Share

CHAPTER 3

Author: Dehjeon_desu
last update Last Updated: 2021-10-23 01:28:06
KHEENE'S POV

 

DAYS had passed. Paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Tulad din ng sinabi ni Mrs. Siqua, sila na nila mama ang nag-asikaso ng lahat para sa kasal namin ni Ashlee. Mapa-simbahan, damit, pagkain, at lugar na gaganapan ng reception, sila na ang nag-asikaso.

 

Mukhang wala na talaga akong kawala sa isang ito. Tsk!

 

Busy ako sa pag-pirma ng mga papeles nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Sandali pa'y bumukas na iyon at pumasok si Secretary Anj.

 

"Sir Kheene, may lalaki pong naghahanap sa inyo sa labas," sabi niya.

 

"Sino daw siya?" tanong ko sabay hubad ng salamin na suot ko.

 

"Ash daw po ang pangalan niya."

 

Ash? Sino naman kaya 'yon? Nangunot ang noo ko.

 

"Papasukin mo," sabi ko.

 

Lumabas na si Secretary Anj, inayos ko naman ang mga papeles na nakapatong sa lamesa ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang kalat ko pala mag-trabaho dito.

 

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Saglit ko pang pinagpagan at inayos ang manggas ng suot kong polo.

 

"Busy ka ba? Naistorbo ata kita."

 

Agad nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Unti-unti akong nag-angat ng ulo at nakita ko siya.

 

Ash… Ashlee Siqua.

 

"Can we talk?" tanong niya.

 

Napalunok naman ako bago sumagot. "S-Sure. Have a sit," sabi ko at itinuro sa kaniya ang upuang nasa harap ko, umupo naman siya sa doon.

 

Hindi muna ako umimik, sa halip ay tinitigan ko muna siya. Napansin kong bagong gupit ang kaniyang buhok, hindi na tulad nung una naming pagkikita na hanggang balikat ang haba. Ngayon ay nagpa-under cut na siya at may as-as pa.

 

Hays! Ibang klase talaga!

 

"Ano yung gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko ng hindi siya nag-salita.

 

Sumandal muna siya sa upuan habang nakatingin pa din sa akin. "Tungkol sa kasal." Seryosong sabi niya.

 

"What about the wedding?"

 

Nakita kong ngumisi siya sa akin. Napalunok naman ako nang may pumasok sa isip ko. Marahan akong umiling. Hindi pwede... Hindi kayo talo!

 

Tumikhim siya saka nag-salita. "Alam kong wala ng ibang paraan para mapigilan ang kasal. Kapag kasi sila mama ang nag-desisyon, tuloy na tuloy na 'yon," sabi niya

 

"So, anong gusto mong sabihin?" tanong ko.

 

Hindi niya muna sinagot ang tanong ko’t humalukipkip muna saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng aking opisina.

 

“Nice office.” Nakangiting aniya nang bumaling muli sa akin.

 

“Thanks.” Tipid kong tugon

 

“As I was saying,” panimula niya. “Hindi pwedeng ikaw lang ang magbi-benefit sa kalokohang ito, I mean sa k-kasal. So, I made a conditions na aayon sa kagustuhan ko habang nakatali ako sa’yo.”

 

“And that is?” tanong ko ulit. Nagsisimula na akong maiirita dahil ayaw niya pang diretsahin ang gusto niyang sabihin, ang dami ko pang gagawin. “Can you please get into the point? Ang dami mo pang paligoy-ligoy e.”

 

“Ito na. Mainipin ka naman masiyado,” ungos niya at seryosong tumingin sa akin. "Gusto kong sabihin na sa oras na mai-kasal tayo, hahayaan mo ako sa mga gagawin ko. At ganoon din ako sa'yo." Diretsong sabi niya.

 

Tss. At sa tingin naman niya, papakialaman ko siya? Haha!

 

"Tsk. 'Yun lang ba?" tanong ko.

 

Ipinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang leather jacket. Saka dahan-dahan siyang bumuntong-hininga.

 

"One more thing. Papayag ako na tumira sa bahay mo, pero magka-hiwalay tayo ng kwarto," sabi niya na ikinagulat ko.

 

Nanlalaki ang mata at bahagyang nakabuka ang bibig ko. "At sino naman ang nagsabi sa'yo na sa bahay ko ikaw titira?" Nagugulat kong tanong.

 

"Parents mo." Mabilis niyang sagot.

 

Napailing na lang ako. This can't be. No! Hindi ako papayag!

 

"Okay. Fine." Tipid na sagot ko. Panigurado na kapag hindi ako sumang-ayon doon ay malilintikan ako kay mama.

 

"Then last thing." habol niya, tinignan ko lang siya. "Sinuggest ko sa parents mo na,"

 

"Na?"

 

"Na ikaw ang magsu-suot ng gown sa kasal natin bukas." Nakangising aniya, halatang nang-aasar.

 

Agad akong napatayo at marahas na bumuga ng hangin. Hindi muna ako nagsalita at hinayaan lang na mag-sink in ang sinabi niya sa utak ko.

 

"A-Ano ulit sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

 

"Ikaw ang magsu-suot ng gown sa kasal natin bu—"

 

"What? Ako? Maggo-gown? No fuckin' way!" sigaw ko.

 

Natawa naman siya dahil sa reaksyon ko. "Nasa sa'yo 'yan, Mr. Cuenco. Dalawang choices lang mayroon ka, maggo-gown ka bukas or babagsak ang kompanya niyo. You choose..."

 

Hindi ako naka-imik. Masiyado nang sobra kung pati iyon ay gagawin ko pa. Sa tingin ko’y sinasamantala niya ang pag-hingi namin ng tulong sa kanila kaya niya ginagawa ito. Gusto niya akong pahirapan at ipahiya.

 

"Kung pinaglalaruan mo ako, 'wag mo ng ituloy. Dahil hindi ako nakikipag-laro sa'yo." Seryosong sabi ko.

 

Ngumisi na naman siya, yung nakaka-asar.  Kaunti pa at mapupuno na ako sa pag-ngisi-ngisi niya.

 

"Tss. Kung tutuusin nga’y wala pa ‘yan e. Walang-wala pa 'yang pag-suot mo ng gown sa kung paano unti-unting masisira ang buhay ko dahil sa pesteng arrange-marriage na 'to." Seryosong sabi niya habang matalim ang tingin sa akin.

 

Hindi ako naka-imik, parang na pipi ako bigla. May part sa akin na sumang-ayon sa sinabi niya. Sabagay, may point siya. Ako, isang araw lang magsu-suot ng gown. Samantalang siya, buhay niya ang masisira.

 

But no. Hindi pa din ako papayag!

 

"Kung sa tingin mo ay buhay mo lang ang masisira, nagkaka-mali ka. Ginagawa ko 'to para sa kompanya, at mayroon din akong sariling buhay. Kaya kung sa tingin mo ay buong buhay mo lang ang masisira, then let's make a deal." Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "Once na maibalik sa dati ang lahat at hindi na muling babagsak pa ang kompanya namin. Magpa-file ako ng annulment at ibabalik ang shares na ibinigay niyo sa kumpanya namin." Naiinis man ngunit pinanatili ko pa ring kalmado ang sarili ko.

 

"Bakit annulment? Divorce dapat!" Maangas na sabi niya.

 

Bahagya naman akong natawa. “Bakit? Nasa batas ba ang divorce dito sa Pinas?"

 

Napangisi na lang siya. "Tss."

 

"Same sex nga wala e, divorce pa kaya." Nakangusong bulong ko.

 

Bigla naman nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Lihim akong napangisi dahil doon.

 

Gusto mong mag-laro? Sige. Maglalaro tayo.

 

"Ano? Deal?" tanong ko at inilahad ang kamay ko sa harap niya.

 

"Deal,” sabi niya at nakipag-kamay sa akin.

 

"So, we're okay. Gagawa ako ng contract para h—"

 

Umiling siya. "No need. Okay na sa'kin yung sinabi mo. Basta huwag mo lang akong papakialaman at hahawakan, sapat na sa'kin 'yon." Kalmadong aniya at binitawan na ang kamay ko.

 

Tss. Ba't ko naman siya hahawakan? Hindi ko naman siya type..

 

Ngumiti ako. “Kung ganoon, see you in our wedding." May diin na sabi ko.

 

Ngumisi na naman ulit siya. "Can't wait to see you wearing a white gown while walking on the aisle..." Nang-aasar na tugon niya na nginisihan ko lang din naman tulad ng kung paano siya ngumisi kanina, ngising-aso.

 

"'Ge. Alis na 'ko." Walang-emosyon na paalam niya.

 

Tumayo na siya at tumalikod na. Maangas siyang nag-lakad papalapit sa pinto at lumabas. Doon lang ako nakahinga ng maayos. Pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin kanina habang kausap siya.

 

Ilang sandali kong pinakalma ang sistema ko kaso bigla ko na namang naalala yung tungkol sa lintek na traje de boda na susuotin ko ‘raw’ bukas.

 

Tsk. Badtrip naman talaga! Tama pa ba 'tong pinasok ko? Nafu-frustrate na tanong ko sa isip.

 

Hindi ako makakapag-trabaho ng maayos kung ganitong iba na ang umiikot sa utak ko. Imbes na ipagpatuloy ang trabaho, kinuha ko na lang yung cellphone ko at tinawagan si Jace.

 

"Hello," bati ko nang sagutin ni Jace ang tawa.

 

"(Oh bro, problem?)" bungad ni Jace mula sa kabilang linya.

 

"Can we meet? At Juxe Bar."

 

"(I’m already here. By the way, hindi mo na 'ko sinipot kagabi!)"

 

Natawa ako ng maalala iyon. "I apologize. I was tired last night kaya nawala na rin sa isip ko. I'll tell you later  what happened."

 

Bigla siyang natawa. "(Okay. You said that. See you later..)"

 

Hindi na ako sumagot at ibinaba na ang telepono. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng opisina. Balak ko sanang mag-paalam kay Secretary Anj kaso wala siya sa table niya. Nag-iwan a lang ako ng isang text bago tuluyang umalis papunta sa Juxe Bar.

 

 

 

 

ASHLEE'S POV

 

Pagkatapos nang naging pag-uusap namin ni Cuenco, dumiretso ako sa isang coffee shop na malapit lang din sa kompanya. Doon kasi ang napag-usapan namin ng kasintahan ko na magkita ngayong araw. Medyo seryoso pa siya kagabi nang sabihin niya sa akin na gusto niya makipagkita ngayon, ibang-iba sa paraan niya kung paano siya makipag-usap sa akin noon bago niya malaman ang tungkol sa 'kasal' ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi magiging maganda ang patutunguhan ng pag-kikita namin ngayon.

 

Nag-aalangan tuloy akong tumuloy..

 

Pagpasok ko pa lang sa loob ay nakita ko na agad siya. Tahimik siyang naka-upo sa isang table sa bandang dulo. Nakangiti akong naglakad papunta sa kaniya. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya napansin ang pag-lapit ko. Kaya ang ginawa ko ay mabilisan ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat naman niya. Lihim akong napangiti dahil sa kaniyang naging reaksyon.

 

Umupo ako sa kaharap niyang upuan. "Hi love, kanina ka pa?" Nakangiting tanong ko.

 

Umiling siya. "Hindi naman,” aniya saka yumuko.

 

"Teka, may problema ba? Ang tahimik mo naman," tanong ko.

 

Nag-angat naman siya ng ulo at seryosong tumingin sa akin. Matamis naman akong ngumiti sa harap niya para sana pangitiin din siya, ngunit ilang segundo na ang dumaan, nanatili pa ring seryoso ang kaniyang mukha. Unti-unti na akong kinabahan.

 

"A-Ano nga pala yung sasabihin m-mo—"

 

"Ash, itigil na natin ito...” Pag-puputol niya sa sinasabi ko.

 

Dahan-dahang nawala ang ngiti ko sa labi.

Related chapters

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 3.1

    "Ash, itigil na natin ito...” Pag-puputol niya sa sinasabi ko.Dahan-dahang nawala ang ngiti ko sa labi. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin. Bigla akong napipi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pilit kong inire-rehistro sa utak ko ang sinabi niya.Ash, itigil na natin ito...Nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko. Alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niya pero hindi ko kayang tanggapin. Hindi matanggap ng sistema ko.Pilit akong ngumiti, pinapakita sa kaniya na hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Pero sa loob-loob ko, unti-unti akong winawasak ng mga salitang iyon."Anong i-itigil? Wala naman tayong ginagawa ah?" Nagbibirong tanong ko.Napabuntong-hininga siya sa inas

    Last Updated : 2021-10-25
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 4

    KHEENE'S POV"Kheene! Bumangon ka na d'yan!"Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata. Kanina pa gising ang diwa ko pero pinili ko munang huwag bumangon. Dala siguro ng hangover kaya pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko."Ano ba? Hindi ka ba tatayo d'yan? Anong oras na?!" Sigaw ni mama sa akin habang itinuturo pa yung orasan dito sa sala. Tumingin naman ako doon habang papungas-pungas ang mga mata.7:43 am."Maaga pa naman, mama. 5 minutes pa," sabi ko at pumikit ulit.Ngunit hindi pa man umaabot ng isang minutong nakapikit ang mata ko, nakaramdam na agad ako ng malaks na hampas sa kaliwang hita ko. Agad akong napa-upo at hinimas-himas ang pinalong hita ni mama.Ito yung ayoko minsan sa kaniya e. Bigla-b

    Last Updated : 2021-11-02
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 4.1

    KHEENE'S POV After the wedding.. "Congratulations, Kheene, my son!" Bati ni mama sa akin tapos niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik. Nasa labas na kami ngayon ng simbahan, nagha-handa sa pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang reception. Speaking of reception... "Ahm, ma?" bulong ko sa rito. Bumitaw naman siya sa pagkaka-yakap sa akin. "Ano 'yun?" tanong niya. "Hindi na po ako a-attend ng reception, pagod na ako. 'Tsaka papasok pa 'ko bukas sa opisina," sabi ko habang kumakamot sa likod. Kanina pa ako kating-kati sa gown na ito. Wala pa ako sa simbahan kanina pero gusto ko na agad alisin sa katawan ko ang nakakainis na damit na 'to. Hind

    Last Updated : 2021-11-03
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 5

    CHAPTER 5KHEENE'S POV2 years later...Doon nagsimula ang lahat. Sa unang araw ng pagiging mag-asawa namin ay maayos naman. Parang normal lang ang ginagawa ko, gigising, papasok sa trabaho, tapos pag-gabi na ay uuwi na ako. May isa nga lang problema...Sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho ay magluluto pa ako. Magluluto at ipaghahanda ko pa siya ng pagkain niya.Ang galing, 'di ba?Tulad na lang ngayon, kagagaling ko lang sa opisina pero heto't nasa kusina ako at nagluluto ng makakain namin ngayong hapunan. Hindi na rin coat at necktie ang suot, kung hindi apron. Gawain niya dapat 'to pero bakit ako ang gumagawa?Badtrip! Pasalamat na lang siya dahil t

    Last Updated : 2021-11-04
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 6

    ASHLEE'S POV Maaga akong nagising ngayong araw. Balak ko kasing maglinis at ayusin itong bahay para naman kahit papaano ay may magawa akong matino. Simula kasi ng ikasal kami, puro lang lamyerda ang ginawa ko. Bar dito, bar doon. Babae dito, babae doon. Natalo ko pa si Kheene sa pangba-babae dahil halos gabi-gabi ay mayroon ako. Pero hanggang kiss at himas lang naman ang ginagawa ko sa mga nagiging babae ko. No sex. Just kiss. At iniiwan ko rin agad sila kapag nag-sawa na ako saka maghahanap ng panibago. Yeah, I admit it. I'm a womanizer. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Humihikab pa ako habang pababa sa sala. Pagbaba ay pumunta agad ako sa kusina, dumiretso ako sa refrigerator at binuksan iyon. Nanlumo ako na makitang wala man lang kal

    Last Updated : 2021-11-05
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 7

    ASHLEE'S POV Time checked: 10:30 am Tinanghali na ako ng gising. Mag-aalas dos na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kalalaro sa cellphone ko. Hindi kasi ako sanay matulog nang maaga, laging pa-umaga na. Mabuti nga't kagabi hindi ako alas kuwatro natulog, maaga na para sa akin ang alas dos. Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Habang nagto-toothbrush, bigla na lang tumunog nang malakas ang tiyan ko. Senyales na matindi na ang pagka-gutom ko. Binilisan ko na lang ang pagsi-sipilyo at paghihilamos, tapos at bumaba na ako. Nakangiti akong naglalakad papunta sa kusina. Iniisip kung ilan ang ipina-deliver ni Kheene na tapsilog at longsilog. Pero sana hindi niya nakalimutan magpa-deliver. Kung hindi... Naku!

    Last Updated : 2021-11-06
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 8

    ASHLEE'S POV Sabado ng umaga... Isang himala ang araw na ito dahil alas siete palang ng umaga ay gising na ako. Samantalang maga-alas tres na kagabi bago ako makatulog. Kaya imbes na pilitin ang sarili na matulog ulit, magpapa-pawis na lang ako. Umakyat ako sa ikatlong palapag nitong bahay. May mga gamit kasi si Kheene doon na pang-workout tulad ng treadmill, stationary bikes, punching bag, cable pulley and free weights like barbells and kettleballs. Kaya kaysa lumabas pa ako para magtungo sa isang gym, dito na lang ako sa bahay tutal mayroon naman. Alas nuebe na ngayon ng umaga. Hindi ko namalayan na dalawang oras na pala akong nagwo-workout. Masiyado kasi akong nag-focus sa ginagawa ko kaya hindi ko na napansin ang oras. "

    Last Updated : 2021-11-07
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 9

    KHEENE'S POV Sabado ng gabi... 7:30 na ng gabi pero hindi pa din lumalabas sa kuwarto niya si Tiburcio, mula pa kaninang umaga. Nakapag-luto na ako ng hapunan pero ni anino niya, hindi ko pa din nakikitang bumaba. Hindi na din siya nakapag-tanghalian. 'Hays! Ba't ko ba kasi ginawa 'yon sa kaniya kanina?' 'Pinatahimik mo lang naman siya, e. Ang ingay niya!' sabi ng isang part sa utak ko. 'Ganon ka ba magpa-tahimik, ha? Edi 'pag maingay din pala si Secretary Anj, hahalikan mo para tumahimik?' sabi naman ng isa pang parte sa isip ko. 'Bakit ko hahalikan 'yon? Lalaki kaya 'yon...' 'Ba

    Last Updated : 2021-11-11

Latest chapter

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 28

    KHEENE'S POV "... ..." "... ..." "... Sir Kheene.." Tawag ng isang boses, pero nananatiling wala ako sa sarili. "Sir.. Sir, tapos na ang meeting.." Ani Secretary Anj na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong meeting room at tanging kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa loob. "Okay lang po ba kayo, sir? Mukha ho kasing wala kayo sa sarili buong meeting," sabi ni Secretary Anj. Huminga ako ng malalim at hinilamos ang parehong palad sa aking mukha para tuluyan akong magising sa katotohanan. "Sorry. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." Dahilan ko. "How's the meeting, anyw

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 27.1

    KHEENE'S POV"UPDATE mo 'ko kapag may balita na kayo. Report niyo agad sa'kin," sabi ko kay Detective Han na kausap ko ngayon sa telepono. Siya ang naka-assign na mag-imbestiga tungkol sa nangyari kagabi pati na rin sa kaso ni Mr. Samañego na hanggang ngayon ay wala pa rin usad."Sige po, sir." Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Malalim akong napabuntong-hininga at napahilot sa sentido.Ang dahilan kung bakit pinabalik kami ni Dad dito sa kompanya kagabi ay dahil may pumasok dito sa opisina ko walang pahintulot. Nag-report ang guwardiyang naka-duty dito kagabi kay Secretary Gino, kaya tumawag ito kay Dad at pinabalik kami.Ang sabi nang guard nung makausap namin, habang nagro-robing ito kagabi, napansin niya na nakabukas ang pinto ng opisina ko. Akala niya ay nakalimutan ko i

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 27

    ASHLEE'S POV"BABE.." Tawag ni Sophie sa akin.Kanina ko pa naririnig iyon pero parang wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko man lang siya magawang lingunin kahit sandali."Babe, Ash.." Ulit niya, ngunit nanantili akong walang kibo.Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Kheene at nila tita, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa nagawa ko. Pero hindi ko naman sinadya na mangyari iyon, its just that.. hindi ko lang matiis na iwan mag-isa dito sa unit niya kagabi si Sophie knowing na masama ang pakiramdam nito. Hinintay ko pa na dumating ang isang maid nila bago ko siya iwan.Yung tungkol naman sa magulang ko, hindi ko naman na masiyadong dinamdam iyon. Alam ko naman na sanay na sila na ganoon ako

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 26.1

    Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon. Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon. Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 26

    KHEENE'S POV HINDI na mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni dad tungkol kay Secretary Anj. Magmula rin no'n ay medyo nag-iingat ako kapag nasa paligid siya, pinapakiramdaman ko din at ino-obserbahan ang bawat kilos niya. Kung noon ay hindi ko binubuksan ang salamin sa pwesto niya, ngayon ay palagi na iyon bukas para mapagmasdan ang ginagawa niya sa kaniyang lamesa. Sinasara ko na lang ulit kapag nakikita kong papasok siya sa opisina ko. "I'll leave the office as soon as I finish this papers," sabi ko kay mama na kausap ko ngayon sa telepono dito sa opisina ko. Mayroon kaming family dinner ngayon kasama ang parents ni Tiburcio. Ito ang unang beses na mangyayari ang ganitong dinner mula nang ikasal kami, siguro'y dahil parehong busin

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 25.1

    "Tutulong ako sa paghahanap ng file, dad. Magpapatulong ako sa secretary ko—""Don't!" Sabay na pigil nila ni Mr. Vasquez sa akin. Nagtataka ko silang tinignan."Mas mabuti kung mag-isa kang kumilos sa bagay na ito, Kheene.." Dad said."Why?" Takang tanong ko."Hindi maganda ang pakiramdam namin sa secretary mo, Kheene. I know, matagal mo na siyang kasama sa trabaho. But now.."Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, ngunit sumang-ayon pa rin ako sa kanilang kagustuhan. Pero naguguluhan pa rin talaga ako.."By the way, how's your marriage life?" Pag-iiba ng topic ni dad.Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Kumusta nga ba ang marriage life ko? "Ahm. It's good." Sagot ko na parang tumikhim lang ng pagkain.

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 25

    KHEENE'S POV MAAGA akong pinatawag sa kompanya dahil sa biglaang board meeting. Wala akong kaide-ideya kung bakit nila ako pinapatawag, wala rin naman nabanggit sa akin si Secretary Anj sa kung ano ang dahilan ng mga ito. Tuloy ngayon ay clueless akong nakaharap sa buong board members at naghihintay ng sasabihin nila. "What now, Mr. Cuenco?" tanong ni Mr. Orencio, ang owner ng Orencio Real Estates at isa sa mga supplier namin. Ano ba kasi ang gusto nilang sabihin ko? "It seems like hindi pa alam ni Mr. CEO ang nangyayari ngayon sa kompanya nila, tama ba?" tanong naman ni Mrs. Hilario. Bakas sa mukha nila ang inis at pagka-dismaya sa hindi ko malaman na dahilan. At mukhang mas lalo pang nadadagdagan iyon dahil wala akong maisagot sa k

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 24.1

    ASHLEE'S POVTULAD ng napag-usapan, hindi ako umalis kinabukasan. Hindi rin naman nagparamdam si Sophie kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na't nandito ang asungot."Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? Ang sama ng tingin mo ah? Inaano ba kita?" Isip-batang tanong niya habang nanlalaki pa ang mga mata at butas ng kaniyang ilong. Napailing na lang ako at humalukipkip sa sofa.Ang siraulo kasi, tinotoo ang sinabi niyang hindi siya papasok sa opisina para lang makasama ako ngayon buong araw. Tss. As if naman na may mapapala siya sa akin dito. Baka nga mag-rambulan lang kami dito buong mag-hapon. Tulad na lang ng nangyayari sa amin ngayon.&nb

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 24

    KHEENE'S POVNAGHIHIKAB pa ako habang pababa sa hagdan nang maabutan ko si Tiburcio na nag-susuot na ng kaniyang sapatos. Napatingin tuloy ako sa orasan na malapit sa akin at nagtaka nang makita kung anong oras pa lang.8:36 am*Ang aga naman ata ng lakwatsa nito?*Mabilis akong bumaba ng hagdan nang makitang papaalis na si Tiburcio. Nilapitan ko agad siya at tinanong... kahit wala pa akong mumog-mumog."Saan ka na naman pupunta? Ang aga pa ah?"Mukhang nagulat pa siya sa presenya ko dahil bahagya pa siyang napatalon sa kinatatayuan niya. Nang lingunin njya ako ay masama na agad ang tingin niya sa akin."Pake mo naman?" Pabalang niyang tanong din na ikinabigla ko.Ano daw

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status