JILLIAN
Present day."Marco." mahina kong tawag sa kanya habang sinusuklay ng aking mga daliri ang malambot n'yang mga buhok habang nakahiga s'ya sa ibabaw ng aking mga hita at nilalaro ang kaliwa kong kamay ng kanyang mga kamay."Hmmmm." nakapikit n'yang tugon sa akin."Naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanong ko.Nasa mataas na burol kami ngayon kung saan ang lugar na naisuko ko ang sarili ko sa kanya ng buong puso at walang pag-aalinlangan noong isama n'ya akong mag-night camping.I felt in love with this mesmerizing place the first time I get lost in the woods and accidentally came here. Nalalatagan ng carabao grass ang malawak na lupa at may mangilan-ngilan na puting mga ligaw na mababangong mga bulaklak. Nag-iisang napakalaking puno ang ginawan namin ni Marco ng tree house ang punong kahoy ng Oak sa gitna ng burol na halos sumayad na sa lupa ang napakaraming malalaking sanga. Maraming ibat-ibang kulay na bulaklak ng orchids sa katawan ng kahoy.Napakalamig ng simoy ng hangin at tanaw ang buong syudad mula dito sa itaas ng burol. Nakakawala ng stress at problema ang subrang ganda at katahimikan ng lugar na tanging mga huni ng mga ibon sa itaas lamang ang ingay at pagaspas ng mga dahon ng mga puno dahil sa hangin.Walang nakakaalam nitong liblib na burol na ito maliban sa akin. Kahit sa mga matatalik kong mga kaibigan ay hindi ko kailan man sinabi sa kanila ang lugar na 'to. Tanging kay Marco lang. Sa lalaking naging una lahat sa akin. Ang lalaking minahal ko ng walang alinlangan. Ang inalayan ko ng lahat sa akin at nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Ang estrangherong lalaking natagpuan ko sa gilid ng sapa na walang malay at punong-puno ng sugat ang katawan na ngayon ay mahal na mahal ko at ganun din s'ya sa akin. Ang gumamot at nagpalimot sa madilim na bangungot ng aking pamilya. Ang lalaking nagpapangiti sa amin ni Inay, tumutulong sa pang-araw-araw naming pangangailangan at naging kapalit ni Itay sa aming buhay.Akala ko kasi pare-pareho lang silang mga lalaki. Kagaya ng Itay. Mangluluko, babaero, sinungaling. Ngunit ng dumating s'ya sa buhay ko sa isang iglap nagbago ang lahat. Nagkaroon ng saya at liwanag ang madilim naming tahanan. Ang dating malungkot, lasingera, mainitin ang ulo at sakitin kong Ina sa isang iglap ay nagkaroon ng buhay muli. Nagbago at bumalik sa dati.And this is our secret haven. Ang naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa.He opened his eyes and lovingly stared at me. "You know, Jil, no'ng una kitang makita, I want to believe in love at first sight. Pero that's not the reason why I stayed in love. Sa totoo lang, hindi naman ikaw 'yong pinakamaganda, pinakasexy, pinakamaalaga or pinakamabait. Minsan nga napakasungit mo at napakaselosa pa. Mainitin ang ulo. Noong una... naisip ko na wala sayo 'yong katangian na hinahanap ko sa isang babae. Pero habang tumatagal na nakakasama kita na-realize ko na may natagpuan akong mas higit pa sa ideal girl na tinatak ko sa puso't isip ko. Basta ko na lang natagpuan 'yong sarili kong hinahanap-hanap ka. At sa bawat pag ngiti mo ay nagbibigay sa akin ng 'di maipaliwanag na saya. Nag-uumapaw ang puso ko sa subrang tuwa at galak. Nagliliwanag ang madilim kong mundo. Para kang isang bituin sa langit na bumagsak sa buhay ko para tanglawan ang naliligaw kong landas. Para ituro sa akin kung saan ba talaga ako nararapat at 'yon ay papunta sayo. Nahanap ko 'yong sarili ko... na hindi ako kompleto kapag wala ka. Para sa akin, ikaw lang ay sapat na. Wala na akong mahihiling pang kahit ano sa buhay ko, Jil. I will trade everything I had just to have you. And no... It was never love at first sight... I stayed... dahil ikaw na 'yong gusto kong makasama sa hirap at ginhawa. And now, everytime I look at you, I'm falling in love with you over and over and over again." madamdamin n'yang sabi habang nakatitig sa akin ang nagniningning n'yang mga mata at hinahalikan ng kanyang mainit na mga labi ng paulit-ulit ang mga kamay ko.***7 YEARS AGO.Nagtatawanan kami ni Jordan ng malayo pa lang naririnig ko na ang nangangalaiting sigaw ni Itay at lakas ng iyak ni Inay mula sa bahay. Kaagad kaming natigilan at huminto sa pagtawa.Galing kami ng kakahuyan. Namulot ng mga tuyong kahoy pang gatong.Naistatwa ako sa aking kinatatayuan ng lumakas pa lalo ang galit na galit na sigaw ni Itay. Kaagad akong napalingon sa kaibigan kong nag-aalalang nakatitig na sa akin."Sh*t.. tara na Jillian, baka binubugbog na naman ng Itay mo si Nay Julie." nagkukumahog na sabi n'ya sabay lapag ng mga bitbit n'yang kahoy at hatak sa braso ko.Linapag ko na rin sa lupa ang mga tuyong kahoy na hawak ko. Kaagad ko s'yang pinigilan sa kanyang braso at hinatak pabalik. Sunod-sunod akong umiling sa kanya. "Umuwi ka na lang. Ayaw kong madamay ka sa gulo ng pamilya ko Jordan. Kaya ko na s'yang harapin." matapang kong sabi sa kanya.Simula ng lumuwas ng Maynila ang Itay ay bigla na lang itong nagbago pagbalik nito sa amin. Laging mainit ang ulo at binubugbog ang Inay. Nilalabanan ko s'ya kaya hindi n'ya ako makanti. Ngunit sinasamantala n'ya ang pagmamaltrato sa Inay ko kapag wala ako sa bahay.Hindi naman pwedeng huminto ako sa pag-aaral ko dahil 'yon na lang ang tanging kayaman na meron ako para matulungan ko silang makaahon sa hirap. Pero habang tumatagal nawawalan na akong pag-asa sa nakikita ko sa aking mga magulang. Parang gusto kong huminto na lang ng pag-aaral at bantayan ang Inay para tigilan s'ya ng Itay. Naiipit ako sa gulo nilang dalawa.No'ng una hindi ko alam kung anong dahilan bakit sinasaktan ni Itay ang Inay. Hanggang isang araw aksidente kong nakita s'ya sa bayan at ang isang may edad na babae na naghahalikan papasok ng kotse nito. Natulala at napanganga ako sa aking nakita hanggang sa unti-unting nanlabo ang aking mga mata.Hindi na sila nahiya. Kung kailan tumanda saka naman naging ganun. Animo'y mga teenager na walang mga pakialam sa paligid nila habang naglalampungan sa gilid ng kalsada. Dinaig pa ako.Naikuyom ko ang aking mga kamao sa subrang galit na biglang lumukob sa aking puso habang nakatingin sa kanila. Pandidiri at pagkamuhi ang kaagad na naramdaman ko sa taong hinangaan ko, naging inspirasyon ko para abutin ang mga pangarap ko. Nangsusumikap akong makapagtapos dahil sa kanilang dalawa ni Inay pero hindi ko akalain na s'ya mismo ang susuko at sisira ng magandang pangarap ko at dudurog ng puso ko.Gusto kong sundan ang papaalis nilang sasakyan ngunit nagdadalawang isip ako dahil wala akong pera at galing pa akong eskwelahan. Hapon na at mag-isa lang sa bahay si Inay.Naatim n'ya talagang iwan at ipagpalit sa babaeng 'yon! Napakawalang puso at walang kwenta, kasuklam-suklam!Nawala ang pagmamahal at respeto ko sa kanya bilang ama ko. Ang masaklap s'ya pa ang mayabang at nagmamataas. Kung ano-anong masasakit na salita ang mga pinagsasabi n'ya sa amin ni Inay. Para kaming basura na kanyang inalispusta at sinusuka. Hindi man lang inalala ang matagal na panahon na masasayang pinagsamahan naming mag-anak. Ano 'yon lahat pagkukunwari lang? Tapos sa isang iglap nagising na lang s'ya na ayaw n'ya na. Na halos parang may nakakahawa kaming sakit na pilit n'yang nilalayuan at pinandidirihan na naging parte ng buhay n'ya. Animo'y atat na atat s'ya at nagkukumahog pa na lumayo sa amin. Halos gusto kong isumpa na naging ama ko s'ya sa subrang kawalanghiya n'ya.Pasugod akong tumakbo papunta sa bahay namin matapos ko paalisin si Jordan. Nagpupumilit pa s'yang sumama sa akin ngunit tinakot ko s'yang kalimutan n'ya na ang pagkakaibigan namin kung makikialam s'ya.He is my childhood friend. Pinanganak na lalaki pero may pusong babae. We both studied in same school and section.Malayo ang bahay namin sa syudad. Walang kuryente at bundok. Wala rin kaming kahit anong appliances na tulad ng TV, refrigerator, at electric fan. Pero walang kaso 'yon sa akin. Sanay naman ako sa hirap. Subrang sariwa at malamig ang hangin dito sa probinsya kaya hindi ko naman kailangan ng mga no'n. Hindi rin ako mahilig manood ng TV. Pero hindi naman ako ignorante sa mga ganun na bagay. Alam ko naman kung ano ang mga uso pero ayaw kong sumabay. Hindi dahil sa hindi namin afford kundi mas inuuna ko ang mas importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin at unahin kaysa sa mga luho na wala namang kabuluhan. Not unless subra-subra na ang yaman ko. Pero kahit siguro ganun mas uunahin ko pa rin tumulong sa iba kaysa sa pansarili kong kalayawan.Dalawang oras ang layo ng nilalakad namin papuntang eskwelahan. Buti na lang at pinagawaan na ng Mayor sa lugar namin ng sementong kalsada kaya ilang minuto na lang ang byahe namin sakay ng tricycle. Hindi na mahirap maglakad sa dating putikang kalsada."Hindi na kita mahal! Bakit ba ayaw mo pa akong pakawalan?! Gusto mo bang mamatay sa bugbog?" asik ni Itay habang malakas na tinutulak si Inay."Mas mabuti pa ngang patayin mo na lang ako! Kami ni Jillian, kaysa mawasak ang pamilya natin!" umiiyak na sigaw ni Inay habang hinahatak ang bag na bitbit ni Itay na may laman ng mga gamit n'ya.Kaninang madaling araw nakita ko s'yang nag-iimpake ng mga damit n'ya habang tulog pa ang Inay. Ayaw kung isipin na iiwan n'ya kami. Pero ngayon sa nakikita ko, sa isang iglap dumating ang kinatatakutan ko.Nanginig ang buong katawan ko sa galit ng ibalya ni Itay si Inay. Napaigik ito sa sakit ng tumama ang tagiliran nito sa upuang kawayan sa sala."Inay..!" sigaw ko at nagmamadaling nilapitan ito at tinulungan makaupo doon. Hilam ang mukha nito sa luha. Nagpuyos lalo ang galit ko kay Itay ng makita kong maraming bagong pasa na naman ang mga braso ni Inay. "Kung gusto mong lumayas, 'di lumayas ka na! Magsama kayo ng malandi mong kerida! Wala kang kwentang ama! Napakasama mo! Pinagsisisihan ko na ikaw pa ang naging ama ko!" asik ko sa kanya habang masama ko siyang tinititigan.Hinahatak ni Inay ang mga braso ko para tumigil ako sa pagsigaw kay Itay pero hindi ko s'ya pinansin. Galit ako. Galit na galit na halos magdilim ang paningin ko habang nakatiim bagang na nakatitig sa kanya.Natigilan pa ako ng makita kong lumambot ang kanyang mukha. Parang nakita ko pang biglang nanubig ang kanyang mga mata pero mabilis din iyon napalitan ng subrang galit.Nanlilisik ang mga mata n'yang tinitigan ako. Gumalaw pa ang kanyang panga habang nakatitig sa aming dalawa ni Inay. Hindi ako natinag. Nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin. Kung galit s'ya mas galit ako. 'Di bale ng mawalan akong Ama kaysa araw-araw kong maaabutan ang Inay na binubugbog n'ya. Hindi na s'ya naawa. Anong klaseng tao s'ya at nakaya n'yang saktan ang asawa n'ya? Anong nakita n'ya sa babaeng 'yon para ipagpalit n'ya kaming mag-ina n'ya? Dahil ba sa yaman?Pero ang pagkakakilala ko sa kanya simula pagkabata hanggang sa magkaisip ako hindi ganun. Hindi ko alam. Naguguluhan din ako. Kung alam ko lang na magiging ganito ang pamilya namin sana hindi na lang namin s'ya pinayagan lumuwas. Nang dahil sa kagustuhan n'yang makapagtapos ako ng pag-aaral kaya nagtrabaho s'ya sa Maynila ay naging mas magulo tuloy ang kinalabasan. Imbes na masaya dahil kahit mahirap kami nakapag-aral ako sa pribadong eskwelahan, tuloy mawawasak ang pamilya namin."Lalayas talaga ako at hinding-hindi na babalik pa dito!" galit na sigaw ni Itay sa akin at malalaking hakbang na lumabas ng bahay bitbit ang bag nito.Nagpumiglas ang Inay sa pagkakayakap ko sa kanya at patakbong sinundan ang Itay sa labas. "Julius! Bumalik ka dito! 'Wag mong gawin 'to sa'min ng anak mo!" malakas na sigaw ni Inay habang umiiyak.Halos mapaos ito sa subrang lakas ng sigaw nito. Ngunit hindi s'ya pinansin ni Itay at derideritso lang ito ng lakad. Animo'y nagmamadali pa at baka maiwan sa byahe.Napaluhod sa lupa ang Inay at malakas na napahagulhol. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulhol din at dahan-dahan siyang nilapitan at mahigpit na niyakap. Naghe-hysterical na s'ya sa pag-iyak. Kung dati hikbi lang ang nakikita kong pag-iyak n'ya at pilit pang tinatago sa akin pati ang mga pasa n'ya. Ngayon halos madurog ang puso ko sa uri ng hagulhol n'ya.Umiiyak ako at humahagulhol rin ng lihim sa tuwing nakikita ko silang nag-aaway. Hindi ko pinapakita kay Inay dahil ayaw kong dumagdag pa sa problema n'ya at panghinaan s'ya ng loob. Ngunit ngayon hindi ko kayang pigilan ang sarili ko at damayan s'ya. Ipakita sa kanya na pareho kaming talunan. Pareho kaming iniwan at pinagpalit sa iba.Nag-iisa lang nila akong anak. Tanging pagtatanim ng mga carrots, strawberry at repolyo sa bukid ang pinagkukuhanan namin sa araw-araw naming pangangailangan. Pamana sa amin ng Lolo't Lola ko kay Itay. Masaya naman kami dati. Hindi man ganun karangya ang buhay namin, naibibigay naman ni Itay ang lahat ng pangangailangan ko. Hindi man sa materyal na bagay, ang pagmamahal nila ni Inay sa akin ay sapat na. Makita ko lang ang nag-uumapaw na pagmamahal sa mga mata nila sa isa't isa ay napakalaking kayamanan na sa akin. Dahil nagkaroon akong uri ng pamilya na pinapangarap ng iba.****Pinalad ako sa scholarship na in-apply-an ko kaya hindi ako nahinto sa pag-aaral matapos kami layasan ni Itay. Wala akong binabayaran kahit isang pisong duling sa eskwelahan hanggang sa makatapos ako sa Business Administration na kurso ko.Namasukan ako bilang isang service crew sa isang Fast Food Chain sa syudad na malapit sa eskwelahan namin tuwing gabi at pumapasok ako sa eskwelahan tuwing umaga. Sa sipag at tiyaga at awa ng Dios ay nakapagtapos ako with flying color as Summa Cum Laude.Walang paglagyan ang labis kong tuwa sa kinalabasan ng pagpupuyat ko at pagsusunog ng kilay. Halos takbuhin ko ang daan pauwi ng bahay para ibalita kay Inay ngunit hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin pagdating ko doon. Nakahandusay ang Inay sa lapag at langong-lango sa kalasingan. May hawak pang isang bote sa kanang kamay.Halos takasan ako ng hininga sa aking nakita. Hindi ko akalain na tuwing wala ako ng bahay nagpapakasasa ang Inay sa alak. Sa nakalipas na mga taon simula ng iwan kami ng Itay, kahit kailan hindi ko nakitang uminom s'ya ng alak. Masaya s'ya sa tuwing kaharap ako. Inaasikaso ako. Though minsan nahuhuli ko s'yang tahimik na lumuluha at nakatulala sa kawalan, still pinipilit n'yang maging masaya sa harapan ko. Hindi ko akalain na pawang mga pagkukunwari lamang ang pinapakita n'ya sa akin. Akala ko nagkasundo na kaming mamumuhay na kaming dalawa lang ang magkasama. Na ipagpapatuloy namin ang buhay kahit wala na ang Itay. Na kalilimutan na namin s'ya na parang isang patay at hindi na babalik pa.Nagkamali pala ako ng akala. Inisahan n'ya ako. Tinago n'ya ang lahat sa akin. Nagpakatatag s'ya sa harapan ko pero nadudurog pala s'ya sa loob. Linamon na pala s'ya ng subrang lungkot, sakit, sama ng loob, depresyon, kaya kinaibigan n'ya ang alak. Naging karamay n'ya araw-araw, gabi-gabi sa mga taon na lumipas.Hindi ko akalain na sa isang iglap ang lahat ng pinagpaguran ko ay mawawalan din pala ng saysay at ng kabuluhan. Na ang pagsusumikap ko para sa aming dalawa ay s'yang magpapalugmok din ng aking buhay. Hindi ko ma-imagine na magiging ganito ang kinalabasan ng lahat. At magiging katapusan ng mga pangarap ko...****Nakangiting naglalakad ako kasama ang mga kaibigan ko pabalik ng mesa sa opisinang pinagtatrabahuhan ko bilang isang secretary galing canteen ng matigilan ako sa aking nakita. Naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin kay Marco na inaalalayan ang isang magandang babae na buntis. Kapwa pa silang tumatawa palabas ng conference room.Halos panawan ako ng ulirat sa aking nakita. Tulala akong nakatitig sa kanila. Namanhid ang buong katawan ko na halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko para umiwas sa kanila.Ilang minuto ang lumipas na nakatitig lang ako sa masayang mga mukha nila hanggang sa mag-angat s'ya ng tingin at magtama ang aming mga mata. Gulat na gulat pa s'ya ng makita ako at bahagya pang nakanganga.That jerk ruin again my everything! Pinaasa n'ya na naman ako at akong si tanga nagpapaniwala!Hanggang sa unti-unting nilalamukos ng subrang galit ang puso ko. Wala sa sariling naikuyom ko ang aking mga kamao sa samo't saring pakiramdam na nagsipagsulputan sa puso ko at mga pangakong napako na sinabi n'ya sa akin noon na paulit-ulit na umalingawngaw ngayon sa utak ko habang nanlalabo ang aking mga matang nakatitig sa kanila."Dad..!" malakas na boses ng isang babae mula sa aking likuran.Kaagad akong nahimasmasan at mabilis na pinalis ang luhang pumatak sa aking mga mata at kaagad nilingon ang babae. Ngunit kung natigilan ako kanina ng makita ko si Marco at ang buntis n'yang kasama, mas nanlaki ang mga mata ko ngayon sa subrang gulat ng makilala ko ang lalaking nakatayo sa likuran ni Marco. Nakangiti itong sinalubong ng kaibigan kong si Jasmin at humalik sa kanyang pisngi.Mulagat ang mga matang nagpalipat-lipat ang aking nagtatanong na mga mata kay Itay at kay Jasmin. Na ngayon ay nakangangang nakatitig sa akin."Jillian, nand'yan ka pala. Hindi... kita... napansin..." nakangiti n'yang baling sa akin ngunit unti-unti ring humina ang kanyang boses habang sinasabi ang huling mga katagang 'yon ng makita n'ya ang itsura ko. Nag-aalalang hinawakan n'ya ako sa aking braso. "Okey ka lang ba? Nanlalamig ka. May masakit ba sayo?"Ano 'to? Anak n'ya si Jasmin? Paano nangyari 'yon? At bakit naka-business suit s'ya at anong ginagawa n'ya rito sa loob ng opisinang pinagtatrabahuhan ko?Halos sumabog ang utak ko sa mga nakikita ko sa harapan ko. Sunod-sunod akong napailing ng unti-unting maproseso ng aking utak ang dahilan ng bangungot ng aking buhay. 'Yong samo't saring katanungan na hindi ko mabigyan dati ng tamang sagot ay sa isang iglap ay bumagsak sa aking harapan."No... No... It's not real. It's just a dream. No... No.." sambit ko sa sarili ko habang umiiling na umaatras.Kaagad nanlabo ang paningin ko sa sunod-sunod na luhang bumagsak sa aking mga mata. Animo'y gripo na nabuksan at 'di na mapinid pa. Nanginginig ang aking mga labi sa subrang pagpipigil ko sa aking emosyon na gusto ng bumulwak sa harapan nila. Kaagad akong tumalikod at kumaripas ng takbo palayo sa kanilang lahat."Jil..!""Jillian...!""Joyce Jillian..!"Narinig ko pang sabay-sabay nilang tawag sa akin ngunit hindi ko sila pinansin. Halos nagkandatapi-tapilok pa ako sa mabilis kong pagtakbo. Walang lingong likod na kaagad akong pumasok ng bumukas ang pinto ng elevator. Nanginginig pa ang aking mga kamay na pinindot ang ground floor button. Halos lahat ng number button napindot ko na ata pero wala na akong pakialam pa. Hinayaan ko na lang. Ang importante makalabas ako sa building na 'to at makalayo sa kanilang lahat.MARCONew York."Where's Wayne?" nakangiting tanong ko sa mga kaibigan kong may kanya-kanyang kandong na babae pagbalik ko ng table.We were bar-hopping.Nababagot ako at naririndi sa bunganga ni Mom sa bahay. Sabayan pa ng sandamakmak na sermon ni Dad tungkol sa kompanya. Na para bang pinapabayaan ko naman iyon. Pakiramdam ko sinasakal ako at unti-unting pinapatay. Daig ko pa ang bata para pakialaman nila. Parang lahat na lang yata ng galaw ko mali, nakikita nila. Noong una si Miguel. Pinagpipilitan nila itong umuwi ng Pilipinas. Nang hindi nila ito makumbinsi umuwi ako naman ang pinagdidiskitahan.Alam mo 'yong parang isang taong gulang na bata na first time matutong maglakad kaya kailangan bantayan? 'Yon..! Parang ganun ang tingin nila sa akin. Tinuturuan ako kung ano ang dapat kong gawin."Nasa VIP room." nakangising sabi ni James habang naglalakbay ang kamay nito sa katawan ng babaeng parang sawang nakapulupot sa kanya. "Asa
THIRD POVSOFIAPagdating ko sa dulo iniliko ko ang sasakyan at pinarada sa gilid ng kalsada. I took my phone, turned it on and dialed my boyfriend's number.Isang ring lang ay kaagad itong sumagot.I smirked. "Hello... Christian?""Yes baby, any update?" sabi niya sa kabilang linya."Your plan went well.""Good. Did you get it?""Yes, the IT send it all in my phone. Will give it to you later--""Why later and not now?" inis na tanong niya sa akin."I need to be ready 'cause I have a date tonight.""Date...? What date and with whom?!""Mr. Del Carpio invited me for a dinner date."He cursed. "That's not part of the plan Sofia!"I sighed. "I know but... he bite with my bait. He believed something happened between us. And I think I can dig and find more info about his family and their weakness through him. You can use those to blackmail his father and use his c
MARCO"Aw f*ck." daing ko pagkagising ko sabay sapo ng dalawang kamay sa aking ulo na subrang sakit.Parang binibiyak sa tindi ng hangover ko. Dahan-dahan akong bumangon habang marahan na hinihilot ang aking sentido. Then suddenly different images flashed in my mind. An intense and hot images of Sofia, naked and beautiful. Sukat doon lalo tuloy sumakit ang ulo ko, kumirot ng kumirot ng pilit ko pang inalala ang iba. Ngunit hindi ko na naman maalala kung may nangyari nga ba talaga sa aming dalawa or ano. I knew I did not have s*x with her last night. Pero sa mga nagsusulputan na imahe niya sa isip ko baka nga..."Good morning."Kaagad akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang malamyos na boses ng isang babae. Nagulat pa ako ng nakangiting mukha ni Sofia ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng aking malaking t-shirt. I stared at her and gulped when I saw her tits poking at my shirt she wears.Crap...!She loudly cleared her throat. K
MARCOWala kaming imikan sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa tirahan niya. Panay lang siyang buntong-hininga habang panaka-nakang sumusulyap sa akin. Sa itsura ng mukha niyang nakikita kong parang may gusto siyang sabihin sa akin pero may pumipigil sa kanya. Kung ano man 'yon hindi ko alam at wala din akong balak mag-usisa. Kung gusto niya talaga ako siya mismo ang magkukusang mag-open up sa akin. Bumaba siya ng kotse ng wala man lang paalam. Nahihiwagaan ako sa mga ikinikilos niya pero nagkibit-balikat na lang ako. Kaagad kong nilisan ang lugar na iyon.Hindi naman kasi nasusukat sa tagal o ikli ng panahon para masabi mong tunay na pag-ibig ang nararamdaman mo sa isang tao. Minsan nga kung sino pa ang hindi mo inaasahan na tao, kung sino pa ang pinakaaayawan mo, kung sino pa ang kinamumuhian mo ay siya pa itong makakatuluyan mo. Kung sino tuloy ang inakala mong siya na at minahal mo ng buong buhay, pinag-alayan mo ng buong sarili, kaluluwa at t
MARCO"Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ng kaibigan kong si Jigz.He's eager to hit the drum in front of him. Matagal-tagal na rin namin hindi 'to nagagawa, ang mag-perform ng live sa harapan ng maraming tao. For me it's just more of a lifestyle choice than a career.I was once dreamed to be a pilot so I took my Bachelor's degree in Aviation but my Dad was against with it. Well, he never liked anything and every choices I've made in my life. He prefered me to follow his step. At first I was adamant with the course I chose that I wanted to be but at the end I gave it up without finishing with it and took the course he chose for me to be someone like him. A successful businessman. Kasalukuyan akong nasa Galaxy Stardust Bar And Restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan kong si David. Grand opening ngayon nitong panlima niyang branch. He invited me to perform a live show with my band. Pinagtawanan ko pa siya sa sinabi niya sa akin noong bisita
Oh boy, I'm in big trouble! Ngayon pa talaga at dito mismo sa grand opening ng kaibigan ko sila manggugulo!"What?! Your boyfriend?! Are you nuts?! I'm his girlfriend!" galit na singhal din no'ng babaing yumakap sa akin.Parang tangang naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtatalo na sa harapan ko. Nagugulantang ako sa tinatakbo ng sagutan nila. Malakas ang musika kaya wala pang gaanong nakakapansin sa namumuong tensyon maliban sa malapit sa aming pwesto."NO--you're not..! I am his girlfriend! You ugly bitch!" singhal ulit no'ng isa habang dinuduro pa ito."Bitch?" mapaklang tumawa si Alesha sabay tabig ng daliring nakaduro sa kanya saka pinasadahan ang kabuuan ni Debbie. "Well look at you?" sabi niya with matching action pa ng kamay. "A desperate loose woman claiming that my boyfriend is hers. How pathetic!""Why you--"Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nags
MARCO"You two what?!" gulat na gulat at nanlalaki pa ang mga matang bulalas ni Mom matapos marinig ang sinabi ko."She's carrying my baby that's why I wanna marry her as soon as possible." paliwanag ko kay Mom na naghe-hysterical sa inanunsyo ko.Tahimik lang si Dad na matiim na nakatingin sa amin. Literal kay Sofia na hindi na mapakali pa sa kanyang kinauupuan sa aking tabi. Kaagad kong ginagap ang kamay niya sa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang mga hita at marahan iyon na pinisil. Nginitian ko siya ng lingunin niya ako.Nasa harapan kami ng hapagkainan ngayon. Nagulat pa ang mga magulang ko kanina pagpasok ko ng kabahayan at makitang may kasama akong babae. Lalo't ngayon lang ang pinakaunang pagkakataon na nagdala akong babae sa bahay at ipinakilala sa kanila. Kaya naman halos mabilaukan si Mom sa kinakain niya ng sabihin kong magpapakasal na kami ni Sofia."Teka nga muna JM..." nakakunot- noong sabi ni Mom sabay tayo. Nagpabalik
MARCOI heaved out a deep sighs. "I'm sorry Sofia." sabi ko pagdating namin sa labas ng gate.Nakangiting nilingon niya ako. "Bakit ka nagso-sorry?"Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Kung ano man ang sinabi sayo ni Mom pagpasensyahan mo na lang. Hindi ko sinasadya na kaladkarin ka dito sa bahay para pagalitan lang nila. Kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi ko sila binigla."Marahan siyang tumawa. "Kahit nga ako nagulat sa inanunsyo mo e. But I liked your Mom, really. She's nice at nakikita ko sa kanya ang Mommy ko. Parehong-pareho sila. Kinakabahan lang ako kanina kasi first time kong maranasan ang ganito. Ang ipakilala ng isang lalaki sa kanyang mga magulang. Hindi ko inaasahan 'tong ginawa mo kaya hindi ako mapakali, nanginig pa ako sa nerbiyos kanina pero masaya ako. Masayang-masaya." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagulat ako sa kanyang mga sinabi pero mas lalo akong nagulat ng may bigla na lamang na humaharurot na itim
CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako
JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy
JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina
JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in
MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron
JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon
JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no
JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa
JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k