1/2 thanks sa comments sa previous chapters. it made me inspired na magsulat hahaha kaso may sinusundan akong sched since I'm also doing school stuff. so here's the update for this morning. The other one will be in the afternoon pa. Thank you for reading!!! —Twinkle ×
SERENA filed for a three day leave and Nathan approved it since she was reporting to him exclusively as she is his secretary. Iyon din ang gusto ni Helios, ang hindi muna siya pumasok dahil nagawa niyang makapanakit ng tao na hindi niya sinasadya. Whenever Serena is really mad, she can hurt anyone without batting an eye. Wala siyang kinikilala at naranasan iyon mismo ng mga taong pinagbantaan ang buhay ni Catherine dati. She almost killed those people but when she was awakened from her madness, she regretted what she did. Helios witnessed that so he knew her condition. Para ipahinga ang sarili sa mga nangyari, hindi muna pumasok si Serena. She spends time playing with Catherine as the little girl misses her. Si Helios ay kasama si Hezekiah na nagtatanim ng mga gulay sa gilid ng bahay dahil iyon ang hilig ng dalawa. Nakikipaglaro si Serena kay Catherine ng peek-a-boo nang tumunog ang smart watch na nakakabit sa palapulsuhan niya. There's an incoming call from Chlyrus. Dahil hindi ni
NANG na-realize ni Serena na parang mali ang naging tanong niya sa anak, agad niya sana na babawiin iyon. “Hayaan mo na—”But Chiles already opened his mouth to answer her. “Tita Ash is nice but you're Mama. I don't need to choose between you and her because it's always you, Mama! You're my Mama, my super girl!”Unti-unting gumapang ang ngiti sa labi ni Serena. “Oh, ang sweet ng babay ko. Kahit na matagal akong nawala sa tabi mo, anak?”“But you're busy that's why. I understand you, Mama. Tito Chlyrus already explained it to me. Sabi niya you're busy saving people so I need to understand you. It's okay, Mama. Dada is good to me and he's taking care of me.”Paulit-ulit na hinaplos ni Serena ang buhok ni Chiles at sinuklay iyon. “Thank you for understanding me, Chiles. Mama loves you so much. I really really do.”Niyakap niyang muli ang anak at hinalikàn ang noo nito. ISANG buong araw ang ginugol ni Serena na kasama si Chiles at noong iuuwi na ito ni Chlyrus, halos ayaw ibigay ni Seren
PINAPASOK sila ni Don Constantine sa loob ng mansyon at agad halata na hindi ito makapaghintay sa mga isisiwalat na kwento ni Serena. Don Constantine lightly welcomed Helios and his people but he didn't put his attention on them. Kay Serena ang atensyon nito. Inaya agad ni Don Constantine sa study area si Serena at sumunod din ang mga anak nito na tiyuhin ni Serena. “Cinder, tell us what you know.”Bakas ang kaseryosohan sa mukha ng lolo ni Serena kaya doon na rin ni Serena sinumulan na sabihin ang kaunting nalalaman. “Lolo, you and the people in the HQ are aware that the Alejandro Clan has ties with people who do illegal businessess, right? Alam n'yo rin na myembro ng RLS ang Alejandro Clan pero sila lang ang kilala habang tago at lihim ang mga pamilya at member ng RLS. Kaya sobra kayong disappointed nang magpakasal si Mama kay Zacarias na ama ko dahil siya ang tagapagmana ng Alejandro Clan, tama ba? My Mom was an ace agent in her time, tama po ba ako? Kaya tinakwil ninyo siya dah
MATAPOS ang halos dalawang oras na pananatili nila sa study room, lumabas din sila. Agad na sumunod kay Don Constantine si Cyrus kaya nawala na ito habang ang dalawang tiyuhin ni Serena ay kasabay nila na lumabas ng kwarto. Nakaalalay si Serena sa lolo niya at ngayon ay gusto na nitong makilala si Helios. Halata na may reservations pa rin ang matanda kay Helios at kahit na nasabi na ni Serena na mabait at mabuting tao si Helios, parang pangit pa rin ang impression ng Lolo niya sa lalaki. “Did he really treat you well when you're in Spain? Hindi ka niya pinagbuhatan ng kamay o kaya naman ay pinagtangkaan ng kung ano?”Agad na umiling si Serena. “Lolo, mabait siya sa akin. Maswerte na lang talaga ako na siya ang future leader sana ng RLS dahil mabuti siyang tao. Kung katulad siya ng ama niya, miserable siguro ako.”Don Constantine snorted but didn't say a word. Tumuloy sila sa malawak na living room kung saan naghihintay si Helios at Hezekiah na buhat-buhat si Catherine. Nang makita n
HINDI makapaniwala si Serena na narito si Kevin kaya hanggang ngayon yata kahit halos kalahating oras na ang nakakaraan mula noong dumating ito rito sa Ancestral Home ng mga Fuentes ay tulala pa rin siya. From what she heard, Kevin was invited to go here by her grandfather. Bitbit ni Kevin si Chiles at wala itong ideya na naroon na pala siya nakatira. She wanted to go to Kevin but right now, she doesn't have the confidence to talk to him. Iniisip niya na baka kung kausapin niya ito, tanggihan na naman siya ni Kevin. May hiya pa rin naman siya at ayaw niyang ipakita sa pamilya na sungitan siya ni Kevin dahil baka ang mangyari, sumama ang impression nila kay Kevin. Ayaw niya na ganoon ang mangyari. The Fuentes Residence hosted an intimate get together and almost all of her family were there. Even Chlyrus is present. Dahil bagong kilala pa lang ni Catherine ang mga taong nakikita nito, sa kanya nakakapit ang bata. Si Chiles din ay nakadikit kay Serena at hindi nito alintana na sinusung
“ANO iyon, ha? Ganoon ba makipag-usap sa'yo iyong lalaking iyon tapos ikaw hinahayaan mo lang? Serena naman, huwag mong ibaba ang sarili mo dahil lang gusto mong bumawi sa mga nagawa mo. Yes, you love him so much but that doesn't give him the license to say those things to you! Kung may dapat mang mahiya rito, siya iyon. Kung alam niya lang sakripisyo mo para sa lahat ng mahal mo — lalo na para sa kapakanan nila ng anak mo, malamang hindi na niya kakayanin na humarap pa sa 'yo.”Dinala si Serena ni Helios sa music room na pinakamalapit na kwarto dahil doon bakante saka ito nagsalita sa harap niya; pinagagalitan siya. “I-I understand him, Helios. Galit siya kaya niya nasabi iyon.”“Yeah, I know he's hurt but doesn't mean he's going to act like an àss towards you. Siya lang ba ang nasaktan? Heck, nakita ko kung paano ka naghirap para lang makabalik dito and instead of being thankful that you're back, he's mad at you? Goddammit, Reen. I fúcking wanna smash his face right now!”“Helios, a
“AWW, Serena! Can you please be a little more gentle?!” asik ni Helios habang dinidikitan ni Serena ng pain relief patch ang likod nito. Nirolyo ni Serena ang mga mata dahil ang arte-arte nito habang si Hezekiah ay tahimik lang na inaasikaso ang sarili. Mas malala pa nga ang mga tama ni Hezekiah dahil may daplis ito ng mga tama ng kutsilyo samantalang 'to si Helios ay hindi naman ganoon kalala ang bugbog sa katawan nito. Helios and Hezekiah already started their training in HQ. Sa martial arts napunta si Helios habang si Hezekiah, dahil alam na nito ang mga iyon, napunta ito sa training ng paghawak ng iba't-ibang weapons. Maraming alam si Hezekiah dahil nga shadow guard ito ni Helios ngunit iba pa rin ang intensive training na ginagawa ng HQ. Narito ang dalawa ngayon sa ancestral home ng mga Fuentes dahil dinalaw muli ni Helios at Hezekiah si Catherine. “You're being dramatic, Hel. Dinikit ko lang ang patch. Tiningnan mo ba ang sugat ni Hel sa braso at binti? Kung tutuusin, mas mas
BUMALIK na rin si Serena sa trabaho dahil hinahanap na rin siya ni Nathan. Wala naman gaanong ganap sa buhay niya sa ancestral home dahil nauubos ang oras ng pamilya lalo na ang lolo niya sa pag-aasikaso para sa kanyang ina. Gusto ni Don Constantine na maiuwi sa Pilipinas ang anak kasama ang asawa nitong si Zacarias at dito na lang sa Pilipinas poprotektahan. Nakikipag-ugnayan pa rin sila sa FBI.Si Chiles ay kasama pa rin ni Serena at kapag wala siyang ginagawa, sa anak niya binubuhos ang oras. Hindi naman ito naghahanap sa ama nitong si Kevin na sobrang pinagtataka ni Serena. She even asked him if he knew where his father was but Chiles just smiled at her. Napailing si Serena para hatakin ang sarili mula sa malalim na lag-iisip dahil nasa SGC na siya. Dahil secretary na ni Nathan, may company ID na siya at tinapat niya iyon sa ID checker. Tumunog naman iyon, hudyat na pwede na siyang makapasok. Pagtuntong niya sa floor kung saan nagtatrabaho si Nathan, agad siyang na-notify ng isa
Nang marinig ni Chester ang iyak ng ina niya, mas lalo siyang nagwala. Tinulak niya ito at sumigaw, “Bakit ka umiiyak?! Sino nagsabing wala na akong silbi?! Tumawag ka ng mga babae! Patutunayan ko sa inyong lahat na hindi ako inutil! Hahaha! Hindi ako inutil!”Halos matumba ang ina sa pagkakatulak. Pagkatayo niya, di na siya muling umiyak. Alam niyang mas lalo lang magagalit si Chester.Mayamaya, napansin ni Chester si Paris na nagtatago sa likod ng mga tao at ayaw lumapit.Bigla siyang sumigaw. “Paris! Lumapit ka rito! Bilis!”Nang marinig ang pangalan niya, halos manginig si Paris… Parang demonyo si Chester! Lahat ng lumapit sa kanya, parang kinakain ng buo!Pero wala siyang magawa… Andami ng matatandang miyembro ng pamilya Beltran sa paligid. Kahit kunwari lang, kailangan niyang lumapit.Kaya pinisil niya ang sarili niya nang malakas para lumabas ang luha, at lumapit sa kama habang umiiyak: “Bakit ganito ang nangyari… Bakit ganito… Master Chester, masakit ba…?”Pero imbes na maawa,
Chapter 68ISANG bungkos ng mga gulay na mukhang walang lasa ang nakahain sa tanghalian. Pagkakita pa lang ni Chastain, parang sumakit agad ang tiyan niya at nawalan siya ng gana.Si Patricia naman, kalmado lang sa pagkain. Alam niya kasing ang may-ari ng karinderyang ito ay mahilig magdagdag ng tubig habang nagluluto at matipid sa mantika, kaya ang “ginisa” ay parang pinakuluan lang.Ganito rin talaga ang kain niya dahil iniisip pa rin niyang magpapayat, at sinabihan din siya ng doktor na iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain. Mas okay na raw ang mga masustansyang gulay.Pero si Chastain ay normal na tao! Paano naman siya gaganahang kumain ng ganitong luto na parang nilaga lang? Kaya dalawang subo lang ng kanin ang nakain niya, sumuko na agad.Nakita ni Patricia ang itsura niyang parang mamamatay na sa gutom, kaya napabuntong-hininga ito at itinuro ang kabinet sa kusina gamit ang kanyang kutsara. “Naalala ko may bote ng chili oil d'yan. Kung sobrang wala talagang lasa sa'yo,
Sa wakas, luminga-linga si Chastain at tumigil ang tingin niya kay Patricia. “Kahit na parang ordinaryo at hindi kapansin-pansin ka sa paningin ng iba, para sa ’kin isa kang interesting na tao. Kaya handa akong maglaan ng oras para maging kaibigan ka. Kung tutulong ka man sa’kin sa hinaharap, nasa ‘yo na ‘yon.”Medyo natulala si Patricia.Ang salitang “kaibigan” ay parang isang luho para sa kanya. Ang buong buhay niya dati ay punong-puno ng mga taong minamaliit siya at gustong yurakan ang pagkatao niya.Ngayon lang siya nagsimulang magkaroon ng mga totoong kaibigan. Pero hindi rin siya sigurado kung totoo bang mabait sila sa kanya, o ginagamit lang siya para sa pansariling interes.Pero si Chastain yata ang unang nagsabi na gusto siyang maging kaibigan.Habang tulala pa si Patricia, hinawakan ni Chastain ang braso ni Patrick at binuhat ito sa likod niya. “Patricia, wag mo nang gawing komplikado pa ang pag-iisip sa’kin. Oo, may ambisyon ako, pero hindi ibig sabihin gusto kong agawin an
Chapter 67NGUMITI si Chastain ng bahagya. "Wala akong pakialam kung anong gulo meron kayo ng pamilya Alejandro. Basta, wala kang karapatan dito. Kung aalis ka, umalis ka na agad para hindi ka nakakaabala. Habang wala si Daemon, ako ang magpoprotekta sa babaeng 'to."Napakagat ng labi si Carmina sa inis, tinitigan si Chastain nang masama, at sa huli, napasipa siya sa lupa: "Hindi ko kalilimutan 'to!"Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa kanyang Maybach...Ang dalawa niyang tauhan ay napabagsak na ni Chastain, hindi man lang nakaporma o nakapalag.Sa huli, umalis si Carmina na halos nakakahiya, iniwan ang alikabok habang papalayo ang Maybach. Nakatingin pa rin si Patricia sa direksyong nilisan nito, tila tulala pa rin.Kahit na hindi talaga kaaya-aya si Carmina, totoo pa rin ang mga sinabi niya. Para bang tinamaan si Patricia sa pinakasensitibong parte ng damdamin niya.Tama... parang naging pabigat na lang talaga siya kay Daemon...Habang nag-iisip pa siya, bigla siyang t
Tahimik lang si Patricia, kagat labi. Paano niya malalaman?“Dahil hindi mo alam kung nasaan ka, at hindi mo alam ang lugar mo!” Sobrang linaw at diin ng bawat salitang binitiwan ng babae, parang gusto siyang durugin sa salita pa lang!Pero hindi umiwas ng tingin si Patricia, kalmado siyang tumingin pabalik: “sa labindalawang taon ng buhay ko, sobra na akong naging mabait. Ngayon naman, gusto ko na lang piliin sarili ko, hindi ba pwede iyon?”SLAP! Isa pang sampal mula sa kabila! Lalong naging matalim ang mga mata ng babae. “Akala mo ba may karapatan kang magsalita ng ganyan sa harap ko?!”Na-off guard si Patricia at nasampal ulit. Nainis na siya bigla. Ang babaeng ‘to bigla na lang sumulpot na parang baliw tapos nanampal pa nang walang dahilan. Pero alam ni Patricia na malakas ang koneksyon ng babaeng ‘to kaya pinilit na lang niyang pigilan ang inis niya, “Hindi ko alam kung sino ka, at hindi ko rin alam kung anong nagawa ko sa’yo, pero pwede bang kahit konti lang, igalang mo naman
Chapter 66HALATANG nabigla ang doktor sa sinabi ni Daemon, pero mabilis din nitong inayos ang sarili, hinila ang kwelyo ng kanyang polo at kalmadong nagsalita, “Walang magiging problema. Pwede mo na siyang iuwi bukas para makapagpahinga. Iwasan lang ang mga bawal kainin at uminom ng gamot sa tamang oras.”Hindi na nagsalita pa si Daemon sa doktor, tumingin na lang siya kay Patricia. “Sundin mo lang sinabi ng doktor. Gusto mo bang ma-ospital ka ulit?”Tahimik lang si Patricia… Bakit parang sinasabi ni Daemon na gusto pa niya mapunta sa ospital?Hinawakan ni Daemon ang ulo niya, parang pagod na pagod. “Hindi ko naman kayang bantayan ka palagi, kaya sana huwag ka nang gumawa ng kalokohan.”Napailing lang si Patricia sabay labas ng dila… Concern ba ‘to o pananakot?Pero sa huli, binawi ni Daemon ang kamay niya at tiningnan siya. “Pumasok ka na at magpahinga nang maaga.”Tumigil muna si Patricia, tapos tumango, “Sige.”Sa totoo lang, halata sa mga mata ni Daemon na parang ayaw pa niyang u
Minsan, ni si Daemon mismo, hindi na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi, o kung sino ba talaga siya.Masyado nang komplikado ang mundo niya para unawain. Kahit ilang palapag lang ang inakyat nila, parang ang tagal nilang naglakad.Pagdating nila sa pinto, kinuha ni Patricia ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto. Madilim sa loob, at tulog na ang tatay niya.Pagkalabas ni Patricia mula ospital, tinawagan niya ang tatay niya para sabihing may dinner siyang pupuntahan at huwag na siyang hintayin sa ospital—umuwi na lang at magpahinga.Tahimik siyang pumasok para 'di magising ang tatay niya. Pero nakita niyang natutulog pa rin ito sa reclining chair sa sala. Maayos ang bahay, malinis.Napansin din 'yon ni Daemon kaya medyo kumunot ang noo niya.Naalala niya nung pumunta siya sa ospital para bisitahin si Patricia. Pagkatapos no’n, nagdesisyon siyang huwag guluhin ang normal na buhay nito kaya pumayag muna siya sa alok ni Chastain—pansamantalang pakikisama para mapakalma si Mr.
Chapter 65HINDI talaga inakala ni Patricia na dadalhin siya ni Daemon dito… Diba sa mga nobela at palabas sa TV, dapat ang mga eksena ay sa magagandang lugar, may romantic setup, at maraming nakakakilig na linya?O kaya naman ay sa isang private na lugar kung saan madalas pumunta ang bida, tapos doon niya ibabahagi ang mga sikreto niya sa babae…Pero kabaligtaran ang ginawa ni Daemon.Dinala siya sa pinaka-pamilyar niyang lugar. Inisip pa nga niya na ihahatid lang siya nito pauwi sa apartment at aalis na. Pero kung iisipin, pinaalala ni Zaldy na kailangan siyang ibalik sa ospital… baka naman hindi niya nakalimutan, ‘no?Hindi bumaba ng kotse si Patricia, tumingin lang siya kay Daemon na parang nagtatanong gamit ang kanyang mga mata.Hindi rin bumaba si Daemon. Kinuha lang niya ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Tumingin siya sa mga gusaling naaninag lang sa dilim. Ang dim na ilaw ng streetlamp ay tumama sa mukha niya, at doon nakita ang lungkot at parang pagod na pagod siyang tao…
Napansin ni Patricia na nakatitig sa kanya si Daemon habang wala sa sarili, kaya umiwas siya ng tingin, medyo nahihiya. Tapos, mahina niyang tinanong, halos hindi niya na marinig ang sarili niya, “Ahm… okay lang ba talaga ‘yung sagot-sagot mo sa lolo mo?”Ngumiti si Daemon, “Ano sa tingin mo?”Hindi nakaimik si Patricia. Habang tinitingnan ang ngiti ni Daemon, pakiramdam niya mas lalong may masamang mangyayari kapag kinontra mo siya.Alam ni Daemon na wala siyang maisasagot, kaya tinaasan niya ng balikat. “Wala ka rin namang magagawa sa mga ‘to. Mas mabuti pa, magpalit ka muna ng damit.”Nang marinig niya ‘yun, doon lang niya naramdaman na nilalamig pala siya. Napahatsing siya bigla.Tumawag si Daemon at pumasok si Zaldy. Pagkakita niya kay Patricia na parang basang sisiw at kay Daemon na mukhang pagod na pagod, nagulat siya. “Wala ba talagang nangyari sa inyo?”Tumawa si Daemon. “Ano sa tingin mo dapat ang nangyari?”Agad na iniba ni Zaldy ang ekspresyon niya, tapos ngumiti ng parang