Hindi mapakali si Diana habang tinatahak niya ang CEO office na nasa pinakahuling palapag ng building. Nanlamig ang kanyang kamay at kumabog ng husto ang puso niya.Kaka - lunchbreak pa lang nila nang tumawag si Mr. Almonte para papuntahin siya sa office nito. At bilang empleyado naman nito ay wala siyang choice kung hindi sundin ito. Takot lang niya na masibak sa trabaho. Hindi pa siya makapaniwala kanina nang tumawag ito sa internal phone. Kamuntik niya pa ito mabitawan dahil nagulat siya sa baritonong boses nito.At ito siya, papalapit na sa harap ng opisina nito. Nang marating ni Diana ang pinto ay huminto siya. Pumikit muna siya at humugot ng isang malalim na hininga.Nang masigurong kumalma na ng kaunti ang sistema niya ay kumatok siya. Bumukas ang pinto at nabungaran niya ang sekretarya nito. Pinapasok naman siya ni Mr. Tamayuto. Igiiniya siya nito sa isa pang kwarto at binuksan iyon. Nakita niya si Mr. Almonte na umupo sa swivel chair. Pagpasok niya sa office ay saka pa ito
Habang inayos ni Raine ang kanyang canvass bag nang pumasok si Mr. De Guzman sa office nila. "Kayong lahat! Makinig kayo!" Itinaas nito ang isang kamay. "May bagong patakaran ang HR DEPARTMENT. Galing ito mismo sa nakatataas kaya pakinggan ni'yo ito ng mabuti."Nagkumpulan ang kanyang kasama. Hindi na siya nag - abalang tumayo pa. Nameywang si Mr. De Guzman sa harap nila. "Gossiping in the middle of work is restricted. Kung sinuman ang lumabag sa patakaran ay mumultahan ng one thousand. Kita ni'yo 'yan?" Turo pa ni Mr. De Guzman sa CCTV. "May naka - monitor riyan at ang dinig ko ay magpapainstall pa sila ng camera bukas. Kaya kung ako sa inyo, matakot na kayo. Every time you get caught, you will be fine one thousand pesos. Effective ito simula ngayon ala dos ng tanghali, kaya kung ako sa inyo, Ayaw ni'yo naman maubos ang inyong sweldo dahil sa kakaputak, hindi ba?"Nagbulungan naman ang trabahante. Siya naman ay lihim na nagpasalamat dahil pabor sa kanya ang parusa. Wala siyang kai
Hindi na maipinta ang mukha ni Crassus habang nakatingin sa screen ng selpon ni Raine. Sa tuwing tumutunog ang selpon nito ay naalibadbaran siya. Paano, alam niyang tumatawag ang Paul Tyler na 'yon. Makikita niya pa lang ang apelyido nito ay naiirita na siya. Hindi naka - lock ang selpon ni Raine at bago niya pa iyon ma - lock ay huminto na ito sa pag - ring. Bumungad kay Crassus ang account nito. Kasunod niyon ay nagsunuran sa pagpadala ng voice message ang dating guro nito. Aksidenteng na - tap niya ang account ng Propessor. Nabasa niya ang chat nito. Nang makitang may pinasa na link si Raine na may pamagat na job application ay kumulo ang dugo ni Crassus. Sa takot na mahuli siya ni Raine ay mabilis niyang ni - lock ang selpon nito. Muli itong tumunog pero hindi na niya ito pinapansin. Umupo siya sa sofa at nagpanggap na parang walang nangyari. Bumunot siya ng libro sa bookshelves at nagbasa pero sa tuwing nadadaanan ng kanyang mata ang mga salita ay wala siyang naiintindihan.
"There are a lot of things that you don't know, Raine," Crassus said in a meaningful tone.Mababakas pa sa boses nito na parang may hindi ito nagustuhan. Napakunot ang kanyang noo. Humiga si Crassus sa kama. Sumunod naman si Raine. Napansin niyang nakatitig si Crassus sa bandang dibdib niya. Inayos niya ang kanyang roba."May itatawag na ako sa'yo."Napakunot ang noo ni Crassus. "Like a nickname?"Tumango si Raine. "Julio. Tatawagin kita na, Julio." Kinagat pa niya ang ilalim ng kanyang labi para pigilan ang sarili mula sa pagtawa. "Bagay sa'yo ang pangalan na Julio."Sumama ang mukha ni Crassus. "At bakit, Julio?"Tumikhim si Raine pero may ngiting nakasilip sa kanyang labi. "Ang bilis magbago iyang mood mo. Parang napakli lang ng kalendaryo. Nasa May pa lang tapos biglang naging June. Kaya Julio."Mas lalong sumama ang mukha ni Crassus. "Ang pangit!"Napabunghalit ng tawa si Raine. "Bakit? Bagay naman sa'yo.""Yeah, right!" ani ni Crassus sabay lapit kay Raine.Sa totoo lang ay gal
Hindi maintindihan ni Raine ang sarili kung bakit ang bilis niyang bumigay kay Crassus. Ang bilis matunaw ng depensa niya pagdating dito. Katulad ngayon, pinapaligaya lang nito ang pagkababae niya pero hindi na maampat ang kanyang halinghing. Kung hindi niya tatakpan ang kanyang bibig ay paniguradong maririnig ang ungol niya sa labas.Marahas niyang kinagat ang kanyang labi. Nang bigla nitong ipinasok ang ang pagkalalaki nito sa kweba niya ay napahiyaw siya. Napaliyad siya dala ng matinding sensasyon. Hindi pa siya nakabawi ay bumayo na ito.Napapikit na lamang si Raine dahil sa pagiging marahas nito. Hindi paman sila nagtatagal sa pagtàtalik ay gusto na niya sumuko. Hindi niya alam kung bakit naging malupit na naman ito sa kanya. Hindi man nito sasabihin pero ramdam niya ang galit ni Crassus. Naghalo ang sarap at sakit sa kanyang sistema kaya nakamot niya ang likod nito. Bumango na rin siya para unti - unting umatras, pero sa tuwing aatras naman siya ay susunod naman ito. Hanggang s
Napansin ni Diana na naging tahimik si Raine."Doon tayo," paanyaya niya sa pinakasulok para walang makakarinig sa kanila.Sumunod naman ito. Mayamaya pa ay dumating na ang waitress. Kahit na nilatag na ang pagkain sa harap nila ay tila hindi ito nasiyahan. Tila malayo ang nilakbay ng isip nito. Alam naman niya kung bakit kaya nagbigay siya ng suhestiyon.Naghintay muna siya na umalis ang waitress. Nginitian niya ito saka nagpasalamat."Kung gulong - gulo ka na talaga, magtanong ka na lang sa asawa mo," saad niya sabay higop ng sabaw ng nilagang baka.Napangiwi ito. "At ano naman ang sasabihin ko? Na nahihirapan akong pumili ng trabaho? Baka kapag sinabi kong nag - apply ako sa Firm ni Professor Xhun ay magwawala iyon. Alam mo naman na matindi ang galit niya sa dating guro ko.""Ayon, alam mo naman pala." Pinatong ni Diana ang kutsara sa platito. Tinitigan niya si Raine. Hininaan niya ang kanyang boses pero hindi rin sobrang hina. Sapat lang para marinig nito. "Alam mo naman pala na
Pagsapit ng alas singko ng hapon ay sabay na umuwi sina Raine at Crassus. Paglabas kasi ni Raine ay naka- parada na ang sasakayan nito sa bukana ng gusali. "Hi, babe. Pagod ka ba sa trabaho?" tanong pa ni Raine nang makaupo sa loob ng mamahaling kotse nito.Napansin ni Raine na natahimik ng ilang segundo si Crassus. Nang titigan niya ito habang inayos ang seatbelt ay mataman na itong nakatitig sa kanya. Napahinto siya."Babe?" Pag - ulit pa niya.Parang nagising naman ito mula sa reyalidad. Kumurap ito at tumikhim. Saka ito tumingin sa manubela."Still the same." Crassus drove the car with a very indifferent tone."Oh? Pagod ka nga talaga."Saglit na napatingin si Crassus kay Raine. "Bakit ka naman nag - alala?""Eh siyempre---""Kung ang iniisip mo ay napapagod ako dahil sa ginawa natin sa kama kagabi. Nagkakamali ka. Hindi ako nakabwelo dahil tinutulugan mo ako," magaan na sagot ni Crassus. Natigilan si Raine. Namula ang kanyang mukha. "N-nakakapagod n-naman kasi iyong a-ano...""
Habang nasa loob ng banyo si Crassus para mag - shower ay nakayukyok naman sa mesa si Raine. Nakabihis na siya at maayos na rin ang kanyang damit dahil dumaan sila kanina ni Crassus sa apartment. Pero anong ikina - komportable ng kanyang suot ay siya naman ikinagulo ng utak niya.Hindi siya makagawa ng resume. Ewan ba niya pero nahihirapan siyang gumawa ng bago. Ang sabi kasi sa requirements ay dapat sa wikang Ingles ang nakasulat ang resume. Pero gusto niya sana ay sa ibang lengguwahe nakasulat ang resume na ipapasa niya. Since Spanish si Sir Rothan ay gusto niya sana ay isusulat din sa wikang Espanyol ang kanyang resume. Gusto niya sana ay maging unique ang ipapasa niya Kaya lang ay hindi siya marunong.Napabusangot si Raine. Lumingon siya sa banyo. Nang marinig ang lagaslas ng tubig sa loob niyon ay mas lalong sumama ang mukha niya. Lalo na at naalala niya ang sinabi ni Crassus kanina.Mayamaya ay biglang kumalabog ang pinto ng banyo. Lumabas doon si Crassus. Mamasa - masa pa ang
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya
Pagpasok nina Raine at Crassus sa entrance ng restaurant ay naagaw nila ang atensiyon ng mga tao. Natigilan pa ang ilan sa mga babae habang ang iba ay napasinghap. Lalo na ang mga kalalakihan, para silang nakakita ng isang dilag na napadpad sa mundo ng mga tao.Raine is wearing a dark blue dress. Ang mahaba niyang buhok ay nakabuyangyang. Isang white hairband lang din ang aksesorya sa buhok niya. Pati ang bitbit niya na mamahaling tote bag at belt ay puti rin kaya kaaya - aya sa mata ang kasuotan nito.Crassus is wearing a expensive dark blue polo shirt. Pinaresan nito ng khaki pants ang pang - itaas nito. Even his black belt is screaming for elegance. Simple lang ang desinyo pero bumagay sa suot niya na black formal footwear. They entered the restaurant with a poise. Halos mabali na ang mga leeg ng mga kababaihan sa kakatingin kay Crassus. Ang ilan sa mga lalaki ay napainom ng wine habang nakatitig kay Raine. The two steal the spotlight. Na para bang pinapares talaga sila sa isa't -