Beranda / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 125 - Resignation Letter

Share

Chapter 125 - Resignation Letter

Penulis: Aceisargus
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-20 23:16:32

Naibaba ni Crassus ang hawak na selpon. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nahulog siya sa malalim na pag - iisip.

Katatapos lang niya basahin ang paliwanag ni Diana. Ngayon na nalaman na niya ang totoo ay unti - unting nawala ang kanyang galit kay Raine. Pero hindi niya rin maiwasan na madismaya.

Nalaman niya na binilog lang ni Tia ang ulo niya. Pinapaliwanag ni Diana ang teorya nito, at kung pagbabasehan nga sinabi nito ay napapansin niya na may punto ito. Hindi talaga totoong buntis ang kaibigan nito, kaya wala ring katotohanan ang tungkol sa pagpapalaglag ni Raine.

Napatitig si Crassus sa kawalan. May parte man na puso niya na nasiyahan dahil hindi totoo ang kanyang paratang kay Raine pero may parte rin ng puso niya na parang dismayado. Hindi niya matumbok kung bakit pero may isang tanong na nabuo sa utak niya.

Paano kaya kung totoo talaga na buntis si Raine?

***

Sa isang banda, tumayo naman si Diana para sabihin ang ginawa niyang pangingialam. Sinabi niya na nagpadala siya ng
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 126 - Back to the villa

    Nakita ni Raine na papasok sa loob ng quarter nila ang kanilang Direktor. Lumapit ito sa kanya at may binigay na papel. Alam na niya kung ano 'yon kaya dali - dali niya itong binuklat.Nang makita niya ang isang napalaking 'No' sa liham na ay napakunot ang kanyang noo. Pinapagpaguran niya 'yon tapos makakatanggap lang siya ng isang malaking 'No' ?"Bakit po ganito, Sir?" tanong niya na hindi inalis ang paningin sa papel."Hindi ka naman siguro kinulang sa talino para hindi malaman ang ibig sabihin niyan."Padabog na nilapag ni Raine ang papel sa mesa. "Ang ibig ko pong sabihin, bakit ganito ang pagkakasusulat. May pormal naman na paraan kung tanggihan niya ang rason ko.""Sa tingin mo, magagawa pa ng isang tao na makapagsulat ng pormal kapag galit na galit siya?" Pabalang na tanong ni Mr. De Guzman. Umiling pa ito. "Mabuti nga hindi niya 'yan pinunit dahil sa reaksiyon niya kanina. Pwede na niya ako patayin sa nerbiyos."Napahaplos sa batok si Mr. De Guzman. "Hindi siya pumayag. Ikaw

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-21
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 127 - Eat you alive

    Nilapag ni Raine sa mesa ang sopas na kanyang niluto para kay Lolo Faustino. Gusto kasi nito kumain ng luto niya kaya ginawa niyan ito. Ngumiti naman ito nang makita ang niluto niya. "Kain ka po, Lolo. Meron pa po rito," paanyaya pa ni Raine."Salamat, Hija." Saka nito nilantakan ang sopas. Nang matikman ang kanyang luto ay napatango ito. "Gawa ka nito ulit sa susunod, Tina."Napangiti si Raine. "Sige po."Kakausapin niya pa sana si Lolo nang biglang may pumasok sa kusina. Nagkakatigan sila ni Crassus. Mula sa pagtukod sa mesa ay napaayos siya ng tayo.Sinipat ni Crassus ang suot na relo. "Skipping work?" Crassus's voice is low, magnetic, and calm. Her heart skips a beat. Boses pa lang nito ay nagkagulo na ang puso niya.Nang mapansin na kamuntik na siyang mapatanga sa harap nito ay tumikhim siya. "Inutusan ako ni Mr. De Guzman kanina na mag - deliver ng information sa Tax Bureau. Sabi niya ay hindi ko na kailangan pang bumalik pagkatapos kaya nagpunta na lang ako rito kahit maaga

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-22
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 128 - He saw the books

    "Kung may gagalawin man ako, hindi ikaw 'yon."Tumabingi ang ulo ni Crassus. "Talaga?" Pinisil nito ang dède niya kaya napamulagat siya. "Kahit na magmamakaawa at susuka ako ng dugo sa harap mo? Kahit pa na mamatay ako?"Ginatungan ito ni Raine. Ngumiti siya. Lumapit siya sa tainga nito at doon ay bumulong. "Kung mamatay ka man, mamamatay ka. Ayaw mo no'n? Sa akin mapupunta ang lahat ng kayamanan mo?"Napatawa si Crassus. Tinitigan niya si Raine sa mata. "Nakalimutan ko kung ano ka kahit na asawa na kita. Oo nga naman, pwede ka naman mag - drama kahit na patay ang asawa mo. Tapos pasimple mong nanakawin ang kayamanan ko."Hinarap niya si Crassus. Tinitigan niya ang mata nito hanggang sa dumapo ang kanyang paningin sa tungki ng ilong nito."Di ba? Tapos yayaman na ako," pabiro niya pang ani."That's good. I don't mind if you'll snatch my wealth, as long as you are here with me while I am dying. Alam ko naman hindi mo ako pababayaan."Napipilan si Raine. Mabilis na pumintig ang kanyang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-22
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 129 - Future Husband

    Pagkapasok ni Crassus sa kwarto ay nakita niyang nag - aayos na ng higaan si Raine. Nakapamulsa siya habang pinagmasdan niya ang ginagawa nito."Nandiyan ka na pala," untag nito sabay pagpag sa unan. Kakaiba ang tono ng pananalita nito ngayon. Parang nakapanatural lang pero malambing pa rin ang boses nito. Imbes dugtungan ang sinabi ni Raine ay nilihis ni Crassus ang usapan. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Para kanino ka gagalaw, Raine?"Pagkatapos niyon ay umupo sa sofa si Crassus. Sumandal siya roon. Itinukod niya ang kanang braso sa arm chair. Dahan - dahan niyang minamasahe ang kanyang sentido at pumipikit."Hind nga ikaw, Crassus," pang - uulit pa ni Raine.Naging hudyat iyon para kay Crassus. Nang sumagi sa isip niya ang imahe ni Paul Tyler ay naikuyom niya ang kanyang kamay."Alam ko naman na hindi ako," sagot pa ni Crassus pero labas sa ilong. "Hindi pa naman ako nakalimot sa marriage agreement natin kaya wala akong pakialam kung sino ang gagalawin mo."Natigilan si Ra

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-22
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 130 - The reason behind her resignation

    Hindi mapakali si Diana habang tinatahak niya ang CEO office na nasa pinakahuling palapag ng building. Nanlamig ang kanyang kamay at kumabog ng husto ang puso niya.Kaka - lunchbreak pa lang nila nang tumawag si Mr. Almonte para papuntahin siya sa office nito. At bilang empleyado naman nito ay wala siyang choice kung hindi sundin ito. Takot lang niya na masibak sa trabaho. Hindi pa siya makapaniwala kanina nang tumawag ito sa internal phone. Kamuntik niya pa ito mabitawan dahil nagulat siya sa baritonong boses nito.At ito siya, papalapit na sa harap ng opisina nito. Nang marating ni Diana ang pinto ay huminto siya. Pumikit muna siya at humugot ng isang malalim na hininga.Nang masigurong kumalma na ng kaunti ang sistema niya ay kumatok siya. Bumukas ang pinto at nabungaran niya ang sekretarya nito. Pinapasok naman siya ni Mr. Tamayuto. Igiiniya siya nito sa isa pang kwarto at binuksan iyon. Nakita niya si Mr. Almonte na umupo sa swivel chair. Pagpasok niya sa office ay saka pa ito

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 131 - Company New Rule

    Habang inayos ni Raine ang kanyang canvass bag nang pumasok si Mr. De Guzman sa office nila. "Kayong lahat! Makinig kayo!" Itinaas nito ang isang kamay. "May bagong patakaran ang HR DEPARTMENT. Galing ito mismo sa nakatataas kaya pakinggan ni'yo ito ng mabuti."Nagkumpulan ang kanyang kasama. Hindi na siya nag - abalang tumayo pa. Nameywang si Mr. De Guzman sa harap nila. "Gossiping in the middle of work is restricted. Kung sinuman ang lumabag sa patakaran ay mumultahan ng one thousand. Kita ni'yo 'yan?" Turo pa ni Mr. De Guzman sa CCTV. "May naka - monitor riyan at ang dinig ko ay magpapainstall pa sila ng camera bukas. Kaya kung ako sa inyo, matakot na kayo. Every time you get caught, you will be fine one thousand pesos. Effective ito simula ngayon ala dos ng tanghali, kaya kung ako sa inyo, Ayaw ni'yo naman maubos ang inyong sweldo dahil sa kakaputak, hindi ba?"Nagbulungan naman ang trabahante. Siya naman ay lihim na nagpasalamat dahil pabor sa kanya ang parusa. Wala siyang kai

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 132 - A lot of things that you don't know

    Hindi na maipinta ang mukha ni Crassus habang nakatingin sa screen ng selpon ni Raine. Sa tuwing tumutunog ang selpon nito ay naalibadbaran siya. Paano, alam niyang tumatawag ang Paul Tyler na 'yon. Makikita niya pa lang ang apelyido nito ay naiirita na siya. Hindi naka - lock ang selpon ni Raine at bago niya pa iyon ma - lock ay huminto na ito sa pag - ring. Bumungad kay Crassus ang account nito. Kasunod niyon ay nagsunuran sa pagpadala ng voice message ang dating guro nito. Aksidenteng na - tap niya ang account ng Propessor. Nabasa niya ang chat nito. Nang makitang may pinasa na link si Raine na may pamagat na job application ay kumulo ang dugo ni Crassus. Sa takot na mahuli siya ni Raine ay mabilis niyang ni - lock ang selpon nito. Muli itong tumunog pero hindi na niya ito pinapansin. Umupo siya sa sofa at nagpanggap na parang walang nangyari. Bumunot siya ng libro sa bookshelves at nagbasa pero sa tuwing nadadaanan ng kanyang mata ang mga salita ay wala siyang naiintindihan.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 133 - Revealing Clothes

    "There are a lot of things that you don't know, Raine," Crassus said in a meaningful tone.Mababakas pa sa boses nito na parang may hindi ito nagustuhan. Napakunot ang kanyang noo. Humiga si Crassus sa kama. Sumunod naman si Raine. Napansin niyang nakatitig si Crassus sa bandang dibdib niya. Inayos niya ang kanyang roba."May itatawag na ako sa'yo."Napakunot ang noo ni Crassus. "Like a nickname?"Tumango si Raine. "Julio. Tatawagin kita na, Julio." Kinagat pa niya ang ilalim ng kanyang labi para pigilan ang sarili mula sa pagtawa. "Bagay sa'yo ang pangalan na Julio."Sumama ang mukha ni Crassus. "At bakit, Julio?"Tumikhim si Raine pero may ngiting nakasilip sa kanyang labi. "Ang bilis magbago iyang mood mo. Parang napakli lang ng kalendaryo. Nasa May pa lang tapos biglang naging June. Kaya Julio."Mas lalong sumama ang mukha ni Crassus. "Ang pangit!"Napabunghalit ng tawa si Raine. "Bakit? Bagay naman sa'yo.""Yeah, right!" ani ni Crassus sabay lapit kay Raine.Sa totoo lang ay gal

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-26

Bab terbaru

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 170

    Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 169

    Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 168 - Fight then reconcile

    Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 167 - Scream of the heart

    Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. ‎‎"Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.‎‎Crassus shrug. "I just like it."‎‎Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?"‎‎"No, I just want it."‎‎Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."‎‎Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"‎‎Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. ‎‎Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. ‎‎"In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."‎‎Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?"‎‎"Ako," diretsang sagot ni Raine. B

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 166 - The initials

    "What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 165 - The slap of truth

    Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 164 - Jealous

    Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.‎‎Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.‎‎Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. ‎‎"Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.‎‎Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."‎‎Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus.‎‎"Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus.‎‎"A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. ‎‎Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"‎‎Napailing si Raine. "An

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 163 - From the heart

    Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. ‎ ‎"What is that?" ‎ ‎Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" ‎ ‎"That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. ‎ ‎"Uh, from the heart?" ‎ Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 162 - C.A.R.A

    Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. ‎‎Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. ‎‎Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.‎‎Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.‎‎Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status