KINAGABIHAN, dahil sa magkahalong tampo at galit ni Raine ay hindi siya bumaba para maghapunan. Sa halip ay umalis siya sa kwarto nito at lumipat ng ibang kwarto para roon ay magmukmok.Mabuti na iyong hindi sila magkasama sa iisang kwarto. Hindi niya ata makayanan ang 'beast mode behavior' nito. Ngayon pa lang ay mababaliw na siya sa pagtrato nito sa kanya. Paano pa kaya iyong magkasama sila buong gabi?Baka anumang oras ay aawayin siya nito. Kahit na wala siyang ginawang masama rito. Umaarangkada na naman ang kamahalan nitong utak kaya nangangapa siya kung paano ito pakisamahan. Sa inaasta nito ngayon ay parang naghahanap ito ni katiting na butas para lang pasakitin ang damdamin niya.Matagal siyang humilata sa kama. Naglalakbay ang kanyang isip kung bakit tinupak na naman ang moody niyang asawa. Medyo maayos naman ito kausap kanina noong nasa hallway pa sila, pero bakit galit na naman ito?Noong parati naman itong galit at naiinis sa kanya noong nakaraan ay naiintindihan niya pa iy
"Don't want to do it anymore?" Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sinuksok niya sa bulsa ang lighter. Si Raine na nasa harap ay pinagmasdan lang siya.Natural lamang na magalit si Crassus dahil pinahiya siya ni Raine. Wala lang siya magawa noong oras na iyon dahil maraming empleyado ang nakatingin sa kanila. Umupo siya sa swivel chair."Hindi na, wala na tayong audience. Sayang naman ang effort ko," sarkastiko niya pang ani ni Raine.Hindi na siya nagpaligoy - ligoy pa. "Sa tingin mo ba, peke ang binili ko na payong para sa'yo?"Ngumisi si Crassus. "You're really smart." Pagkatapos ay bahagyang sumingkit ang kanyang mata."Peke o hindi?" Balik niyang tanong. Hindi naman ito sumagot at sa halip ay nagbuga lang ito ng usok ng sigarilyo. Hindi mapigilan ni Raine na sumama ang kanyang mukha.Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang convo nila ni Amiya.Lumapit siya kay Crassus at pinabasa niya rito ang convo nila."Noong nakaraang Biyernes, nagpadala ako
What's with your face, babe. You look tired," Crassus said out of the blue.Binato niya ng masamang tingin si Crassus. Nang makita nito ang reaksiyon niya ay kibit - balikat ito. Isinubo nito ang hawak na toasted bread sabay angat ng dalawang kilayNapapikit siya ng mariin. Hindi niya alam kung ang ginagawa nito kanina at kung bakit malakas itong mang - trip ngayon. Kahit hindi man siya tumingin sa salamin ay alam niyang nangingitim na ang kanyang eyebags.Pinaikot lang niya ang kanyang mata at hindi na niya ito pinansin. "Okay ka lang, Tina?" tanong pa ni Lolo Faustino.Nakatingin ito sa kanya. Nakabitin sa ere ang hawak nito na puting tasa na may laman na tsaa.Ngumiti siya. "Oo naman po, Lolo."Pinasadahan muna siya nito ng tingin. Saka pa nito hinigop ang laman ng tasa."Anong plano mo ngayon, Tina? Sabado ngayon at wala kayong trabaho. May lakad ka ba, Hija?" tanong nito.Ang tono ng pananalita ni Lolo ay iba sa nakasanayan nitong tono. Napakalambing nito at malumaymay, na para
NAPATIGIL SA PAGHINGA SI RAINE habang nakatitig kay Crassus. Patuloy pa rin ito sa pagdila sa kanyang kamay na para bang okay lang ang ginagawa nito. Nang mag - angat ito ng paningin at nagtama ang kanilang mata ay nagkarambola ang kanyang sistema. Halos umusok ang kanyang tainga dahil sa init na naramdaman. Hindi pa ito nakontento. Ngumiti pa ito. Pinandilatan niya ng mata si Crassus pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay mas lalong lumawak ang pag - ngiti nito. Napatitig ito sa kanyang labi at sa isang iglap ay nagbago ang reaksiyon ng mukha nito.Mabilis na tumalikod si Raine. Nagtungo siya sa sink na para linisin ang kanyang kamay. Habang nakatutok ang kanyang kamay sa tubig ay ramdam pa rin niya ang mainit na dila ni Crassus. Napalunok siya. Nang maalala niya ang mainit na pagtitig nito ay mas lalong namula ang kanyang mukha.Bumuga siya ng hangin. Pilit niya pinakalma ang sarili pero ramdam pa rin niya ang dila nito na naglalaro sa kanyang daliri. Napatingin siya sa kan
WALA NA KASING BALITA SI RAINE tungkol sa paghahanap ng tagapag - bantay sa Mama niya. Kaya medyo naguluhan siya. Wala rin kasing nagsabi sa kanya na may nahanap na pala. "Hindi po ba ikaw, Ma'am?" takang tanong pa nito."Hindi po."Umatraas ang leeg nito sabay kunot - noo. "Ate, hindi po ba ikaw ang nakisuyo kay Dr. Riacrus na magpa - hanap ng magbabantay kay Mama?" sabat ni Athelios sa usapan. Hindi siya sumagot. Ayaw niya itong kausapin dahil paniguradong may pakay na naman ito. Hirap na siyang maniwala na ang Mama talaga nila ang sadya nito.Napalingon siya kay Professor Xhun na prenteng nakaupo sa plastic chair."Ako ang nag - hire sa kanya."Napatingin si Raine sa kanyang likod. Napalingon sila sa pinanggalingan ng ingay. Nakita nila si Dr. Riacrus na nasa bungad ng pinto."Si, Nadia, siya ang may pinaka - mahal na rate rito sa ospital.""Dok?'' magkasabay na anas nina Raine at Athelios.Ngumiti naman ang doktora. Saka ito pumasok. "Kamusta na kayo?" Napatingin ito sa kanya.
NASA KALAGITNAAN NG PAG - UUSAP SINA RAINE at Dr. Riacrus nang biglang tumunog ang kanyang cellphone."Sandali lang po, Dok."Tumango ito. "Okay."Tinignan niya ang telepono. Isang chat mula sa messenger ang kanyang natanggap.[Tina, Hija. Kamusta na ang kondisyon ng Mama mo?]Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Raine. Hindi niya maiwasang purihin si Lolo Faustino. Napakabait talaga nito. Sa kabila ng karamdaman ay nagawa pa nitong kamustahin ang kanyang Mama na para bang wala ito iniinda na malubhang sakit.Nagpadala siya ng voice message."Okay lang po, Lolo. Huwag ka na pong mag - alala."Nagtaka si Athelios nang makita na may kausap sa telepono si Raine."Ate, sinong kausap mo?"Walang emosiyon niya itong tinitigan. "Pakialam mo?"Sumama ang mukha ni Athelios. Pinalatak pa nito ang dila sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.Biglang bumukas ang pinto. Nang makita ni Raine kung sino ito ay nag - iwas siya ng tingin"Athelios, okay lang ba si Auntie?"Lumingon sa kanya s
NAPATDA SI CRASSUS NANG MAKITA ang masayang ngiti ni Raine kahit nakapikit. Marahan nitong hinaplos ang mukha sa mainit niya na braso. Napalunok siya. Simpleng kilos lang ang ginawa nito pero grabe na kung maka - react ang kanyang katawan. Kahit na malakas ang air conditioner sa kwarto ay ramdam niya ang pag - iinit ng kanyang katawan. Nagmulat ng mata si Raine at nagtama ang kanilang paningin. Bigla itong bumangon at pumasok sa ginamit niya na kubrekama. Sumiksik ito sa kanya at naglalakbay ng dahan - dahan ang kamay nito patungo sa kanyang bewang, dahilan upang hindi mapakali ang kanyang sistema. Hirap man si Crassus ay pilit niyang nilabanan ang kahungkagan sa kanyang katawan. Nanatili siyang walang imik. Nagpanggap siya na parang wala lang kahit na naniningas na apoy na nasa ilalim ng kanyang kahubdan. "Thank you," bigla nitong ani sabay tumingin sa kanya na may pagkislap sa mga mata. Nakasandal pa rin siya sa hood ng kama. At dahil hinila ni Raine ang kanyang braso kanina a
LUNES, BUMABA SI RAINE sa sasakyan ni Crassus nang mag - parking ito sa harap ng kompanya. Pagkapasok niya sa lobby ay nagkita sila ni Diana. Nginitian niya ito."Wow!" Maang nitong sabi. "Ganda ng ngiti mo. Good mood ka besh?" Anong meron?" Inilapit nito ang mukha sabay titig sa kanya ng mabuti. "May maganda bang nangyari sa inyu?"Uminit ang pisngi ni Raine. "Wala naman na."Napatingin siya kay Crassus. Saglit na nagtama ang kanilang paningin bago ito umalis para i - parking ang sasakyan.Nang mawala ito sa paningin niya ay hindi na mapakali ang kanyang sistema. Nakakabaliw pero hinahanap na niya ang presensiya nito.Napangiti si Diana nang mapansin ang kakaibang galaw ng dalawa. Hinawakan niya sa braso si Raine para paharapin ito sa kanya.Dinuro niya ito. "Ikaw ah." Kiniliti niya ito sa tagiliran. Lumayo ito. "May hindi ka sinasabi sa akin." Hinawakan naman niya ito sa pisngi. "Huwag kang magsinungaling. Halata sa mukha mo. Blooming ka masyado.""Tsk. Tantanan mo na nga ako," pag
Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya