Home / Werewolf / Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version) / Ang Hindi Pangkaraniwang Aksidente

Share

Ang Hindi Pangkaraniwang Aksidente

Author: Mr. Noi
last update Last Updated: 2022-05-19 10:54:14

Si William, 18, ay papunta sa paaralan sa isang maaliwalas na umaga sa maliit na bayan kung saan sila nakatira, malapit sa nagtataasang mga kabundukan. Mas gusto niyang maglakad dahil hindi naman ito kalayuan sa kanyang tinitirhan. Kapansin-pansin ang kanyang kagwapuhan sa mga nakakita sa kanya na naka-blue shirt, black-tattered jeans, at flat white na sapatos. Napansin niyang lumuwag ang sintas ng sapatos niya habang tumatawid sa pedestrian lane ng malawak na sementadong kalye. Hindi niya napansin ang mabilis na papalapit na sasakyan sa kabilang linya habang tumatawid siya sa kalsada para ayusin ang sintas ng sapatos. Nagkataon din na malakas ang volume ng suot niyang soundproof headphones kaya naman hindi narinig ni William ang babala ng sasakyan.

Humigit-kumulang dalawang metro ang layo ng tinalsik niya muls sa kotseng bumangga sa kanya. Isang lalaking nasa mid-30's ang lumabas kaagad sa kotse para tingnan siya. Sa kabila ng katotohanang nagulat ang lalaki nang makitang walang sugat ang binatilyo at bakas lamang ang gulat sa kanyang mga mata, lumuhod ang driver sa tabi niya at nagtanong, “Ayos ka lang ba?”

Dagdag pa ng gulat na lalaki, “Hang in there. Tatawag ako ng ambulansya. ”

Nang hindi niya narinig si William, mas lalong kinabahan ang driver at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa para tumawag ng ambulansya. Pipindutin na sana niya ang call button nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya.

“Huwag kang mag-alala, ayos lang siya,” sabi ng isang boses mula sa hindi niya kilalang guwapong binata na mahigpit na nakahawak sa kamay nito.

Ang driver ay nataranta, na-stress, at nagalit nang sabay-sabay.

“Hoy bata, mabilis akong nagmaneho, tapos nabangga ko siya, at tumalsik siya ng mga dalawang metro! Paano mo masasabing ayos lang siya? ” sabi niya sabay buntong hininga.

"Ngayon alisin mo ang kamay mo sa akin dahil tatawag ako for Pete's sake!" Sabi ng lalaki, nanlilisik ang mga mata ng binatilyo, puno ng pagkadismaya.

“Sinabi ko sa iyo na ayos lang siya; may napansin ka bang sugat sa kanya?" sagot ng binata sabay turo kay William na nakahiga pa rin at tulala dahil sa aksidente.

Sumagot ang driver, "Bakit ako maniniwala sa isang batang tulad mo?"

Galit niyang tiningnan ang mga mata ng binatilyo at nagtanong, "Alam mo ba kung ano ang mga baling buto at internal bleeding?" bago niya hinila at inalis ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay.

Matagumpay na nakatawag ang lalaki sa emergency department ng malapit na ospital. Tinalakay niya ang lahat ng maigi at mabilis. Hindi niya alam na habang may kausap siya sa telepono, tinutulungan ng binata si William na tumayo at hinila siya palayo habang nakatalikod siya sa mga ito.

Nang lumingon ulit ang driver para tingnan si William ay namutla ang mukha nito dahil walang nakahiga sa kinaroroonan ni William ilang sandali lang ang nakaraan. Napahawak siya sa kanyang buhok sa pagkadismaya dahil sa hindi pangkaraniwang aksidenteng naranasan niya. Nang tumalikod siya para bumalik sa kanyang sasakyan, laking gulat niya ng napansin niyang may yupi ito sa parte kung saan nabangga ang binata. Hindi na kinaya ng kanyang isip at katawan, at nahimatay siya bago pa man siya makalapit sa kanyang sasakyan. Saktong dumating ang ambulansya, at isinakay siya ng mga rescuer.

Dumating sa harap ng gate ng school si William, pagod at gulo sa mga pangyayari. Nakatayo lang siya, nakatulala. Wala siya sa tamang pag-iisip at wala man lang planong gumalaw. Nang makita ng katabi ni William ang ekspresyon niya ay natawa ito. Maliban sa mga nakapansin sa dalawang guwapong binata na magkaholding hands ay parang walang pakialam ang mga estudyanteng dumaan.

“Hihintayin kita dito mamayang hapon,” sabi ng katabi ni William bago binitawan ang kamay niya at pumasok sa paaralan.

Noon lang nagkamalay si William. Nawala ang binatang iyon sa siksikan ng mga estudyanteng pumapasok sa campus.

“Hoy, binata! Napansin kong kanina ka pa nakatayo diyan; may balak ka bang pumasok? Kung hindi, umuwi ka na lang; huwag kang humarang sa daan.” Tinawag ng guwardiya ang atensyon ni William.

Binigyan lang siya ng huli ng isang sulyap bago gumawa ng malalaking hakbang papasok.

Bumuntong-hininga ang guwardiya bago bumulong, "Ang mga kabataan ngayon ay lulong na sa droga sa murang edad."

Nagpasya si William na huwag pumasok sa kanyang unang klase at naglakad sa likod ng campus, kung saan maraming puno. Wala rin naman kasing saysay ang pagdalo niya dahil labis niyang iniisip ang mga kaganapan kamakailan. Nang makakita siya ng malaking puno, umupo siya sa malaking ugat nito at isinandal ang likod sa malapad nitong trunk. Dahil malaki ang puno at malamig ang simoy ng hangin, mahimbing na nakatulog si William sa lilim nito.

Gabi na ng iminulat ni William ang kanyang mga mata dahil sa malakas na alulong na narinig niya mula sa tila malalaking aso sa malapit. Nagsitayuan ang mga balahibo niya at tumayo para tingnan ang paligid. Dahil sa mga tuyong dahon na kanilang naapakan, may mga kaluskos at matulin na yabag ng hindi lang isa, kundi maraming talampakan na narinig si William.

Biglang nagbago ang paligid sa hindi malamang dahilan. Kanina ay nasa likod lang siya ng school campus; ngayon ay nasa gitna na siya ng masukal na kagubatan.

Nang muli siyang makarinig ng mga yabag, umikot siya sa kanyang kinatatayuan. Napansin niya ang maliliit na pulang tuldok na lumulutang sa hangin hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Papalapit ito ng papalapit sa kanya hanggang sa napagtanto niyang ang mga lumulutang na pulang tuldok ay mga mata. Siya ay natakot, at sa kanyang pag-atras, ang kanyang paligid ay muling nagbago, at natagpuan niya ang kanyang sarili sa dulo ng bangin, na ang mga pulang mata ay papalapit at patuloy na umaabante papunta sa kanya. Madilim ang gabi, kaya hindi niya matukoy kung anong klaseng nilalang sila.

Nataranta siya nang makarinig siya ng tawanan sa paligid, hanggang sa nagising siya na may malalalim na paghinga at pawis na tumutulo sa kanyang leeg. Tsaka niya lamang napagtantong panaginip lang ang lahat. Ang mga hagikhik na iyon ay nanggaling sa mga estudyante, na ginamit din ang mini-forest ng school bilang pahingahan. Tiningnan ni William ang kanyang wristwatch, at nakitang 15 minuto lampas 12 o'clock na. Tumayo siya at naglakad papuntang cafeteria ng school dahil gutom na siya.

Pagdating niya ay sinalubong siya ng samu't saring amoy ng pagkain at ingay dulot ng pag-uusap ng mga naroroon sa loob. Pumila si William para umorder ng pagkain, saka naghanap ng mauupuan. Mabilis siyang kumain at pumunta sa kanyang unang klase ngayong hapon.

Sa lahat ng klase ni William, nang hapong iyon ay napansin ng kanyang mga guro na balisa ito at hindi siya nakikinig kaya pinagalitan siya ng ilan. Humingi lang ng tawad ang binata, at dahil isa siya sa mga nangungunang estudyante sa paaralan, kinilala ng kanyang mga guro ang kanyang paghingi ng tawad at hindi siya pinaalis sa klase. Sa halip, tinanong siya ng isa sa kanyang mga guro kung ayos lang siya at pinapunta siya sa faculty room para pag-usapan ito. Tinanggihan ni William ang kanyang guro sa pamamagitan ng pagsisinungaling na kulang lang siya sa tulog noong nakaraang gabi at maayos ang lahat.

Related chapters

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Gabi ng Palaisipan

    Nagmamadaling lumabas ang ilang estudyante matapos ang lahat ng klase nila ngayong araw. Nagtagal si William sa loob dahil ayaw niyang makisabay sa karamihan. Nang humupa na ang pagdagsa ng mga estudyante, mula sa ikatlong palapag, kung nasaan ang kanilang silid-aralan, dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makarating sa school grounds. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakatayo sa harap ng guard house, nakayuko, at para bang may hinihintay ang lalaking iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng school campus. Sa likuran niya, narinig niya ang mabilis na yabag ng isang taong tumatakbo, at maya-maya ay may isang lalaki na tumabi sa kanya sa paglalakad. Alam niyang ito ang lalaking humila sa kanya kanina para tumakbo palayo matapos siyang mabangga ng sasakyan, ngunit hindi niya ito binigyang pansin.Mabagal na naglakad ang dalawa nang hindi nag-iimikan. Nasa conscious mind pa rin si William at ang kata

    Last Updated : 2022-05-20
  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Bagong Kasangga

    Maagang bumangon si William kinaumagahan para pumasok sa paaralan. Pumunta siya sa kusina para kumain ng almusal pagkatapos maligo at magbihis. Ang kanyang ama at ina ay parehong maagang umalis para sa trabaho, ngunit ang kanyang ina ay nag-iwan ng isang sulat at ilang pera na inipit sa pinto ng refrigerator gamit ang isang magnet. Ang liham ay isinulat upang hikayatin si William na pangalagaan ang kanyang sarili at gawin ang kanyang makakaya sa paaralan. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at hinugasan ang mga kubyertos na ginamit niya. Pagkatapos, lumabas si William sa kanilang bahay, suot ang kanyang maroon na v-neck shirt, itim na maong, at puting sapatos.Dahil sa nangyari kahapon, hindi dinala ni William ang kanyang soundproof na headphones. Habang naglalakad siya, hindi niya inaasahan na masasalubong niya si Lawrence, ang misteryosong binata mula sa aksidente kahapon, sa lugar kung saan lumiko ito, dahilan para maghiwalay sila ng landas. Nais ni William na iwasang makita ang bi

    Last Updated : 2022-05-21
  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Mala-asong Nilalang

    Lumipas ang isa pang taon, at masayang ipinagdiwang ni William ang kanʼyang ika-19 na kaarawan kasama ang kanʼyang pamilya, ilang kaklase, at matalik niyang kaibigan na si Lawrence. Naging malapit sina Lawrence at William matapos tulungan ni Lawrence si William noong araw na nasangkot siya sa isang away. Binigyan siya ni Lawrence ng pabango na walang tatak o pangalan sa babasaging itim na lalagyan nito bilang regalo. Nagtanong siya kung saan ito binili ng huli, at ang sagot ay siya mismo ang gumawa nito. Mabango ito at panlalaki ang amoy. Ang hindi lang naintindihan ni William ay gusto ni Lawrence na ipangako niya na gagamitin ito ng eksklusibo mula ngayon. Dahil matalik silang magkaibigan at walang ideya si William kung anong amoy ang gusto niya, pumayag siya at nangako sa kaibigan na gagamitin niya ito mula sa pagtatapos ng pagdiriwang ng kanʼyang kaarawan hanggang sa maubos ito. Natuwa naman si Lawrence sa sinabi niya.Isang gabi, nagising si William mula sa mahimbing na pagkakatul

    Last Updated : 2022-07-27
  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Misteryosong Batang Lalaki At Ang Kwintas

    Tahimik na pinagmamasdan ng mag-asawa ang isang cute na sanggol na lalaki na natutulog sa kanilang kama na may matamis na ngiti sa kanilang mga mukha. Sa likod ng kanilang ngiti, gayunpaman, ay may malaking takot, pagkabalisa, at pag-aalala sa posibleng kahihinatnan ng bata sa paglipas ng panahon. Maya-maya, umakyat ang mag-asawa sa kama kung saan natutulog ang sanggol. Sobrang ingat sila na parang ayaw nilang gumawa ng kahit katiting na ingay para hindi magising ang natutulog na sanggol na si William. Ang lalaki ay nasa kaliwang bahagi ng kama, at ang kanyang asawa ay nasa kanan, upang mapagitnaan nila ang munting anghel.Lumipas ang mga taon at umabot si William sa edad na walo. Kakatapos lang umulan noong hapong iyon nang hinanap ng mag-asawa ang kanilang anak. Nagmamadaling lumabas ang kanyang ina para tingnan siya dahil wala siya sa loob ng bahay. Nang makita niya itong tumatakbong mag-isa sa kanilang bakuran, nakahinga siya ng maluwag at ngumiti. Ngunit kaagad nawala ang ngiti n

    Last Updated : 2022-05-18

Latest chapter

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Hindi Pangkaraniwang Aksidente

    Si William, 18, ay papunta sa paaralan sa isang maaliwalas na umaga sa maliit na bayan kung saan sila nakatira, malapit sa nagtataasang mga kabundukan. Mas gusto niyang maglakad dahil hindi naman ito kalayuan sa kanyang tinitirhan. Kapansin-pansin ang kanyang kagwapuhan sa mga nakakita sa kanya na naka-blue shirt, black-tattered jeans, at flat white na sapatos. Napansin niyang lumuwag ang sintas ng sapatos niya habang tumatawid sa pedestrian lane ng malawak na sementadong kalye. Hindi niya napansin ang mabilis na papalapit na sasakyan sa kabilang linya habang tumatawid siya sa kalsada para ayusin ang sintas ng sapatos. Nagkataon din na malakas ang volume ng suot niyang soundproof headphones kaya naman hindi narinig ni William ang babala ng sasakyan.Humigit-kumulang dalawang metro ang layo ng tinalsik niya muls sa kotseng bumangga sa kanya. Isang lalaking nasa mid-30's ang lumabas kaagad sa kotse para tingnan siya. Sa kabila ng katotohanang nagulat ang lalaki nang makitang walang suga

  • Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)   Ang Misteryosong Batang Lalaki At Ang Kwintas

    Tahimik na pinagmamasdan ng mag-asawa ang isang cute na sanggol na lalaki na natutulog sa kanilang kama na may matamis na ngiti sa kanilang mga mukha. Sa likod ng kanilang ngiti, gayunpaman, ay may malaking takot, pagkabalisa, at pag-aalala sa posibleng kahihinatnan ng bata sa paglipas ng panahon. Maya-maya, umakyat ang mag-asawa sa kama kung saan natutulog ang sanggol. Sobrang ingat sila na parang ayaw nilang gumawa ng kahit katiting na ingay para hindi magising ang natutulog na sanggol na si William. Ang lalaki ay nasa kaliwang bahagi ng kama, at ang kanyang asawa ay nasa kanan, upang mapagitnaan nila ang munting anghel.Lumipas ang mga taon at umabot si William sa edad na walo. Kakatapos lang umulan noong hapong iyon nang hinanap ng mag-asawa ang kanilang anak. Nagmamadaling lumabas ang kanyang ina para tingnan siya dahil wala siya sa loob ng bahay. Nang makita niya itong tumatakbong mag-isa sa kanilang bakuran, nakahinga siya ng maluwag at ngumiti. Ngunit kaagad nawala ang ngiti n

DMCA.com Protection Status