi na niya pinilit na magpalit pa ako ng damit.
Inakay na niya si papa palabas, sumunod na din ako sa kanila.
Habang nasa biyahe, patuloy pa rin sila sa pagpapa-alala sa akin kung ano ang dapat kong i-akto sa harap ng mga Cuenco.
"Ayusin mo ang bibig mo, Ash. Baka hindi nila magustuhan ang paraan mo ng pananalita," bilin ni papa.
Hindi na lang ako kumibo. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Bakit kailangan ako ang mag-adjust? Sila ang humihingi ng tulong, edi dapat sila ang mag-adjust sa'kin...
Tahimik lang akong naka-upo sa likod, hanggang sa marating na namin ang Sean's Resto.
This is it. Kung sino ka man' lalaki ka. Once na mai-kasal ako sa'yo, gagawin kong impyerno ang buhay mo...
***
KHEENE'S POVAt Sean's Resto.30 MINUTES na kaming naghihintay dito nila mama't papa, medyo nabo-bored na din ako. Hindi ako sanay maghintay!"Hon, dadating pa ba sila Mr. Siqua?" tanong ni mama kay papa.Dad nodded. "Yes. On the way na daw sila. Mag-order na tayo."Yumuko na lang ako at pinakiramdaman ang sarili. Ba't gano'n? Hindi man lang ako kinakabahan?Bakit ba ako nagtataka pa? Maraming beses na din akong ini-arrange-marriage ni papa kung kani-kanino, pero lagi namang hindi natutuloy. Kaya panatag ako na hindi na naman matutuloy ito.Maya-maya lang ay dumating na ang mga Siqua. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay naririnig ko sila."Kanina pa ba kayo? Pasensya na ah." Dinig kong sabi ni Mr. Siqua."Nagka-aberya kasi sa bahay. We're sorry," paumanhin naman ni Mrs. Siqua.
KHEENE'S POV DAYS had passed. Paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Tulad din ng sinabi ni Mrs. Siqua, sila na nila mama ang nag-asikaso ng lahat para sa kasal namin ni Ashlee. Mapa-simbahan, damit, pagkain, at lugar na gaganapan ng reception, sila na ang nag-asikaso. Mukhang wala na talaga akong kawala sa isang ito. Tsk! Busy ako sa pag-pirma ng mga papeles nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Sandali pa'y bumukas na iyon at pumasok si Secretary Anj. "Sir Kheene, may lalaki pong naghahanap sa inyo sa labas," sabi niya. "Sino daw siya?" tanong ko sabay hubad ng salamin na suot ko. "Ash daw po ang pangalan niya." Ash? Sino naman kaya 'yon?Nangunot ang noo ko.
"Ash, itigil na natin ito...” Pag-puputol niya sa sinasabi ko.Dahan-dahang nawala ang ngiti ko sa labi. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin. Bigla akong napipi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pilit kong inire-rehistro sa utak ko ang sinabi niya.Ash, itigil na natin ito...Nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko. Alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niya pero hindi ko kayang tanggapin. Hindi matanggap ng sistema ko.Pilit akong ngumiti, pinapakita sa kaniya na hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Pero sa loob-loob ko, unti-unti akong winawasak ng mga salitang iyon."Anong i-itigil? Wala naman tayong ginagawa ah?" Nagbibirong tanong ko.Napabuntong-hininga siya sa inas
KHEENE'S POV"Kheene! Bumangon ka na d'yan!"Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata. Kanina pa gising ang diwa ko pero pinili ko munang huwag bumangon. Dala siguro ng hangover kaya pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko."Ano ba? Hindi ka ba tatayo d'yan? Anong oras na?!" Sigaw ni mama sa akin habang itinuturo pa yung orasan dito sa sala. Tumingin naman ako doon habang papungas-pungas ang mga mata.7:43 am."Maaga pa naman, mama. 5 minutes pa," sabi ko at pumikit ulit.Ngunit hindi pa man umaabot ng isang minutong nakapikit ang mata ko, nakaramdam na agad ako ng malaks na hampas sa kaliwang hita ko. Agad akong napa-upo at hinimas-himas ang pinalong hita ni mama.Ito yung ayoko minsan sa kaniya e. Bigla-b
KHEENE'S POV After the wedding.. "Congratulations, Kheene, my son!" Bati ni mama sa akin tapos niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik. Nasa labas na kami ngayon ng simbahan, nagha-handa sa pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang reception. Speaking of reception... "Ahm, ma?" bulong ko sa rito. Bumitaw naman siya sa pagkaka-yakap sa akin. "Ano 'yun?" tanong niya. "Hindi na po ako a-attend ng reception, pagod na ako. 'Tsaka papasok pa 'ko bukas sa opisina," sabi ko habang kumakamot sa likod. Kanina pa ako kating-kati sa gown na ito. Wala pa ako sa simbahan kanina pero gusto ko na agad alisin sa katawan ko ang nakakainis na damit na 'to. Hind
CHAPTER 5KHEENE'S POV2 years later...Doon nagsimula ang lahat. Sa unang araw ng pagiging mag-asawa namin ay maayos naman. Parang normal lang ang ginagawa ko, gigising, papasok sa trabaho, tapos pag-gabi na ay uuwi na ako. May isa nga lang problema...Sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho ay magluluto pa ako. Magluluto at ipaghahanda ko pa siya ng pagkain niya.Ang galing, 'di ba?Tulad na lang ngayon, kagagaling ko lang sa opisina pero heto't nasa kusina ako at nagluluto ng makakain namin ngayong hapunan. Hindi na rin coat at necktie ang suot, kung hindi apron. Gawain niya dapat 'to pero bakit ako ang gumagawa?Badtrip! Pasalamat na lang siya dahil t
ASHLEE'S POV Maaga akong nagising ngayong araw. Balak ko kasing maglinis at ayusin itong bahay para naman kahit papaano ay may magawa akong matino. Simula kasi ng ikasal kami, puro lang lamyerda ang ginawa ko. Bar dito, bar doon. Babae dito, babae doon. Natalo ko pa si Kheene sa pangba-babae dahil halos gabi-gabi ay mayroon ako. Pero hanggang kiss at himas lang naman ang ginagawa ko sa mga nagiging babae ko. No sex. Just kiss. At iniiwan ko rin agad sila kapag nag-sawa na ako saka maghahanap ng panibago. Yeah, I admit it. I'm a womanizer. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Humihikab pa ako habang pababa sa sala. Pagbaba ay pumunta agad ako sa kusina, dumiretso ako sa refrigerator at binuksan iyon. Nanlumo ako na makitang wala man lang kal
ASHLEE'S POV Time checked: 10:30 am Tinanghali na ako ng gising. Mag-aalas dos na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kalalaro sa cellphone ko. Hindi kasi ako sanay matulog nang maaga, laging pa-umaga na. Mabuti nga't kagabi hindi ako alas kuwatro natulog, maaga na para sa akin ang alas dos. Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Habang nagto-toothbrush, bigla na lang tumunog nang malakas ang tiyan ko. Senyales na matindi na ang pagka-gutom ko. Binilisan ko na lang ang pagsi-sipilyo at paghihilamos, tapos at bumaba na ako. Nakangiti akong naglalakad papunta sa kusina. Iniisip kung ilan ang ipina-deliver ni Kheene na tapsilog at longsilog. Pero sana hindi niya nakalimutan magpa-deliver. Kung hindi... Naku!
KHEENE'S POV "... ..." "... ..." "... Sir Kheene.." Tawag ng isang boses, pero nananatiling wala ako sa sarili. "Sir.. Sir, tapos na ang meeting.." Ani Secretary Anj na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong meeting room at tanging kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa loob. "Okay lang po ba kayo, sir? Mukha ho kasing wala kayo sa sarili buong meeting," sabi ni Secretary Anj. Huminga ako ng malalim at hinilamos ang parehong palad sa aking mukha para tuluyan akong magising sa katotohanan. "Sorry. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." Dahilan ko. "How's the meeting, anyw
KHEENE'S POV"UPDATE mo 'ko kapag may balita na kayo. Report niyo agad sa'kin," sabi ko kay Detective Han na kausap ko ngayon sa telepono. Siya ang naka-assign na mag-imbestiga tungkol sa nangyari kagabi pati na rin sa kaso ni Mr. Samañego na hanggang ngayon ay wala pa rin usad."Sige po, sir." Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Malalim akong napabuntong-hininga at napahilot sa sentido.Ang dahilan kung bakit pinabalik kami ni Dad dito sa kompanya kagabi ay dahil may pumasok dito sa opisina ko walang pahintulot. Nag-report ang guwardiyang naka-duty dito kagabi kay Secretary Gino, kaya tumawag ito kay Dad at pinabalik kami.Ang sabi nang guard nung makausap namin, habang nagro-robing ito kagabi, napansin niya na nakabukas ang pinto ng opisina ko. Akala niya ay nakalimutan ko i
ASHLEE'S POV"BABE.." Tawag ni Sophie sa akin.Kanina ko pa naririnig iyon pero parang wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko man lang siya magawang lingunin kahit sandali."Babe, Ash.." Ulit niya, ngunit nanantili akong walang kibo.Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Kheene at nila tita, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa nagawa ko. Pero hindi ko naman sinadya na mangyari iyon, its just that.. hindi ko lang matiis na iwan mag-isa dito sa unit niya kagabi si Sophie knowing na masama ang pakiramdam nito. Hinintay ko pa na dumating ang isang maid nila bago ko siya iwan.Yung tungkol naman sa magulang ko, hindi ko naman na masiyadong dinamdam iyon. Alam ko naman na sanay na sila na ganoon ako
Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon. Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon. Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi
KHEENE'S POV HINDI na mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni dad tungkol kay Secretary Anj. Magmula rin no'n ay medyo nag-iingat ako kapag nasa paligid siya, pinapakiramdaman ko din at ino-obserbahan ang bawat kilos niya. Kung noon ay hindi ko binubuksan ang salamin sa pwesto niya, ngayon ay palagi na iyon bukas para mapagmasdan ang ginagawa niya sa kaniyang lamesa. Sinasara ko na lang ulit kapag nakikita kong papasok siya sa opisina ko. "I'll leave the office as soon as I finish this papers," sabi ko kay mama na kausap ko ngayon sa telepono dito sa opisina ko. Mayroon kaming family dinner ngayon kasama ang parents ni Tiburcio. Ito ang unang beses na mangyayari ang ganitong dinner mula nang ikasal kami, siguro'y dahil parehong busin
"Tutulong ako sa paghahanap ng file, dad. Magpapatulong ako sa secretary ko—""Don't!" Sabay na pigil nila ni Mr. Vasquez sa akin. Nagtataka ko silang tinignan."Mas mabuti kung mag-isa kang kumilos sa bagay na ito, Kheene.." Dad said."Why?" Takang tanong ko."Hindi maganda ang pakiramdam namin sa secretary mo, Kheene. I know, matagal mo na siyang kasama sa trabaho. But now.."Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, ngunit sumang-ayon pa rin ako sa kanilang kagustuhan. Pero naguguluhan pa rin talaga ako.."By the way, how's your marriage life?" Pag-iiba ng topic ni dad.Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Kumusta nga ba ang marriage life ko? "Ahm. It's good." Sagot ko na parang tumikhim lang ng pagkain.
KHEENE'S POV MAAGA akong pinatawag sa kompanya dahil sa biglaang board meeting. Wala akong kaide-ideya kung bakit nila ako pinapatawag, wala rin naman nabanggit sa akin si Secretary Anj sa kung ano ang dahilan ng mga ito. Tuloy ngayon ay clueless akong nakaharap sa buong board members at naghihintay ng sasabihin nila. "What now, Mr. Cuenco?" tanong ni Mr. Orencio, ang owner ng Orencio Real Estates at isa sa mga supplier namin. Ano ba kasi ang gusto nilang sabihin ko? "It seems like hindi pa alam ni Mr. CEO ang nangyayari ngayon sa kompanya nila, tama ba?" tanong naman ni Mrs. Hilario. Bakas sa mukha nila ang inis at pagka-dismaya sa hindi ko malaman na dahilan. At mukhang mas lalo pang nadadagdagan iyon dahil wala akong maisagot sa k
ASHLEE'S POVTULAD ng napag-usapan, hindi ako umalis kinabukasan. Hindi rin naman nagparamdam si Sophie kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na't nandito ang asungot."Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? Ang sama ng tingin mo ah? Inaano ba kita?" Isip-batang tanong niya habang nanlalaki pa ang mga mata at butas ng kaniyang ilong. Napailing na lang ako at humalukipkip sa sofa.Ang siraulo kasi, tinotoo ang sinabi niyang hindi siya papasok sa opisina para lang makasama ako ngayon buong araw. Tss. As if naman na may mapapala siya sa akin dito. Baka nga mag-rambulan lang kami dito buong mag-hapon. Tulad na lang ng nangyayari sa amin ngayon.&nb
KHEENE'S POVNAGHIHIKAB pa ako habang pababa sa hagdan nang maabutan ko si Tiburcio na nag-susuot na ng kaniyang sapatos. Napatingin tuloy ako sa orasan na malapit sa akin at nagtaka nang makita kung anong oras pa lang.8:36 am*Ang aga naman ata ng lakwatsa nito?*Mabilis akong bumaba ng hagdan nang makitang papaalis na si Tiburcio. Nilapitan ko agad siya at tinanong... kahit wala pa akong mumog-mumog."Saan ka na naman pupunta? Ang aga pa ah?"Mukhang nagulat pa siya sa presenya ko dahil bahagya pa siyang napatalon sa kinatatayuan niya. Nang lingunin njya ako ay masama na agad ang tingin niya sa akin."Pake mo naman?" Pabalang niyang tanong din na ikinabigla ko.Ano daw