Share

Chapter 6

Author: Superyora Mizian
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 6

"Alam ko namang smiling face ka Dahlia, pero parang nasobrahan yata? Kanina ka pa talaga nakangiti. Di ba nangangawit labi mo?" untag ni Liam na nasa gawing kanan niya habang nasa library sila at busy sa pagriresearch.

"Pansin ko rin," salo ni Nathalie na nakaupo sa harapan niya at bahagyang ibinaba ang binabasang libro.

"Tipong malapit nasa pagkabaliw," pabungisngis na sabi ng beking si Peachy at nag-appear pa ang mga ito ni Nathalie.

"Heh!" saway niya sa pang-aasar ng mga ito.

"Ssshhh! Mapagalitan tayo," saway agad ni Liam.

"Wanna know why I'm smiling like a crazy? You wouldn't believe it pero pumayag na kasi si Shaun Dale na magdate kami this coming Saturday!" taas noong pagmamalaki niya sa mga kaibigan.

"Weh? Talaga?" halos sabay pa na react ni Peachy at Nathalia.

"Oo! Hay naku! Ang saya-saya ko talaga. Halos hindi nga ako makatulog nang pumayag siya," kinikilig na kwento niya.

"Buti naman kung siputin ka niya?" kontra ni Liam kaya nawala ang ngiti niya.

"Bakit hindi? Tingin ko naman may isang salita siya 'no! Can't you just be happy for me? Ito na oh! Magdidate na kami. Ang tagal kong hinintay 'to!"

"Ay kami happy for you! Grabe girl. Ang laki na ng progress ha? Congratulations!" paanas na sabi ni Peachy.

"Oo nga. Me too! I'm happy for you. Malaking progress na 'yan," ani Nathalie.

"Thanks Nat, Peachy. Medyo kabado nga ako. Alam niyo 'yon? First time 'to. Imagine kaming dalawa lang on a date? Gosh! He can't stand by me even in a few minutes kasi nga asar siya sa'kin, tapos masosolo ko siya bigla? Imagine that!"

"Oo nga. Oh, tip lang, ah? ' Wag mo na masiyadong harrasin. Baka umatras bigla kalagitnaan ng date niyo. Ikaw rin..." ani Peachy.

"Oo nga girl, hinay-hinay lang. Pasweet ka ng konti. Malay mo magustuhan ka pag nagpakademure ka ng konti di ba?" segunda ni Nathalie.

"Listen to them. You're on a date. Kayong dalawa lang. Baka mamaya kalalambing mo diyan kay Shaun Dale na 'yan magtake advantage na sa'yo. Lugi ka. At baka makapanapak ako pag nabastos ka," seryosong ani Liam.

Lihim siyang natawa sa sinabi ni Liam. Ano pa nga ba? Tinablan nasa kanya si Shaun. They just made out inside her car nang hamunin niya ito.

Kaya nga malakas ang loob niyang yayain ng date ang binata dahil ramdam niyang kahit paano ay nagulo na niya ang sistema nito. Proven na pumayag nga ito sa date na request niya.

Itutuloy-tuloy na lang niya ang paglapit-lapit sa binata hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa kanya.

Napangiti siya sa huling naisip. Mukhang hindi na imposibleng mainlove sa kanya ang isang Shaun Dale Villamor.

"Thanks for the concern Liam but I can take care of myself. Siya talaga itong dapat na mag-ingat sa akin..." biro niya kaya tawanan talaga ang dalawang kaibigan niya.

"Ang manyak ng dating mo Mars!" tawa ni Peachy.

"Seryoso? Bakit gustong-gusto mo siya? Ang daming lalaki diyan na may gusto sa'yo at iti-treat ka ng tama. Hindi 'yong kababae mong tao ikaw pa ang naghahabol? Hindi ka ba napapagod?" madilim na ang mukhang basag ni Liam sa masayang mood nila.

Bahagyang nawala ang ngiti niya. Ilang beses na nga naman kasi siyang sinasaway nito tungkol sa kahibangan niya kay Shaun Dale.

"Alam ko concern ka as a friend. And thank you. Pero ikaw? Di ka ba napapagod kaka-advice sa'kin? Alam mo, ninyong lahat na bata palang ako si Shaun Dale na ang love ko. I'm very much aware that he doesn't like me but what can I do? Susuko na lang? Tingnan na lang siya sa malayo? Hoping for the day na lingunin niya ko na wala man lang akong ginagawa? Heck no. Hindi pa ko pagod. Kaya ko pa. Kaya wag ka ng mag-alala sa'kin okay?" nagseryoso na ring aniya.

Hindi ito nakasagot.

"Ganito na lang. Since may time frame din naman ang pact namin ni Shaun Dale, itong dating stage namin for two months, kapag ito hindi talaga nagwork, itataas ko na ang white flag. Nabigyan kasi ako ng chance to prove to him na ako ang para sa kanya, so I took the chance. Kasi why not? Malay niyo magwork, eh, di masaya. Pero kung hindi pa rin, samahan mo na lang akong magmove on para hindi ka na worried. Keri?" tanong pa niya kay Liam.

Napabuntong hininga ito at tumango.

"Okay sige. Aabangan ko yan. At least ngayon may ultimatum ka na para sa sarili mo. Handa ko na ba shot puno?" nakangiti ng biro nito kaya hinampas niya ito sa balikat.

"Ang sama mo. Parang sure na sure ka diyang hindi siya magkakagusto sa'kin ah? Remember mas closer na siya sa'kin ngayon."

"Alam ko. Pero mas nagiging close na rin siya kay Lauren. Sabi pa sa'kin ng pinsan kong 'yan invited niya si Villamor sa birthday niya next month. At doon niya sasagutin para maipakilala niya rin kina Tito. Kaya tingin ko hindi aabot ng 2 months yang dating stage niyo, dahil next month magiging official na sila. Ano pa laban mo dun?"

Naalerto siya sa kwento ni Liam.

"OMG! Mars! Umiksi na ang time frame mo para akitin si Papa Shaun. Next month! Next month!" tila mas nataranta pa na reaction ni Peachy.

"Kailan birthday niyang si Lauren?" tanong ni Nathalie kay Liam.

"22."

"Oo nga Mars! Double time para mabihag mo si Shaun!" inalog pa ni Nathalie ang braso niya kaya napalunok siya sa pagkataranta.

"This can't be happening..." halos matulalang sabi niya.

"Tick tock tick tock, your time is running girl!"

"Ang problema na lang ay kung maaga niyang sagutin si Shaun..." dagdag stress na sabi ni Peachy.

"Hindi 'yan. Strikto si Tito. Papa ni Lauren. Sundalo kasi 'yon. Kabilin-bilinan niya sa mga anak niya na kapag makikipag-gf or bf dapat dalhin sa bahay para makilatis niya. Kaya hindi pa naman siguro kaso ewan ko lang din, medyo unpredictable din kasi ugali ni Lauren, ano ba naman 'yong isikreto na lang muna nila, ano ba namang malay ni Tito dun di ba?" ani Liam kaya mas lalo siyang nastress.

Napatakip siya sa tenga at napatayo.

"Saan ka pupunta?" maang na tanong ni Nathalie nang samsamin niya ang mga gamit niya sa ibabaw ng table at ipagsasaksak sa bag niya.

"Going home. Bye!" kaway niya sa mga ito.

Nastress talaga siya ng bongga. Wala ng 2 months ang palugit niya para makuha ang loob ni Shaun Dale.

Aabot kaya siya? Can she make him fall in love with her in a month? Ano kaya kung maghubo na siya sa harapan nito? Char!

Imposible! Sigaw ng utak niya.

Bata palang sila nagpapacharming na siya dito pero hindi talaga siya pinapatulan. Dekada na iyon. Iyon pa kayang 1 month?

Nakailang girlfriend na si Shaun Dale at kapag may girlfriend ito ay nananahimik siya sa isang sulok. Nagmumukmok. Tila nagiging shield nito ang mga nagiging girlfriend para hindi niya ito kulitin.

Hindi niya kasi ugaling mang-agaw. Ayaw niyang may masagasaan para lang sa sarili niya. In short hindi siya balat ahas.

Kaya inaabangan na lang niya na maging single ulit ito saka siya ulit eentrada. Pero palagi naman siyang bigo. Ang tagal na niyang nakapila pero palagi siyang nasisingitan.

Ngayon pa kaya na mukhang magkaka-girlfriend na naman ito? At parang mas seryoso pa kasi ipapakilala sa parents.

Laban! Hiyaw naman ng puso niya.

Oo nga! Nakaabante na siya. Ngayon pa ba siya susuko? May chance na siya. Dating na nga, eh. All she have to do is give her best to win his heart.

Bumigay na ito sa halik niya kaya dapat ituloy-tuloy na. Isa pa, same level lang sila ni Lauren. Hindi pa nito boyfriend si Shaun Dale.

Pero dapat mas mapabilis ang kilos niya. Mahirap na, baka maunahan na naman siya. Kapag nangyari iyon ay maghihintay na naman siya sa kawalan kung kailan ulit mawawalan ng girlfriend si Shaun para makaporma siya.

Sa lalim ng iniisip ay hindi na niya namalayang may nakabunggo siya pagliko niya sa hallway.

Bumagsak sa sahig ang chessboard na hawak ng nakabangga niya kasama ang mga chessman.

"I'm sorry!" tarantang aniya at dagling yumukod para pulutin ang mga nalaglag na chessman ng kung sinumang nakabunggo niya.

"Ang clumsy mo talaga..."

Kaagad siyang napatingala sa nagsalita dahil pamilyar sa kanya. Speaking of which...

"Shaun Dale. Ikaw pala yan?" nag all smile siya at awtomatikong nagtatalon ang puso niya.

What are the odds right? She's so lucky dahil kanina pa nga niya ito hinahanap.

"Sige na okay na. Ako na diyan," pormal na pigil nito sa ginagawa niya. Yumukod din ito at kinuha sa mga kamay niya ang chessman para ibalik sa loob ng chessboard.

Napapitlag pa siya ng bahagya dahil nadagil ng mga daliri nito ang daliri niya. Ahhh...ang lakas talaga ng effect nito sa kanya.

Kaya hindi niya alam kung paano niya nasurvive makipagmake out dito ng hindi nahihimatay.

"Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Para kang sira..." saway nito at nagmamadaling kinuha sa sahig ang ibang mga nagkalat na chessman.

Napakurap siya dahil tinitigan na pala niya ito ng hindi namamalayan.

Nang makuha nito lahat ay tumayo na ito at isinara ang chessboard.

Tumayo na rin siya at hinarap ito. She did her best to be at ease. Sa gwapong mukha palang nito parang nauutal na siya.

"Ahhh..."

Umangat ang dalawang kilay nito dahil wala siyang masabi. Sa totoo lang nahiya siya dito bigla nang maalalang hinalikan niya ulit ito at sinabihan pa ng I love you nung isang araw. Hay ang kapal talaga ng mukha niya, eh.

"B-Busy ka?" sa wakas nakapagsalita din siya.

"Oo."

Wow! Diretso ang sagot ah? Di naman halatang ayaw nitong makasama siya.

"Ahhh...San punta mo? Sama ko!" pangungulit niya nang mahamig ang sarili.

"May practice ako ng chess. Hinihintay ko lang mga kasama ko."

Pambato kasi talaga ito ng school kapag may contest ng chess. At madalas champion ito.

Nilagpasan na siya nito. Nakaramdam naman siya ng lungkot at naalala ang sinabi ni Liam.

'Ang daming lalaki diyan na may gusto sa'yo at iti-treat ka ng tama...'

Napabuga siya ng hangin habang habol ng tingin si Shaun Dale. May point naman ang kaibigan niyang iyon. Is it really worth it na humabol-habol pa kay Shaun Dale kahit na halata namang ayaw nito sa kanya?

Nangilid kaagad ang luha niya. Anong pinagkaiba niya sa asong sunod nang sunod? Hayyy...wag munang ipilit ang sarili for today's video.

She's about to leave...

"Dahlia."

Tinawag siya ni Shaun kaya napalingon kaagad siya.

"Y-Yes?"

"Akala ko ba sasama ka? Bakit nakatayo ka lang diyan?"

Sumikdo kaagad ang puso niya sa sinabi nito. Dagling nagliwanag ang mukha niya.

"I-I thought you're busy?"

"Oo. Kaso wala pa naman sila. Punta muna kong canteen, ikaw bahala ka kung ayaw mo."

"Ay hindi sama ko!" nagmamadaling humabol siya dito at pasimpleng pinunasan ang gilid ng mata.

All smile siya habang naglalakad kasabay ito.

Mukha ayaw ng universe na pasukuin siya.

Eh, di lavarn!

Kaugnay na kabanata

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 7

    Ano'ng gusto mo?" kaswal na tanong ni Shaun Dale nang makarating sila sa katabing karinderya ng school nila.Wala kasi itong nagustuhang meryenda sa canteen kaya lumabas sila."Siyempre ikaw," pigil ang kilig na biro niya dito. To her surprised, he just chuckled. Aba'y first time yata nitong natawa sa panghaharot niya dito. Usually madalas ay napapailing na lang ito o kaya sasamaan siya ng tingin."Baliw. Pagkain." "Ah tulad na lang ng sa'yo," tumino ng sagot niya.Well paano ba naman siyang hindi kikiligin? Nakabunggo lang niya ito sa hallway, isinabay na siyang magmeryenda. It was unexpected! At silang dalawa lang!"Ate dalawang pancit guisado po, dalawang empanada. Pakisamahan na rin ng dalawang sago't-gulaman, salamat," ani Shaun at dinukot ang wallet sa likod ng jeans nito.Hayyy...How could she not fall for him? Ang polite nito kausap kahit kanino. Sa kanya lang naman ito nagsusungit, kaya nga mas lalo siyang umaasam na sana balang araw ay maging maganda rin ang pakitungo nit

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 8

    Chapter 8"Nagresponse siya. Nagkiss ulit kami...ahhhh!" parang bulateng inasinan na nagpagulong-gulong si Dahlia sa queen size bed niya.Talaga naman kasing abot langit ang saya niya habang inaalala na hindi lang smack ang iginanti ni Shaun Dale sa kanya kanina.Kinuha niya ang unan, isinubsob ang mukha at doon umirit sa sobrang kilig.Hindi siya manhid para hindi maramdamang may nagbago na sa status nila ng binatang masungit.Oo nga at may pagkamasungit pa rin ito pero mas madali na para sa kanya ngayon na lapit-lapitan ito.Hay....Nagbangon siya sa kama. Tinungo ang dingding. Kahit saan siya bumaling ay may nakadikit na litrato doon ni Shaun Dale.Siguro kung may makakakita ng silid niya ay iisiping baliw at obsessed siya sa lalaki. But who cares? Ang Lolo nga niya ay supportive sa kanya. Bakit niya pakikinggan ang iba?"Miss na agad kita hubs...kaw ha? Kunwari ka pang ayaw mo sa'kin pero nanununggab ka rin. Pakipot yarn?" napatawa siya at marahang hinaplos ang litrato nito.Kinuk

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 9

    You're unable to reply to this conversation.Sht na malagkit!Inis na napapadiyak na lang si Dahlia.Shaun Dale really blocked her!Wala naman siyang libag sa pusod o patay na libag sa tiyan!Hanu ba yan? Kaka-accept lang nito kanina sa friend request niya tapos ngayon block na siya."Pambihira? Ayaw niya talaga sa bo*bs ko? Maputi naman ah? Makinis din. At medyo biggy tapos ibablock ako? Eh, hinawakan pa nga niya nung nasa kotse kami..." parang sirang kausap niya sa sarili.Tawagan niya kaya sa phone number nito?Pero 'wag na. Baka hindi lang siya sa social media i-block. Baka pati sa life nito. Kung kailan medyo nagiging okay na sila.Sa sobrang frustrated nagchat siya kay Peahy at Nathalia. Ilang saglit pa magkakaharap na ang mga mukha nilang tatlo sa phone screen thru video chat.Hindi niya isinama si Liam sa tinawagan dahil alam niyang sasabunin siya nito ng husto sa sermon. Sasabihin lang nun na wala siyang delikadesa. Totoo naman pero ayaw na niyang marinig."Ang wild mo naman k

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 10

    SPG. BAWAL SA BATA."Ah...Shaun Dale...galunggong ka bakit mo pinunit?!" tarantang reaction ni Dahlia nang sirain ng binata ang nighties niya.Hinampas niya ang kamay nito pero hinuli nito ang dalawang kamay niya at diniinan ng isang kamay nito sa bandang ulunan niya.Ngumisi lang si Shaun lalo na at nakita nitong wala siyang panloob at kaagad na umalagwa ang mayamang dibdib niya.Halos matigagal ito nang makita ang mamula-mula niyang korona. Kitang-kita niya ang paggalaw ng Adam's apple nito.Hinawakan iyon ng malaking kamay nito at marahang hinimas. Napakagat labi siya dahil sa init na nagmumula sa mga daliri nito."Gahhh! Please not so hard!" ungol niya nang bigla nitong sipsipin ang isa sa mga iyon.Halos mapaangat siya nang maramdaman ang pangigigil nito."Ahhh gosh baka matanggal 'yan!" napadaing na reklamo niya dahil halos higupin na nito ang magkabilang dibdib niya.Hinawakan niya ang ulo nito nang makakawala ang kamay niya sa hawak nito. Ang gusto niya mala K-drama ang pagkek

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 11

    Nasa ilalim ng dutsa si Shaun Dale. Nakacold shower siya. Pilit pinapatay ang init ng katawan na binuhay ni Dahlia sa kanya kanina lang. Tila may nagwawalang halimaw sa dibdib niya.Parang nararamdaman pa niya sa balat ang haplos nito sa katawan niya. Ang mga yakap.Tila nakakapit pa sa ilong niya ang mabangong amoy nito. At parang nararamdaman pa rin niya sa labi niya ang mga labi nito.Sariwa pa rin sa pandama niya kung gaano kakinis ang katawan nitong ilang ulit dinaanan ng palad niya.Napapikit siya. Ang lakas ng epekto nito sa kanya.Nakarating sila sa langit kahit na simpleng dry h*mping lang ang ginawa nila.Talagang puro kalokohan ang laman ng utak nito. Sukat akyatin siya at akitin.Pero bilib din siya sa fighting spirit nito. Ito lang ang babaeng kilala niyang ganoon kalakas ang loob.Naisip niya kung hindi dumating ang ambulance na narinig nila, malamang ay may nangyari na talaga sa kanila. Dahil kung siya lang ang masusunod ay talagang balak na niyang patulan na ito.Sinong

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 11.5

    "Lo tinakot mo ko, ah? 'Wag gano'n!" malambing na kausap ni Dahlia sa Lolo nitong nakaratay sa hospital bed.Pinunasan niya agad ang luha sa gilid ng mga mata niya.Ito nga ang sakay ng ambulance na narinig nila kanina ni Shaun Dale kanina.Nagseizure ang Lolo niya kaya itinakbo ito ng hospital ng private nurse nito.For now kailangan nitong maconfine para maobserbahan. Tila palala na ang sakit nito."Sus wala 'to. Kayang-kaya," tila balewalang sabi nito kahit na kita naman sa katawan nito ang paghihirap."Eh, basta dito muna ko.""Di ba may pasok ka? Saka may private nurse naman ako, di mo kailangan magbabad dito. Saka ikaw rin hindi mo masisilayan si Shaun Dale," biro nito na ikinangiti na niya."Lo, ha chismax ka?""Eh, kamusta na ba kayo?"Bahagya siyang natigilan. Ano nga ba? Kanina lang gumawa sila ng kababalaghan sa kwarto nito. Ewan ba naman niya sa sarili kung bakit inakyat niya ito?Hindi kasi talaga siya mapalagay na blinock siya nito kaya pinuntahan niya talaga.Well kung

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 12

    "Dahlialyn!"Napalingon siya nang may bumanggit sa pangalan niya.Tumigil siya sa paglalakad sa hallway para lingunin ang tumawag. Hindi pa naman siya late kaya pwede pa niyang i-entertain ito."Yes?" magiliw niyang tanong kay Lauren kahit na asar siya dito.Salubong ang manipis na kilay nito."Yes you!" dinuro pa siya nito kaya napaangat ang kilay niya."Ano nga?""Ikaw, napakaflirt mo talaga 'no? Someone told me na nakita ka raw na nakikipaghalikan kay Shaun Dale sa parking lot nitong school! My God! Wala bang pinipiling lugar 'yang kalandian mo? You're so desperate!" halos hingalin sa inis na litanya nito.May ilang napapatingin sa kanilang students na dumadaan.Nagpanting ang tainga niya. But she managed to stay calm and flashed her sweetest smile."So inggit ka? Gumaya ka!" tatawa-tawang sagot niya.Mas lalo niyang nakita ang pagkapika sa mukha nito. Sandaling hindi nakapagsalita."At bakit ako maiinggit sa pagkamalandi mo?" gigil na tanong nito.Napailing siya at mabilis na pini

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 12.5

    "Ano? Sumuko ka na?!" halos pasigaw na tanong nina Peachy at Nathalie nang magkita-kita silang apat sa isang restobar.Luhaang tumango si Dahlia sa tanong ng mga ito sabay lagok sa ng cocktail drink na inorder niya."Eh, bakit? Akala ko close na kayo? Di ba sinendan mo pa nga siya nung-" natigil ang baklang Peachy sa pambubuking sana sa kanya nang subuan ito ni Nath ng pulutan sa bibig."Sinendan ng?" takang tanong ni Liam na nasa tabi niya."Ng love quotes! Parang natuwa pa nga siya, eh!" salo ni Nathalie kaya thankful na nginitian niya ito Of course hindi alam ni Liam ang ginawa niyang kalokohan na pagsisend ng sexy pic kay Dale.Kumbaga girls talk kaya hindi ito kasali.At nahihiya rin siyang malaman nito."Ah kaya siguro hindi nahulog sa'yo. Nakornihan siguro," biro nito kaya siniko niya ito."So ano'ng plano mo? Give up na muna talaga? Hintay ka na lang ulit na mawalan siya ng gf, ganun?" usisa ni Peachy."Siguro," kibit balikat na sagot niya at lagok ulit.Naiiyak talaga siya k

Pinakabagong kabanata

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 43

    Chapter 43 "Tara na?" tanong niya kay Shaun nang makalabas ng bahay. Dagli nitong kinuha ng isang kamay nito ang bitbit niyang maleta at saka nito hinagip ang braso niya. Pinigilan niyang mapangiti. Iginiya siya nito pasakay ng kotse saka nito inilagay sa compartment ang maleta niya. Pakiramdam niya ay nakikipagtanan siya. "Ready?" tanong pa nito nang ma-i-start ang kotse. "Yup." Napangiti ito sa sagot niya. "Gusto mong magdrive thru?" "Okay para may food tayo sa daan. Hindi na ko nakapagprepare, eh," sang-ayon niya. Iniliko nito ang kotse sa natanawan nilang fast food chain na 24/7 nakabukas. Naglabas kaagad ng pera si Shaun Dale at binayaran iyon saka iniabot sa kanya ang inorder niya. Binuksan niya ang isang sandwich nang muli nitong paandarin ang sasakyan. Pumiraso siya at itinapat sa bibig nito ang pagkain. "Kain ka…" alok niya. Ngumiti ito at tinanggap ang isinusubo niya. "Hindi pa nga ako nagdinner kanina." "Eh bakit? Dapat hindi ka nag-i-skip ng meals," paalala

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 42

    Chapter 42 "Sige Kuya goodnight, oo ako na bahala sa mga meetings mo, ako pa ba? Ingat ka diyan. Bye!" paalam niya sa kapatid na si Warren. Nireremind siya nito sa mga gawain sa opisina dahil lumipad na ito patungong Germany para dumalo sa kasal ng isang kaibigan. Nang mailapag niya ang phone ay nahiga na siya para matulog. Ngunit nakapikit lang siya pero hindi siya dalawin ng antok. Tuwing gagawin niya iyon ay nakikita niya ang mukha ni Shaun Dale. Ilang araw na ang nakakalipas nang huli silang magkita. O mas tamang sabihing kinidnap? She misses him. Badly. Pinilit niyang makatulog pero nagising din siya wala pa mang isang oras na nakakaidlip. Napaupo siya sa kama. Ang binata ang laman ng panaginip niya. Ang nangyari sa kanila. Ang mainit na pag-angkin sa kanya ng binata na ilang ulit na ginawa nito sa kanya nang gabing iyon. At buong puso naman siyang nagpaubaya. Nangilid ang luha niya. Gusto niya itong makita pero wala siyang lakas ng loob. Napalingon siya sa bedside table

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 41

    "Tulala ka na naman," napapailing na sabi sa kanya ni Warren habang nakatitig siya sa kalangitan na puno ng bituin mula sa terrace nila.Mapait siyang ngumiti at mabilis na yumuko para hindi nito makita ang namumuong luha sa mga mata niya. Naaalala niya na naman kasi si Shaun."Alam ko mahal mo pa siya, kung bakit naman kasi nagpapakahirap ka diyan..."Magmula nang makabalik siya, palagi na lang siyang ganito. Ngayon lang siya nito kinausap nang masinsinan dahil siguro napapansin nitong matamlay siya at tila palaging may iniisip. Alam na nitong kinidnap siya ni Shaun pero hindi na ito nagtanong pa dahil alam niyang pag-usapan kung ano bang namagitan sa kanila ng binata.Gusto ngang sampahan ng kaso ni Warren si Shaun pero siya na mismo ang nakiusap na wag gawin iyon. Isa pa hindi rin naman siya nagsisisi sa namagitan sa kanila kahit na alam niyang mali."Kaysa sa nagmumukmok ka diyan ba’t ‘di mo ipaglaban?" ani Warren kaya napatitig siya dito."Ano’ng sinasabi mo? Agawin ko siya sa be

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 40

    "Uhmmm...uhhmmm..." ang mga ungol ni Dahlia habang angkin ni Shaun ang mga labi niya.Hugot-diin ito sa pagkababae niya. Iniangkla niya ang mga nakabukang hita sa bewang nito at sinalubong ang mga pag-ulos nito. Pangatlong beses na siyang inangkin ng binata sa gabing iyon. Tila ayaw siyang patulugin sa kalaliman ng gabi, Napahalinghing siya nang gumapang ang isang palad nito saka dumama at pumipisil sa dibdib niya.Halos bumaon ang mga kuko niya sa mga balikat ng binata habang dinadama ang sarap ng pag-iisa nila. Napaawang ang mga labi niya nang isagad nito ang pagkakalalaki sa kaibuturan niya. Marahan nitong hinugot iyon at muling isinagad kaya napapalakas ang ungol niya. Pagkatapos ay muli nitong binilisan ang pag-indayog kaya halos mawala na siya sa katinuan."Dahlia...you’re so good..." he sexily moaned while doing deep thrust.Sobrang bilis na ng pag-indayog nito at ilang saglit pa ay kapwa humihingal na nanginig sila nang maabot ang sukdulan. He didn’t hesitate to pour all of hi

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 39

    Naalimpungatan si Dahlia nang maramdaman ang magagaang paghaplos sa pisngi niya. "Shaun Dale..." bumilis ang tibok ng puso niya nang mapagtantong kapwa pa rin sila walang anumang saplot dahil sa katatapos lang nilang pagniniig wala pang isang oras ang nakararaan. Masakit ang buong katawan niya ngunit nararamdaman niya ang pangangailangan ng binata sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig nito. At sa puso niya, pagod man ang katawan ay nais niya pa ring maramdaman kung paano ito magmahal. Walang imik na inangkin nito ang mga labi niya. Malalim, maingat ngunit mapusok. Tuluyan na nitong idinagan ang kahubaran sa kanya. Gumawi ang dalawang kamay nito sa mga tuhod niya at marahang ibinuka ang mga hita niya. "Shaun...Dale..." kagat labing nangilid ang mga luha niya nang maramdaman ang marahang pagkiskis nang pagkalalaki nito sa bukana niya. "Tell me if it still hurts..." malambing na anas nito at saka siya niyakap habang marahang hinahalikan ang buong mukha niya. Napakapit siya sa mga b

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 38

    "Naloloko ka na ba? Hindi pwede yang sinasabi mo!" tutol niya sa gustong mangyari ni Shaun Dale na magkasama sila muli."Sabi mo lahat?""Paano si Celine? Ikakasal na kayo!"Tila natigilan ito sa tanong niyang iyon. Di yata’t noon lang nito naisip ang ibig sabihin ng hinihiling nito sa kanya. Kung pwede lang sana. Kung walang masasagasaan. Kung walang masasaktan. Hindi na siya magdadalawa o magsasampung isip pa sa hinihingi nitong kapalit, mapatawad lamang siya nito. Kahit na hindi niya alam kung ano ba talagang totoong motibo nito kung bakit nito gugustuhing makasama siya ulit? She couldn’t careless kung paglalaruan man siya nito.Pero maling-mali. Ibinilin pa nga ito ni Celine sa kanya. Tapos ano? Matuturingan siyang bantay-salakay? Ahas? Mang-aagaw? At kung anu ano pang pwedeng iparatang sa kanya sa oras na pumayag siya sa gusto ng binata. Bumunot siya nang malalim na hininga."Shaun Dale...hindi mo siya puwedeng saktan, kung hindi mo man ako mapatawad sana kalimutan mo

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 37

    Sinalo ni Shaun Dale ang nawalang malay na katawan ni Dahlia matapos niyang itakip sa bibig nito ang panyo na may chlorofoam.Napapangising binuhat niya ito saka isinakay sa kotse. Halata naman sigurong plinano niya ang lahat. Pamula sa pagputol ng wire ng sasakyan nito. At sinadya niyang magtago sa dilim habang pinagmamasdan niya ito sa di kalayuan. Maya maya'y may dumating na sasakyan."Ano ba papadala mo? Sandali. Si ano ‘yan, ah? Bakit tulog si Ate Dahlia?" si Dylan iyon.Binatang-binata na ito sa edad na 17.Tumango lang siya."Inantok. Ikaw ng bahala, garahe mo na lang muna ‘tong kotse niya dun sa parking ng condo ko..." aniya pa sabay hagis ng susi ng kotse ni Dahlia.Siyempre hindi naman niya gagawin ito kung hindi siya handa kaya dapat walang maiwan na bakas sa magiging pagkawala nito.Mahirap itong papasukin niya pero nakapagdesisyon na siya."Kuya saan ba kayo pupunta? Baka hanapin siya ni Kuya Warren?" "Wala kang sasabihin. Mga ilang araw lang naman kami. Sige na salamat,

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 36

    "Tingnan mo...family picture." bulong ng kuya niya at may inaabot.Nasa reception sila. Medyo madami din ang tao. Pinandilatan niya ito ng mata dahil picture nilang dalawa yun ni Shaun Dale kanina sa simbahan.Bale dalawang kopya iyon. Yung una nakatingala siya dito kasi nga pinapangiti siya. Kung titingnan nga parang magkatitigan lang sila dito at walang kasamang bata. Yung ikalawa ay parang sila ang mag-asawang may kasamang anak.A perfect family nga. Pero sa picture lang yun eh. Kukurutin niya sana ito ng bigla itong tumayo."Sshh!" sumenyas itong wag siyang magulo tapos itinapat ang cellphone sa tenga.Pinabayaan na lang niya at wala sa loob na pinagmasdan niya ulit ang mga pictures. Sayang kung hindi lang nangyari yun. Napatingala siya nang maramdamang tila may nakatitig sa kanya. Pagtingin niya ay mga mata ni Shaun Dale na katapatan lang niya sa pabilog na mesang kinauupuan niya.Mabilis siyang nag-iwas ng tingin."Dahlia," tawag ng kuya niya ng matapos makipag-usap sa cellphone

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 35

    "Kuya kinakabahan ako," ani Dahlia sa kapatid na si Warren habang papasok sila sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag ng anak nina Nathalia at Liam. "Don't be. Kaibigan pa rin natin sila, ikaw bestfriend mo pa rin si Nathalia so you have nothing to be afraid about," pagkalma nito sa kanya. "Eh pero kasi paano kung magtanong sila?" sagot niya at luminga-linga pa. "Alam mo libre maging praning ‘wag mo lang araw arawin!" nakangising sagot nito. Nahampas niya tuloy ito. "Walang mapalang matinong sagot sayo!" nakasimangot na sagot niya. "Ito naman di na mabiro, hayaan mo sila, just remember one thing walang sikretong hindi nabubunyag so that means sooner or later malalaman din nila lahat," seryoso ng sagot nito. "Tara na dun! Wag ka ng masiyadong mag isip!" at hinila na siya papasok sa simbahan. "Dahlia!" tuwa kaagad ang naramdaman niya nang makita si Nathalia na papalapit sa kanila. "Nath..." bati din niya at yumakap dito. "Namiss kita!" "Ako din.." sincere niyang sagot at

DMCA.com Protection Status