NAKAUWI na si Cinder mula sa banquet at dahil alam naman na ni Kevin ang itsura niya, she didn't bother to hide from him. Bihis lalaki siya nang umuwi at nakasakay pa nga sa motor. Before she got home, nag-warn pa si Gideon sa kanya na huwag na huwag mapapalapit kay Kevin. Hindi niya sinabi sa pinsan na sa sobrang paglapit nga ni Kevin sa kanya, ayun, naghálikan na sila. If she did that, ibibitin siya ni Gideon patiwarik. Bumukas ang automatic gate dahil kilala na ng system ang sasakyan niyang motor dahil sa electronic sticker sa gilid. She parked the motor in front of the house and got out of the motorcycle. Sinubukan niyang buksan ang pinto at hindi iyon naka-lock, noong makapasok, bukas ang ilaw at nabungaran niya agad si Kevin na naka-cross arms at mukhang naghihintay nga sa kanya. Pero bakit nauna pa ito sa kanya? Pareho silang nasa party, 'di ba? Ang bilis naman nito makauwi? Napalunok si Cinder at parang may ginawang kasalanan kahit wala naman. “Ah, hi, Kevin.”“It's good th
LITONG-LITO ang ekspresyon ni Cinder at hindi nito alam ang sasabihin kaya ang ginawa ni Kevin ay humarang sa gitna ni Yves at Cinder. Tinago niya sa likod si Cinder at saka nakipagtitigan kay Yves. “Don't bombard her with questions, please,” mariin na ani Kevin. “B-But, what about Hanni—”Lumapit si Nathan kay Yves at inakbayan ang lalaki para ayain na umupong muli. Si Raysen naman, nakatitig pa rin kay Cinder kahit na nasa likod ito ni Kevin. Ang ginawa ni Kevin ay para hindi magulat si Cinder, inakay niya ang babae patungo sa private room niya na nasa loob ng opisina. Nang makapasok sila roon, hinarap ni Cinder si Kevin. “Sino sila? Bakit ganoon sila sa akin? Kilala rin ba sila ng asawa mo at napagkamalan nilang ako siya? I told you, I'm not her, Kevin.”Instead of proving his point to her, Kevin just caressed Cinder's hair. Tumingin naman sa kanya ang babae at nagbigay si Kevin dito ng maliit na ngiti. “I'll talk to them. Just stay here for a while, hmm?”Tumango naman si Cin
BUSY si Chlyrus na nagbabasa-basa ng mga nabinbin na papeles mula pa noong nakaraang linggo. Kabilang doon ang proposal ng expansion ng HQ at iba pang importeng bagay na siya talaga ang kailangang tumingin.Isa pang sakit ng ulo niya ay ang pagbe-babysit niya sa mga pamangkin. Not that he didn't like them. Ang pagrereklamo niya ay para sa mga trabaho na hindi niya matapos-tapos. Wala namang ibang sasalo ng gawain niya dahil ang mga kapatid niya at pinsan, agent naturingan ay walang pakialam sa pagma-manage ng HQ. Siya tuloy ang sumasalo sa trabahong pinamana ng ama.Nagbabasa-basa si Chlyrus nang makatanggap ng tawag mula sa ina. May special notification ito kaya alam niya kaagad kung dadamputin ang cellphone o hindi. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nag-swipe pasagot sa tawag. “Hello, Mom?”[“Chlyrus Nolan, Chiles is crying nonstop. Could you please get home fast? I don't know what to do anymore. Kahit si Cyrus na tatay mo ay hindi mapatahan ang apo.”]Hinilot uli ni Chlyrus
PILIT inaagaw ni Chiles ang cellphone kay Chlyrus kaya ang ginawa ng binata, tumayo para makausap si Zephyr. Humahabol naman si Chiles dahil nasa cellphone ng tito ang picture ni Kevin. Para malibang ang bata, kinuha ito ng mag-asawa at inakyat sa itaas. “Dada!” palahaw pa ni Chiles kaya mas lumayo si Chlyrus. Nang hindi na rinig si Chiles, saka siya muling humarap kay Zephyr. [“Sinong tinatawag ni Chiles na Dada? May pumoporma ba kay Cinder at nanliligaw tapos iniisip ni Chiles na tatay niya 'yon?”]Chlyrus snorted. “Do you think Cinder could have suitors when she's with us?”Tumango-tango si Zephyr. [“Then that's good. Malapit na akong bumalik, Chlyrus. Maayos ba si Cinder sa inyo? How's she? Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko kaya sa 'yo ako tumawag.”]“She's on a mission that's why. May limitasyon ang paggamit ng cellphone kapag nasa trabaho, Zephyr.”[“Yea, I know. But I kinda think that she's avoiding me. Do you know the reason, Chlyrus?”]“No.”Kahit na alam ni Chlyrus
“PASENSYA na pero hindi ko talaga kilala ang sinasabi mong Hanni. And I'm not Serena. Cinder ang pangalan ko. Pakitandaan sana 'yan.”Iyon ang sinabi ni Cinder kay Yves. Pumayag siyang makipag-usap dito noong makita na parang kailangan talaga nito ng kausap. Ayaw pumayag ng mga bodyguards na kausapin niya si Yves ngunit sinabi niya na kaibigan ito ni Kevin at mukhang mapapagkatiwalaan naman. Pinauwi niya ang mga bodyguards dala ang mga pinamili niya at sinabi na sunduin na lang siya sa oras na bibigay niya. Ayaw muli nilang pumayag ngunit noong pakitaan ni Cinder na kaya niyang patiklupin ang tatlo, naniwala na sila na kaya niyang protektahan ang sarili. Noong makaalis sila ay pumasok muli si Cinder at Yves sa mall at sa first floor kung saan malapit ang entrance, doon sila umupo at nag-usap. Nagkwento si Yves tungkol sa almost girlfriend nitong si Hanni na tatlong taon nang nawawala kasabay ng ex-wife ni Kevin na si Serena. Yves believes that she's Serena hence the conversation r
MABILIS na binaba ni Cinder ang cellphone, pinasok iyon sa bulsa bago siya patalon na bumaba sa big bike. Maging si Hyan, sinipa ang stand ng motor para Mag-stand iyon at bumaba rin. Nasa harapan nila ngayon si Agent Eros but the real name is Chlymate, and Agent Thanatos also known as Chrysalis. Ang dalawang lalaki ay kapatid ni Chlyrus. “Cinder! We missed you so much, Princess!” bumaba ang dalawa sa kanya-kanyang motor at hinubad ang helmet. Pagkatapos noon ay niyakap nila ang pinsan na si Cinder. Tinapik naman nila sa balikat si Hyan bilang pagbati. “Bakit kayo humarang sa daan? Hindi n'yo ba alam na muntik na akong hindi makapagpreno? Paano kung bumunggo ako sa inyo?” reklamo ni Hyan. “Nah, in the end, hindi ka naman bumunggo so it's okay, Hyacinth,” ani Eros. Inirapan ito ni Hyan at naglakad papunta sa motor nito. Humarap namang muli ang dalawa kay Cinder at nagtanong. “Are you going to Kuya's house? It's a coincidence na doon din kami papunta. Tara, Cinder? Sa akin ka na su
HINDI kilala ni Kevin ang dalawa ngunit ramdam niyang ayaw sa kanya dahil sa tinging binibigay sa gawi niya. Umawang ang bibig ni Kevin noong buksan ng isa ang gate at hatakin siya papasok. Ang mga tauhan naman na dala ni Kevin ay nakasunod kay Kevin kaya nakita nila ang nangyari. “Bitiwan mo ang boss namin!” sigaw ng isa sa kanila. Hindi pinagtuonan ng pansin ng dalawang lalaki ang sigaw ng tauhan ni Kevin kaya ang ginawa nila, nagpumilit din pumasok habang hawak ang kani-kanilang baril. Mabuti at wala namang pumipindot ng gatilyo dahil nasa loob pa rin sila ng bakuran ng ibang tao. “You're Kevin? Matagal ka na naming gustong makilala,” pero sa tono naman ng lalaking nagsalita na si Thanatos, ramdam ang pinipigil na galit. Pagkatapos sabihin 'yon, hinarap nito at ng isa pa nitong kasama ang mga tauhan ni Kevin at wala pa sigurong minuto, bagsak ang pitong guards ni Kevin habang ang mga baril nila, nasa gilid. Ngayon, hinarap ng dalawang lalaki si Kevin at ang isa sa kanila, hina
NAKALAYO na si Cinder at Kevin. Pumasok na ang dalawa sa kotse nang lumabas mula sa pinagtataguan si Hyan. Tinanaw niya ang kotse kung saan sakay ang kasamang si Cinder. Noong dumating si Kevin, nanatili si Hyan sa loob ng first floor at binantayan niya lang ang kilos ng lalaki hanggang sa makita nga ito ni Cinder at sumama ang babae rito. Pagkatapos nilang umalis, tinungo ni Hyan si Eros at Thanatos na ngayon ay nagsisikuhan. “Bakit hindi mo pinigil si Cinder? She went with that motherfúcker!” anas ni Than. “Do you think Cinder will like that if we stop her? Alam mong 'pag pinigil siya sa gusto, mas malakas pa ang tantrums niya kesa sa anak niya. Remember when she splashed us with ice water just because we refused to buy her things? She can be a brat sometimes,” naiiling na ani Eros. Kung tutuusin ay kaya naman talaga nilang pigilan si Cinder pero mas takot sila na sumama ang loob nito kaya sa huli, hinayaan na lang nila na sumama ito kay Kevin.Sinilip naman ni Hyan ang mga tao