Share

Will Never Feel Longing For You
Will Never Feel Longing For You
Author: Superyora Mizian

Chapter 1

Author: Superyora Mizian
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1

"Arranged marriage? Mamanhikan kanino, Tatay?" hindi makapaniwalang tanong ni Shaun Dale sa amang si Darren Villamor, kasalo niya itong nag-aalmusal sa mahabang hapag nila.

"Kay Dahlia," nakangiting sagot nito saka sumimsim sa tasa ng paborito nitong black coffee.

"Dahlia? Dahlialyn Montallan?"

"Oo, may iba ka pa bang kilalang Dahlia?"

"No way! Yung babaeng 'yon? Ayoko!" halos full force na pagtutol niya.

Ilang bloke lang ang layo ng bahay sa kanila ni Dahlia. Kababata niya rin ito at kaklase pa rin hanggang ngayon. Pakiramdam nga niya sinusundan siya nito.

Asar siya dito. Matagal na. Noong una okay naman sila, madalas pa nga ito sa bahay nila at naglalaro, hanggang sa palagi nitong sinasabi na siya raw ang magiging Prinsipe nito balang araw. At magpapakasal sila.

Mga bata palang sila, hilig na siya nitong asarin. Kesyo tabachoy daw siya at pwede ng ihanda kapag fiestahan. Noong magbinata naman siya at tumangkad at unti-unting naging fit ay palagi na itong nakadikit ulit sa kanya. Crush na daw siya nito ulit.

Nalukot ang ilong niya pagkaisip palang kay Dahlia. Hango sa bulaklak ang pangalan pero ang tingin niya dito ay makulit at pesteng bubuyog na laging umaaligid sa kanya.

Hindi lumilipas ang araw na hindi siya nito nabubwisit. Kapag may girlfriend siya, hindi siya nito pinapansin pero wagas naman kung sungitan at irap-irapan siya na akala mo ba'y niloko niya ito.

"Ano namang ayaw mo sa kanya, Dale? Maganda. Mabait at kasundo ng Nanay mo, isa pa magkababata kayo."

"Tama Tatay mo. Gusto ko rin si Dahlia para sa'yo. Alam na alam niya ang favorite ko. Look, dinalhan na naman niya ako ng carrot cake yesterday, ito oh," anang Nanay niya na pumasok mula sa sala.

His beautiful Mom Sabrina Villamor. Parehas beterinaryo ang mga ito kaya marami silang pets sa bahay at namana niya sa mga ito ang hilig sa aso at pusa pati na kuneho. Bukod doon ay may negosiyo din silang electronics. Pamana ng yumaong Lola niya sa father side.

Hinila nito ang upuan matapos ilapag ang carrot cake na ginawa raw ni Dahlia.

S****p talaga!

"For starters hindi kami. Wala kaming relationship. Wala rin akong balak ligawan siya. Maraming maganda at mabait diyan. Hindi lang siya. At kahit ano'ng ganda niya, ayoko pa rin. Ni hindi pa nga kami graduate tapos kakasal kaagad?"

"Hindi naman agad-agad. Kahit pagkatapos ng graduation," salo ng Tatay niya.

"Bakit ba bigla-bigla na lang gusto niyo kong magpakasal? Magtu-twenty one palang ako tapos kasal?"

"You know that her Lolo is not well. Ang gusto nung matanda, bago siya mawala ay makitang may makakasama ang apo niya," malumanay na sabi ng Mommy niya.

"Eh, di kumuha siya ng aso."

"Shaun Dale! Basta mamamanhikan tayo mamaya. I don't see any girls na babagay sa'yo kundi siya lang. Mag-aasawa ka rin naman balang araw bakit hindi si Dahlia?"

"Because I simply don't like her. Tama ng nakikita ko siya araw-araw sa classroom. 'Wag namang pati sa bahay. Isa pa may nililigawan ako ngayon."

"Ayan! Ligaw dito. Ligaw diyan. Nobya dito. Nobya doon. Tapos after a few months break din. Para kang kuneho, worried ako sa'yo, baka mamaya magkababy ka bigla sa kung sinu-sino, at least kung kasal ka, sa isang babae ka lang maiinvolve," pairap na pasaring ng Nanay niya.

"Di ba mas maganda 'yon collect and select? Isa pa wala naman akong niloko di lang talaga nagwuwork," katwiran niya.

Lahat naman ng naging girlfriends niya, wala siyang niloko sa mga ito. Siya pa nga minsan ang naloko at ipinagpalit.

Minsan misunderstanding or differences ang dahilan ng break up.

Pero hindi naman niya masiyadong dinidibdib. Madali siyang makamove on. Naiisip nga niya na baka hindi pa talaga siya nakakaranas ng totoong 'love' dahil nasasaktan man siya ay panandalian lang.

Hindi tulad ng sinasabi ng iba na kapag iniwan ka o nakipaghiwalay sa partner mo, guguho ang mundo mo, mawawasak ka.

"Exactly baka kaya hindi nagwuwork ay dahil hindi sila ang para sa'yo. Kung minsan hanap tayo nang hanap, iyon pala nasa tabi lang natin. Like Dahlia," pangbibuild up pa rin ng Nanay niya.

"Tulad niyo ni Tatay? Childhood sweethearts. Applicable sa inyo pero hindi ibig sabihin na gano'n din sa'kin."

"Enough of this discussion. Pupunta tayo. Isa pa birthday din ng Lolo ni Dahlia. Hindi mo pwedeng i-ignore!" giit nito.

"Great!" napapailing at taas kamay na sabi niya. Pakiramdam niya natrap siya.

"Sige na 'nak, punta na tayo, kung ayaw mong mamanhikan, eh, di makibirthday na lang tayo, sayang Shanghai," biro ng Tatay niya kaya bahagya siyang natawa.

-*-*-*-*-*-*-

"Aray ko Ma!" napailag na reklamo ni Shaun Dale nang kurutin siya sa tagiliran ng Ina habang nasa harap sila nang pintuan ng bahay nina Dahlia.

Tatay niya ang hari pero ang Nanay niya ang batas. Kaya natangay din siya nito sa bahay nina Dahlia.

"Fix your face! Bakit ba nakasimangot ka? Nakakahiya. Tayo na nga inimbita ikaw pa ang sisimangot?" sita nito matapos magdoorbell sa malaking bahay nina Dahlia na nasa loob ng exclusive subdivision.

Dinig niya ang pagbungisngis ng kapatid na si Dylan Scott. 14 years old palang ito at malakas mang-asar!

"Napagalitan. Hahaha!"

Hindi niya maiwasang batukan ang kapatid sa pang-aasar nito.

"Tatay! Nanay! Si Kuya nambabatok!"

Sabay silang napaaray nang Tatay na nila ang bumatok sa kanila pareho.

"Isa pa pag-uuntugin ko kayo!" banta nito.

"Thanks Love!" ngiting-ngiting anang Nanay nila.

Nang bumukas ang pinto ay bumungad si Dahlia, nakalugay ang mahabang bunok. She's wearing a hot pink off shoulder dress na above the knee. Litaw ang maputi at makinis na balikat.

Flat sandals for footwear. Long legged. Makinis at maputi ang mga binti pati na ang mga paa. Tantiya nasa 5'7" ang height nito. Habang 6'1" naman siya.

All smile ito sa kanila. Niyakap kaagad ang Nanay niya at nakipagbeso sa Tatay at kapatid niya.

Aaminin niya, maganda naman talaga ito. Maamo at mukhang inosente ang dating ng ganda nito. Her parents are both dead.

When she was only 12 years old naiwan ito sa pangangalaga ng Lolo nito sa father side. Car accident ang ikinamatay ng Tatay nito nung 5 years old palang ito at nang mag 12 ay namatay naman ang Nanay nito sa isang heart attack, kaya dose palang talagang naulila na ang babae.

Tulad ng pangalan nito ay humahalimuyak rin sa bango ang samyo nito. Parang nanghahalina.

Her sweet scent, it feels good to his nose...natigilan siya nang mapatingin ito sa kanya.

Halos mapaungol siya sa inis nang pilyang kindatan siya nito habang malawak ang mga ngiti sa mamula-mulang labi.

"Hi Dale!" masiglang bati nito at nilapitan kaagad siya.

Hindi nabubura ang ngiti sa mga labi kaya kita niya ang ngipin nitong mapuputi at pantay-pantay. Obviously she has this charismatic smile.

"Hi too..." walang siglang bati niya.

"Come, marami akong niluto. I even made your favorite lasagna," kumapit ito at ipinulupot ang braso sa kanya kaya nagdikit ang katawan nila.

Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong idikit ang dibdib nito dahil ramdam niya ang kalambutan niyon sa gilid ng balikat niya. O dahil malaki lang talaga iyon?

Napamura siya sa isip. Did he just check up on her? Napalunok siya dahil tila natuyo ang lalamunan niya.

Nang makarating sila sa dining ay isa-isa silang lumapit sa Lolo Greg ni Dahlia na nakaupo sa kabisera ng mesa. Katabi nito ang private nurse. Halatang malaki ang inihina at ibinagsak ng katawan nito. Cancer. Stage 1.

Nalulungkot din siya sa sitwasyon ng matanda. Mabait kasi ito at palakwento rin.

Natatandaan niya nung bata palang siya na kapag galing itong ibang bansa, sila ang unang binibigyan nito ng chocolate.

Biyudo na kasi ito, mag-isa sa buhay, nagkaroon lang ng kasama nang maulila si Dahlia at ang kapatid nitong si Warren na nakabase sa Italy.

Iniabot niya sa matanda ang regalo niya.

"Happy Birthday Lolo. Kamusta na po?" magalang na tanong niya matapos magmano habang bahagyang nakayukod para mas makaharap ito.

"Eto malapit ng kunin. Pero lalaban pa rin," nakangiting anito at nagclose fist pa sabay angat ng kamay.

"Tama 'yan Lo, laban!" ngiting-ngiting ng sabi niya.

Nang magsimula ang kainan ay pasimpleng hinatak siya ni Dahlia.

"Tabi tayo," malambing na yakag nito.

Wala siyang nagawa kundi maupo sa tabi nito.

Maraming nakahaing putahe sa mesa, pero siyempre bukod ang pagkain ni Lolo Greg dahil dapat na maging maingat sa sitwasyon niya. May sinusunod siyang diet.

"Ano'ng gusto mo?" magiliw na tanong ni Dahlia nang mapansing hindi pa siya kumukuha sa mga nakahain.

"Kahit ano," pormal na sagot niya.

"Kahit ako?" malokong bulong nito kaya napasimangot siya.

"Bakit pagkain ka ba?"

"Hindi. Pero pwedeng kainin!" pilya at nakabungisngis na sagot nito kaya muntik na talaga siyang malaglag sa kinauupuan!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shane Olendan
............️......️............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 2

    Chapter 2Parang sasakit buong gabi ang ulo ni Dale sa sinabi nito. Kaya ayaw niya dito. Masiyadong agresibo. Parang hindi babae kumilos."Ano'ng sabi mo?" kunot noong tanong niya."Sabi ko kain ka. Ito unahin mo lasagna," all smile pa rin na sagot nito.Napailing siya at sumubo na.Natigilan siya sa pagnguya nang sumayad sa dila niya ang lasagna. Walangya. Ang sarap. Saktong-sakto ang alat, may sipa ng kaunting asim at ang lambot ng noodles sakto rin. Hindi malabsa."Masarap?" hopeful na tanong nito"Pwede na," hindi ngumingiting aniya.Ewan. Ayaw niyang bigyan ito ng positive na sagot. Lihim siyang napangisi nang umayos ito ng upo at nanahimik na. Mukhang hindi na siya nito kukulitin. Buti naman."Happy Birthday Lolo Greg!" anang Nanay niya na hawak ang chocolate cake kaya napakanta sila ng birthday song."Wish ka Lolo!" ani Dylan habang nakatapat dito ang cellphone nito."O sige. Sige," nakangiting anang matanda saka pumikit at hinipan ang kandila makalipas ang ilang saglit.Palak

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 3

    Chapter 3Ngiting-ngiti si Dahlia habang papasok sa unang klase niya. Nasa huling taon na sila ng kursong Information Technology.Sa totoo lang hindi naman talaga siya mahilig sa programming pero naaliw na rin siya sa kumplikadong mundo ng mga I.T.'sSi Shaun Dale lang talaga ang pasok sa criteria ng pagiging I.T. dahil related dito ang kumpanya ng mga ito.Ang Villamor Electronics. They sell mobile phones, tablets, TVs and home theaters, computers, printers, home appliances at kung anu-ano pa na ang mga ito din ang gumagawa.Sa pagkakaalam niya, sa Lola nito sa father side namana ang negosiyong iyon dahil parehas naman kasing vet ang mga magulang nito.Ang swerte nga raw ng makakatuluyan ni Shaun Dale, regardless, wala siyang interest sa wealth ng family nito. Dahil ito mismo ang gusto niya.Samantalang ang pamilya ni Dahlia ay mas kilala sa clothing line bukod sa iba pa nilang negosiyo. Kung minsan hobby niya ring magsketch ng mga kung anu-ano'ng stilo ng damit. At kadalasan kapag n

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 4

    Chapter 4Hinila niya si Shaun Dale pasakay ng kotse niya."Dahlia! What the hell are you trying to do?" reklamo nito nang halos isalya niya ito papasok.Muntikan pang tumama ang ulo nito sa kotse. Naaasar talaga siya dito. Nakakababa ng self-esteem ang hayagang pagkadisgusto nito sa kanya."Bading ka ba? Bakit ang ingay mo?" tanong niya nang mapastart ang makina."Huh! Bading, ah?" bakas ang pagkainsulto sa mukha nito."Ingay mo kasi. Bading!""Style mo outdated. Siguro iniisip mong hahalikan kita kapag tinawag mo kong bading? Nice one Dahlia, but it's not gonna happen," naiiling na sabi nito habang nagkakabit ng seatbelt.Umirap siya dito saka siya nagsimulang magdrive. Tahimik sila pareho. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nito gustong kausap noon pa man.Nang makahanap ng liblib na lugar na bihirang daanan ng mga sasakyan at tao ay iginilid niya ang kotse at pinatay ang makina."Ano'ng balak mo? Baka naman i-salvage mo ko dahil hindi mo ko mapa-oo?" kalmadong tanong ni Dale nang

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 5

    Chapter 5"Is it true Shaun? You're getting married?" dismayadong tanong ni Lauren nang magkaharap sila sa isang restaurant.Napatitig siya sa magandang mukha nito. Ayos na ayos ang ahit na kilay, kabaliktaran ni Dahlia na maamo ang mukha ay mataray ang bukas ng mukha ni Lauren. Pero maganda rin. Katamtaman lang ang taas at makinis ang maputing balat.Namumula sa blush on ang pisngi at pati labi ay pulang-pula sa lipstick.Tourism ang course nito kaya laging nakapostura."Iyon lang ang napagkasunduan pero hindi naman ako pumayag," sagot niya at dinampot ang tinidor para magsimulang kumain.Paano ba niya sasabihin dito na hindi na dapat niya ituloy ang panliligaw dahil natalo siya ni Dahlia? Napaungol siya nito. Tsk. Pasaway na babae. Kahit sino tatablan sa ginawa nito.Tutuhugin na lang sana niya ang karne nang pigilan siya ni Lauren."Wait! I'll take a pic first, ima-my day ko!" nakangiting pigil nito at inilabas ang cellphone.Matipid ang ngiting ibinaba niya ang tinidor. Minsan nai

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 6

    Chapter 6"Alam ko namang smiling face ka Dahlia, pero parang nasobrahan yata? Kanina ka pa talaga nakangiti. Di ba nangangawit labi mo?" untag ni Liam na nasa gawing kanan niya habang nasa library sila at busy sa pagriresearch."Pansin ko rin," salo ni Nathalie na nakaupo sa harapan niya at bahagyang ibinaba ang binabasang libro."Tipong malapit nasa pagkabaliw," pabungisngis na sabi ng beking si Peachy at nag-appear pa ang mga ito ni Nathalie."Heh!" saway niya sa pang-aasar ng mga ito."Ssshhh! Mapagalitan tayo," saway agad ni Liam."Wanna know why I'm smiling like a crazy? You wouldn't believe it pero pumayag na kasi si Shaun Dale na magdate kami this coming Saturday!" taas noong pagmamalaki niya sa mga kaibigan."Weh? Talaga?" halos sabay pa na react ni Peachy at Nathalia."Oo! Hay naku! Ang saya-saya ko talaga. Halos hindi nga ako makatulog nang pumayag siya," kinikilig na kwento niya."Buti naman kung siputin ka niya?" kontra ni Liam kaya nawala ang ngiti niya."Bakit hindi? Ti

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 7

    Ano'ng gusto mo?" kaswal na tanong ni Shaun Dale nang makarating sila sa katabing karinderya ng school nila.Wala kasi itong nagustuhang meryenda sa canteen kaya lumabas sila."Siyempre ikaw," pigil ang kilig na biro niya dito. To her surprised, he just chuckled. Aba'y first time yata nitong natawa sa panghaharot niya dito. Usually madalas ay napapailing na lang ito o kaya sasamaan siya ng tingin."Baliw. Pagkain." "Ah tulad na lang ng sa'yo," tumino ng sagot niya.Well paano ba naman siyang hindi kikiligin? Nakabunggo lang niya ito sa hallway, isinabay na siyang magmeryenda. It was unexpected! At silang dalawa lang!"Ate dalawang pancit guisado po, dalawang empanada. Pakisamahan na rin ng dalawang sago't-gulaman, salamat," ani Shaun at dinukot ang wallet sa likod ng jeans nito.Hayyy...How could she not fall for him? Ang polite nito kausap kahit kanino. Sa kanya lang naman ito nagsusungit, kaya nga mas lalo siyang umaasam na sana balang araw ay maging maganda rin ang pakitungo nit

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 8

    Chapter 8"Nagresponse siya. Nagkiss ulit kami...ahhhh!" parang bulateng inasinan na nagpagulong-gulong si Dahlia sa queen size bed niya.Talaga naman kasing abot langit ang saya niya habang inaalala na hindi lang smack ang iginanti ni Shaun Dale sa kanya kanina.Kinuha niya ang unan, isinubsob ang mukha at doon umirit sa sobrang kilig.Hindi siya manhid para hindi maramdamang may nagbago na sa status nila ng binatang masungit.Oo nga at may pagkamasungit pa rin ito pero mas madali na para sa kanya ngayon na lapit-lapitan ito.Hay....Nagbangon siya sa kama. Tinungo ang dingding. Kahit saan siya bumaling ay may nakadikit na litrato doon ni Shaun Dale.Siguro kung may makakakita ng silid niya ay iisiping baliw at obsessed siya sa lalaki. But who cares? Ang Lolo nga niya ay supportive sa kanya. Bakit niya pakikinggan ang iba?"Miss na agad kita hubs...kaw ha? Kunwari ka pang ayaw mo sa'kin pero nanununggab ka rin. Pakipot yarn?" napatawa siya at marahang hinaplos ang litrato nito.Kinuk

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 9

    You're unable to reply to this conversation.Sht na malagkit!Inis na napapadiyak na lang si Dahlia.Shaun Dale really blocked her!Wala naman siyang libag sa pusod o patay na libag sa tiyan!Hanu ba yan? Kaka-accept lang nito kanina sa friend request niya tapos ngayon block na siya."Pambihira? Ayaw niya talaga sa bo*bs ko? Maputi naman ah? Makinis din. At medyo biggy tapos ibablock ako? Eh, hinawakan pa nga niya nung nasa kotse kami..." parang sirang kausap niya sa sarili.Tawagan niya kaya sa phone number nito?Pero 'wag na. Baka hindi lang siya sa social media i-block. Baka pati sa life nito. Kung kailan medyo nagiging okay na sila.Sa sobrang frustrated nagchat siya kay Peahy at Nathalia. Ilang saglit pa magkakaharap na ang mga mukha nilang tatlo sa phone screen thru video chat.Hindi niya isinama si Liam sa tinawagan dahil alam niyang sasabunin siya nito ng husto sa sermon. Sasabihin lang nun na wala siyang delikadesa. Totoo naman pero ayaw na niyang marinig."Ang wild mo naman k

Latest chapter

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 43

    Chapter 43 "Tara na?" tanong niya kay Shaun nang makalabas ng bahay. Dagli nitong kinuha ng isang kamay nito ang bitbit niyang maleta at saka nito hinagip ang braso niya. Pinigilan niyang mapangiti. Iginiya siya nito pasakay ng kotse saka nito inilagay sa compartment ang maleta niya. Pakiramdam niya ay nakikipagtanan siya. "Ready?" tanong pa nito nang ma-i-start ang kotse. "Yup." Napangiti ito sa sagot niya. "Gusto mong magdrive thru?" "Okay para may food tayo sa daan. Hindi na ko nakapagprepare, eh," sang-ayon niya. Iniliko nito ang kotse sa natanawan nilang fast food chain na 24/7 nakabukas. Naglabas kaagad ng pera si Shaun Dale at binayaran iyon saka iniabot sa kanya ang inorder niya. Binuksan niya ang isang sandwich nang muli nitong paandarin ang sasakyan. Pumiraso siya at itinapat sa bibig nito ang pagkain. "Kain ka…" alok niya. Ngumiti ito at tinanggap ang isinusubo niya. "Hindi pa nga ako nagdinner kanina." "Eh bakit? Dapat hindi ka nag-i-skip ng meals," paalala

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 42

    Chapter 42 "Sige Kuya goodnight, oo ako na bahala sa mga meetings mo, ako pa ba? Ingat ka diyan. Bye!" paalam niya sa kapatid na si Warren. Nireremind siya nito sa mga gawain sa opisina dahil lumipad na ito patungong Germany para dumalo sa kasal ng isang kaibigan. Nang mailapag niya ang phone ay nahiga na siya para matulog. Ngunit nakapikit lang siya pero hindi siya dalawin ng antok. Tuwing gagawin niya iyon ay nakikita niya ang mukha ni Shaun Dale. Ilang araw na ang nakakalipas nang huli silang magkita. O mas tamang sabihing kinidnap? She misses him. Badly. Pinilit niyang makatulog pero nagising din siya wala pa mang isang oras na nakakaidlip. Napaupo siya sa kama. Ang binata ang laman ng panaginip niya. Ang nangyari sa kanila. Ang mainit na pag-angkin sa kanya ng binata na ilang ulit na ginawa nito sa kanya nang gabing iyon. At buong puso naman siyang nagpaubaya. Nangilid ang luha niya. Gusto niya itong makita pero wala siyang lakas ng loob. Napalingon siya sa bedside table

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 41

    "Tulala ka na naman," napapailing na sabi sa kanya ni Warren habang nakatitig siya sa kalangitan na puno ng bituin mula sa terrace nila.Mapait siyang ngumiti at mabilis na yumuko para hindi nito makita ang namumuong luha sa mga mata niya. Naaalala niya na naman kasi si Shaun."Alam ko mahal mo pa siya, kung bakit naman kasi nagpapakahirap ka diyan..."Magmula nang makabalik siya, palagi na lang siyang ganito. Ngayon lang siya nito kinausap nang masinsinan dahil siguro napapansin nitong matamlay siya at tila palaging may iniisip. Alam na nitong kinidnap siya ni Shaun pero hindi na ito nagtanong pa dahil alam niyang pag-usapan kung ano bang namagitan sa kanila ng binata.Gusto ngang sampahan ng kaso ni Warren si Shaun pero siya na mismo ang nakiusap na wag gawin iyon. Isa pa hindi rin naman siya nagsisisi sa namagitan sa kanila kahit na alam niyang mali."Kaysa sa nagmumukmok ka diyan ba’t ‘di mo ipaglaban?" ani Warren kaya napatitig siya dito."Ano’ng sinasabi mo? Agawin ko siya sa be

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 40

    "Uhmmm...uhhmmm..." ang mga ungol ni Dahlia habang angkin ni Shaun ang mga labi niya.Hugot-diin ito sa pagkababae niya. Iniangkla niya ang mga nakabukang hita sa bewang nito at sinalubong ang mga pag-ulos nito. Pangatlong beses na siyang inangkin ng binata sa gabing iyon. Tila ayaw siyang patulugin sa kalaliman ng gabi, Napahalinghing siya nang gumapang ang isang palad nito saka dumama at pumipisil sa dibdib niya.Halos bumaon ang mga kuko niya sa mga balikat ng binata habang dinadama ang sarap ng pag-iisa nila. Napaawang ang mga labi niya nang isagad nito ang pagkakalalaki sa kaibuturan niya. Marahan nitong hinugot iyon at muling isinagad kaya napapalakas ang ungol niya. Pagkatapos ay muli nitong binilisan ang pag-indayog kaya halos mawala na siya sa katinuan."Dahlia...you’re so good..." he sexily moaned while doing deep thrust.Sobrang bilis na ng pag-indayog nito at ilang saglit pa ay kapwa humihingal na nanginig sila nang maabot ang sukdulan. He didn’t hesitate to pour all of hi

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 39

    Naalimpungatan si Dahlia nang maramdaman ang magagaang paghaplos sa pisngi niya. "Shaun Dale..." bumilis ang tibok ng puso niya nang mapagtantong kapwa pa rin sila walang anumang saplot dahil sa katatapos lang nilang pagniniig wala pang isang oras ang nakararaan. Masakit ang buong katawan niya ngunit nararamdaman niya ang pangangailangan ng binata sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig nito. At sa puso niya, pagod man ang katawan ay nais niya pa ring maramdaman kung paano ito magmahal. Walang imik na inangkin nito ang mga labi niya. Malalim, maingat ngunit mapusok. Tuluyan na nitong idinagan ang kahubaran sa kanya. Gumawi ang dalawang kamay nito sa mga tuhod niya at marahang ibinuka ang mga hita niya. "Shaun...Dale..." kagat labing nangilid ang mga luha niya nang maramdaman ang marahang pagkiskis nang pagkalalaki nito sa bukana niya. "Tell me if it still hurts..." malambing na anas nito at saka siya niyakap habang marahang hinahalikan ang buong mukha niya. Napakapit siya sa mga b

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 38

    "Naloloko ka na ba? Hindi pwede yang sinasabi mo!" tutol niya sa gustong mangyari ni Shaun Dale na magkasama sila muli."Sabi mo lahat?""Paano si Celine? Ikakasal na kayo!"Tila natigilan ito sa tanong niyang iyon. Di yata’t noon lang nito naisip ang ibig sabihin ng hinihiling nito sa kanya. Kung pwede lang sana. Kung walang masasagasaan. Kung walang masasaktan. Hindi na siya magdadalawa o magsasampung isip pa sa hinihingi nitong kapalit, mapatawad lamang siya nito. Kahit na hindi niya alam kung ano ba talagang totoong motibo nito kung bakit nito gugustuhing makasama siya ulit? She couldn’t careless kung paglalaruan man siya nito.Pero maling-mali. Ibinilin pa nga ito ni Celine sa kanya. Tapos ano? Matuturingan siyang bantay-salakay? Ahas? Mang-aagaw? At kung anu ano pang pwedeng iparatang sa kanya sa oras na pumayag siya sa gusto ng binata. Bumunot siya nang malalim na hininga."Shaun Dale...hindi mo siya puwedeng saktan, kung hindi mo man ako mapatawad sana kalimutan mo

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 37

    Sinalo ni Shaun Dale ang nawalang malay na katawan ni Dahlia matapos niyang itakip sa bibig nito ang panyo na may chlorofoam.Napapangising binuhat niya ito saka isinakay sa kotse. Halata naman sigurong plinano niya ang lahat. Pamula sa pagputol ng wire ng sasakyan nito. At sinadya niyang magtago sa dilim habang pinagmamasdan niya ito sa di kalayuan. Maya maya'y may dumating na sasakyan."Ano ba papadala mo? Sandali. Si ano ‘yan, ah? Bakit tulog si Ate Dahlia?" si Dylan iyon.Binatang-binata na ito sa edad na 17.Tumango lang siya."Inantok. Ikaw ng bahala, garahe mo na lang muna ‘tong kotse niya dun sa parking ng condo ko..." aniya pa sabay hagis ng susi ng kotse ni Dahlia.Siyempre hindi naman niya gagawin ito kung hindi siya handa kaya dapat walang maiwan na bakas sa magiging pagkawala nito.Mahirap itong papasukin niya pero nakapagdesisyon na siya."Kuya saan ba kayo pupunta? Baka hanapin siya ni Kuya Warren?" "Wala kang sasabihin. Mga ilang araw lang naman kami. Sige na salamat,

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 36

    "Tingnan mo...family picture." bulong ng kuya niya at may inaabot.Nasa reception sila. Medyo madami din ang tao. Pinandilatan niya ito ng mata dahil picture nilang dalawa yun ni Shaun Dale kanina sa simbahan.Bale dalawang kopya iyon. Yung una nakatingala siya dito kasi nga pinapangiti siya. Kung titingnan nga parang magkatitigan lang sila dito at walang kasamang bata. Yung ikalawa ay parang sila ang mag-asawang may kasamang anak.A perfect family nga. Pero sa picture lang yun eh. Kukurutin niya sana ito ng bigla itong tumayo."Sshh!" sumenyas itong wag siyang magulo tapos itinapat ang cellphone sa tenga.Pinabayaan na lang niya at wala sa loob na pinagmasdan niya ulit ang mga pictures. Sayang kung hindi lang nangyari yun. Napatingala siya nang maramdamang tila may nakatitig sa kanya. Pagtingin niya ay mga mata ni Shaun Dale na katapatan lang niya sa pabilog na mesang kinauupuan niya.Mabilis siyang nag-iwas ng tingin."Dahlia," tawag ng kuya niya ng matapos makipag-usap sa cellphone

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 35

    "Kuya kinakabahan ako," ani Dahlia sa kapatid na si Warren habang papasok sila sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag ng anak nina Nathalia at Liam. "Don't be. Kaibigan pa rin natin sila, ikaw bestfriend mo pa rin si Nathalia so you have nothing to be afraid about," pagkalma nito sa kanya. "Eh pero kasi paano kung magtanong sila?" sagot niya at luminga-linga pa. "Alam mo libre maging praning ‘wag mo lang araw arawin!" nakangising sagot nito. Nahampas niya tuloy ito. "Walang mapalang matinong sagot sayo!" nakasimangot na sagot niya. "Ito naman di na mabiro, hayaan mo sila, just remember one thing walang sikretong hindi nabubunyag so that means sooner or later malalaman din nila lahat," seryoso ng sagot nito. "Tara na dun! Wag ka ng masiyadong mag isip!" at hinila na siya papasok sa simbahan. "Dahlia!" tuwa kaagad ang naramdaman niya nang makita si Nathalia na papalapit sa kanila. "Nath..." bati din niya at yumakap dito. "Namiss kita!" "Ako din.." sincere niyang sagot at

DMCA.com Protection Status