another day to have a general cleaning. akala ko tapos na pero maghapon magdamag umulan tapos ang daming punong bumagsak dito huhu. let's pray na hindi na bumalik ang bagyo dahil sobrang daming nasalanta. kung may sobra din po tayong amount sa gcàsh, let's donate po sa mga nasalanta dahil in need po sila. keep safe, everyone. —Twinkle ×
“WHAT do you mean by this?” Kunot-noong tanong ni Kevin kay Serena. Nilapag nito ang flowers sa table nito at binalik ang tingin kay Serena, tipong nanunukat. Matamis na ngiti ang ginawad ni Serena kay Kevin at tinaas naman ang bitbit na thermal box na may lamang pagkain. “Here's your lunch pala. Pinagluto kita, Kevin. Kainin mo 'tong pagkain, ha? Pinaghirapan ko 'yan. May kasama rin 'yang dessert na pwede mong bigay sa anak natin.”Hindi na siya naghintay na kunin pa iyon ni Kevin, nilapag niya ang thermal box sa ibabaw ng mesa nito na walang nakapatong na papeles. Sa gilid ng mga mata, kita niya ang kunot pa rin na noo ni Kevin at hindi lang siya nagpapahalata pero kabadong-kabado siya. Unang beses niya itong gagawin dahil si Kevin ang madalas manuyo sa kanilang dalawa noong ayos pa ang lahat sa pagitan nila. Thinking about that, she might be sweet towards him but Kevin's the one who's showy with his feelings in the scope of their relationship.Natigil si Serena sa ginagawa noong
INIYAK lahat ni Serena ang sama ng loob sa comfort room. Mabuti na lang at walang tao roon dahil hindi pa break time kaya may panahon siya para ilabas ang bigat na nararamdaman. Nang mailabas na ang lahat, tumingin si Serena sa half body mirror ng comfort room. She checked herself if her eyes were swollen. Mabuti at namumula lang ang mata niya at hindi namamaga. She tried to smile but it came out like worst than crying. Una lang 'to, okay? Bukas, babalik siya at susubok muli. “You won't give up, Serena, okay? You won't,” pagkausap niya sa sarili, pilit na humuhugot ng lakas sa pagsasabi ng mga katagang iyon. “WHAT are you doing here again?” masungit na saad ni Kevin noong makita si Serena sa opisina nito. Ngiti naman ang sinagot ni Serena kay Kevin. “I'm here for you, Kevin,” sagot ni Serena. May dala siyang panibagong pagkain dahil nakita niyang tinapon ni Kevin ang pagkain na niluto niya para dito. Kung inaakala ni Kevin na susuko agad siya rito, nagkakamali si Kevin. She won't
NANG mapansin ni Ashianna na may tao, napalingon ito sa gawi ni Serena. Kumunot ang noo nito dahil nakita siya at naramdaman ni Serena ang mabilis ngunit mariing paghagod ng tingin nito sa kanyang kabuuan. “Kev, who is she? A new employee?” anito at tinanong si Kevin na nakatingin ngayon kay Serena. Napabaling si Kevin kay Ashianna. Something flickered in his eyes but he quickly masked it. “Y-Yes.”Tinuro ni Ashianna ang receiving table na para sa mga visitors. “Put the files there, thank you.”Hindi makakilos si Serena. Mabigat na mabigat ang loob niya. Ngayong kaharap niya si Ashianna, ayaw man niya na makaramdam ng panliliit, ganoon ang nararamdaman niya. She's really beautiful. Akala niya ay maganda na ito sa telebisyon pero iba pala kapag kaharap mo na ang babae. Looking at her while she's facing Kevin, Serena could see their chemistry. As much as she hates to admit it, halatang bagay ang dalawa. At ang sakit-sakit aminin para sa kanya iyon. Masaya siyang pumasok dahil nakaipo
HALOS manginig ang buong katawan ni Serena sa galit nang marinig ang sinabi ni Ashianna. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito na parang alam nito ang buong kwento. Yes, she's Kevin's girlfriend right now but it didn't give her the right to say these things to her! May pagkakamali siya kay Kevin at Chiles pero wala siyang ginawa sa babaeng ito kaya ang kapal ng mukha nito na sabihin ito sa kanya! “Wala kang alam kaya manahimik ka. Kung umasta ka parang alam mo ang kwento naming dalawa ng ‘asawa’ ko. Fiancée ka ni Kevin? Well, I'm his wife. We're not yet annulled and that's what makes you his mistress. Pasalamat ka at hindi ako tulad ng ibang babae na mahilig mag-eskandalo dahil kung hindi may kalalagyan ka sa akin.”Hindi naman natinag si Ashianna sa sinabi ni Serena. Namumula man ang mukha nito sa galit, pinilit nitong i-compose ang sarili. “Ikaw ang dapat mahiya sa ating dalawa. Wala tayo sa sitwasyon na 'to kung hindi mo balak kunin ang ‘akin’. Babalikan mo kasi convenient na sa
SERENA filed for a three day leave and Nathan approved it since she was reporting to him exclusively as she is his secretary. Iyon din ang gusto ni Helios, ang hindi muna siya pumasok dahil nagawa niyang makapanakit ng tao na hindi niya sinasadya. Whenever Serena is really mad, she can hurt anyone without batting an eye. Wala siyang kinikilala at naranasan iyon mismo ng mga taong pinagbantaan ang buhay ni Catherine dati. She almost killed those people but when she was awakened from her madness, she regretted what she did. Helios witnessed that so he knew her condition. Para ipahinga ang sarili sa mga nangyari, hindi muna pumasok si Serena. She spends time playing with Catherine as the little girl misses her. Si Helios ay kasama si Hezekiah na nagtatanim ng mga gulay sa gilid ng bahay dahil iyon ang hilig ng dalawa. Nakikipaglaro si Serena kay Catherine ng peek-a-boo nang tumunog ang smart watch na nakakabit sa palapulsuhan niya. There's an incoming call from Chlyrus. Dahil hindi ni
NANG na-realize ni Serena na parang mali ang naging tanong niya sa anak, agad niya sana na babawiin iyon. “Hayaan mo na—”But Chiles already opened his mouth to answer her. “Tita Ash is nice but you're Mama. I don't need to choose between you and her because it's always you, Mama! You're my Mama, my super girl!”Unti-unting gumapang ang ngiti sa labi ni Serena. “Oh, ang sweet ng babay ko. Kahit na matagal akong nawala sa tabi mo, anak?”“But you're busy that's why. I understand you, Mama. Tito Chlyrus already explained it to me. Sabi niya you're busy saving people so I need to understand you. It's okay, Mama. Dada is good to me and he's taking care of me.”Paulit-ulit na hinaplos ni Serena ang buhok ni Chiles at sinuklay iyon. “Thank you for understanding me, Chiles. Mama loves you so much. I really really do.”Niyakap niyang muli ang anak at hinalikàn ang noo nito. ISANG buong araw ang ginugol ni Serena na kasama si Chiles at noong iuuwi na ito ni Chlyrus, halos ayaw ibigay ni Seren
PINAPASOK sila ni Don Constantine sa loob ng mansyon at agad halata na hindi ito makapaghintay sa mga isisiwalat na kwento ni Serena. Don Constantine lightly welcomed Helios and his people but he didn't put his attention on them. Kay Serena ang atensyon nito. Inaya agad ni Don Constantine sa study area si Serena at sumunod din ang mga anak nito na tiyuhin ni Serena. “Cinder, tell us what you know.”Bakas ang kaseryosohan sa mukha ng lolo ni Serena kaya doon na rin ni Serena sinumulan na sabihin ang kaunting nalalaman. “Lolo, you and the people in the HQ are aware that the Alejandro Clan has ties with people who do illegal businessess, right? Alam n'yo rin na myembro ng RLS ang Alejandro Clan pero sila lang ang kilala habang tago at lihim ang mga pamilya at member ng RLS. Kaya sobra kayong disappointed nang magpakasal si Mama kay Zacarias na ama ko dahil siya ang tagapagmana ng Alejandro Clan, tama ba? My Mom was an ace agent in her time, tama po ba ako? Kaya tinakwil ninyo siya dah
MATAPOS ang halos dalawang oras na pananatili nila sa study room, lumabas din sila. Agad na sumunod kay Don Constantine si Cyrus kaya nawala na ito habang ang dalawang tiyuhin ni Serena ay kasabay nila na lumabas ng kwarto. Nakaalalay si Serena sa lolo niya at ngayon ay gusto na nitong makilala si Helios. Halata na may reservations pa rin ang matanda kay Helios at kahit na nasabi na ni Serena na mabait at mabuting tao si Helios, parang pangit pa rin ang impression ng Lolo niya sa lalaki. “Did he really treat you well when you're in Spain? Hindi ka niya pinagbuhatan ng kamay o kaya naman ay pinagtangkaan ng kung ano?”Agad na umiling si Serena. “Lolo, mabait siya sa akin. Maswerte na lang talaga ako na siya ang future leader sana ng RLS dahil mabuti siyang tao. Kung katulad siya ng ama niya, miserable siguro ako.”Don Constantine snorted but didn't say a word. Tumuloy sila sa malawak na living room kung saan naghihintay si Helios at Hezekiah na buhat-buhat si Catherine. Nang makita n
Ang restaurant sa unang palapag ng main family ay pansamantalang ginawang meeting room. Halos lahat ng Elders ng pamilya ay nandoon at iba’t ibang klaseng tao ang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos lahat ng matatanda roon ay galing sa madugong mundo ng underground, kaya lahat sila ay may mabigat na presensya na parang may bahid ng kamatayan.Parang nagyeyelo ang hangin sa buong restaurant at ang mga tingin ng bawat isa ay matalim na parang agila, kaya mahirap basahin ang iniisip nila.Nasa gitnang upuan si Jester at kahit nasa harap siya ng mga halimaw ng Beltran family, kalmado pa rin ang itsura niya. Nang makita niyang kumpleto na ang mga tao, pinalakpak niya ang kanyang kamay ng dalawang beses, tinawag ang tauhan niya, may bumulong siya sa kanila, tapos umalis na ang mga ito sa restaurant.Wala masyadong nagsalita habang nangyayari ‘yon at lahat ay nanatiling tahimik.Sa tatlong anak ni Jester, si Chase lang ang nandoon. Si Chastain ay nakakulong sa bahay at si Chester naman ay na
Chapter 75HINDI agad nakasagot si Patricia. Masyadong diretso ang tanong ni Jester, parang kutsilyong walang takip na dumiretso sa pinaka-masakit na bahagi ng puso niya, pinapaalala ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.Possible ba talaga?Parang tinanong mo ang isang hari kung kaya niyang isuko ang trono para lang maglakbay kasama ang isang babae. Paano mangyayari ‘yon?Nang mapansin ni Jester na tinamaan niya si Patricia sa punto, medyo lumambot ang ngiti niya. “Miss Patricia, dahil alam mo na rin naman na imposibleng maging kayo ni Daemon, bakit hindi ka na lang makisama at manatili sa Beltran family? Ibibigay namin lahat ng gusto mo at hindi ka na gagambalain ng Alejandro Patriarch. Panalo ka na, panalo rin kami. Ano sa tingin mo?”Hindi sumagot si Patricia, pero halatang lalong tumindi ang pagkakunot ng noo niya. Kahit hindi na sila ni Daemon, anong kinalaman nun sa gusto nilang ipakasal siya kay Chester? Kaya mariin pa rin siyang tumanggi. “Pakawalan n’yo na ako!”Nang
Bago pa man makapagsalita si Chase, pinigilan na siya ni Jester. "Bilang pinuno, hindi ka dapat nakikipagtalo sa taong mas mababa sa’yo."Sa sinabi niyang ito, natahimik si Chase at sinulyapan din si Juano na iisa ang mata. Medyo nanliit ang mga mata ni Juano. Kahit kalmado pa rin siya sa labas, halatang medyo nainis siya base sa ekspresyon niya.Parang wala namang pakialam si Jester kung nakasakit man ang sinabi niya. Tumalikod siya at ngumiti nang "magalang" sa lalaki. "Natutuwa akong makita na ganyan ka katapat kay Chastain. Pero sa tingin ko hindi mo na kailangang dumaan pa sa pagbabanta. Anak ko siya, sa tingin mo ba may masama akong gagawin sa kanya?"Hindi sumagot si Juano. Napangiti lang siya nang may halong pang-aasar.May kasabihan na kahit ang tigre, hindi kinakain ang sarili nitong anak. Pero si Chastain, mula pa noon, ang pinaka-rebelde sa tatlong anak ni Jester. Katulad ng mga emperor na may takot din sa sariling anak, ganoon din si Jester. Minsan, ang meron lang sa isa
Chapter 74“NAISIP mo na ba kung anong mangyayari kapag nalaman ni Daemon na tayo ang may gawa nito? Matagal nang gustong makipag-alyansa ng young master sa kanya, pero sinisira mo ang plano niya sa ginagawa mo.”“Hindi niya malalaman.” Ngumiti ang lalaking iisa ang mata, kumpiyansa. “May mga tao na ako sa intelligence network niya. Yung private detective na in-assign niya kay Patricia, pinalitan na namin. Kaya ang sasabihin lang nun, yung dapat niyang sabihin…”Napahinto sandali si Lia. Sa totoo lang, wala na siyang dahilan para tutulan ang desisyon na ibigay si Patricia.Napakunot ang noo niya nang makita si Patricia na wala pa ring malay at nakasalampak sa likod ng kotse. Hindi naman talaga niya kinamumuhian ang babae, pero may konting panghihinayang pa rin siyang nararamdaman sa ideya na ipapasa niya ito sa mga halimaw.Siya lang ang nag-iisang babae sa grupo ni Chastain, kaya iniisip ng ibang lalaki na sobrang lambot niya.Hindi naman siya nagpapakita ng awa sa mga kalaban, pero
"Bakit, ayaw mo ba?" Nakita ni Witch Lia ang nahihiyang itsura ni Patricia kaya bahagya siyang ngumiti ng may pangungutya.Akala ni Lia, may magagawa si Patricia. Pero sa totoo lang, para lang siyang langgam sa harap ng mga tao sa Beltran family at Alejandro. Si Daemon, sa totoo lang, hindi rin siya makikinig. Matigas ang ulo at sanay sa sariling diskarte.Mukhang napansin ni Lia na matagal na siyang hindi kumikibo kaya inisip siguro nitong wala siyang maitutulong kay Chastain. Tiningnan siya nito na para bang wala siyang silbi. "So ganyan ka pala."Napakunot-noo si Patricia at seryosong tumingin sa kanya. "Talaga bang iniisip mong kaya kong gawin 'yung dalawang bagay na ‘yon? Sa tingin mo ba magso-sorry si Daemon kay Chastain? O papayag ang Alejandro family na ipakasal ang isa sa kanila kay Chester?"Pinaglaruan ni Lia ang kutsilyo sa kamay niya habang matalim ang tingin. "Depende. Malapit ka kay Daemon eh."Alam ni Patricia na kahit ano pang paliwanag niya, ang dating lang kay Lia a
Chapter 73NANG makita ni Andrei na masama ang mukha ni Patricia, ngumiti lang siya ng bahagya at sinabing, “Okay na, nagbibiro lang ako. Wala naman akong kakaibang bisyo.”Medyo nakahinga ng maluwag si Patricia, pero nakakunot pa rin ang noo niya. “Andrei, pag seryoso ang usapan, pwede bang seryoso ka rin?”“Hindi pwede.” sabay labas ng dila ni Andrei, parang batang pasaway.Napailing na lang si Patricia. “Hay naku, bata ka pa kaya hindi na lang kita papatulan. Pero ha, huwag kang gagawa ng kalokohan. Okay?”“Ok.” sagot ni Andrei habang tamad na tumango at nag-unat. Wala talaga siyang pakialam kahit pinagsasabihan siya.Napailing ulit si Patricia at dahil hindi na niya makontrol, sabi niya, “Kakanta ka sa show na ire-record natin mamaya, ‘di ba? Napraktis mo na ba ‘yung kanta mo? Nakausap mo na ba ‘yung vocal coach?”Tumango si Andrei. “Hindi ko na kailangang mag-practice.”Napangiwi si Patricia. “So, ibig sabihin, hindi ka pa handa?”Tumango ulit si Andrei. Halos manginig si Patrici
Kapag naging matigas siya ngayon, baka magalit si Andrei. E siya pa naman ang inaasahan ni Patricia para makapanatili siya sa posisyon niya. Pero kung masyado siyang magpapakumbaba, baka hindi na siya seryosohin ng ibang assistants.Tahimik lang si Patricia saglit, tapos binuklat ang ilang scripts sa lamesa habang kunwaring seryoso siyang nag-iisip. "Okay lang kung ayaw mo ng spy drama. Meron din namang supporting role sa isang idol drama. Hindi siya namatay sa aksidente, pero nawalan siya ng memory at parang naging siraulo. Tapos meron din horror movie, gusto ka nilang gumanap na sidekick ng kontrabida. Naghahabol kayo ng mga babae tapos kinukuha n’yo 'yung puso nila para kainin nang hilaw…”Habang tumatagal, padilim nang padilim ang mukha ni Andrei… Saan ba kinuha ni Patricia ‘tong mga kakaibang roles? Lahat parang nakakakilabot. Sa huli, napilitang sumigaw si Andrei. "Ayoko ng kahit alin diyan! Gusto ko yung mga normal lang!"Binagsak ni Patricia ang mga scripts sa mesa. "Yung norm
Chapter 72NAKITA rin ni Patricia ang iritadong itsura ni Manager Wenceslao. Alam niya kung bakit ito galit, pero dahil nirerespeto pa rin niya ito bilang nakatataas sa kumpanya, iniwasan na lang niya ang gulo at binati ito tulad ng dati, “Hi, Manager Wenceslao.”Pero dumaan lang ito sa harap niya kasama ang dalawang assistant, walang emosyon sa mukha at hindi man lang siya binati pabalik.Hindi naman ito pinansin ni Patricia. Nag-shrug lang siya ng balikat at inilabas ang dila. Pagpasok niya sa opisina, nandoon na ang pitong assistant ni Andrei, pero ang lalaki mismo ay wala pa.Pitong assistant; tatlong lalaki, apat na babae. Kahapon pa lang ay tiningnan na ni Patricia ang background ng mga ito habang naghahanda siya. Yung tatlo ay matagal nang kasama ni Andrei mula pa noong nagsimula siya at sumama pa ito nang lumipat siya ng agency. Yung apat naman ay mga bagong hire ng WG. Hindi pa sanay sa trabaho, pero sunod-sunuran.Alam ni Patricia na hindi magiging madali para sa kanya na pa
Habang tulala pa rin ang tatlo, tumingin si Daemon sa relo at napansing gabi na. Kaya tumalikod siya at binigyan si Patricia ng tingin na parang utos. "Tapos na ang training mo ngayon. Uwi na tayo."Nakatunganga lang si Patricia, hindi gumalaw. Pinanghahawakan pa naman niya kanina na magpapapayat siya para maging bagay sila ni Daemon, pero ilang salita lang nito, parang nadurog na ang desisyon niya. Pero sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam niya, parang tinunaw ng araw ang yelo sa puso niya.Matagal na niyang pinangarap na may lalaki sanang magsasabi sa kanya na hindi niya kailangang magpapayat o pahirapan ang sarili niya at sapat na siya. Na kahit hindi siya perpekto, mahal pa rin siya.Yung tipong pag namimili siya ng damit at walang kasya sa kanya, may magsasabing kahit ano isuot niya, maganda pa rin siya.Kahit hindi sinabi ni Daemon nang diretso ang ganitong klaseng matatamis na salita, sa ginagawa nito ngayon, malinaw ang sinasabi. hindi ni Daemon iniintindi ang itsura ni Patric