1/2 another update will be later this afternoon. malapit na tayo sa exciting part charot HAHAHA excited na 'ko isulat ang mga future chapters HAHAHA. kung may magpapadala pala ng friend request sa aking accóunt, pakilala lang kayo haha. may mini spoilers na nasa fáceboók ko. yun lang. thank you sa pagbabasa. —Twinkle ×
HINDI makapaniwala si Serena na narito si Kevin kaya hanggang ngayon yata kahit halos kalahating oras na ang nakakaraan mula noong dumating ito rito sa Ancestral Home ng mga Fuentes ay tulala pa rin siya. From what she heard, Kevin was invited to go here by her grandfather. Bitbit ni Kevin si Chiles at wala itong ideya na naroon na pala siya nakatira. She wanted to go to Kevin but right now, she doesn't have the confidence to talk to him. Iniisip niya na baka kung kausapin niya ito, tanggihan na naman siya ni Kevin. May hiya pa rin naman siya at ayaw niyang ipakita sa pamilya na sungitan siya ni Kevin dahil baka ang mangyari, sumama ang impression nila kay Kevin. Ayaw niya na ganoon ang mangyari. The Fuentes Residence hosted an intimate get together and almost all of her family were there. Even Chlyrus is present. Dahil bagong kilala pa lang ni Catherine ang mga taong nakikita nito, sa kanya nakakapit ang bata. Si Chiles din ay nakadikit kay Serena at hindi nito alintana na sinusung
“ANO iyon, ha? Ganoon ba makipag-usap sa'yo iyong lalaking iyon tapos ikaw hinahayaan mo lang? Serena naman, huwag mong ibaba ang sarili mo dahil lang gusto mong bumawi sa mga nagawa mo. Yes, you love him so much but that doesn't give him the license to say those things to you! Kung may dapat mang mahiya rito, siya iyon. Kung alam niya lang sakripisyo mo para sa lahat ng mahal mo — lalo na para sa kapakanan nila ng anak mo, malamang hindi na niya kakayanin na humarap pa sa 'yo.”Dinala si Serena ni Helios sa music room na pinakamalapit na kwarto dahil doon bakante saka ito nagsalita sa harap niya; pinagagalitan siya. “I-I understand him, Helios. Galit siya kaya niya nasabi iyon.”“Yeah, I know he's hurt but doesn't mean he's going to act like an àss towards you. Siya lang ba ang nasaktan? Heck, nakita ko kung paano ka naghirap para lang makabalik dito and instead of being thankful that you're back, he's mad at you? Goddammit, Reen. I fúcking wanna smash his face right now!”“Helios, a
“AWW, Serena! Can you please be a little more gentle?!” asik ni Helios habang dinidikitan ni Serena ng pain relief patch ang likod nito. Nirolyo ni Serena ang mga mata dahil ang arte-arte nito habang si Hezekiah ay tahimik lang na inaasikaso ang sarili. Mas malala pa nga ang mga tama ni Hezekiah dahil may daplis ito ng mga tama ng kutsilyo samantalang 'to si Helios ay hindi naman ganoon kalala ang bugbog sa katawan nito. Helios and Hezekiah already started their training in HQ. Sa martial arts napunta si Helios habang si Hezekiah, dahil alam na nito ang mga iyon, napunta ito sa training ng paghawak ng iba't-ibang weapons. Maraming alam si Hezekiah dahil nga shadow guard ito ni Helios ngunit iba pa rin ang intensive training na ginagawa ng HQ. Narito ang dalawa ngayon sa ancestral home ng mga Fuentes dahil dinalaw muli ni Helios at Hezekiah si Catherine. “You're being dramatic, Hel. Dinikit ko lang ang patch. Tiningnan mo ba ang sugat ni Hel sa braso at binti? Kung tutuusin, mas mas
BUMALIK na rin si Serena sa trabaho dahil hinahanap na rin siya ni Nathan. Wala naman gaanong ganap sa buhay niya sa ancestral home dahil nauubos ang oras ng pamilya lalo na ang lolo niya sa pag-aasikaso para sa kanyang ina. Gusto ni Don Constantine na maiuwi sa Pilipinas ang anak kasama ang asawa nitong si Zacarias at dito na lang sa Pilipinas poprotektahan. Nakikipag-ugnayan pa rin sila sa FBI.Si Chiles ay kasama pa rin ni Serena at kapag wala siyang ginagawa, sa anak niya binubuhos ang oras. Hindi naman ito naghahanap sa ama nitong si Kevin na sobrang pinagtataka ni Serena. She even asked him if he knew where his father was but Chiles just smiled at her. Napailing si Serena para hatakin ang sarili mula sa malalim na lag-iisip dahil nasa SGC na siya. Dahil secretary na ni Nathan, may company ID na siya at tinapat niya iyon sa ID checker. Tumunog naman iyon, hudyat na pwede na siyang makapasok. Pagtuntong niya sa floor kung saan nagtatrabaho si Nathan, agad siyang na-notify ng isa
PARANG WALANG NANGYARI. So, ganito lang iyon? Bibigyan si Serena ng flowers pero walang paliwanag? Hindi tuloy malaman ni Serena kung ano ang magiging reaksyon. Matutuwa ba siya na hindi na siya sinusungitan ni Kevin o maiinis dahil pagkatapos nitong mag-abot ng flowers sa kanya ay wala na itong sinabing iba. Basta na lang siya sinabihan nito na mag-ayos ng dadalhing gamit dahil tutuloy na raw sila sa meeting. Doon na lang daw sila kakain ng lunch. Hindi na siya ni Kevin binigyan ng pagkakataon na sabihin na may dala naman talaga siyang pagkain para sa kanilang dalawa. Pinalagay niya lang muna sa microwave oven ni Nathan na nakapwesto sa mini pantry ng office nito ang pagkain na dala niya.Ngayon, hindi na niya naibigay pa ang pagkain dahil may meeting na silang pupuntahan. Lulan sila ni Kevin ng sasakyan at magkatabi sila sa likod dahil may driver na nagmamaneho sa harapan.Nakatingin si Serena sa labas ng bintana ng sasakyan noong mapansin niyang may bagay na dumikit sa braso niya
SAPO-SAPO ni Kevin ngayon ang nasaktang panga. Pagkatapos lang naman kasi nitong sabihin ang mga katagang iyon, sinapak ito ni Serena na kunot na kunot ang noo. “Sinasabi mo? Wife wife ka diyan, pero ikaw ang may fiancée na iba! Akala mo nakakalimot ako, ha? Ilang beses akong nagta-try magpaliwanag sa 'yo pero pinuputol mo tapos ang sakit-sakit mo magsalita sa akin! Nakakainis ka! Tapos gaganyan ka sa akin? Ang daya-daya mo!”Sa pagsigaw ni Serena, nangilid ang luha sa mga mata niya. Naiinis talaga siyang sobra dito! Natutuwa siya sa pa-bouquet nito pero hindi pa sapat iyon sa kanya. Ang gusto niya ay mag-usap silang dalawa ni Kevin. Nang makita naman ni Kevin na nangilid ang luha sa mga mata ni Serena, hindi na nito ininda ang kumikirot na gilid ng mukha. Lumapit ito kay Serena. “Don't cry—”“Anong don't cry! E ikaw lang naman mahilig magpaiyak sa akin! Nakakainis ka talaga! Akala mo dahil nagbigay ka ng flowers kanina na meaning e forgive me, okay na? Ganoon na lang iyon?”“I-I th
“CAN YOU go back here at the company?”Pauwi na si Kevin noong nakatanggap siya ng tawag galing kay Nathan. Natapos na ang usapan nila ni Helios na sinamaan niya ng tingin ang lalaki noong sabihin nito na kukunin sa kanya si Serena. Of course he knew he was the one who made a mistake but that doesn't mean he will let other people get Serena from him. Ngayon na wala nang hadlang sa kanya, wala nang pipigil sa kanya para sa mga plano. He will get Serena back and if someone stops him from achieving that, they will face his wrath. Umalis si Kevin sa harapan ni Helios at ngayon nga ay pauwi na noong tawagan siya ni Nathan. Ano ang kailangan nito sa kanya ngayon? “What for?”“Hindi mo ba alam na may dalang pagkain si Serena? I think this is your lunch but since you left with her, the foods were left untouched in my microwave. What should I do with these foods? Should I throw this? O kung gusto mo, kami na lang ni Raysen ang kakain ng pagkain na dala niya para sa 'yo kasi—”“Do that and I'
HINDI na pumasok sa company si Kevin at nagkita sila ni Chlyrus. Pinuntahan niya ito sa HQ at dire-diretso naman siyang nakapasok doon. Kevin found Chlyrus arranging some of his documents. Noong makita siya ni Chlyrus ay tumango ito sa direksyon niya. Umupo si Kevin sa bakanteng sofa na nasa loob ng office nito. Pagkatapos mag-ayos ni Chlyrus, nagsalita ito. “So why are you here?”“…I broke up with Ashianna.”Natigilan si Chlyrus at napatitig ito kay Kevin. Sa huli, wala itong nagawa kundi ang bumuntong hininga. “She didn't take the break up well that's why you're here?” tanong nito. Tumango si Kevin. Parang naglalaro si Kevin bilang double agent dahil pumayag siya na maging boyfriend ni Ashianna dahil may gusto itong paghigantihan. Walang alam si Ashianna na kaya pumayag si Kevin ay dahil iyon ang gusto ni Chlyrus. When Ashianna approached Kevin, Chlyrus was already aware of it and Chlyrus told Kevin to agree with Ashianna's plan. Naguguluhan man sa koneksyon ni Ashianna at Chlyr
Chapter 37: You won't get to leave hereBECAUSE of a thorough investigation, Hanni found out what caused Yves to forget about her and Yvette. Alam niyang hindi lang dahil sa gamot o drúgs lang ang magiging dahilan noon. At ngayon nga ay nalaman niya na ang totoo! Yves was being mind-controlled! May doktor na nagpapanggap na psychologist at imbes na talk therapy ang ialok kay Yves, pasimple nitong hinihipnotismo si Yves. Magaling ang illegal doctor na iyon dahil may kaugnayan din ang lalaking iyon sa RLS. Dahil hindi ganoon kaimportante ang lalaki kaya nakalusot ito sa imbestigasyon ng HQ. Nahuli na halos lahat ng matataas na opisyal ng RLS at puro underlings na lang ang pagala-gala sa kung saan-saang bansa na nagtatago pa rin sa HQ. Hindi akalain ni Hanni na may hindi pa nahuhuli ang HQ at ngayon ay naghahasik ng lagim pa rin dito sa Pilipinas! That person is gifted in terms of psychological warfare. He could hypnotize people just with his words. Samahan mo pa ng mga drúgs na gali
Chapter 36: You need to get rid of her! “ALAM mong ako lang dapat ang asawa ni Yves! Hindi pwedeng sa iba ang mapupunta sa pwesto ko! Ang tagal kong hinintay na makasama siya at hindi ako papayag na may iba lang na kukuha n'on! I'm his wife! I don't like that there's someone out there that could ruin my life!”Pabalik-balik ang lakad ni Samantha habang nag-ra-rant ito. Hindi nakuntento ay kinuha nito sa clutch bag ang kaha ng sigarilyo, nagsindi at agad na humithit doon. Makailang ulit na ginawa iyon ng babae para mabawasan ang inis na nadarama. Kung makikita lang ni Yves ang ayos ni Samantha, magugulat ito sa makikita. Gone were the innocent Samantha that Yves knew. Samantha right there is wearing a flimsy dress while her stilettos were clicking on the marble floor while she's facing back and forth. Mabuti na lang at wala roon si Yves dahil malamang ay hindi nito makikilala ang babae na kinikilala nitong mahinhin at hindi makabasag pinggan. “Miguel, do something about it! If you
Chapter 35: Remember, Yves, she hurt SamanthaYVES was wide awake while staring at the ceiling. Ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya.Naalala niya ang mukha ni Hanni kanina - bakas ang pagsuko sa mukha nito. Sa mga sinabi niya ay sigurado siyang nasaktan ito. Lalo na noong akusahan niya ito bilang kriminal. Ngunit kahit mabigat ang loob, ang nasa isip ni Yves ay totoo naman ang sinabi niya. From the investigation he got from the private investigator that he hired, Hanni is a paid killer. She killed the person she was tasked to kill for. There's also a surveillance video that was given to him and he saw that Hanni really killed someone. Hindi man lang makitaan ng pagsisisi sa mukha si Hanni at imbes, paulit-ulit ang ginawa nitong pagbaril sa taong kaharap nito. Yves would be honest, he felt afraid when he saw that video. Hindi niya maipagkapareho ang Hanni na humaharap sa kanya sa Hanni na nakita niya sa video. …She's like a reaper sent down to hunt those peopl
Chapter 34: I won't choose someone like you“WHAT do you mean by that?” Malamig ang boses ni Yves noong nagtanong siya. “Kahit litrato ba, kaya nilang mag-provide para mapatunayan na asawa ka talaga ng babaeng iyon? Ako, Yves, I can prove you the truth. I have tons of pictures, videos, and even documents that say you're my husband. Pero alam mo, nakakapagod palang ipamukha sa 'yo ang totoo kasi kahit yata ibigay ko sa 'yo iyon at ipakita, mas pipiliin mo pa ring maniwala sa ibang tao kahit ilang ulit na akong nagsasabi ng totoo sa 'yo. Para na akong sirang plaka rito pero ikaw, ayaw mong paniwalaan ako. Dahil ba hindi mo ako maalala?”Tulad kanina, hindi na naman nakahanap si Yves ng magiging sagot sa maaanghang na salita ni Hanni. Sandali siyang nakaramdam ng pagkalito. Saka niya naisip na tama naman ang sinabi nito. Wala silang wedding photo ni Samantha. Kahit ang mga iilang photo albums na mayroon sa bahay ay limitado at wala siya sa mga iyon. Tanging si Yael lang ang nasa mga li
Chapter 33: Where did you get that photo? HINATID muli ni Yves si Yael sa kindergarten at maaga muli silang nakarating doon, mga kalahating oras pa bago magsimula ang klase ng mga bata. Umupo si Yves kasama si Yael sa may bench na ginawa para mga batang gustong magpahinga pagkatapos nilang mag-playtime. Yves even saw some people with their children like him leading them inside the kindergarten premises. “Dad, I have some friends now. But you know, Yvette still doesn't want to talk to me. I wonder why. I tried to tell her that I'm willing to share you with her but she cried after I said that. Then the teacher thought I was bullying her. I felt bad again,” marahang sumbong ni Yael sa kanya. Yves lightly tapped Yael's head. “You did good. But don't push it if she doesn't want to be friends with you. It all depends on fate, hmm?”Tumango si Yael at nilabas na lang nito ang stress ball na nasa small bag nito. Yael played quietly while Yves is observing the whole place. Mayamaya lang di
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag
Chapter 31: She's your wife“THERE'S something sketchy about Yves' pretend wife.”Hanni was with Serena and Kevin once again. Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil pakiramdam niya masu-suffocate siya sa bahay na walang kasama. Nababaliw siya sa tahimik na paligid at para malibang, dito siya sa bahay ng dalawa. Mabuti na lang din at accomodating sila Serena at Kevin dahil kahit paano, nalilibang siya. Mula sa pag-aayos ng bulaklak na pinitas nila ni Serena sa garden nito, nag-angat ng tingin si Hanni sa ginagawa at nalipat ang atensyon kay Kevin na nagsalita. Binaba niya ang mga tangkay ng rose na nalinis na at natuon ang buong atensyon dito. “Anong ibig mong sabihin, Kevin? May problema ba sa kanya?”Umupo si Kevin sa bakanteng upuan at saka tinuloy ang sasabihin nito. “I found out that she's been close to Yves' father. Siya ang matagal nang pinagkakasundo ni Don Juan kay Yves at nang mawala si Yves, lumitaw si Samantha Mirabeles sa tabi ni Yves.”“Ibig mong sabihin, kasabwat siya ng
Chapter 30: Meds are running low“PAUBOS NA ang medicines ni Yves.” Binuhat ni Samantha ang canister ng gamot na binibigay nila kay Yves at nang itaas niya iyon, nakita niya ang anino ng iilang pirasong gamot. Tatlo na lang ang naroon. Ibig sabihin noon ay tatlong araw na lang makakainom ng gamot si Yves at sa mga susunod na araw ay wala na siyang maibibigay rito. Hindi maaaring ganoon ang mangyari dahil magkakandaletse-letse ang lahat oras na hindi na nila kontrolado ang lahat. Hindi pwedeng makaalala si Yves. Oras na ganoon ang mangyari, saan sila ni Yael pupulutin? Maganda na ang kalagayan nilang mag-ina sa piling ni Yves at hindi hahayaan ni Samantha na maalis pa sila roon. Kung kinakailangan na habambuhay si Yves uminom ng gamot na ito, ganoon ang gagawin ni Samantha. Sa kanya lang si Yves. Asawa niya ito at ama ni Yael, wala nang iba. “What? He ran out of meds again? Kahihingi mo lang sa akin ng rasyon ng gamot noong nakaraang dalawang linggo, Sam.”Samantha gritted her tee
Chapter 29: You're stupid so I hate you! DUMATING din si Yves at Yael sa kindergarten school at mabuti na lang may twenty minutes pa bago magsimula ang klase nila Yael. Nag-stay doon si Yves para samahan sandali si Yael. Masayang nagkukwentuhan si Yael at Yves nang nakita ni Yves na may pumaradang sasakyan. Bumaba roon ang batang babae na pamilyar sa kanya.Si Yvette iyon at may lalaking bumuhat dito. Kumunot ang noo ni Yves sa nakita. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nang makita ito, mabigat na kaagad ang loob ni Yves sa lalaking ito. “Is that Yvette's father, Daddy? Then I don't have to share you with her?” nagtatakang ani Yael. Hindi nakapagsalita si Yves dahil ang mga mata niya ay nakapako rin pa rin kay Yvette na buhat ng lalaki. Naka-shades ito at may suot na windbreaker. Mukhang mayabang, tss. Tingin ni Yves ay kasingtakad niya rin ang lalaki.Nairita si Yves sa lalaki at hindi niya malaman kung gusto niya bang puntahan si Yvette at agawin ito sa lalaking may karga dito.