MARCO
"Aw f*ck." d***g ko pagkagising ko sabay sapo ng dalawang kamay sa aking ulo na subrang sakit.Parang binibiyak sa tindi ng hangover ko. Dahan-dahan akong bumangon habang marahan na hinihilot ang aking sentido. Then suddenly different images flashed in my mind. An intense and hot images of Sofia, naked and beautiful. Sukat doon lalo tuloy sumakit ang ulo ko, kumirot ng kumirot ng pilit ko pang inalala ang iba. Ngunit hindi ko na naman maalala kung may nangyari nga ba talaga sa aming dalawa or ano. I knew I did not have s*x with her last night. Pero sa mga nagsusulputan na imahe niya sa isip ko baka nga..."Good morning."Kaagad akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang malamyos na boses ng isang babae. Nagulat pa ako ng nakangiting mukha ni Sofia ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng aking malaking t-shirt. I stared at her and gulped when I saw her tits poking at my shirt she wears.Crap...!She loudly cleared her throat. Kaagad akong natauhan sabay lipat ng tingin sa kanyang mukha.She smirked. "Pinakialaman ko na 'yong kitchen mo. Pinagluto kitang mainit na sabaw para matanggal kaagad ang hangover mo." nakangiting sabi niya habang naglalakad palapit sa akin bitbit ang isang tray na may lamang isang 'di kalakihan na mangkok, tubig at aspirin.Kaagad kumulo ang aking tiyan pagkaamoy ko sa pagkaing nilapag niya sa harapan ko, a mushroom soup with pickles.Tiningnan ko siya. "G-Ginawa ba ulit natin 'yon kagabi?" alanganing tanong ko sa kanya.She laughed then looked away. "Wala ka na naman bang maalala?" sabi niya na ikinakunot lalo ng noo ko, hindi ako makasagot sa kanya. "I knew it." dismayadong umiling-iling siya sa akin.Napatitig ako sa kanyang mukha sa sinabi niya habang inaalala ang ginawa namin kagabi. Pero maliban sa halikan at pinagtatanggal ko ang mga saplot naming dalawa, wala na akong maalala pa. I know lasing na lasing ako kagabi dahil hinainan niya ako ng hinainan ng alak. Akala ko kasi siya ang maglalasing pero kalaunan ako itong natuluyan but still, alam ko ang ginagawa ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang unang gabing magkasama kaming dalawa sa Condo niya and took her virginity without knowing, nagdadalawang isip na ako. Minsan napapaisip pa ako na baka nga sa subrang kalasingan hindi ko na alam na nakakagawa na pala ako ng mga bagay na hindi ko na maalala pa kinabukasan.May ganun ba talaga? Damn... this is insane!"Kainin mo na 'yan bago pa lumamig." sabi niya sabay kuha ng mga nakatuping damit niya sa couch at naglakad papunta ng banyo. "Makikiligo na rin ako ha." sabi niya saka pumasok sa loob.Parang tangang napatitig ako sa pintong pinasukan niya. Naririnig ko ang malakas na lagaslas ng tubig mula sa shower, pero mas nangingibabaw ang lakas ng tibok ng puso ko. Gulong-gulo ako sa samot saring emosyon na biglang bumalot sa loob ng dibdib ko. Malalim akong napabuntong hininga saka binalingan ang hinain niya sa aking harapan.Pagkatapos kong kumain at inumin ang aspirin, tapos na rin siyang maligo. Tiningnan ko siya ng lumabas siya sabay tayo matapos kong igilid ang pinagkainan ko saka naglakad papunta ng banyo. Nakita ko pa siyang napalunok habang nakatitig sa kabuuan ko sabay iwas ng tingin pagkalapit ko sa kanya. Mabilis siyang gumilid at malalaking hakbang na tinalikuran ako. I laughed with her sudden reaction and the way she blushed while staring at my naked body then walked in to the comfort room.Pagkatapos kong maligo kaagad akong nagbihis at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko pa si Sofia na may kausap sa phone sa sala. Nanlalaki ang mga mata at bahagya pang nakaawang ang mga labi na kaagad niyang naibaba ang hawak na cellphone. Nakita ko pang mabilis niyang pinagpipindot ang screen no'n habang nakatitig sa akin, maybe to end the... call?"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Sinong kausap mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.Umiwas siya ng tingin. "Uhm..." malalim siyang bumuntong-hininga. "P-Pumunta si Dad kagabi sa Unit ko. Tinatanong niya kung saan ako nakitulog at hindi ako umuwi.""So, anong sinabi mo?""I-I lied. Sabi ko nakitulog ako sa bahay ng kaibigan ko.""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Baka ma-shock sila kapag nalaman nila na nakitulog ako sa lalaking bagong kakilala ko lang."Tumawa ako ng mapakla. "Ganun lang ba ang tingin mo sa akin matapos ng nangyari sa atin Sofia?""W-What do you mean?"Lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata habang dahan-dahan na ginagagap ang kanyang kamay at dinala sa aking mga labi. Marahan ko iyong hinalikan. "I do like you Sofia, I really do. I wanna meet you parents, ipagpapaalam kita sa kanila." sabi ko ngunit kaagad niyang binawi sa akin ang kanyang kamay.Nakakunot-noong natigagal ako sa inakto niya. Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harapan ko na para bang may malalim na iniisip. Hindi mapakali at naguguluhan. Ilang minuto siyang ganun saka muli akong hinarap."Seryoso ka ba sa sinasabi mo JM?""Mukha ba akong nagbibiro?" balik tanong ko sa kanya."Pero kakakilala mo lang sa akin. Hindi mo pa ako lubusan na kilala. Baka magsisi ka sa huli sa padalos-dalos mong pasya."I chuckled. "Hindi naman nakabase sa tagal ng panahon na magkakilala or magkasama ang dalawang tao para masabi mong mahal mo siya. Ang iba nga ilang years ng magkasama, sinasabing mahal nila ang isa't isa pero sa huli naghihiwalay rin dahil hindi pala talaga nila mahal ang isa't isa." tumigil ako at matagal siyang tinitigan. "Wala ako ni isang babaeng sineryoso sa buong buhay ko Sofia, ikaw pa lang. At ngayon lang nangyari 'to sa akin."Frustrated na tinalikuran niya ako. "Pag-isipan mo muna ang desisyon mo bago tayo mag-usap ulit." sabi niya saka ako hinarap. "K-Kailangan ko ng umuwi."Kaagad kong hinatak ang braso niya ng muli niya akong talikuran para tunguhin ang main door. Walang ekspresyon ang mukhang tiningala niya ako.I sighed. "Ihahatid na kita." sabi ko sabay dampot ng cellphone at susi ng kotse sa center table at hinatak siya palabas ng penthouse.MARCOWala kaming imikan sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa tirahan niya. Panay lang siyang buntong-hininga habang panaka-nakang sumusulyap sa akin. Sa itsura ng mukha niyang nakikita kong parang may gusto siyang sabihin sa akin pero may pumipigil sa kanya. Kung ano man 'yon hindi ko alam at wala din akong balak mag-usisa. Kung gusto niya talaga ako siya mismo ang magkukusang mag-open up sa akin. Bumaba siya ng kotse ng wala man lang paalam. Nahihiwagaan ako sa mga ikinikilos niya pero nagkibit-balikat na lang ako. Kaagad kong nilisan ang lugar na iyon.Hindi naman kasi nasusukat sa tagal o ikli ng panahon para masabi mong tunay na pag-ibig ang nararamdaman mo sa isang tao. Minsan nga kung sino pa ang hindi mo inaasahan na tao, kung sino pa ang pinakaaayawan mo, kung sino pa ang kinamumuhian mo ay siya pa itong makakatuluyan mo. Kung sino tuloy ang inakala mong siya na at minahal mo ng buong buhay, pinag-alayan mo ng buong sarili, kaluluwa at t
MARCO"Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ng kaibigan kong si Jigz.He's eager to hit the drum in front of him. Matagal-tagal na rin namin hindi 'to nagagawa, ang mag-perform ng live sa harapan ng maraming tao. For me it's just more of a lifestyle choice than a career.I was once dreamed to be a pilot so I took my Bachelor's degree in Aviation but my Dad was against with it. Well, he never liked anything and every choices I've made in my life. He prefered me to follow his step. At first I was adamant with the course I chose that I wanted to be but at the end I gave it up without finishing with it and took the course he chose for me to be someone like him. A successful businessman. Kasalukuyan akong nasa Galaxy Stardust Bar And Restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan kong si David. Grand opening ngayon nitong panlima niyang branch. He invited me to perform a live show with my band. Pinagtawanan ko pa siya sa sinabi niya sa akin noong bisita
Oh boy, I'm in big trouble! Ngayon pa talaga at dito mismo sa grand opening ng kaibigan ko sila manggugulo!"What?! Your boyfriend?! Are you nuts?! I'm his girlfriend!" galit na singhal din no'ng babaing yumakap sa akin.Parang tangang naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtatalo na sa harapan ko. Nagugulantang ako sa tinatakbo ng sagutan nila. Malakas ang musika kaya wala pang gaanong nakakapansin sa namumuong tensyon maliban sa malapit sa aming pwesto."NO--you're not..! I am his girlfriend! You ugly bitch!" singhal ulit no'ng isa habang dinuduro pa ito."Bitch?" mapaklang tumawa si Alesha sabay tabig ng daliring nakaduro sa kanya saka pinasadahan ang kabuuan ni Debbie. "Well look at you?" sabi niya with matching action pa ng kamay. "A desperate loose woman claiming that my boyfriend is hers. How pathetic!""Why you--"Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nags
MARCO"You two what?!" gulat na gulat at nanlalaki pa ang mga matang bulalas ni Mom matapos marinig ang sinabi ko."She's carrying my baby that's why I wanna marry her as soon as possible." paliwanag ko kay Mom na naghe-hysterical sa inanunsyo ko.Tahimik lang si Dad na matiim na nakatingin sa amin. Literal kay Sofia na hindi na mapakali pa sa kanyang kinauupuan sa aking tabi. Kaagad kong ginagap ang kamay niya sa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang mga hita at marahan iyon na pinisil. Nginitian ko siya ng lingunin niya ako.Nasa harapan kami ng hapagkainan ngayon. Nagulat pa ang mga magulang ko kanina pagpasok ko ng kabahayan at makitang may kasama akong babae. Lalo't ngayon lang ang pinakaunang pagkakataon na nagdala akong babae sa bahay at ipinakilala sa kanila. Kaya naman halos mabilaukan si Mom sa kinakain niya ng sabihin kong magpapakasal na kami ni Sofia."Teka nga muna JM..." nakakunot- noong sabi ni Mom sabay tayo. Nagpabalik
MARCOI heaved out a deep sighs. "I'm sorry Sofia." sabi ko pagdating namin sa labas ng gate.Nakangiting nilingon niya ako. "Bakit ka nagso-sorry?"Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Kung ano man ang sinabi sayo ni Mom pagpasensyahan mo na lang. Hindi ko sinasadya na kaladkarin ka dito sa bahay para pagalitan lang nila. Kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi ko sila binigla."Marahan siyang tumawa. "Kahit nga ako nagulat sa inanunsyo mo e. But I liked your Mom, really. She's nice at nakikita ko sa kanya ang Mommy ko. Parehong-pareho sila. Kinakabahan lang ako kanina kasi first time kong maranasan ang ganito. Ang ipakilala ng isang lalaki sa kanyang mga magulang. Hindi ko inaasahan 'tong ginawa mo kaya hindi ako mapakali, nanginig pa ako sa nerbiyos kanina pero masaya ako. Masayang-masaya." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagulat ako sa kanyang mga sinabi pero mas lalo akong nagulat ng may bigla na lamang na humaharurot na itim
MARCOKaagad binitawan ni Christian si Sofia at malakas na sinampal habang malutong na nagmumura. Bumagsak si Sofia sa sahig habang pigil-pigil naman ang nagdurugong tagiliran. Sinipa pa siya nito sa tiyan matapos tingnan ang kamay na pinunas nito sa mga labing kinagat niya. Namilipit si Sofia sa sakit.Samantalang ako parang tangang naestatwa sa aking kinatatayuan, nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa kanila. Gulong-gulo ang aking utak at natitigilan sa samo't saring pakiramdam na sumalakay sa akin matapos sabihin ni Christian na long time girlfriend at lover sila ni Sofia. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng isang timbang yelo. Biglang namanhid ang aking buong katawan habang pilit na inuunawaan ang mga sinabi nito.Pero paanong nangyari iyon e virgin siya no'ng makuha ko?Naguguluhan pa rin na tanong ko sa aking sarili.Nilapitan nito si Sofia saka padaskol na sinabunutan at pinatayo."Awww--! Damn you Christian--!" umiiyak na hiyaw ni Sofia.
MARCODamn... ano na ang gagawin ko?! Dito na ba ako mamamatay?!Nagpapanic na tanong ko pa sa aking sarili. Tatlong lalaki ang nakatutok din ang mga baril na nasa tabi ko. Wala akong kalaban-laban sa kanila. Hindi ako makagalaw! Paano pa ako makakaligtas nito? Isang maling kilos ko lang siguradong sabog ang bungo ko nito.T'ngna... nalintikan na talaga!"Police! Freeze, don't move!" malakas na sigaw ng Pulis na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.Pagtingin ko sa tabi ko may mga Pulis na rin na nakatutok ang mga baril sa tatlong lalaking komorner sa akin."Drop the gun!" sigaw ng Pulis.Humalakhak si Christian saka nilingon ang Pulis at nilipat ang pagkakatutok ng baril dito."I said drop the gun or else I'll shoot you!" sigaw ulit ng Pulis.Itinaas ni Christian ang dalawang kamay at dahan-dahan na binibitawan ang baril sa lapag habang walang tigil pa rin ito sa kakatawa na para bang nababaliw na.
MARCO"Bakit ba dito niyo ako dinala?" naiinis kong tanong sa kanila.Imbes na iuwi kasi ako sa bahay, dinala nila ako sa Hospital. Daplis lang naman ang tama ko, masyado lang talaga silang exaggerated. Nakipagtalo pa ako sa kanila kanina ng makita kong iba ang daan na tinatahak ni Keith. Ngunit hindi nila ako pinakinggan hanggang sa iparada nito ang kotse sa tabi ng Hospital. Pwersahan pa nila akong pinalabas ni Miguel ng sasakyan. At ang nagpapairita lalo sa akin ay ng dalhin ako dito sa Condo Unit ni Keith pagkatapos akong gamutin ng kaibigan niyang Doctor.Ayaw nila akong pauwiin sa bahay! Kung anong dahilan, hindi ko alam!Isa-isa ko silang tiningnan ng masama."Anong oras na natutulog na 'yon sina Tita, bubulabugin mo pa." katwiran pa ni Keith."Tsaka uuwi kang ganyan ang itsura mo?" sigunda ni James."Baka atakihin sa puso niyan ng tuluyan si Mom kapag nakita kang sugatan na naman." sabi naman ni Miguel.
CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako
JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy
JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina
JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in
MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron
JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon
JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no
JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa
JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k