Share

Ang Mala-asong Nilalang

Author: Mr. Noi
last update Last Updated: 2022-07-27 11:21:12

Lumipas ang isa pang taon, at masayang ipinagdiwang ni William ang kanʼyang ika-19 na kaarawan kasama ang kanʼyang pamilya, ilang kaklase, at matalik niyang kaibigan na si Lawrence. Naging malapit sina Lawrence at William matapos tulungan ni Lawrence si William noong araw na nasangkot siya sa isang away. Binigyan siya ni Lawrence ng pabango na walang tatak o pangalan sa babasaging itim na lalagyan nito bilang regalo.

Nagtanong siya kung saan ito binili ng huli, at ang sagot ay siya mismo ang gumawa nito. Mabango ito at panlalaki ang amoy. Ang hindi lang naintindihan ni William ay gusto ni Lawrence na ipangako niya na gagamitin ito ng eksklusibo mula ngayon. Dahil matalik silang magkaibigan at walang ideya si William kung anong amoy ang gusto niya, pumayag siya at nangako sa kaibigan na gagamitin niya ito mula sa pagtatapos ng pagdiriwang ng kanʼyang kaarawan hanggang sa maubos ito. Natuwa naman si Lawrence sa sinabi niya.

Isang gabi, nagising si William mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil nauuhaw siya. Lumabas siya ng kwarto niya para kumuha ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan niya. Dumaan siya sa kanilang sala at napansin niyang saktong hatinggabi na. Lalong lumala ang pagka-uhaw niya, kaya dali-dali siyang pumunta sa kusina, binuksan ang refrigerator, kumuha ng bote ng tubig, at ininom iyon. Nauuhaw pa rin siya matapos inumin ang kalahating laman na bote ng tubig, kaya uminom ulit siya hanggang sa maubos niya ang laman nito, ngunit hindi nawala ang uhaw na naramdaman niya, sa halip ay lalo pa itong lumalala. Uminom siya ng juice, ngunit hindi nito naibsan ang kanʼyang pagka-uhaw. Sumasakit na ang kanʼyang lalamunan na naging dahilan ng pagpapawis ni William.

Ayaw niyang gumawa ng kahit mahinang ingay kaya dahan-dahan siyang napaupo sa sahig habang hawak ang leeg. Hindi na niya maintindihan ang nararamdaman. Parang may sumasakal sa kanʼya. Gusto niyang uminom, pero hindi niya alam kung ano ang dapat niyang inumin. Hindi kalayuan sa kinauupuan niya, nakita niya ang maliit na basurahan sa kanilang kusina. Sa itaas nito, nakita niya ang isang bote ng alak. Hindi pa nakainom o nakatikim ng alak noon si William, ngunit hindi na siya nagdalawang isip at muling tumayo, binuksan ang hanging cabinet kung saan nakaimbak ang whisky ng kanʼyang ama at kumuha ng bote nito. Lingid sa kaalam niya na ang nakuha niya ay ang pinakamatapang sa lahat. Binuksan niya ang bote ng whisky at ininom iyon. Ramdam niya ang init sa kanʼyang lalamunan sa bawat paglunok. Patuloy lang siya sa pag-inom hanggang sa mahilo siya. Dahan-dahan, umupo ulit siya at uminom ng ilang beses, at maya-maya lang ay nalasing ito at mahimbing na nakatulog sa sahig.

Kinaumagahan, nagising si William sa sigaw ng kanʼyang gulat na ina. “William! Anong nangyari sayo? ”

Dahan-dahang iminulat ni William ang kanʼyang mga mata. Nakaramdam siya ng sakit ng ulo, kaya hindi agad siya nakabangon. Nagulat sa ingay, kaya tumakbo ang kanʼyang kalahating gising na ama sa kusina.

“Ano ba ang nang—naku! William?!?” Hindi makapaniwalang reaksyon ng tatay nang makita ang kanʼyang anak na nakahiga sa sahig habang bahagyang nakadilat ang dalawang mata.

“M—mom.” Mahinang tugon ni William, at nang makita niya ang kanʼyang ama sa likod ng kanʼyang ina ay binati rin niya ito, “D—dad.”

Agad namang nilapitan ng kanʼyang ina ang anak at inalalayan itong bumangon. “Anong nangyari, anak?” Tanong ng nag-aalalang ina ni William.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya makita ang bote sa hindi kalayuan sa kinahihigaan ni William, “At ano ito? Bakit may isang bote ng whisky dito? ”

Nag-aalala, sinabi ng ama na pag-uusapan nilang tatlo ang sitwasyon mamaya. Dapat na silang maghanda para sa kanilang mga responsibilidad sa labas ng tahanan. Ang ama ni William ay isang pulis, at ang kanyang ina ay nagsimulang magtrabaho sa isang café nang si William ay 16 taong gulang na.

Sabi ng ama ni William, “Ipaalam mo sa amin ng nanay mo kung may problema ka, okay?” sabay tapik sa balikat ng anak.

Nagpasiya si William na hindi na pumasok sa klase sa pangalawang pagkakataon sa kanʼyang buhay.

Kinagabihan, sa hapunan, ipinaliwanag ni William na ang kanʼyang pagkamausisa ang nagtulak sa kanʼya upang uminom at maranasan kung ano ang pakiramdam ng malasing. Tinanggap naman ng kanyang mga magulang ang rason nito pagkatapos niyang humingi ng tawad.

Dumating ang araw ng Sabado, at walang pasok si William. Siya at si Lawrence ay pumuwesto sa isang matangkad at luma na gusali malapit sa daanan papasok ng kagubatan na patungo sa bundok. Ito ay bukas at walang mga haligi, at may tatlong palapag na sahig. Nakaupo sila sa dulong bahagi ng ikalawang palapag, nakasabit ang mga paa sa ere.

Habang nag-uusap ang dalawa, ramdam na ramdam nila ang simoy ng sariwang hangin, nang biglang may narinig si William na parang may ngumunguya sa tila sariwang laman ng hindi niya matukoy kung ano. Tumingin si Lawrence sa kanʼya, naghihintay na sumagot ang binata sa kanʼyang tanong, ngunit biglang tumayo si William at sinundan ang narinig niyang tunog.

“Hoy! Saan ka pupunta? ” tanong ni Lawrence, at agad naman itong tumayo at sumunod kay William.

Hindi siya sinagot ng huli at nagpatuloy lang sa paglalakad, kaya sumunod na lang siya kay William hanggang sa makarating sila sa gubat. Tahimik lang si William at hindi lumilingon kahit isang beses, na para bang alam niya kung saan siya pupunta at hindi siya nagkakamali sa kanʼyang dinadaanan. Sa likod niya ay isang nag-aalalang Lawrence, na nakabuntot lang sa kanʼya.

Matagal na silang naglalakad sa kagubatan, nang biglang huminto si William. Nanatili siyang maputla at estatwa sa kanʼyang kinatatayuan, takot na gumalaw. Isang kulay abong hayop na kasing laki ng aso ang nakatalikod sa kanila habang kinakagat nito ang laman ng hayop. Hindi niya matukoy kung anong klaseng hayop iyon dahil nababalot na ito ng dugo. Si Lawrence, na nakatayo sa likod ni William, ay nanonood lang ng kaganapan, ngunit hindi tulad ni William, hindi siya nagulat. Sa halip, naiirita si Lawrence na parang isang lalaki na nahuli ng kanʼyang asawa na lumabag sa isang alituntunin sa bahay.

Maya-maya ay parang naramdaman ng nilalang na may nakatingin sa kanya kaya dahan-dahan itong lumingon sa direksyon ni William. Nang makaharap ito ay agad na napaatras si William dahilan para mabangga niya si Lawrence. Ang nilalang na nasa harapan nila ay may dilaw na mata at matatalas na pangil. Kasing laki lang ito ng aso, ngunit halata sa mukha nito na mabangis at mapanganib ang nilalang. Hindi pa nakakita ng ganoong hayop si William. Kaya sobra siyang kinabahan lalo na nang magsimulang humakbang ang nilalang patungo sa direksyon nila.

“Lawrence, kailangan na nating tumakbo!” mahina ngunit nauutal na sambit ni William.

Walang nakuhang sagot si William mula sa kaibigan, kaya lalo siyang naalarma. Ilang metro lang ang layo ng nilalang sa kanila nang bigla itong yumuko at umiyak na parang asong binugbog ng may-ari. Makalipas ang ilang segundo, tumakbo ito palayo sa kanila, papasok sa mas matarik na bahagi ng kagubatan sa itaas ng bundok.

“Wala na siya… maaari ka nang gumalaw, William,” sabi ni Lawrence at natawa sa takot na mukha ng kaibigan.

“A—anong klaseng hayop ʼyon?” Bagama't nauutal, medyo relax na kung magsalita si William. Nagsimula na rin silang maglakad pabalik sa kanilang pinanggalingan kanina.

“Hindi ba't isa lamang itong normal na lobo?” tanong ni Lawrence habang nakabuntot ulit kay William.

Huminto si William at humarap sa kanʼyang kaibigan, sinabing, “Isang lobo? Oo... pero hindi! may nakita na akong lobo noon. Ang lobo ay hindi ganoon. Hindi kumikinang ang mga mata nila na parang bituin.” Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang kanʼyang paglalakad.

Sagot ni Lawrence, “Kumikinang? Wala nman akong nakitang ganʼyan kanina.”

“Seryoso?” Hindi kumbinsido si William. “Ang mga mata nito ay kumikinang na parang ginintuang kayamanan, paanong hindi mo iyon napansin?”

“Wala, ” sagot ni Lawrence. “Wala akong nakitang ganʼyan kanina.”

“Pinaparatangan mo ba akong nagsisinungaling? O nag-iilusyon lang?” frustrated na tanong ni William.

“Wala rin akong sinabing ganʼyan.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nicole Park
Continuation nasaan na author?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Misteryosong Batang Lalaki At Ang Kwintas

    Tahimik na pinagmamasdan ng mag-asawa ang isang cute na sanggol na lalaki na natutulog sa kanilang kama na may matamis na ngiti sa kanilang mga mukha. Sa likod ng kanilang ngiti, gayunpaman, ay may malaking takot, pagkabalisa, at pag-aalala sa posibleng kahihinatnan ng bata sa paglipas ng panahon. Maya-maya, umakyat ang mag-asawa sa kama kung saan natutulog ang sanggol. Sobrang ingat sila na parang ayaw nilang gumawa ng kahit katiting na ingay para hindi magising ang natutulog na sanggol na si William. Ang lalaki ay nasa kaliwang bahagi ng kama, at ang kanyang asawa ay nasa kanan, upang mapagitnaan nila ang munting anghel.Lumipas ang mga taon at umabot si William sa edad na walo. Kakatapos lang umulan noong hapong iyon nang hinanap ng mag-asawa ang kanilang anak. Nagmamadaling lumabas ang kanyang ina para tingnan siya dahil wala siya sa loob ng bahay. Nang makita niya itong tumatakbong mag-isa sa kanilang bakuran, nakahinga siya ng maluwag at ngumiti. Ngunit kaagad nawala ang ngiti n

    Last Updated : 2022-05-18
  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Hindi Pangkaraniwang Aksidente

    Si William, 18, ay papunta sa paaralan sa isang maaliwalas na umaga sa maliit na bayan kung saan sila nakatira, malapit sa nagtataasang mga kabundukan. Mas gusto niyang maglakad dahil hindi naman ito kalayuan sa kanyang tinitirhan. Kapansin-pansin ang kanyang kagwapuhan sa mga nakakita sa kanya na naka-blue shirt, black-tattered jeans, at flat white na sapatos. Napansin niyang lumuwag ang sintas ng sapatos niya habang tumatawid sa pedestrian lane ng malawak na sementadong kalye. Hindi niya napansin ang mabilis na papalapit na sasakyan sa kabilang linya habang tumatawid siya sa kalsada para ayusin ang sintas ng sapatos. Nagkataon din na malakas ang volume ng suot niyang soundproof headphones kaya naman hindi narinig ni William ang babala ng sasakyan.Humigit-kumulang dalawang metro ang layo ng tinalsik niya muls sa kotseng bumangga sa kanya. Isang lalaking nasa mid-30's ang lumabas kaagad sa kotse para tingnan siya. Sa kabila ng katotohanang nagulat ang lalaki nang makitang walang suga

    Last Updated : 2022-05-19
  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Gabi ng Palaisipan

    Nagmamadaling lumabas ang ilang estudyante matapos ang lahat ng klase nila ngayong araw. Nagtagal si William sa loob dahil ayaw niyang makisabay sa karamihan. Nang humupa na ang pagdagsa ng mga estudyante, mula sa ikatlong palapag, kung nasaan ang kanilang silid-aralan, dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makarating sa school grounds. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakatayo sa harap ng guard house, nakayuko, at para bang may hinihintay ang lalaking iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng school campus. Sa likuran niya, narinig niya ang mabilis na yabag ng isang taong tumatakbo, at maya-maya ay may isang lalaki na tumabi sa kanya sa paglalakad. Alam niyang ito ang lalaking humila sa kanya kanina para tumakbo palayo matapos siyang mabangga ng sasakyan, ngunit hindi niya ito binigyang pansin.Mabagal na naglakad ang dalawa nang hindi nag-iimikan. Nasa conscious mind pa rin si William at ang kata

    Last Updated : 2022-05-20
  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Bagong Kasangga

    Maagang bumangon si William kinaumagahan para pumasok sa paaralan. Pumunta siya sa kusina para kumain ng almusal pagkatapos maligo at magbihis. Ang kanyang ama at ina ay parehong maagang umalis para sa trabaho, ngunit ang kanyang ina ay nag-iwan ng isang sulat at ilang pera na inipit sa pinto ng refrigerator gamit ang isang magnet. Ang liham ay isinulat upang hikayatin si William na pangalagaan ang kanyang sarili at gawin ang kanyang makakaya sa paaralan. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at hinugasan ang mga kubyertos na ginamit niya. Pagkatapos, lumabas si William sa kanilang bahay, suot ang kanyang maroon na v-neck shirt, itim na maong, at puting sapatos.Dahil sa nangyari kahapon, hindi dinala ni William ang kanyang soundproof na headphones. Habang naglalakad siya, hindi niya inaasahan na masasalubong niya si Lawrence, ang misteryosong binata mula sa aksidente kahapon, sa lugar kung saan lumiko ito, dahilan para maghiwalay sila ng landas. Nais ni William na iwasang makita ang bi

    Last Updated : 2022-05-21

Latest chapter

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Mala-asong Nilalang

    Lumipas ang isa pang taon, at masayang ipinagdiwang ni William ang kanʼyang ika-19 na kaarawan kasama ang kanʼyang pamilya, ilang kaklase, at matalik niyang kaibigan na si Lawrence. Naging malapit sina Lawrence at William matapos tulungan ni Lawrence si William noong araw na nasangkot siya sa isang away. Binigyan siya ni Lawrence ng pabango na walang tatak o pangalan sa babasaging itim na lalagyan nito bilang regalo. Nagtanong siya kung saan ito binili ng huli, at ang sagot ay siya mismo ang gumawa nito. Mabango ito at panlalaki ang amoy. Ang hindi lang naintindihan ni William ay gusto ni Lawrence na ipangako niya na gagamitin ito ng eksklusibo mula ngayon. Dahil matalik silang magkaibigan at walang ideya si William kung anong amoy ang gusto niya, pumayag siya at nangako sa kaibigan na gagamitin niya ito mula sa pagtatapos ng pagdiriwang ng kanʼyang kaarawan hanggang sa maubos ito. Natuwa naman si Lawrence sa sinabi niya.Isang gabi, nagising si William mula sa mahimbing na pagkakatul

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Bagong Kasangga

    Maagang bumangon si William kinaumagahan para pumasok sa paaralan. Pumunta siya sa kusina para kumain ng almusal pagkatapos maligo at magbihis. Ang kanyang ama at ina ay parehong maagang umalis para sa trabaho, ngunit ang kanyang ina ay nag-iwan ng isang sulat at ilang pera na inipit sa pinto ng refrigerator gamit ang isang magnet. Ang liham ay isinulat upang hikayatin si William na pangalagaan ang kanyang sarili at gawin ang kanyang makakaya sa paaralan. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at hinugasan ang mga kubyertos na ginamit niya. Pagkatapos, lumabas si William sa kanilang bahay, suot ang kanyang maroon na v-neck shirt, itim na maong, at puting sapatos.Dahil sa nangyari kahapon, hindi dinala ni William ang kanyang soundproof na headphones. Habang naglalakad siya, hindi niya inaasahan na masasalubong niya si Lawrence, ang misteryosong binata mula sa aksidente kahapon, sa lugar kung saan lumiko ito, dahilan para maghiwalay sila ng landas. Nais ni William na iwasang makita ang bi

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Gabi ng Palaisipan

    Nagmamadaling lumabas ang ilang estudyante matapos ang lahat ng klase nila ngayong araw. Nagtagal si William sa loob dahil ayaw niyang makisabay sa karamihan. Nang humupa na ang pagdagsa ng mga estudyante, mula sa ikatlong palapag, kung nasaan ang kanilang silid-aralan, dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makarating sa school grounds. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakatayo sa harap ng guard house, nakayuko, at para bang may hinihintay ang lalaking iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng school campus. Sa likuran niya, narinig niya ang mabilis na yabag ng isang taong tumatakbo, at maya-maya ay may isang lalaki na tumabi sa kanya sa paglalakad. Alam niyang ito ang lalaking humila sa kanya kanina para tumakbo palayo matapos siyang mabangga ng sasakyan, ngunit hindi niya ito binigyang pansin.Mabagal na naglakad ang dalawa nang hindi nag-iimikan. Nasa conscious mind pa rin si William at ang kata

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Hindi Pangkaraniwang Aksidente

    Si William, 18, ay papunta sa paaralan sa isang maaliwalas na umaga sa maliit na bayan kung saan sila nakatira, malapit sa nagtataasang mga kabundukan. Mas gusto niyang maglakad dahil hindi naman ito kalayuan sa kanyang tinitirhan. Kapansin-pansin ang kanyang kagwapuhan sa mga nakakita sa kanya na naka-blue shirt, black-tattered jeans, at flat white na sapatos. Napansin niyang lumuwag ang sintas ng sapatos niya habang tumatawid sa pedestrian lane ng malawak na sementadong kalye. Hindi niya napansin ang mabilis na papalapit na sasakyan sa kabilang linya habang tumatawid siya sa kalsada para ayusin ang sintas ng sapatos. Nagkataon din na malakas ang volume ng suot niyang soundproof headphones kaya naman hindi narinig ni William ang babala ng sasakyan.Humigit-kumulang dalawang metro ang layo ng tinalsik niya muls sa kotseng bumangga sa kanya. Isang lalaking nasa mid-30's ang lumabas kaagad sa kotse para tingnan siya. Sa kabila ng katotohanang nagulat ang lalaki nang makitang walang suga

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Misteryosong Batang Lalaki At Ang Kwintas

    Tahimik na pinagmamasdan ng mag-asawa ang isang cute na sanggol na lalaki na natutulog sa kanilang kama na may matamis na ngiti sa kanilang mga mukha. Sa likod ng kanilang ngiti, gayunpaman, ay may malaking takot, pagkabalisa, at pag-aalala sa posibleng kahihinatnan ng bata sa paglipas ng panahon. Maya-maya, umakyat ang mag-asawa sa kama kung saan natutulog ang sanggol. Sobrang ingat sila na parang ayaw nilang gumawa ng kahit katiting na ingay para hindi magising ang natutulog na sanggol na si William. Ang lalaki ay nasa kaliwang bahagi ng kama, at ang kanyang asawa ay nasa kanan, upang mapagitnaan nila ang munting anghel.Lumipas ang mga taon at umabot si William sa edad na walo. Kakatapos lang umulan noong hapong iyon nang hinanap ng mag-asawa ang kanilang anak. Nagmamadaling lumabas ang kanyang ina para tingnan siya dahil wala siya sa loob ng bahay. Nang makita niya itong tumatakbong mag-isa sa kanilang bakuran, nakahinga siya ng maluwag at ngumiti. Ngunit kaagad nawala ang ngiti n

DMCA.com Protection Status