"Oi, April!" Hindi ko alam na ang aga pala ng lalaking 'to dito sa bahay nila Tyler. "Naks, walang kupas ang iyong ganda." Inakbayan niya ako. Inis ko namang tinangal ang braso niya sa balikat ko. Feeling close lang ang lalaking 'to. "Kilala mo pala kapatid ko?" Sumulpot si Tyler. "Yes, noong 1st year ko pa siya napapansin pero hindi ko malapitan," umiling ito. "Paano mo malalapitan eh loyal 'yan sa boyfriend niya." Umiling din si Tyler. Inirapan ko na lang silang dalawa at pumasok na sa loob. Naiirita lang ako kapag mananatili pa ako doon. "Nasaan pala ang boyfriend mo?" Napairap ako. Hanggang dito ba naman susundan pa rin niya ako. Kahit sinabi niyang kaibigan lang ang habol niyasa akin, hindi ako naniniwala doon. Kabaliktaran ang pinapakita niyang kilos sa mga salita niya. "May dadalohan siyang party mamaya," sagot ko, hindi siya nilingon. "Ah! Doon ba sa
Hindi ako makatulog, hanggang sa nag-umaga na ay iyak pa rin ako nang iyak. May klase kami ngayon pero hindi kami pumasok. Hindi ko alam kung nasaan si Sammuel ngayon, hindi siya umuwi sa apartment namin. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.Namamaga na ang mata ko sa kakaiyak. Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig ni Sammuel kanina. Parang isang kutsilyong bumaon sa puso ko, subrang sakit...Hindi siya naniniwala sa akin... Hindi siya naniniwala sa akin na hindi ako 'yon. Hindi ako nakipagtalik sa iba. Hindi ko nga rin alam kung saan ba galing ang litrato na 'yon. Oo, mukha ko ang nandoon tsaka pareho kami ng damit na sinuot pero alam kung hindi ako 'yon. Hindi ako nakipagtalik sa iba.Hinarass nila ako kagabi... Hinarass ako ng kuya ko. Pinagtulongan nila ako kagabi, kung hindi lang sila pinigilan ni Kristoffer baka ginaha
Dumating ang mga kaibigan ko makaraan nang ilang minuto. Dumiretso kaagad sila sa selda kung saan ako nakakulong.Bumuhos na lang ang luha nilang tatlo nang makita ang kalagayan ko ngayon. I'm hopeless. "Oh, my god, April..." Humagulgol si Vien at pilit na inabot ang kamay ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Nagyakapan kaming apat kahit may barandilyang nakaharang sa aming apat. Sumisikip ang dibdib ko na makitang umiiyak ang mga kaibigan ko."A-Anong nangyari? B-Bakit ka kinulong?" Umiiyak na tanong ni Maika. Paulit ulit akong umiling, "h-hindi ko pinatay si Tyler... Hindi ako ang pumatay sa kaniya," mahigpit akong napahawak sa barandilya at napayuko. "Maniwala kayo sa akin... Maniwala kayo... Hindi ko pinatay ang kuya ko. H-Hindi ko 'yon magagawa.""We believed in you..." Bulong ni Clouie, hinaplos ang mukha ko at marahang inangat para matignan ko sil
Ilang beses na akong nagsulat para kay Sammuel pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikitang dumalaw dito. Sa bawat araw na nagdaan siya lang ang hinihintay kong dumalaw. At kahit hindi siya dumadating palagi pa rin akong nagsusulat ng mensahe. "Sir, baka hindi niya po natanggap," Inis na humarap sa akin ang pulis, kanina ko pa kasi siya tinatanong tungkol doon sa sulat ko. Nag-aalala ako na baka hindi natanggap ni Sammuel 'yon kaya hindi siya bumalik dito. Imposibleng hindi siya babalik kahit sinabi ko nang may anak na kami. "Ang kulit mo rin, natanggap nga niya ang sulat mo." "B-Bakit wala pa siya—" "Aba! Malay ko!" Umalis ang pulis doon, siguro nainis na sa kakatanong ko sa kanya. Napasandal na lang ako sa pader at nasapo ang mukha. Ayaw kong mag overthink dahil nakakasama sa akin pero hindi ko maiwasan. Sa subrang pag-o-overthink ko ay ako lang itong nasasaktan. "April... Ilan
Pakiramdam ko ay malapit na ako sa pinakadulo—kung saan malalagpasan ko na ang problema ko. Sammuel is gone—nawala siya, sumuko siya at iniwan na niya ako but baby Sav came... Dahil kay Baby Sav—dahil sa anak ko. May rason na ako para tumayo sa sarili kong mga paa at harapin ang mga problema ng buong tapang at 'wag sumuko dahil may anak ako. At akala ko ay malalayo ang anak ko sa akin dahil sa krimen na hindi ko naman ginawa. Akala ko matagal ko bago makapiling ang anak ko dahil kailangan ko siyang ipaalaga sa mga kaibigan ko dahil akala ko ibabalik ako sa selda pero... Sa isang iglap, nagbago ang lahat nang 'yon. Inamin ni Kristoffer ang ginawa niya, mabye na guilty siya noong nakita akong buntis at naisip na mali ang ginawa niya. Kung hindi dumating sa buhay ang anak ko ay hindi ito mangyari sa akin. My son Sav— niligtas niya ako mula sa sakit at sa pagkakulong ko. He save me. Tama nga ang doctor na siya ang kukuhanan ko ng lakas para bumangon. Pero hindi naibalik ni Baby Sav a
"Congratulations!" Sinalubong ako ng yakap ng mga kaibigan ko. May dala si Vien na bouquet at binigay niya sa akin. Graduate na ako ngayon sa kolehiyo. Nang mag 2 years old ang anak ko ay nag-aral ako ulit. Si Mama ang nagbabantay sa anak ko tuwing may pasok ako, tuwing sabado at linggo lang ako nakakauwi sa apartment. Sa wakas! Matapos ang ilang taon kong paghihirap ay nakamit ko na rin ang pangarap ko. Ang maging abogado. Mahirap sa umpisa dahil kailangan kong mawalay sa anak ko pero ang hirap na 'yon ay worth it! Graduate na rin sa wakas! Mahirap mawalay sa anak ko dahil nasanay na ako na kasama ang anak ko palagi pero kailangan kong iwan ang anak ko kay Mama at Papa para sa pangarap ko. Ginawa kong inspirasyon ang anak ko, ang magulang ko at ang mga kaibigan ko. Lahat ng paghihirap ko ay masasabi kong worth it! Finally! Abogado na ako! "Oh, my g! Attorney April Hreghen Atienza!" Tumili Clouie at niyakap ako ng mahigpit. Tumawa ako, niyakap ko silang tatlo ng mahigpit pagkat
Pagkatapos kong ni-graduate sa kolehiyo ay naging intern ako sa isang law firm ng tatlong taon hanggang sa naging ganap na abogado ako. Kailangan ko na namang iwan ang anak ko kay Mama o kaya sa mga kaibigan ko para sa trabaho ko. Pumasok ako sa opisina. May isang kliyenteng binigay sa akin na kailangan kong depensahan. Isang babaeng inaabuso ng kanyang asawa at nag demanda ito at ngayon umabot sila sa kurte. Binasa ko ang kaso ng kliyente ko, actually, kahapon ko pa ito binabasa. Kinakabahan lang ako dahil ito ang unang apak ko sa kurte at bilang isang abogado na ngayon at nagd-defend na ako ng mga kliyente ngayon. Mamayang ala una ng hapon ang hearing kaya may time pa ako para basahin ulit ang kaso. Kailangan kong basahin ito ng paulit-ulit. Kahit pa nabasa ko na ito, naninigurado lang.May kumatok sa pintuan ng opisina ko. Nag-angat ako ng tingin at pinanood ang pagpasok ko Shannon, sekretarya ko. "Attorney Atienza, kumain ka na po. Alas dose na po, Attorney," Bumaling ako sa
Kumaway ako sa anak ko bago pumasok sa kotse at pinaharorot na papuntang opisina ko. Sabi ni Shannon may bago raw akong kliyente ngayong araw.Dahil malayo ang eskwelahan ni Sav sa opisina ko sa kanyang Ninang Clouie na siya sumasabay tuwing papasok at uuwi. Gusto kong ihatid ang anak ko sa eskwelahan niya pero dahil tambak ang trabaho at maraming babasahin at aasikasohin ay kailangan kong pumunta ng maaga sa opisina ko. Siguro, sa susunod na araw ko na lang ihahatid ang anak ko kapag hindi na busy.Pagdating ko ay pinarada ko kaagad ang kotse ko at lumabas. Bago pumasok sa building ay may napansin akong bago. Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa isang honda na kotse, luma na ang sasakyan at may mga gasgas pa. Kanino naman itong sasakyan? Ngayon ko lang ito nakita sa parking lot.Ikinibit balikat ko na lang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad. Baka sasakyan 'yon ng kliyente ko.Ngumiti ako sa mga empleyadong nadadaanan ko at bumabati sa mga attorney. Nakakapagtaka, hindi man lang
"Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a
This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu
"Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi
"Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng
Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k
Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto
Ngayon na ang araw na sasabihin ko kay Sammuel tungkol sa anak namin. Ti-next ko sa kanya kung anong room ang papasokan niya mamaya, kahapon pa ako nag book ng room dito sa Grande Hotel. Handa na handa na ako sa pagkikita ng anak ko at ang ama niya. Absent nga ngayon ang anak ko dahil maski siya ay excited na makita ang ama niya. Sinabi ko sa kanya na makikita niya ngayon ang kanyang ama at siya pa ang nagsabing a-absent na muna siya para makita ang kanyang ama. "Nanay, guwapo po ba ako?" Humarap ako sa anak ko, sinusuklay niya ang basa niyang buhok at inaayos niya ang kanyang damit. Napangiti na lang ako at nilapitan ang anak ko at inayos ang buhok niya. "Ang guwapo mo na anak! Kamukhang kamukha mo ang Tatay mo!" Nakangiti kong sinabi. Humarap ang anak ko sa salamin at ngumiti. "Talaga po? Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon, Nanay?" "Syempre naman! Ikaw pumili niyan 'di ba? Bagay na bagay sa'yo! Ang guwapo mo lalo!" Sa subrang excited niya siya na mismo ang pumili ng damit
Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya. "What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant. "Tubig na lang, please..." Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to. Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea. Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter. "Late ba ako?" Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko. Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?" Kung maka April 'to parang close kami, ah. "Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig. Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin. "So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?" "Hindi ang anak ko ang pag-uusa
"At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu