Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2022-11-03 04:34:31

THIRD POV

SOFIA

Pagdating ko sa dulo iniliko ko ang sasakyan at pinarada sa gilid ng kalsada. I took my phone, turned it on and dialed my boyfriend's number.

Isang ring lang ay kaagad itong sumagot.

I smirked. "Hello... Christian?"

"Yes baby, any update?" sabi niya sa kabilang linya.

"Your plan went well."

"Good. Did you get it?"

"Yes, the IT send it all in my phone. Will give it to you later--"

"Why later and not now?" inis na tanong niya sa akin.

"I need to be ready 'cause I have a date tonight."

"Date...? What date and with whom?!"

"Mr. Del Carpio invited me for a dinner date."

He cursed. "That's not part of the plan Sofia!"

I sighed. "I know but... he bite with my bait. He believed something happened between us. And I think I can dig and find more info about his family and their weakness through him. You can use those to blackmail his father and use his company to deliver those drugs and weapon to all the customers without any obstacles."

Hindi siya umimik sa sinabi ko. Hanggang sa umabot na ng ilang minuto hindi pa rin siya nagsalita. Tiningnan ko ang screen ng phone ko kung binabaan niya na ba ako ng tawag pero nandun pa rin siya.

"Chris--"

He cleared his throat. "How does that happen Sofia?"

"I called Misha last night after he passed out in a bar. I put the blood she gave me in the mattress... you know, a little bit act and props then boom, he gave in. He thought he was my first lover. Isn't it brilliant?"

He laughed. "Damn... Sofia. I never thought you could ever think that. You're a tricky bitch baby." sabi niya then we both laugh. "I never expected that Jeff Marco Del Carpio was an easy target unlike his Dad."

"He just captivated with my charm. And guess what...?" pambibitin ko pa.

"What is it? Tell me."

"He wanted me to be his girl, in fact he wanted to court me." nakangiti ko pang sabi sa kanya na para bang magkaharap kaming dalawa.

He released a pissed groaned. "Damn it Sofia!" asik niya sa akin. "Did you let him..?"

"Of course..." napatigil ako ng pagmumurahin niya ako sa kabilang linya. "Listen Christian... it's just part of our plan--"

"Our plan or your plan? You did it too far and never mention anything about it to me. Did you like him?" galit na tanong niya sa akin.

"Hell NO!" mabilis kong sagot kaagad sa kanya. "I love you... only you Christian, you know that. I just did it for you." sabi ko pero base sa naririnig kong malulutong na mura sa kabilang linya mukhang hindi siya kombinsido sa sinabi ko. "His friends was with him last night so I did the plan B and here it is... it works."

He cursed once more. "Whatever... will talk later. Bye." sabi niya sabay patay ng tawag.

Malalim akong napabuntong-hininga sabay bato ng cellphone sa back seat ng sasakyan.

Lahat na lang na pagpapakitang gilas na ginawa ko para ma-impress siya sa akin wala pa ring kwenta sa kanya. Hindi ma-appreciate ang lahat ng effort ko. Ang lamig niya... mas malamig pa sa bangkay! Nakakapanggigil! Para ako itong tangang namamalimos ng atensyon niya pero lampas-lampasan ang tingin niya sa likuran ko. Hindi niya ako makita. Minsan napapaisip ako kung mahal niya ba talaga ako or ano? Ilang taon na kami sa lintik na relasyon na ito pero pakiramdam ko parang wala siyang plano sa akin, parang ginagamit lang ako para maisakatuparan ang lahat ng lintik na illegal na negosyo ng grupo nila.

Malakas kong hinampas ng braso ang manibela sa subrang inis na nararamdaman ko sa kanya saka pinaharurot ang kotse palayo sa lugar na iyon. Bumalik ako sa aking Condo.

***

MARCO

"Where have you been last night, bigla na lang kayo nawala?" kaagad na tanong sa akin ni Wayne habang naglalakad ito papasok sa loob ng opisina ko.

Nagulat pa ako ng bigla iyon bumukas at siya ang iniluwa niyon.

I smirked. "Akala ko ba uuwi ka na ng Pilipinas ngayon? Bakit nandito ka pa? Alam ba 'to ni Tita Vangie?"

Tinawanan niya ako saka umupo sa edge ng harapan ng mesa ko. "Kasama mo 'yong hot na chikababes?"

Napabuntong-hininga ako ng hindi siya kumagat sa tanong ko sa kanya. Tumayo ako at naglakad papunta sa glass wall ng opisina, dumungaw sa labas ng building. "I'm courting her and... I think she's the one for me."

He laughed even more at what I said. "Seriously..? Liligawan mo siya?" nakakalukong tanong niya pa sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Honestly, kahit ako naguguluhan din sa desisyon ko pero ang hirap kumontra kapag puso na ang tumibok at gumawa ng pasya.

Like... DAMN.. I don't believed in LOVE but... look I am now!

Kinakabahan ako at nate-tense sa dinner date namin mamaya. Lahat first time ang mga nangyayari ngayon sa akin kaya para akong tangang nakatulala sa kawalan at 'di alam kung ano ang dapat kong gawin.

I don't even know how to court a girl!

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Just want to check on--"

"Pwede ba... hindi mo ako madadala sa mga palusot mo." sabad ko agad sa kanya na ikinatawa niya.

He sighed. "It's about Ms. Sullivan. Kung sakaling hanapin niya ako sabihin mo busy at hindi mo alam kung nasaan ako." sabi niya sabay hakbang palabas ng opisina.

Nakakunot-noong sinundan ko siyang tingin. "Bakit ka naman niya hahanapin sa akin aber?

Tumigil siya sa paghakbang saka nilingon ako. "She knows you're my cousin kaya malamang kukulitin ka no'n. Pinapauna ko na para ready ka." nakangisi niya pang sabi sa akin.

I released a pissed groaned. "Bakit ba hindi ninyo prangkahin ang mga 'yon ng 'di umasa? Pareho kayo ni Miguel mga pa-fall. Baka karmahin kayo sa mga pinanggagagawa n'yong 'yan at kayo naman ang maghabol."

Pinagtawanan niya ako. Tiningnan ko siya ng masama ngunit hindi man lang siya tinablan.

Mga berdugo ang mga h*******k! Dinadamay pa ako!

"That's not gonna happen dude. Hindi pa pinapanganak ang babaeng nakalaan para sa akin."

"Yeah, whatever." kibit-balikat na sabi ko sa kanya saka bumalik sa aking mesa. Dinampot ko ang cellphone at sumabay sa kanya palabas ng opisina.

"Seryoso ka ba talaga diyan sa babaeng bago mo lang na kakilala?" tanong niya habang mariin akong tinititigan.

"Yes." walang paligoy-ligoy na sagot ko sa kanya. "I never felt this way before. Honestly, this is strange to me but I am very sure with it."

"Well, best luck then." sabi niya sabay tapik sa aking balikat. "I'm just one call away for your wedding."

"Thanks bro. Have a safe trip." sabi ko bago siya pumasok ng elevator.

Pagkaalis niya dumeritso ako ng Penthouse para maligo at magbihis. Pagkatapos muli akong lumabas at dumeritso sa kinapaparadahan kong kotse para sunduin si Sofia. Ngunit kaagad din akong natigilan ng maramdaman kong parang may nakamasid sa akin. Iginala ko ang aking paningin. Nangunot ang noo ko ang matanawan ko ang isang lalaking naka-black hood 'di kalayuan na masamang nakatingin sa akin sabay talikod. Bigla itong naglaho sa dilim.

Who is he?

Nagtataka ko pang tanong sa aking sarili. Ang tanda ko wala naman akong nakaaway na tao. But looking at his bloodshot eyes staring at me intently I felt like I did something wrong to him... which is I don't know kung ano. Hindi ko siya nakilala dahil nakatakip ang kanyang buong mukha, mata lang ang nakalitaw.

Biglang nagrigudon ang aking puso sa biglang kabang naramdaman ko. Nagtataka pa ring pumasok ako sa aking kotse saka ito ini-start at pinasibad palayo sa lugar na iyon.

Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe ko bago ako nakarating sa Condo tower ni Sofia. Nawala lahat ang agam-agam sa puso ko ng matanawan ko siyang palabas ng glass door ng building wearing a sexy yellow fitted dress. She looks glamorous and almost took my breath away. Kay lapad ng kanyang ngiti pagkakita sa akin. Kaagad akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto sa kabila ng kotse. Ngunit kaagad din siyang natigilan at gulat na gulat pa akong tiningnan matapos makita ang nakalagay sa front seat na uupuan niya sa loob.

"Go on, that's yours." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sure ka, sa a-akin 'to?" hindi makapaniwalang napahawak pa siya ng dalawang kamay sa kanyang dibdib habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at sa bouquet na nasa loob ng kotse. Animo'y first time makatanggap ng ganun.

Naiiling na nilapitan ko siya. Kinuha ko ang bouquet sa loob saka inabot sa kanya. "A bouquet of red rose to a beautiful lady I've ever seen in my life."

Nagpalinga-linga pa muna siya sa paligid na ikinakunot ng noo ko saka ako nakangiting tiningnan at kinuha ang bulaklak sa aking kamay. "Thank you JM. Hindi ko in-expect na bibigyan mo ako ng ganito." sabi niya sabay pasok sa loob ng kotse.

Sinarado ko ang pinto. Nagtatakang napalinga din ako sa paligid habang umiikot sa kabila ng kotse pero wala naman akong kakaibang nakita. Naupo ako sa driver seat. Kaagad ko itong in-start at nilisan ang lugar.

Nasa kasagsagan na kami ng byahe ng lingunin ko siyang busy sa kakaamoy sa bulaklak na binigay ko sa kanya.

"First time mo lang ba mabigyan ng ganyan?" tanong ko sa kanya.

Nakangiting nilingon niya ako. "No but this one is very beautiful. Lalo na galing pa sayo... to the most handsome and gentleman I've ever met in my entire life."

I chuckled. "Hindi ko akalain na marunong ka din pala mambola."

Tumawa siya. "Mas lalong hindi ko alam ang salitang 'yan, Mr. Del Carpio." sabi niya na ikinatawa naming dalawa.

Pinarada ko sa gilid ng kalsada sa harap ng isa sa famous Restaurant dito sa New York ang kotse saka mabilis na tinanggal ang aking seat belt. Then abruptly grab her nape and kissed her passionately. Saglit lang siya natigilan sa ginawa ko't kaagad din tumugon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong palalimin pa ang paghalik sa kanya ng malasahan ko ang tamis at lambot ng kanyang mga labi. I tilted my head and slid my tongue inside her mouth while my other hand roaming her body. She moaned when I gently squeezed her mounds.

We stopped and gasped for air. We were both panting while staring each other. I can see the fire in her eyes. Lumipat pa ang kanyang nagniningning na mga mata sa aking nakaawang na mga labi then sexily bit her lower lip.

Damn... temptress!

I groaned in frustrations saka lumayo sa kanya. "Stop seducing me Sofia, baka sa ibang lugar kita dalhin at hindi dinner date ang mangyari sa atin."

"Who cares... maybe I like the idea too."

Marahas ko siyang nilingon at tinitigan ng mariin. Hanggang sa naipilig ko ang aking ulo ng makita ko ang uri ng ngisi niya sa akin. Hindi ko alam kung sinusubukan niya lang ba ako or gusto niya talaga.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse saka umikot sa kabila, pinagbuksan ka siya ng pinto. Hindi pa rin nawala ang pilyang ngisi sa kanyang mga labi habang malagkit na pinapasadahan ako ng tingin.

Umiiling na tinawanan ko na lang siya. I held the back of her waist saka iginiya papasok ng Restaurant. Kaagad naman kami in-assist ng waitress at binigyan ng dalawang menu when we settled in our table.

Makalipas ng ilang minuto muli itong bumalik dala ang inumin namin. "May I take your order Sir, Ma'am?" tanong nito.

Kaagad naman kaming um-order ng pagkain. Pagkatapos maisulat ng waitress ang lahat ng order namin ay muli itong umalis. Kaagad kong binalingan si Sofia na ngayon ay namumutla na para bang nakakita ng multo. Sinundan ko ang direction ng tinitingnan niya sa labas. Wala naman akong nakitang tao kaya lalo akong nagtaka sa kanya.

"Sofia?" napapitlag pa siya ng abutin ko ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "What's wrong?" tanong ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa tinitingnan niya sa labas.

"Ahm... w-wala." sabi niya sabay simsim sa kanyang baso. "N-Nothing wrong." alanganing ngiti na sabi niya sa akin.

"Are you sure? You look so scared."

"Scared?" bahaw siyang tumawa. "I-I'm not..." tanggi niya pa.

Nagkibit-balikat na lang ako. "So, tell me about yourself Sofia?" pag-iiba ko ng usapan.

She chuckled. "What is this, an interview?"

Ngumisi ako. "Well, sort of..."

"You seems like very interested about me."

"Yes I do. I told you already, I want to know more about you."

Natigilan siya at matagal akong tinitigan. I stared back at her intently. Hanggang sa hindi niya na makayanan pa ang paraan ng titig ko sa kanya. Kaagad siyang umiwas ng tingin. Napangiti ako.

"There's really not much to know about me."

"You stayed in a high end Condo."

"My Dad brought it for me as a gift when I finished college with flying color. I'm a medical technologist." sabi niya.

Bigla kaming natahimik ng dumating ang inorder naming pagkain. Pero hindi ko siya nilulubayan ng tingin habang isa-isang nilalagay ng waitress ang pagkain sa ibabaw ng mesa. Hanggang sa makaalis na ang waitress ay nakatitig pa rin ako sa kanya. Lalo akong naaaliw sa itsura niya ng mangamatis ang mukha niya at 'di na mapakali pa sa kanyang kinauupuan.

"Stop it JM." sikmat niya sa akin.

I laughed. "What?"

Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. "Bakit ba ganyan ka makatitig? Naaasiwa ako." reklamo niya sa akin.

"Well, you look wonderful tonight my Sofia."

Napaubo siya sa sinabi ko. "Nakow, 'wag mo akong bulahin diyan. Gutom lang 'yan." sabi niya sabay baling sa kanyang pagkain.

Muli akong tumawa saka nagsimula na ring kumain. Nagtanong pa ako sa kanya ng kung ano-ano tungkol sa pamilya niya na kaagad niya naman sinasagot. Ilang oras din kami nanatili doon sa loob ng Restaurant bago ako nagbayad ng bills.

"Where else do you want to go?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse.

Nagulat pa ako ng matanawan ko muli ang lalaking naka-black hood na nakita ko kanina bago ko sinundo si Sofia. Mataman siyang nakatitig sa aming dalawa na para bang selos na selos at galit na galit. Kung anong dahilan hindi ko alam! Kahit nagtama na ang paningin naming dalawa hindi siya nagbawi. Bagkus nakipagsukatan din siya ng masamang titig sa akin. Muling binundol ng matinding kaba ang dibdib ko. Kakaibang kabang hindi ko mawari. Naliligalig ang buong pagkatao ko lalo na ng itaas niya ang kanyang kamay at umaktong parang babarilin ako.

Binalingan ko ang aking kasama ng tumalikod na ito. Ngunit lalong sumasal ang tibok ng puso ko ng makita ko ang itsura niya. Kung kanina sa loob ng Restaurant namumutla siya, ngayon mas dumuble ang pagkaputla niya at bahagya pang nanginginig ang kanyang katawan habang nakatulalang nakatitig pa rin sa direction kung saan ko nakita 'yong lalaking naka-hood.

"Sofia?" nag-aalalang hatak ko sa kanyang braso saka niyakap. "Gosh, you're trembling." sabi ko.

Kaagad ko siyang pinagbuksan ng pinto at pinapasok sa loob ng kotse. Nagmamadali akong umikot sa kabila at naupo sa driver seat. Ini-start ko kaagad ang kotse at pinasibad palayo sa lugar na iyon habang pasulyap-sulyap sa katabi kong hindi pa rin mapakali sa kanyang kinauupuan. I brought her to my penthouse.

"Where are we?" nagtatakang tanong niya sa akin habang iginagala ang paningin sa buong paligid.

"In my penthouse." sabi ko habang binubuksan ang pinto. "Come in."

Nakanganga at gilalas na pumasok siya sa loob. Animo'y first time niya makakita ng magarang lugar.

Napangisi ako sa aking naisip. Ni-lock ko ang pinto saka nilapitan siya. I hug her from behind. "Did you like it?" tanong ko sa kanya habang marahan na hinahalikan ang kanyang leeg.

"It looks so classy and luxurious!" bulalas niya.

I chuckled. "Kilala mo ba 'yong lalaki kanina sa labas ng Restaurant?"

"Ha?"

Naramdaman ko muli ang panginginig ng kanyang katawan sa tanong ko. Inikot ko siya at pinaharap sa akin.

"Bago kita sinundo kanina nakita ko na siya. Pangalawang beses na nakita ko siya kanina. And it seems like... you know him too."

"I-I've seen him kanina habang sine-serve ng waitress ang pagkain. Then paglabas natin ng Restaurant nakita ko siya ulit. Parang galit na galit siya na iwan. It's my first time seeing a man like that in my entire life. Simula lang ng makilala kita." nanginginig na sabi niya sa akin.

"F*ck! Who is he then?" naguguluhan na tanong ko sa kanya. "Ngayon ko lang din nakita ang lalaking 'yon simula ng makilala kita. Wala din naman akong maalalang nakaaway."

"I-I don't know." natatakot na tiningnan niya ako.

Naawa ako sa itsura niya. Kaagad ko siyang niyakap. "No worry, you'll be safe with me Sofia. Hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo." sabi ko saka hinatak siya sa braso.

Pinaupo ko siya sa sofa saka naglakad papunta sa kusina.

"Where are you going?"

Nilingon ko siya. "Gonna get you some water." sabi ko sabay talikod.

"No--wait." pigil niya sa akin. Tiningnan ko siya. "Uhm... maybe you had wine or anything?"

"You wanna drink alcohol instead?" nagtatakang tanong ko pa sa kanya.

Tumango siya. Nagkibit balikat na lang ako saka tumungo sa aking minibar.

Related chapters

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 4

    MARCO"Aw f*ck." daing ko pagkagising ko sabay sapo ng dalawang kamay sa aking ulo na subrang sakit.Parang binibiyak sa tindi ng hangover ko. Dahan-dahan akong bumangon habang marahan na hinihilot ang aking sentido. Then suddenly different images flashed in my mind. An intense and hot images of Sofia, naked and beautiful. Sukat doon lalo tuloy sumakit ang ulo ko, kumirot ng kumirot ng pilit ko pang inalala ang iba. Ngunit hindi ko na naman maalala kung may nangyari nga ba talaga sa aming dalawa or ano. I knew I did not have s*x with her last night. Pero sa mga nagsusulputan na imahe niya sa isip ko baka nga..."Good morning."Kaagad akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang malamyos na boses ng isang babae. Nagulat pa ako ng nakangiting mukha ni Sofia ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng aking malaking t-shirt. I stared at her and gulped when I saw her tits poking at my shirt she wears.Crap...!She loudly cleared her throat. K

    Last Updated : 2022-11-03
  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 5

    MARCOWala kaming imikan sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa tirahan niya. Panay lang siyang buntong-hininga habang panaka-nakang sumusulyap sa akin. Sa itsura ng mukha niyang nakikita kong parang may gusto siyang sabihin sa akin pero may pumipigil sa kanya. Kung ano man 'yon hindi ko alam at wala din akong balak mag-usisa. Kung gusto niya talaga ako siya mismo ang magkukusang mag-open up sa akin. Bumaba siya ng kotse ng wala man lang paalam. Nahihiwagaan ako sa mga ikinikilos niya pero nagkibit-balikat na lang ako. Kaagad kong nilisan ang lugar na iyon.Hindi naman kasi nasusukat sa tagal o ikli ng panahon para masabi mong tunay na pag-ibig ang nararamdaman mo sa isang tao. Minsan nga kung sino pa ang hindi mo inaasahan na tao, kung sino pa ang pinakaaayawan mo, kung sino pa ang kinamumuhian mo ay siya pa itong makakatuluyan mo. Kung sino tuloy ang inakala mong siya na at minahal mo ng buong buhay, pinag-alayan mo ng buong sarili, kaluluwa at t

    Last Updated : 2022-11-03
  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 6

    MARCO"Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ng kaibigan kong si Jigz.He's eager to hit the drum in front of him. Matagal-tagal na rin namin hindi 'to nagagawa, ang mag-perform ng live sa harapan ng maraming tao. For me it's just more of a lifestyle choice than a career.I was once dreamed to be a pilot so I took my Bachelor's degree in Aviation but my Dad was against with it. Well, he never liked anything and every choices I've made in my life. He prefered me to follow his step. At first I was adamant with the course I chose that I wanted to be but at the end I gave it up without finishing with it and took the course he chose for me to be someone like him. A successful businessman. Kasalukuyan akong nasa Galaxy Stardust Bar And Restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan kong si David. Grand opening ngayon nitong panlima niyang branch. He invited me to perform a live show with my band. Pinagtawanan ko pa siya sa sinabi niya sa akin noong bisita

    Last Updated : 2022-11-03
  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 7

    Oh boy, I'm in big trouble! Ngayon pa talaga at dito mismo sa grand opening ng kaibigan ko sila manggugulo!"What?! Your boyfriend?! Are you nuts?! I'm his girlfriend!" galit na singhal din no'ng babaing yumakap sa akin.Parang tangang naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtatalo na sa harapan ko. Nagugulantang ako sa tinatakbo ng sagutan nila. Malakas ang musika kaya wala pang gaanong nakakapansin sa namumuong tensyon maliban sa malapit sa aming pwesto."NO--you're not..! I am his girlfriend! You ugly bitch!" singhal ulit no'ng isa habang dinuduro pa ito."Bitch?" mapaklang tumawa si Alesha sabay tabig ng daliring nakaduro sa kanya saka pinasadahan ang kabuuan ni Debbie. "Well look at you?" sabi niya with matching action pa ng kamay. "A desperate loose woman claiming that my boyfriend is hers. How pathetic!""Why you--"Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nags

    Last Updated : 2022-11-03
  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 8

    MARCO"You two what?!" gulat na gulat at nanlalaki pa ang mga matang bulalas ni Mom matapos marinig ang sinabi ko."She's carrying my baby that's why I wanna marry her as soon as possible." paliwanag ko kay Mom na naghe-hysterical sa inanunsyo ko.Tahimik lang si Dad na matiim na nakatingin sa amin. Literal kay Sofia na hindi na mapakali pa sa kanyang kinauupuan sa aking tabi. Kaagad kong ginagap ang kamay niya sa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang mga hita at marahan iyon na pinisil. Nginitian ko siya ng lingunin niya ako.Nasa harapan kami ng hapagkainan ngayon. Nagulat pa ang mga magulang ko kanina pagpasok ko ng kabahayan at makitang may kasama akong babae. Lalo't ngayon lang ang pinakaunang pagkakataon na nagdala akong babae sa bahay at ipinakilala sa kanila. Kaya naman halos mabilaukan si Mom sa kinakain niya ng sabihin kong magpapakasal na kami ni Sofia."Teka nga muna JM..." nakakunot- noong sabi ni Mom sabay tayo. Nagpabalik

    Last Updated : 2022-11-03
  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 9

    MARCOI heaved out a deep sighs. "I'm sorry Sofia." sabi ko pagdating namin sa labas ng gate.Nakangiting nilingon niya ako. "Bakit ka nagso-sorry?"Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Kung ano man ang sinabi sayo ni Mom pagpasensyahan mo na lang. Hindi ko sinasadya na kaladkarin ka dito sa bahay para pagalitan lang nila. Kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi ko sila binigla."Marahan siyang tumawa. "Kahit nga ako nagulat sa inanunsyo mo e. But I liked your Mom, really. She's nice at nakikita ko sa kanya ang Mommy ko. Parehong-pareho sila. Kinakabahan lang ako kanina kasi first time kong maranasan ang ganito. Ang ipakilala ng isang lalaki sa kanyang mga magulang. Hindi ko inaasahan 'tong ginawa mo kaya hindi ako mapakali, nanginig pa ako sa nerbiyos kanina pero masaya ako. Masayang-masaya." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagulat ako sa kanyang mga sinabi pero mas lalo akong nagulat ng may bigla na lamang na humaharurot na itim

    Last Updated : 2022-11-03
  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 10

    MARCOKaagad binitawan ni Christian si Sofia at malakas na sinampal habang malutong na nagmumura. Bumagsak si Sofia sa sahig habang pigil-pigil naman ang nagdurugong tagiliran. Sinipa pa siya nito sa tiyan matapos tingnan ang kamay na pinunas nito sa mga labing kinagat niya. Namilipit si Sofia sa sakit.Samantalang ako parang tangang naestatwa sa aking kinatatayuan, nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa kanila. Gulong-gulo ang aking utak at natitigilan sa samo't saring pakiramdam na sumalakay sa akin matapos sabihin ni Christian na long time girlfriend at lover sila ni Sofia. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng isang timbang yelo. Biglang namanhid ang aking buong katawan habang pilit na inuunawaan ang mga sinabi nito.Pero paanong nangyari iyon e virgin siya no'ng makuha ko?Naguguluhan pa rin na tanong ko sa aking sarili.Nilapitan nito si Sofia saka padaskol na sinabunutan at pinatayo."Awww--! Damn you Christian--!" umiiyak na hiyaw ni Sofia.

    Last Updated : 2022-11-03
  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 11

    MARCODamn... ano na ang gagawin ko?! Dito na ba ako mamamatay?!Nagpapanic na tanong ko pa sa aking sarili. Tatlong lalaki ang nakatutok din ang mga baril na nasa tabi ko. Wala akong kalaban-laban sa kanila. Hindi ako makagalaw! Paano pa ako makakaligtas nito? Isang maling kilos ko lang siguradong sabog ang bungo ko nito.T'ngna... nalintikan na talaga!"Police! Freeze, don't move!" malakas na sigaw ng Pulis na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.Pagtingin ko sa tabi ko may mga Pulis na rin na nakatutok ang mga baril sa tatlong lalaking komorner sa akin."Drop the gun!" sigaw ng Pulis.Humalakhak si Christian saka nilingon ang Pulis at nilipat ang pagkakatutok ng baril dito."I said drop the gun or else I'll shoot you!" sigaw ulit ng Pulis.Itinaas ni Christian ang dalawang kamay at dahan-dahan na binibitawan ang baril sa lapag habang walang tigil pa rin ito sa kakatawa na para bang nababaliw na.

    Last Updated : 2022-11-03

Latest chapter

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Epilogue

    CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 128

    JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 127

    JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 126

    JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 125

    MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 124

    JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 123

    JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 122

    JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa

  • White Lies: Bud Brothers Series 2   Chapter 121

    JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status