Share

CHAPTER 2.1

Author: Dehjeon_desu
last update Last Updated: 2021-10-20 18:02:49

KHEENE'S POV

At Sean's Resto.

30 MINUTES na kaming naghihintay dito nila mama't papa, medyo nabo-bored na din ako. Hindi ako sanay maghintay!

"Hon, dadating pa ba sila Mr. Siqua?" tanong ni mama kay papa.

Dad nodded. "Yes. On the way na daw sila. Mag-order na tayo."

Yumuko na lang ako at pinakiramdaman ang sarili. Ba't gano'n? Hindi man lang ako kinakabahan?

Bakit ba ako nagtataka pa? Maraming beses na din akong ini-arrange-marriage ni papa kung kani-kanino, pero lagi namang hindi natutuloy. Kaya panatag ako na hindi na naman matutuloy ito.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga Siqua. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay naririnig ko sila.

"Kanina pa ba kayo? Pasensya na ah." Dinig kong sabi ni Mr. Siqua.

"Nagka-aberya kasi sa bahay. We're sorry," paumanhin naman ni Mrs. Siqua.

"Nah. It's okay. Take a sit," sabi ni mama.

Hanggang ngayon ay nakayuko pa din ako. Ayaw kong makita ang itsura ng lesbiang mapapangasawa ko kuno.

"By the way, this is Ashlee Siqua. Our one and only daughter but sometimes... our son." Pagpapakilala ni Mrs. Siqua sa anak niya… na magiging asawa ko.

Kinukutkot ko lang ang kuko ko mula sa ilalim ng mesa. Nakikiramdam sa babaeng naka-upo sa harap ko.  

"Oh, she's pretty! Hindi halata sa kaniya na ano siya…" Hindi na itinuloy ni mama ang sinasabi niya.

"A lesbian, pero malay natin... Baka maging straight na babae ito kapag na kasal sila ni Kheene. Right, Kheene?" biglang banggit sa akin ni Mr. Siqua.

Agad akong nag-angat ng ulo sa kanila... na gusto kong pagsisihan dahil ginawa ko pa. Nabaling ang tingin ko sa babaeng tahimik na nakaupo sa harap ko. Nakayuko lang din siya at walang imik, pero naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kaniya kaya nag-angat din siya ng tingin sa akin.

Bigla akong inatake ng kaba nang tumititig siya sa akin, pero huli na ng mapagtanto ko na...

"Ikaw?!"

"Ikaw?!"

Sabay naming naisigaw. Nangunot ang noo niya at ganoon rin ako.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Anong ginagawa mo dito?!"

Sabay naming naitanong... ulit.

Nanlaki ang mata ko, nanlisik naman yung sa kaniya. Ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa kaniya.

Siya yung babae kanina, yung muntik ko nang masagasaan! Yung manloloko! Sh*t!

Nag-umpisang gumana ang isip ko at nag-isip ng mga maaaring posibleng mangyari sa gaganapin na dinner na ito, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

Alam kaya ng magulang niya na isa siyang mang-gagantyo? Na kasapi sa budol-budol gang? Mukhang delikado kami dito ng pamilya ko 'pag nagkataon na hindi nagkaunawaan ang magulang ko at ang magulang niya… Aatras na ba 'ko? Napalunok na lang ako habang isa-isang iniisip ang mga posibilidad na mangyari sa dinner na ito.

"Hijo, ayos ka lang ba? Ba't namumutla ka?"

Nabalik ako sa reyalidad nang may humawak sa balikat ko. Si mama. Tumango lang ako at muling tumingin sa babaeng nasa harap ko.

Fvck! Sana naman hindi mangyari ang ganoon.

"Magka-kilala na kayo?" Singit ni papa. Si Ashlee ang sumagot.

Umiling siya. "Hindi. Pero siya lang naman ang dahilan kung bakit masakit ang kanang binti ko ngayon!" sabi ni Ashlee at masamang tumingin sa akin.

"What do you mean, hija?" si mama naman ang nag-tanong.

Pinag-krus muna ni Ashlee ang mga braso niya bago siya magsalita. "Kaninang umaga, may isang kotse na muntik na akong masagasaan. Mabuti na lang at mabilis iyong tumigil at binti lang ang natamaan sa akin," aniya habang titig na titig pa rin sa akin.

"God! Ba't hindi mo sinabi sa amin?" Nag-aalalang tanong ni Mrs. Siqua sa anak niya. "Nakita mo ba kung sino yung driver?"

Tumango naman si Ashlee. "Oo naman. Lumabas pa nga e," sarkastikong anito.

"Namukhaan mo ba? Sino 'yon at nang ma-demanda natin," sabi naman ni Mr. Siqua na nagpa-kaba sa akin.

Fvck! Anong gagawin ko? Mukha naman kasi siyang ayos kanina e…

"Edi siya!" Malakas na sabi ni Ashlee at sabay turo sa akin. "'Yang mokong na 'yan ang nakasagasa sa akin. Bukod sa hindi niya ako tinulungan, sinabihan pa niya akong manloloko at kasapi ng budol-budol gang!"

"What?!" Sabay-sabay na sabi ng mga magulang namin. Napabuntong-hininga na lang ako at napahilot sa sentido ko.

"Look, hindi ko naman sinasadya iyon. 'Tsaka, mukha ka namang okay kanina e. Nakakatayo ka pa nga ng maayos at nahabol mo pa ang kotse ko. Kaya sa tingin ko wala ka namang natamo na kahit ano," paliwanag ko sa kaniya.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang gumastos. Iniwan mo 'ko sa daan na masakit ang binti dahil irresponsable ka—" Natigil sa pag-sasalita si Ashlee nang magsalita ang ina niya.

"Ashlee, watch your words." Saway ni Mrs. Siqua sa kaniya. Natahimik na lang kami.

Tch. What a coincidence? Sa dami ng babaeng pwede kong pakasalan, ito pa talagang babaeng 'to?

Maya-maya ay dumating na ang mga in-order ni papa kanina. Isa-isa iyong inilapag sa harap namin.

"Here's your order, ma'am and sir. Enjoy your dinner!" Magiliw na sabi nung waitress at umalis na.

Mabuti naman at dumating na. Kanina pa ako nagugutom. Hindi kasi ako nag-tanghalian para dito. Saka marami rin ginagawa sa opisina kaya nakaligtaan ko ng kumain.

Nakangisi kong hinarap ang pagkain ko, pero akmang hahawakan ko na ang kutsara at tinidor nang biglang...

*witwiw!*

Nanlalaki ang mata ko na nag-angat ng tingin kay Ashlee. Nakita kong nakangisi siyang nakatingin sa waitress— sa binti ng waitress na nag-serve sa amin.

Tss. Ibang klase!

Napailing na lang ako at nagsimula ng kumain. Habang kumakain, tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng magulang ko at ng mag-asawang Siqua.

"So, let's talk about their wedding." Panimula ni Mr. Siqua.

Tumango naman si mama, "Yeah. Sure. Kailan niyo sila gustong ikasal?"

Kumunot naman yung noo ko pero patuloy pa rin sa pagkain. Bakit sila ang nagde-desisyon?

"By next week na sana. Kung okay lang sa inyo," ani Mr. Siqua sabay tawa.

Sumang-ayon naman ang mga magulang ko sa sinabi ni Mr. Siqua. "Yeah, sure. So, simulan na natin ang pagpa-plan—"

Natigil sa pagsasalita si mama nang tumaginting ang tunog ng ibinagsak na kubyertos sa pwesto namin. Pare-pareho kaming napatingin kay Ashlee na siyang may gawa no'n.

"Bakit kayo ang nagde-desiyon? Eh kami naman yung ikakasal?" Walang emosyong tanong niya habang nakatingin sa labas.

Sumang-ayon naman yung isip ko sa sinabi niya. Tama! Dapat kami ang nagde-desisyon, hindi sila.

Hinarap naman siya ni Mrs. Siqua. "No, baby. Parents knows best. Kami na ang bahala. Basta, ang kailangan niyo lang gawin ay pumunta sa kasal at mag-I do." Masayang sabi nito.

"Tss."  Mahinang asik ni Ashlee saka umiling.

Nag-umpisa nga silang mag-plano para sa kasal namin. Nakinig lang ako sa usapan nila, minsan ay ngumingiti at tumatango na lang ako.

Inabot kami ng ilang oras sa pag-uusap. Panay tawanan ang pareho naming magulang ni Ashlee, habang kaming dalawa ay tahimik na humihigop ng kape.

"Mauna na kami." Paalam ni Mr. Siqua, nasa labas na kami ngayon ng restaurant. "Ingat kayo sa byahe." 

"Sige, mag-ingat din kayo!" sabi ni papa, ngumiti lang ako sa kanila.

Tinignan ko naman si Ashlee pero mabilis siyang pumasok sa kotse nila. Tss.

Hinintay muna naming maka-alis ang mga Siqua bago ako nagpaalam sa magulang ko.

"Mauna na din po ako. Ingat po kayo." Paalam ko, tumango lang sila at pumasok na sa sasakyan.

Lumapit na rin ako sa kotse ko at pumasok. Huminga muna ako malalim bago nagmaneho pauwi.

Hanggang sa makarating ako sa bahay ay okupado pa rin ang isip ko tungkol sa kasal. Sobra akong binubulabog ng isiping lesbian ang pakakasalan ko. Hindi ko magawang makatulog ng mahimbing dahil sa tuwing pipikit ako, iyon agad ang pumapasok sa utak ko. Kung bakit ba naman kasi… Napabuntong-hininga na lang ako.

Lord. Please, 'wag naman po sanang matuloy ang kasal ko sa lesbian na 'yon!

***

Related chapters

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 3

    KHEENE'S POV DAYS had passed. Paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Tulad din ng sinabi ni Mrs. Siqua, sila na nila mama ang nag-asikaso ng lahat para sa kasal namin ni Ashlee. Mapa-simbahan, damit, pagkain, at lugar na gaganapan ng reception, sila na ang nag-asikaso. Mukhang wala na talaga akong kawala sa isang ito. Tsk! Busy ako sa pag-pirma ng mga papeles nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Sandali pa'y bumukas na iyon at pumasok si Secretary Anj. "Sir Kheene, may lalaki pong naghahanap sa inyo sa labas," sabi niya. "Sino daw siya?" tanong ko sabay hubad ng salamin na suot ko. "Ash daw po ang pangalan niya." Ash? Sino naman kaya 'yon?Nangunot ang noo ko.

    Last Updated : 2021-10-23
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 3.1

    "Ash, itigil na natin ito...” Pag-puputol niya sa sinasabi ko.Dahan-dahang nawala ang ngiti ko sa labi. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin. Bigla akong napipi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pilit kong inire-rehistro sa utak ko ang sinabi niya.Ash, itigil na natin ito...Nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko. Alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niya pero hindi ko kayang tanggapin. Hindi matanggap ng sistema ko.Pilit akong ngumiti, pinapakita sa kaniya na hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Pero sa loob-loob ko, unti-unti akong winawasak ng mga salitang iyon."Anong i-itigil? Wala naman tayong ginagawa ah?" Nagbibirong tanong ko.Napabuntong-hininga siya sa inas

    Last Updated : 2021-10-25
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 4

    KHEENE'S POV"Kheene! Bumangon ka na d'yan!"Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata. Kanina pa gising ang diwa ko pero pinili ko munang huwag bumangon. Dala siguro ng hangover kaya pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko."Ano ba? Hindi ka ba tatayo d'yan? Anong oras na?!" Sigaw ni mama sa akin habang itinuturo pa yung orasan dito sa sala. Tumingin naman ako doon habang papungas-pungas ang mga mata.7:43 am."Maaga pa naman, mama. 5 minutes pa," sabi ko at pumikit ulit.Ngunit hindi pa man umaabot ng isang minutong nakapikit ang mata ko, nakaramdam na agad ako ng malaks na hampas sa kaliwang hita ko. Agad akong napa-upo at hinimas-himas ang pinalong hita ni mama.Ito yung ayoko minsan sa kaniya e. Bigla-b

    Last Updated : 2021-11-02
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 4.1

    KHEENE'S POV After the wedding.. "Congratulations, Kheene, my son!" Bati ni mama sa akin tapos niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik. Nasa labas na kami ngayon ng simbahan, nagha-handa sa pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang reception. Speaking of reception... "Ahm, ma?" bulong ko sa rito. Bumitaw naman siya sa pagkaka-yakap sa akin. "Ano 'yun?" tanong niya. "Hindi na po ako a-attend ng reception, pagod na ako. 'Tsaka papasok pa 'ko bukas sa opisina," sabi ko habang kumakamot sa likod. Kanina pa ako kating-kati sa gown na ito. Wala pa ako sa simbahan kanina pero gusto ko na agad alisin sa katawan ko ang nakakainis na damit na 'to. Hind

    Last Updated : 2021-11-03
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 5

    CHAPTER 5KHEENE'S POV2 years later...Doon nagsimula ang lahat. Sa unang araw ng pagiging mag-asawa namin ay maayos naman. Parang normal lang ang ginagawa ko, gigising, papasok sa trabaho, tapos pag-gabi na ay uuwi na ako. May isa nga lang problema...Sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho ay magluluto pa ako. Magluluto at ipaghahanda ko pa siya ng pagkain niya.Ang galing, 'di ba?Tulad na lang ngayon, kagagaling ko lang sa opisina pero heto't nasa kusina ako at nagluluto ng makakain namin ngayong hapunan. Hindi na rin coat at necktie ang suot, kung hindi apron. Gawain niya dapat 'to pero bakit ako ang gumagawa?Badtrip! Pasalamat na lang siya dahil t

    Last Updated : 2021-11-04
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 6

    ASHLEE'S POV Maaga akong nagising ngayong araw. Balak ko kasing maglinis at ayusin itong bahay para naman kahit papaano ay may magawa akong matino. Simula kasi ng ikasal kami, puro lang lamyerda ang ginawa ko. Bar dito, bar doon. Babae dito, babae doon. Natalo ko pa si Kheene sa pangba-babae dahil halos gabi-gabi ay mayroon ako. Pero hanggang kiss at himas lang naman ang ginagawa ko sa mga nagiging babae ko. No sex. Just kiss. At iniiwan ko rin agad sila kapag nag-sawa na ako saka maghahanap ng panibago. Yeah, I admit it. I'm a womanizer. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Humihikab pa ako habang pababa sa sala. Pagbaba ay pumunta agad ako sa kusina, dumiretso ako sa refrigerator at binuksan iyon. Nanlumo ako na makitang wala man lang kal

    Last Updated : 2021-11-05
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 7

    ASHLEE'S POV Time checked: 10:30 am Tinanghali na ako ng gising. Mag-aalas dos na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kalalaro sa cellphone ko. Hindi kasi ako sanay matulog nang maaga, laging pa-umaga na. Mabuti nga't kagabi hindi ako alas kuwatro natulog, maaga na para sa akin ang alas dos. Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Habang nagto-toothbrush, bigla na lang tumunog nang malakas ang tiyan ko. Senyales na matindi na ang pagka-gutom ko. Binilisan ko na lang ang pagsi-sipilyo at paghihilamos, tapos at bumaba na ako. Nakangiti akong naglalakad papunta sa kusina. Iniisip kung ilan ang ipina-deliver ni Kheene na tapsilog at longsilog. Pero sana hindi niya nakalimutan magpa-deliver. Kung hindi... Naku!

    Last Updated : 2021-11-06
  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 8

    ASHLEE'S POV Sabado ng umaga... Isang himala ang araw na ito dahil alas siete palang ng umaga ay gising na ako. Samantalang maga-alas tres na kagabi bago ako makatulog. Kaya imbes na pilitin ang sarili na matulog ulit, magpapa-pawis na lang ako. Umakyat ako sa ikatlong palapag nitong bahay. May mga gamit kasi si Kheene doon na pang-workout tulad ng treadmill, stationary bikes, punching bag, cable pulley and free weights like barbells and kettleballs. Kaya kaysa lumabas pa ako para magtungo sa isang gym, dito na lang ako sa bahay tutal mayroon naman. Alas nuebe na ngayon ng umaga. Hindi ko namalayan na dalawang oras na pala akong nagwo-workout. Masiyado kasi akong nag-focus sa ginagawa ko kaya hindi ko na napansin ang oras. "

    Last Updated : 2021-11-07

Latest chapter

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 28

    KHEENE'S POV "... ..." "... ..." "... Sir Kheene.." Tawag ng isang boses, pero nananatiling wala ako sa sarili. "Sir.. Sir, tapos na ang meeting.." Ani Secretary Anj na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong meeting room at tanging kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa loob. "Okay lang po ba kayo, sir? Mukha ho kasing wala kayo sa sarili buong meeting," sabi ni Secretary Anj. Huminga ako ng malalim at hinilamos ang parehong palad sa aking mukha para tuluyan akong magising sa katotohanan. "Sorry. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." Dahilan ko. "How's the meeting, anyw

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 27.1

    KHEENE'S POV"UPDATE mo 'ko kapag may balita na kayo. Report niyo agad sa'kin," sabi ko kay Detective Han na kausap ko ngayon sa telepono. Siya ang naka-assign na mag-imbestiga tungkol sa nangyari kagabi pati na rin sa kaso ni Mr. Samañego na hanggang ngayon ay wala pa rin usad."Sige po, sir." Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Malalim akong napabuntong-hininga at napahilot sa sentido.Ang dahilan kung bakit pinabalik kami ni Dad dito sa kompanya kagabi ay dahil may pumasok dito sa opisina ko walang pahintulot. Nag-report ang guwardiyang naka-duty dito kagabi kay Secretary Gino, kaya tumawag ito kay Dad at pinabalik kami.Ang sabi nang guard nung makausap namin, habang nagro-robing ito kagabi, napansin niya na nakabukas ang pinto ng opisina ko. Akala niya ay nakalimutan ko i

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 27

    ASHLEE'S POV"BABE.." Tawag ni Sophie sa akin.Kanina ko pa naririnig iyon pero parang wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko man lang siya magawang lingunin kahit sandali."Babe, Ash.." Ulit niya, ngunit nanantili akong walang kibo.Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Kheene at nila tita, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa nagawa ko. Pero hindi ko naman sinadya na mangyari iyon, its just that.. hindi ko lang matiis na iwan mag-isa dito sa unit niya kagabi si Sophie knowing na masama ang pakiramdam nito. Hinintay ko pa na dumating ang isang maid nila bago ko siya iwan.Yung tungkol naman sa magulang ko, hindi ko naman na masiyadong dinamdam iyon. Alam ko naman na sanay na sila na ganoon ako

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 26.1

    Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon. Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon. Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 26

    KHEENE'S POV HINDI na mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni dad tungkol kay Secretary Anj. Magmula rin no'n ay medyo nag-iingat ako kapag nasa paligid siya, pinapakiramdaman ko din at ino-obserbahan ang bawat kilos niya. Kung noon ay hindi ko binubuksan ang salamin sa pwesto niya, ngayon ay palagi na iyon bukas para mapagmasdan ang ginagawa niya sa kaniyang lamesa. Sinasara ko na lang ulit kapag nakikita kong papasok siya sa opisina ko. "I'll leave the office as soon as I finish this papers," sabi ko kay mama na kausap ko ngayon sa telepono dito sa opisina ko. Mayroon kaming family dinner ngayon kasama ang parents ni Tiburcio. Ito ang unang beses na mangyayari ang ganitong dinner mula nang ikasal kami, siguro'y dahil parehong busin

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 25.1

    "Tutulong ako sa paghahanap ng file, dad. Magpapatulong ako sa secretary ko—""Don't!" Sabay na pigil nila ni Mr. Vasquez sa akin. Nagtataka ko silang tinignan."Mas mabuti kung mag-isa kang kumilos sa bagay na ito, Kheene.." Dad said."Why?" Takang tanong ko."Hindi maganda ang pakiramdam namin sa secretary mo, Kheene. I know, matagal mo na siyang kasama sa trabaho. But now.."Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, ngunit sumang-ayon pa rin ako sa kanilang kagustuhan. Pero naguguluhan pa rin talaga ako.."By the way, how's your marriage life?" Pag-iiba ng topic ni dad.Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Kumusta nga ba ang marriage life ko? "Ahm. It's good." Sagot ko na parang tumikhim lang ng pagkain.

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 25

    KHEENE'S POV MAAGA akong pinatawag sa kompanya dahil sa biglaang board meeting. Wala akong kaide-ideya kung bakit nila ako pinapatawag, wala rin naman nabanggit sa akin si Secretary Anj sa kung ano ang dahilan ng mga ito. Tuloy ngayon ay clueless akong nakaharap sa buong board members at naghihintay ng sasabihin nila. "What now, Mr. Cuenco?" tanong ni Mr. Orencio, ang owner ng Orencio Real Estates at isa sa mga supplier namin. Ano ba kasi ang gusto nilang sabihin ko? "It seems like hindi pa alam ni Mr. CEO ang nangyayari ngayon sa kompanya nila, tama ba?" tanong naman ni Mrs. Hilario. Bakas sa mukha nila ang inis at pagka-dismaya sa hindi ko malaman na dahilan. At mukhang mas lalo pang nadadagdagan iyon dahil wala akong maisagot sa k

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 24.1

    ASHLEE'S POVTULAD ng napag-usapan, hindi ako umalis kinabukasan. Hindi rin naman nagparamdam si Sophie kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na't nandito ang asungot."Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? Ang sama ng tingin mo ah? Inaano ba kita?" Isip-batang tanong niya habang nanlalaki pa ang mga mata at butas ng kaniyang ilong. Napailing na lang ako at humalukipkip sa sofa.Ang siraulo kasi, tinotoo ang sinabi niyang hindi siya papasok sa opisina para lang makasama ako ngayon buong araw. Tss. As if naman na may mapapala siya sa akin dito. Baka nga mag-rambulan lang kami dito buong mag-hapon. Tulad na lang ng nangyayari sa amin ngayon.&nb

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 24

    KHEENE'S POVNAGHIHIKAB pa ako habang pababa sa hagdan nang maabutan ko si Tiburcio na nag-susuot na ng kaniyang sapatos. Napatingin tuloy ako sa orasan na malapit sa akin at nagtaka nang makita kung anong oras pa lang.8:36 am*Ang aga naman ata ng lakwatsa nito?*Mabilis akong bumaba ng hagdan nang makitang papaalis na si Tiburcio. Nilapitan ko agad siya at tinanong... kahit wala pa akong mumog-mumog."Saan ka na naman pupunta? Ang aga pa ah?"Mukhang nagulat pa siya sa presenya ko dahil bahagya pa siyang napatalon sa kinatatayuan niya. Nang lingunin njya ako ay masama na agad ang tingin niya sa akin."Pake mo naman?" Pabalang niyang tanong din na ikinabigla ko.Ano daw

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status